Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

PAGLAPIT KAY KRISTO

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Idinalangin tayo ni jesus

    Ang lahat ng naging katayuan ni Kristo sa unang mga alagad, ay nais Niyang siyang maging katayuan Niya sa mga anak Niya ngayon; sapagka’t doon sa kahuli-hulihang pananalanging kasama ng munting pulutong ng mga alagad na nagkatipon sa palibot Niya ay ganito ang Kanyang sinabi: “Hindi lamang sila ang idinadalangin Ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanilang salita.” Juan 17:20.PK 103.1

    Tayo’y idinalangin ni Jesus, at hiningi Niyang tayo’y makaisa Niya, gaya naman Niyang kaisa ng Ama. Kay inam na pagkakaisa! Tungkol sa Kanyang sarili, ay ganito ang sinabi ng Tagapagligtas: “Hindi makagagawa ang Ama ng anuman sa Kanyang sarili;” “ang Ama na tumatahan sa Akin ay siyang gumagawa ng mga gawa.” Juan 5:19; 14:10. Kaya kung si Kristo ang tumatahan sa ating mga puso, ay gagawa Siya sa atin sa ldquo;pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kaniyang mabuting kalooban.” Filipos 2:13. Tayo’y gagawa na gaya ng paggawa Niya; tayo’y magpapakita ng gayon (ling diwa. Anupa’t sa pag-ibig, at pananatili sa Kanya tayo’y “mangagsisilaki sa lahat ng mga bagay sa Kanya, na Siyang pangulo, samakatuwid baga’y si Kristo.” Efeso 4:15.PK 103.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents