Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
PAGLAPIT KAY KRISTO - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Humingi ng kaalaman

    Maaaring nagugulo ang inyong pag-iisip sa pinagkakakitaan ninyo ng ikabubuhay; mangyayaring untiunting maluoy ang inyong mga pag-asa, at nanganganib na kayo’y malugi; datapuwa’t huwag kayong manglupaypay; ibigay ninyo sa Diyos ang inyong pag-aalaala, at manatili kayong payapa at masaya. Idalangin ninyong magkaroon kayo ng katalinuhan, upang inyong mapangasiwaan ang inyong mga kapakanan na may kaalaman, at sa ganito’y maiiwasan ang pangungulugi at kapahamakan. Gawin ninyo ang lahat ninyong magagawa upang mabuti ang maging bunga. Nangako si Jesus na tutulong, nguni’t hindi hiwalay sa ating sariling pagsisikap. Kung nagawa na ninyo ang lahat ninyong magagawa, pagkatapos na magtiwala sa ating Tagatulong ay tanggapin ninyong may kagalakan ang ibubunga.PK 170.2

    Hindi kalooban ng Diyos na ang Kanyang bayan ay manglupaypay dahil sa pagkabalisa. Nguni’t hindi tayo dinadaya ng ating Panginoon. Hindi Niya sinasa- bi sa atin: “Huwag kayong mangamba; walang panganib sa inyong daan.” Naaalaman Niyang may mga pagsubok at mga panganib, at pawang sa ati’y malinaw Niyang ipinakikilala. Hindi Niya binabalak na alisin ang Kanyang bayan mula sa isang sanlibutang na lulugami sa pagkakasala at kasamaan, datapuwa’t itinuturo Niya sa kanila ang isang kanlungang hindi maiguguho kailan man. Ganito ang Kanyang idinalangin patungkol sa Kanyang mga alagad: “Hindi ko idinalangin na alisin Mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.” “Sa sanlibuta” aniya, “ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob: Aking dinaig ang sanlibutan.” Juan 17:15; 16:33.PK 170.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents