Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Pauwi Na Sa Langit - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Langit Ay Nagsisimula Sa Kaluluwa, Disyembre 30

    Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo. Mateo 22:37.PnL

    Ang langit ay nagsisimula sa kaluluwa, at habang nadadagdagan ang makalangit na pag-iisip ay lalong pinahahalagahan si Cristo, at sa wakas ay magiging Pinakamataas sa sampung libo, Siyang lubos na kaibig-ibig. Ngunit sa pagpapahintulot kay Satanas na kumontrol ng pag-iisip, ang kanyang katangian ay naging bahagi ng karakter ng isang kanyang kinokontrol, at patuloy na nagsasanay ng kanilang sarili ang mga makasalanan sa mas masasamang gawa.PnL

    Kung makikita natin ang langit, dapat tayong magkaroon ng langit dito sa lupa. Dapat tayong magkaroon ng langit upang makapasok sa Langit. Dapat tayong magkaroon ng langit sa ating mga pamilya, na sa pamamagitan ni Cristo ay patuloy na lumalapit sa Diyos. Si Cristo ang dakilang sentro ng atraksyon, at ang anak ng Diyos ay nagtatago kay Cristo, nakikipagpulong sa Diyos, at nawala sa banal na nilalang. Ang panalangin ay ang buhay ng kaluluwa; ito’y pagkain kay Cristo; ganap nitong ibinabaling ang ating mukha sa Araw ng katuwiran. Sa pagbaling ng ating mukha sa Kanya, Kanya rin namang binabaling ang Kanyang mukha sa atin. Nais Niya tayong bigyan ng biyayang banal; at habang tayo’y lumalapit sa Diyos ng may ganap na katiyakan ng pananampalataya, ang ating espirituwal na kaalaman ay napabibilis. Hindi baga tayo lalakad sa kabulagan, dumadaing sa ating espirituwal na katuyuan; sapagkat sa pamamagitan ng masigasig, madalangining pananaliksik ng salita ng Diyos, inilalapat natin ang Kanyang mayamang pangako sa ating kaluluwa. Ang anghel ay lumalapit sa ating tabi, at ang kaaway sampu ng kanyang sari-saring panukala ay pinalalayo.PnL

    Ang panalangin ay kalakasan ng kaluluwa, gayunman ang gawaing ito’y nakalulungkot na kinalilimutan. Sa pamamagitan ng simple, taimtim, nagsisising panalangin, lubos na nadagdagan ang makalangit na pag-iisip. Walang ibang paraan ng biyaya ang maaaring pumalit at ang kalusugan ng kaluluwa ay mapangalagaan. Ang panalangin ang nagdadala ng kaluluwa sa agarang pakikiugnay sa bukal ng buhay, at nagpapalakas sa ating espirituwal na litid at kalamnan ng ating relihiyosong karanasan: sapagkat tayo’y nabubuhay sa pananampalataya, na nakakakita sa Kanyang di-nakikita. Sa hindi pagbibigay pansin sa panalangin, o ang paminsanminsang pananalangin, na komportableng nakagawian, ang iyong koneksyon sa Diyos ay mawawala. Ang Cristianong pamumuhay ay naging matamlay, at ang espirituwal na kasanayan ay walang kasiglahan. Ang relihiyosong karanasan ay nagkukulang ng kalusugan at lakas. Mayroong lumalagong inklinasyong palitan ng sulat at kasabihan ng tao ang salita ng Diyos. . . .PnL

    Tanging ang biyaya lang ng Diyos ang makapagbibigay buhay at magpapaginhawa sa kaluluwa. Ang mahalaga at tiyak na salita ng hula ang maghahayag sa mga naghahanap ng katotohanan sa kayamanan ng biyaya ni Cristo.— Signs Of The Times, July 31, 1893.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents