Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Pauwi Na Sa Langit - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Apela Sa Di-Ligtas Na Mga Kapamilya, Setyembre 27

    Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos. 2 Corinto 5:20.PnL

    Bahagi ng liham sa kambal na kapatid ni Ellen White, na si Elizabeth Bangs:] Hindi ka ba naniniwala kay Jesus, Lizzie? Hindi ka ba naniniwalang Siya ang iyong Tagapagligtas—na napatunayan Niya ang Kanyang pag-ibig sa iyo sa pagbibigay ng Kanyang sariling mahalagang buhay upang maligtas ka? Ang kailangan mo lang ay kunin si Jesus bilang iyong sariling mahal na Tagapagligtas. Taimtim akong nanalangin na ipakilala ng Panginoong Jesus ang Kanyang sarili sa iyo at kay Reuben [asawa ni Lizzie]. Ang buhay mo sa mundong ito’y hindi isang kasiyahan ngunit ng sakit; at kung hindi ka mag-aalinlangan kay Jesus ngunit naniniwalang namatay Siya upang iligtas ka, kung lalapit ka kung ano ka ngayon, at ibibigay ang iyong sarili kay Jesus at kakapitan ang Kanyang mga pangako sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya, Siya’y magiging lahat ng iyong ninanasa.PnL

    Sa nagtatanong, “Ano ang dapat kong gawin para maligtas?” Ang sagot ko’y, Manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo. Huwag mag-alinlangan kahit sandali ngunit nais ka Niyang iligtas ano ka man ngayon. Sinabi Niya sa mga Judio, “Subalit ayaw ninyong lumapit sa Akin upang kayo’y magkaroon ng buhay.” Huwag nawa itong sabihin kay Ruben at sa iyo, at sa iyong katulong sa inyong sambahayan. Nais kang iligtas ni Jesus, upang bigyan ka ng kapayapaan at kapahingahan at katiyakan habang nabubuhay ka, at buhay na walang hanggan sa Kanyang kaharian sa huli. Walang pipiliting mailigtas. Hindi pinipilit ng Panginoong Jesus ang kalooban ninuman. Sinasabi Niya sa lahat, Pumili kayo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran. Ang isip at puso na ibinigay kay Jesu-Cristo ay makahahanap ng kapahingahan sa Kanyang pag-ibig. . . .PnL

    Kung gayon ikaw, na mahal kong kapatid, si Reuben, at ang iyong katulong, ay may dahilan upang umasa sa Kanyang awa at manampalataya kay Jesu-Cristo, na maililigtas Niya kayo. Bakit? Dahil ba wala kayong kasalanan? Hindi; dahil kayo’y mga makasalanan, at sinasabi ni Jesus, “Hindi Ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi.” Kapag binubulungan kayo ng diyablo na, Walang pag-asa, sabihing alam ninyong mayroon, sapagkat “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ano pa ang magagawa ng Diyos sa inyo, na higit pa sa nagawa Niya, upang mahalin mo Siya? Maniwala ka Lizzie, maniwalang tutuparin ni Jesus ang Kanyang sinasabi. Magtiwala sa Kanyang mga salita at ilagak ang iyong walang kalaban-labang kaluluwa kay Jesu-Cristo.PnL

    Ang mga kamay na ipinako sa krus para sa iyo’y nakaunat upang iligtas ka Ibibigay mo ba ang iyong sarili sa pagtitiwala sa pananampalataya kay Jesus? Ninanais kong dalhin ka sa aking mga bisig at ihiga ka sa dibdib ni Jesu-Cristo.PnL

    Dapat mong tanggapin si Jesus. Ninanais Niyang bigyan ka ng kapayapaan at ng liwanag ng Kanyang mukha. Lizzie, ninanais kong makita kang nagtitiwala kay Jesus, dahil mabibigyan ka Niya ng biyaya upang batahin ang lahat ng matitinding pagdurusa. Mahal ka Niya. Nais ka Niyang iligtas.— Letter 61, 1891.PnL

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents