Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Pauwi Na Sa Langit - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Sa Pamamagitan Lamang Ng Biyaya, Marso 3

    Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. 2 Corinto 12:9.PnL

    Imposible para sa atin, sa ating mga sarili, na makatakas mula sa hukay ng kasalanan na kinahulugan natin. Masama ang ating mga puso, at hindi natin kayang baguhin ang mga ito. “Sinong makakakuha ng malinis mula sa marumi? Walang sinuman” “Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos; sapagkat hindi ito nagpapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari.” (Job 14:4; Roma 8:7.) Ang edukasyon, kultura, paggamit ng malayang pamimili, ay pagsisikap ng tao, ang lahat ay mayroong kanyang tamang kinalalagyan, sila’y walang kakayahan dito. Maaari silang magbunga ng panlabas na kawastuhan ng ugali, ngunit hindi nila puwedeng palitan ang puso; hindi nila kayang dalisayin ang bukal ng buhay. Mayroon dapat isang kapangyarihang gumagawa mula sa loob, isang bagong buhay mula sa itaas, bago tayo maaaring mabago mula sa kasalanan tungo sa kabanalan. Ang kapangyarihang iyon ay si Cristo. Tanging biyaya lamang Niya ang makapagbabago ng walang buhay na bahagi ng kaluluwa, at makaaakit dito tungo sa Diyos, tungo sa kabanalan.PnL

    Sinabi ng Tagapagligtas, “Malibang ang tao’y ipanganak mula sa itaas,” malibang tumanggap siya ng isang bagong puso, mga bagong pagnanais, layunin, at motibo, na naghahatid sa bagong buhay, “hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.” (Juan 3:3) Ang kaisipan na kailangan lang na paunlarin ang mabuting nananatili sa atin dahil sa kalikasan, ay isang nakamamatay na pandaraya. “Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya ito nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu.” “Huwag kang magtaka na sinabi ko sa iyo, ‘Kailangang kayo’y ipanganak na muli’ ” (1 Corinto 2:14; Juan 3:7.) Tungkol kay Cristo ay nasulat, “Nasa sa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng tao”—ang tanging “pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa tao na ating ikaliligtas.” (Juan 1:4; Gawa 4:12.)PnL

    Hindi lamang sapat na malaman ang kabutihang-loob ng Diyos, na makita ang kabaitan, ang tulad sa Ama na magiliw, ng Kanyang karakter. Hindi sapat na talino at katarungan ng kautusan; na makita na ito’y natatatag sa walang hanggang prinsipyo ng pag-ibig. Nakitang lahat ni Pablo ito nang sumigaw siya, “Sumasang-ayon ako na mabuti ang kautusan.” “Ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.” Ngunit idinagdag niya, habang nasa galit ang kanyang kaluluwang nagdadalamhati at nawalan ng pag-asa. “Ako’y makasalanan na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. (Roma 7:16, 12, 14.) Naghangad siya ng kadalisayan, at ng katuwiran, na sa kanyang sarili ay hindi niya kayang makuha, at sumigaw ng, “Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?” (Roma 7:24.) Ganito ang sigaw na pumailanglang mula sa mga pusong nabibigatan sa lahat ng lupain at sa lahat ng panahon. Sa lahat ay mayroon lang isang sagot, “Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29.)— Steps to Christ, pp. 18, 19.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents