Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Pauwi Na Sa Langit - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kilalanin Ang Katotohanan, Enero 22

    At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. Juan 8:32.PnL

    Ang mga Kasulatan ay hindi dapat basahin sa pamamagitan ng malamlam na liwanag ng tradisyon o haka-haka ng tao. Gayundin maaari tayo sa pagsisikap na magbigay liwanag sa araw sa pamamagitan ng isang sulo sa pagpapaliwanag ng mga Kasulatan sa pamamagitan ng tradisyon at imahinasyon ng tao. Ang banal na salita ng Diyos ay hindi nangangailangan ng ilaw ng sulo na sinag ng sanlibutan upang gawing mas kilala ang kaluwalhatian nito. Ito’y liwanag na sa sarili nito—ang kaluwalhatian ng Diyos ay inihayag, at sa tabi nito’y malabo na ang ibang liwanag.PnL

    Ngunit kailangang magkaroon ng masigasig na pag-aaral at maingat na pagsisiyasat. Ang matalino at malinaw na mga pang-unawa sa katotohanan ay hindi kailanman magiging gantimpala ng isang katamaran. Walang makalupang pagpapala ang maaaring matamo kung walang maalab, matiisin, matiyagang pagsisikap. Kung ang mga tao ay nagkakamit ng tagumpay sa negosyo, dapat mayroon silang layong gumawa at pananampalatayang humanap ng mga resulta. At huwag nating asahang magtatamo tayo ng espirituwal na kaalaman kung walang maningas na pagpapagal. Ang mga nagnanais na makasumpong ng mga kayamanan ng katotohanan ay kailangang maghukay para sa kanila na gaya ng minerong naghuhukay ng kayamanang nakatago sa lupa. Walang malahininga at mapagwalang-bahalang paggawa ang magkapagtatamo. Kailangan para sa matanda at bata, na hindi lang basahin ang salita ng Diyos, kundi pag-aralan ito nang may buong-pusong kataimtiman, na nananalangin, at nagsasaliksik ng katotohanang gaya sa nakatagong kayamanan. Ang mga gumagawa nito’y gagantimpalaan, sapagkat pasisiglahin ni Cristo ang kanilang pang-unawa.PnL

    Ang ating kaligtasan ay nakadepende sa isang kaalaman ng katotohanang nilalaman ng mga Kasulatan. Kalooban ng Diyos na mapasaatin ito. Saliksikin, O saliksikin ang mahalagang Biblia na may gutom na mga puso. Galugarin ang salita ng Diyos na gaya sa paggagalugad ng minero sa lupa upang masumpungan ang mga ugat ng ginto. Huwag titigil sa pagsasaliksik hanggang matiyak ang iyong relasyon sa Diyos at ang Kanyang kalooban tungkol sa iyo. Ipinahayag ni Cristo, “At anumang hingin ninyo sa Aking pangalan ay Aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. Kung kayo’y humihingi ng anuman sa pangalan Ko ay gagawin Ko.” (Juan 14:13, 14.)PnL

    Ang mga taong may kabanalan at talento ay tumatanggap ng mga tanawin ng walang hanggang mga reyalidad, ngunit madalas ay nabibigo sila sa pag-unawa, sapagkat ang mga bagay na nakikita ay natatakpan ng kaluwalhatian ng di-nakikita. Ang mga taong tagumpay na nagsasaliksik para sa mga nakatagong kayamanan ay kailangang bumangon sa mas mataas na mga hangarin kaysa mga bagay ng mundong ito. Ang kanilang mga damdamin at lahat ng kanilang mga kakayahan ay dapat na italaga sa pagsasaliksik. . . .PnL

    Ang mga Kasulatan ay hindi dapat iangkop upang tugunan ang prehuwisyo at paninibugho ng tao. Mauunawaan lang ang mga ito ng mga taong mapagkumbabang maghahanap ng kaalaman sa katotohanan upang ito’y kanilang sundin.— Christ’s Object Lessons, 111, 112.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents