Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 58—Ang mga Paaralan ng mga Propeta

    Ang Panginoon ang nag-utos ng edukasyon ng Israel. Ang Kanyang pasanin ay hindi lamang tungkol sa ikabubuti ng kanilang relihiyon; anuman ang nakaapekto sa kanilang pag-iisip o pangangatawan ay paksain din ng awa at tulong ng Dios, at kabilang sa nasasaklawan ng kautusan ng Dios.MPMP 700.1

    Ipinag-utos ng Dios sa mga Hebreo na ituro sa kanila ang Kanyang mga ipinag-uutos, at ipabatid sa kanila ang naging pakikitungo Niya sa kanilang mga ama. Ito ang isa sa natatanging mga tungkulin ng bawat magulang—isa na hindi maaaring ipaubaya sa iba. Sa halip na mga labi ng iba, manggagaling ang sumbat, ang mapagmahal na mga puso ng ama at ina ay kinakailangang turuan ang kanilang mga anak. Ang mga kaisipan ng Dios ay kinakailangang ilakip sa bawat nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Ang makapangyarihang mga gawa ng Dios sa pagliligtas sa Kanyang bayan, at ang mga pangako tungkol sa Tagatubos na darating, ay kinakailangang malimit na maulit sa mga tahanan sa Israel; at ang paggamit ng mga paglalarawan at mga simbolo ay sanhi upang ang mga liksyon ay lubos na matanim sa alaala. Ang dakilang mga katotohanan ng awa at tulong ng Dios at ng hinaharap na buhay ay itinatanim sa mga batang isipan. Iyon ay sinasanay upang makita ang Dios kapwa sa mga tanawin ng kalikasan at sa mga salita ng kapahayagan. Ang mga bituin sa langit, ang mga punong kahoy at mga bulaklak sa parang, ang matataas na mga bundok, ang lumalagaslas na mga batis—ang lahat ay nagsasaysay ng tungkol sa Manlalalang. Ang solemneng serbisyo ng paghahain at pagsamba sa santuwaryo, at ang mga sinasabi ng mga propeta, ay mga pagpapahayag ng Dios.MPMP 700.2

    Gano'n ang naging pagsasanay ni Moises sa maliit na tahanang kubo sa Gosen; ni Samuel, sa pamamagitan ng tapat na si Ana; ni David, sa burol na tirahan sa Betlehem; ni Daniel, bago ang mga tagpo ng pagkabihag na naghiwalay sa kanya mula sa tahanan ng kanyang mga ama. Gano'n din, ang unang buhay ni Kristo sa Nazareth; gano'n din ang pagsasanay na sa pamamagitan noon si Timoteo ay natuto mula sa mga labi ng kanyang lola na si Loida, at ng kanyang ina na si Eunice (2 Timoteo 1:5; 3:15), ng mga katotohanan ng Banal na Kasulatan.MPMP 700.3

    Higit pang paglalaan ang ginawa para sa pagsasanay ng bata, sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga paaralan ng mga propeta. Kung ang isang kabataan ay nagnanais na magsaliksik ng higit na malalim sa mga katotohanan ng salita ng Dios, at magsaliksik ng kaalaman mula sa itaas, upang siya ay maaaring maging isang tagapagturo sa Israel, ang mga paaralang ito ay bukas para sa kanya. Ang mga paaralan ng mga propeta ay itinatag ni Samuel, upang magsilbing isang pananggalang laban sa laganap na kasamaan, upang maglaan para sa kapakanan ng moralidad at espirituwalidad ng kabataan, at upang pasulungin ang hinaharap na pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga lalaking handa upang gumawa na may takot sa Dios bilang mga pinuno at mga tagapayo. Sa pagtupad sa layuning ito, si Samuel ay nagtipon ng grupo ng mga kabataang lalaki na relihiyoso, matalino, at may hilig mag-aral. Ang mga ito ay tinawag na mga anak ng mga propeta. Samantalang sila'y nakikipag- ugnay sa Dios, at nag-aaral ng Kanyang salita at mga gawa, ang karunungang mula sa itaas ay idinagdag sa kanilang likas na mga kaloob. Ang mga tagapagturo ay mga lalaking hindi lamang bihasa sa banal na katotohanan, kundi yaong sila mismo ay nagkaroon ng kasiyahan sa pakikipag-ugnay sa Dios, at tumanggap ng espesyal na mga kaloob ng Kanyang Espiritu. Kanilang ikinasisiya ang paggalang at pagtitiwala ng mga tao, kapwa sa kaalaman at sa kabanalan.MPMP 701.1

    Noong panahon ni Samuel ay mayroong dalawang mga paaralang ganito—isa sa Rama, ang tahanan ng propeta, at isa sa Chiriat- jearim, sa kinaroroonan noon ng kaban. Ang iba ay itinatag sa huli nang panahon.MPMP 701.2

    Ang mga mag-aaral sa mga paaralang ito ay tinutustusan ng kanilang sariling trabaho sa pagbubungkal ng lupa o sa ibang gawaing pangme- kaniko. Sa Israel ang bagay na ito ay hindi iniisip na kakaiba o nakasisira; sa katunayan, itinuturing na isang krimen ang pagpa- pahintulot na ang mga bata'y lumaki na walang alam na kapakipaki- nabang na gawain. Ayon sa ipinag-utos ng Dios, ang bawa't bata ay tinuturuan ng gawaing panghanap buhay, bagaman siya ay sinasanay para sa banal na tungkulin. Marami sa mga tagapagturo ng relihiyon ang tinustusan ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pangkamay na trabaho. Maging hanggang sa panahon ng mga apostol, si Pablo at si Aquila ay hindi nabawasan ng karangalan sa dahilang sila ay kumita ng ikabubuhay sa pamamagitan ng kanilang pangangalakal sa paggawa ng tolda.MPMP 701.3

    Ang pangunahing aralin sa mga paaralang ito ay ang kautusan ng Dios, kabilang ang mga tagubilin na ibinigay kay Moises, banal na kasaysayan, banal na tugtugin, at panulaan. Ang paraan ng pagtuturo ay lubhang kakaiba sa mga paaralang panteolohiya sa kasalukuyan, kung saan maraming mga mag-aaral ang nagtatapos na may higit na kakaunting tunay na kaalaman tungkol sa Dios at sa katotohanang panrelihiyon kaysa nang sila ay unang pumasok. Sa mga paaralang iyon noong unang panahon isang malaking layunin ng lahat ng pag- aaral ang matutunan ang kalooban ng Dios, at ang tungkulin ng tao sa Kanya. Sa mga tala ng banal na kasaysayan ay mababakas ang mga bakas ni Jehova. Ang mga dakilang katotohanan na inihahayag ng mga paglalarawan ay pinatatanaw, at pinanghahawakan ng pananampalataya ang sentrong layunin ng lahat ng mga sistemang iyon— ang Kordero ng Dios na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.MPMP 702.1

    Isang espiritu ng pagtatalaga ang pinahahalagahan. Hindi lamang itinuturo sa mga mag-aaral ang tungkuling manalangin, itinuro din sa kanila kung paano manalangin, paano lumapit sa Manlalalang, paano manampalataya sa Kanya, paano mauunawaan, at paano masu- sunod ang mga itinuturo ng Espiritu. Ang mga banal na pag-iisip ay kumukuha mula sa kabang yaman ng Dios, ng mga bago at luma, at ang Espiritu ng Dios ay nahahayag sa hula at sa banal na awit.MPMP 702.2

    Ang musika ay nilikha upang paglingkuran ang isang banal na layunin, upang itaas ang pag-iisip tungo doon sa dalisay, marangal, at nakapagpapataas, at upang pumukaw sa kaluluwa ng pagmamahal at pagpapasalamat sa Dios. Kay laking pagkakaiba ng sinaunang kaugalian at pinaggagamitan ng tugtugin na sa kasalukuyan ay ini- ibig. Kay rami ng gumagamit sa kaloob na ito upang itaas ang sarili, sa halip na gamitin iyon sa pagluwalhati sa Dios! Ang pag-ibig sa musika ay umaakay sa walang ingat upang makiisa sa mga umiibig sa sanlibutan sa pagtitipong pangkasiyahan na hindi ng Dios ipina- pahintulot na puntahan ng Kanyang mga anak. Kung kaya't ang bagay na isang malaking pagpapala kung gagamitin sa tamang paraan, ay nagiging pinakamabisang kasangkapan na ginagamit ni Satanas upang akitin ang pag-iisip papalayo sa tungkulin at sa pagmumuni- muni sa mga bagay na pang walang hanggan.MPMP 702.3

    Ang musika ay bahagi ng pagsamba sa Dios sa mga bulwagan sa langit, at kinakailangang sikapin natin, sa ating mga awit ng pagpuri, na malapit hanggat maaari sa pagkakaisa ng makalangit na mga koro. Ang tamang pagsasanay ng tinig ay isang mahalagang bahagi ng edukasyon at hindi marapat na kaligtaan. Ang pag-awit, bilang isang bahagi ng serbisyong panrelihiyon, ay isang paraan ng pagsamba na katumbas ng pananalangin. Kinakailangang madama ng puso ang damdamin ng awit upang mabigyan ng tamang pagbigkas.MPMP 703.1

    Kay laki ng kaibahan ng mga paaralang iyon na tinuruan ng mga propeta ng Dios, sa mga makabagong institusyon ng pagkatutol kay unti ng mga paaralang masusumpungan na hindi pinamumunuan ng mga pamantayan at mga kaugalian ng sanlibutan! Mayroong naka- lulungkot na kakulangan ng angkop na pagbabawal at makatuwirang pagdidisiplina. Ang kakulangan ng kaalaman sa salita ng Dios, sa mga tao na nag-aangking Kristiano, ay nakababahala. Pangibabaw na mga pananalita, pawang pagpapadala sa damdamin, ay naisasalin sa pagtuturo ng moralidad at ng relihiyon. Ang katarungan at kaawaan ng Dios, ang kagandahan ng kabanalan, ang tiyak na gantimpala sa paggawa ng tama, ang kasuklam-suklam na likas ng kasalanan, ang katiyakan ng kakilakilabot na mga bunga noon, ay hindi naita- tanim sa mga isip ng kabataan ng mga paraan ng krimen, pag- aaksaya, at pagpapalayaw.MPMP 703.2

    Wala bang ilang mga aral na maaaring maging kapakipakinabang na matutunan ng mga edukador sa kasalukuyan mula sa sinaunang mga paaralan ng mga Hebreo? Siya na lumalang sa tao ay naglaan para sa ikalalago ng Kanyang katawan at pag-iisip at kaluluwa. Kaya't, ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay nakasalalay sa katapatan ng tao sa pagsasakatuparan ng panukala ng Manlalalang.MPMP 703.3

    Ang tunay na layunin ng edukasyon ay upang maibalik ang wangis ng Dios sa kaluluwa. Ng pasimula, ay nilalang ng Dios ang tao ayon sa sarili Niyang wangis. Binigyan Niya siya ng marangal na mga katangian. Ang kanyang pag-iisip ay wasto, at ang lahat ng kapangyarihan ng kanyang pagkanilalang ay magkakatugma. Subalit ang pagkahulog at ang mga bunga noon ay sumira sa mga kaloob na ito. Sinira ng kasalanan at lubhang pinawi ang wangis ng Dios sa tao. Upang ito ay maibalik ay ginawa ang panukala ng pagtubos, at isang buhay ng pagsubok ang ibinigay sa tao. Upang isauli siya sa kasakda- lan ng unang pagkakalalang sa kanya, ang dakilang layunin ng buhay—ang layunin na pinapalooban ng lahat ng layunin. Tungkulin ng mga magulang at ng mga guro, sa edukasyon ng kabataan, ang makiisa sa layunin ng Dios; at sa pamamagitan ng pagganap doon sila ay “mga kamanggagawa ng Dios.” 1 Corinto 3:9.MPMP 703.4

    Ang lahat ng iba't ibang kakayanan ng tao—sa kaisipan, sa kaluluwa, at sa pangangatawan—ay ipinagkaloob sa kanila ng Dios, upang gamitin sa paraang maabot ang pinakamataas na antas ng kahusayan. Subalit ito ay hindi maaaring maging isang pagpapala- gong makasarili at hindi kinasasangkutan ng iba; sapagkat ang likas ng Dios, na siyang wangis na ating tinatanggap ay mapagbigay at mapagmahal. Ang bawat kakayanan, bawat katangian, na ipinagkaloob sa atin ng Manlalalang, ay kinakailangang magamit sa ikalulu- walhati Niya at ikatataas ng ating kapwa-tao. At sa gawaing ito ay masusumpungan ang pinakadalisay, pinakamarangal, at pinakamasa- yang paggamit noon.MPMP 704.1

    Kung ang mga prinsipyong ito ay pinag-uukulan ng pansin dahil sa hinihiling ng kahalagahan nito, magkakaroon ng isang malaking pagbabago sa ilan sa kasalukuyang mga paraan ng edukasyon. Sa halip na manawagan sa ipagmamapuri at makasariling ambisyon, na pumupukaw sa espiritu ng pagtutularan, ang mga guro ay magsisikap pumukaw ng pag-ibig sa kabutihan at katotohanan at kagandahan— upang pumukaw ng pagnanais sa kahusayan. Ang mag-aaral ay magsisikap mapalago ang kaloob ng Dios sa kanyang sarili, hindi upang maging higit sa iba, kundi upang maganap ang kalooban ng Manlalalang at matanggap ang Kanyang wangis. Sa halip na maituro sa pawang pamantayan ng makalupa, o makilos ng pagnanasang ma- itaas ang sarili, na yaon mismo ay nakapagpapababa o nakapangliliit, ang isip ay maakay tungo sa Manlalalang, upang makilala Siya, at upang maging tulad Niya.MPMP 704.2

    “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula sa karunungan: at ang pagkakilala sa banal ay kaunawaan.” Kawikaan 9:10. Ang dakilang gawain ng buhay ay ang paghubog ng likas, at ang isang pagkakilala sa Dios ang pundasyon ng lahat ng edukasyon. Upang maibahagi ang kaalamang ito, at upang mahubog ang likas na katugma nito, ang kinakailangang maging layunin ng gawain ng guro. Ang kautusan ng Dios ay isang larawan ng Kanyang likas. Kung kaya't wika ng mang-aawit, “Lahat ng mga utos Mo ay katuwiran;” at “sa Iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa.” Mga Awit 119:172, 104. Ipinahayag na ng Dios ang Kanyang sarili sa atin sa pamamagitan ng Kanyang salita at sa mga gawang nilikha. Sa pamamagitan ng aklat ng inspirasyon at sa aklat ng kalikasan, kinakailangang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa Dios.MPMP 704.3

    Isang batas ng pag-iisip na unti-unti nitong sinasanay ang kanyang sarili sa paksa na sinasanay na pag-isipan niya. Kung mapupuno ng mga pangkaraniwang mga bagay lamang, iyon ay hindi lalago kundi manghihina. Kung hindi kailan man pahihintulutang humarap sa malalaking mga suliranin, makalipas ang ilang panahon iyon ay mawawalan ng kapangyarihang lumago. Silang isang kapangyarihang pang edukasyon, ang Biblia ay walang katumbas. Sa salita ng Dios ang isip ay nakakasumpong ng pinakamalalim na kaisipan, at pina- kamatayog na hangarin. Ang Biblia ang pinaka mahusay na kasay- sayang nakapagtuturo na nasa pag-aari ng mga tao. Ito ay dumating na may kasariwaang mula sa bukal ng walang hanggang katotohanan, at isang kamay ng Dios ang nag-ingat sa kadalisayan nito sa lahat ng mga panahon. Nililiwanagan nito ang malalayong mga na- karaan, na sa patuloy na pagsasaliksik ng tao ay walang saysay. Sa salita ng Dios ay nakikita natin ang kapangyarihang naglagay ng saligan ng lupa at naglatag ng mga langit. Dito lamang tayo maka- kasumpong ng kasaysayan ng ating lahi na hindi nababahiran ng hindi matuwid na opinyon o ng kapalaluan ng tao. Dito ay nakatala ang mga pakikipagpunyagi, ang mga pagkatalo, at ang mga pagtatagumpay ng mga pinakadakilang mga suliranin ng tungkulin at ng kahihinatnan ay binubuksan. Ang tabing na naghihiwalay sa nakikita at sa di nakikitang daigdig ay itinataas, at nakikita natin ang labanan ng magkasalungat na mga puwersa ng mabuti at ng masama, mula sa unang pagpasok ng kasalanan, tungo sa huling pagtatagumpay ng katuwiran at ng katotohanan; at ang lahat ay pawang pagpapahayag ng likas ng Dios. Sa magalang na pagmumuni-muni sa mga katoto- hanang inihahayag sa Kanyang salita, ang pag-iisip ng mag-aaral ay inihahatid sa pakikipag-ugnay sa walang hanggang pag-iisip. Ang gano'ng pag-aaral ay hindi lamang makapagpapapino at makapagpa- parangal sa pagkatao, hindi pa iyon mabibigong malawak at mapasigla ang mga kapangyarihan ng pag-iisip.MPMP 705.1

    Ang pagtuturo ng Biblia ay mayroong makapangyarihang bahagi sa pag-unlad ng tao sa lahat ng may kinalaman sa buhay na ito. Binubuksan nito ang mga prinsipyong pundasyon ng pag-unlad ng bansa—mga prinsipyo na sa pamamagitan noon ay nabibigkis ang kahusayan ng lipunan, at siyang ikaliligtas ng sambahayan—mga prinsipyong kung wala iyon ay walang sinumang tao ang maging kapaki-pakinabang, masaya, at marangal sa buhay na ito, o makaaasang magkakaroon ng hinaharap, na walang hanggang buhay. Walang kalagayan sa buhay, o yugto ng karanasan ng tao, na kung saan ang mga iniaaral ng Biblia ay hindi isang mahalagang paghahanda. Kapag pinag-aralan at sinunod, ang salita ng Dios ay magbibigay sa sanlibutan ng mga lalaking higit na malalakas at higit na masigla ang pag-iisip kaysa pinakamasusing paggamit ng lahat ng paksang nasasakupan ng pilosopiya ng tao. Magbibigay iyon ng mga lalaking malakas at ma- tatag ang pagkatao, matalas ang pananaw at mahusay ang kapasya- han, mga lalaking magiging karangalan sa Dios at isang pagpapala sa sanlibutan.MPMP 705.2

    Sa pag-aaral din sa mga Agham, tayo ay kinakailangang magkaroon ng pagkakilala sa Manlalang. Ang lahat ng tunay na agham ay pawang pag-aninag sa isinulat ng kamay ng Dios sa materyal na daigdig. Ang agham ay kumukuha mula sa kanyang mga pagsasaliksik ng mga sariwang katibayan lamang ng katalinuhan at kapangyarihan ng Dios. Kung wasto ang pagkaunawa, ipinakikilala kapwa ng aklat ng kalikasan at ng naisulat na salita ang Dios sa atin sa pamamagitan ng pag- tuturo sa atin ng matalino at kapakipakinabang na mga batas na sa pamamagitan noon Siya ay gumagawa.MPMP 706.1

    Ang mag-aaral ay kinakailangang maakay upang makita ang Dios sa lahat ng mga gawa ng paglalang. Kinakailangang tularan ng mga guro ang halimbawa ng Dakilang Guro, na sa mga pangkaraniwang tanawin ng kalikasan ay humanap ng mga paglalarawang nagpapadali sa kanyang mga itinuturo, at higit na naitatanim iyon sa isip ng Kanyang mga tagapakinig. Ang mga ibong umaawit sa mga sangang makapal ang dahon, ang mga bulaklak sa mga libis, ang matataas na mga punongkahoy, ang mga lupaing maraming bunga, ang sumu- sulpot na mga butil, ang lumulubog na araw na ginagawang kulay ginto ang kalangitan—ang lahat ay nagsisilbing mga paraan ng pag- tuturo. Iniuugnay niya ang mga nakikitang gawa ng Manlalalang sa mga salita ng buhay na Kanyang sinasalita, upang kung anuman ang Kanyang ituro sa paningin ng Kanyang mga tagapakinig, ang kanilang pag-iisip ay maipihit tungo sa mga liksyon na Kanyang iniugnay sa kanila.MPMP 706.2

    Ang tatak ng Dios, na inihahayag sa mga dahon ng kapahayagan, ay nakikita sa mga matataas na mga bundok, mabubungang mga libis, sa malawak, at malalim na karagatan. Ang mga bagay ng kalikasan ay nagsasalita sa tao ng tungkol sa pag-ibig ng Manlalalang. Kanya tayong iniuugnay sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng hindi mabilang na mga palatandaan sa langit at sa lupa. Ang sanlibutang ito ay hindi pulos kalungkutan at kahirapan. “Ang Dios ay pag-ibig”, ay nasusu- lat sa bawat bumubukang bulaklak, sa mga talulot ng bawat bulaklak, at sa bawat tulis ng dahon ng mga damo. Bagaman ang sumpa ng kasalanan ay naghatid ng mga tinik, mayroong mga bulaklak sa mga tinik at ang mga tinik ay ikinukubli ng mga rosas. Ang lahat ng bagay sa kalikasan ay nagpapatotoo para sa maingat at magiliw na pangangalaga ng ating Dios at sa Kanyang pagnanasang gawing masaya ang Kanyang mga anak. Ang Kanyang mga pagbabawal at mga ipinag-uutos ay hindi inilagay para lamang ihayag ang Kanyang awtoridad, kundi sa lahat ng Kanyang ginagawa, ang kapakanan ng Kanyang mga anak ay nasa Kanyang paningin. Hindi Niya hinihiling mula sa kanila na isuko ang anumang bagay na makabubuti na kanilang panatilihin.MPMP 709.1

    Ang kaisipang nananaig sa ilang uri ng lipunan, na ang relihiyon ay hindi makabubuti sa kalusugan o sa kaligayahan sa buhay na ito, ay isa sa pinaka nakapanlilinlang na pagkakamali. Wika ng kasulatang “Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan.” Kawikaan 19:23. “Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.” Mga Awit 34:12-14. Ang mga salita ng karunungan ay “buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa boo nilang katawan,” Kawikaan 4:22.MPMP 709.2

    Ang tunay na relihiyon ay naghahatid sa tao tungo sa pagiging katugma ng mga kautusan ng Dios ukol sa pangangatawan, sa pag- iisip, at sa moralidad. Iyon ay nagtuturo ng pagpigil sa sarili, kahi- nahunan, at pagtitimpi. Ang relihiyon ay nagpaparangal sa pag-iisip, nagpapapino ng panlasa, at nagpapabanal sa pagpapasya. Ginagawa noong kabahagi ng kadalisayan ng langit ang kaluluwa. Ang pana- nampalataya sa pag-ibig ng Dios at nananaig na awa at tulong ng Dios ay nagpapagaan sa mga pasanin sa pagkabalisa at mga inaalala. Pinupuno noon ang puso ng kagalakan at kasiyahan sa pina- kamataas o pinakamababang maging bahagi. Ang relihiyon ay tuwirang nakaaapekto upang mapaganda ang kalusugan, mapahaba ang buhay, at dagdagan ang ating pagkasiya sa lahat ng mga pagpa- pala noon. Binubuksan noon ang kaluluwa tungo sa isang hindi nag- kukulang na bukal ng kaligayahan. Lahat nawa ng hindi pumili kay Kristo ay makadama na siya ay mayroong higit na mabuting maiaalok sa kanila kaysa sa hinahanap nila para sa kanilang sarili. Ang tao ay gumagawa ng pinakamalaking pananakit at kalupitan sa sarili niyang kaluluwa kapag siya ay nag-iisip ng hindi sang-ayon sa kalooban ng Dios. Walang tunay na kaligayahang masusumpungan sa landas na ipinagbawal Niya na nakaaalam ng pinakamabuti at Siya na nagpa- panukala ng pinakamabuti para sa Kanyang mga nilalang. Ang landas ng pagsalangsang ay patungo sa kahirapan at pagkasira; subalit ang mga daan ng karunungan “ay mga daan ng kaligayahan.” Kawikaan 3:17.MPMP 709.3

    Ang pagsasanay na pampisikal ganon din ang panrelihiyon na isinagawa sa mga paaralan ng mga Hebreo ay maaaring kapaki- pakinabang na mapag-aralan. Ang kabuluhan ng gano'ng pagsasanay ay hindi pinahahalagahan. Mayroong malapit na relasyon sa pagitan ng pag-iisip at ng katawan at upang marating ang isang mataas na pamantayan ng moralidad at ng kakayanan ng pag-iisip ang mga batas na nangangasiwa sa ating pisikal na pagkatao ay kinakailangang pakinggan. Upang magkaroon ng lakas, at maging husto ang tim- bang ng pagkatao, kapwa ang pag-iisip at ang pangangatawan ay kinakailangang magamit at mapalago. Anong pag-aaral ang higit pang magiging mahalaga para sa kabataan kaysa doon sa nauukol sa ka- hangahangang organismong ito na ipinagkatiwala sa atin ng Dios at patungkol sa mga batas na sa pamamagitan noon ay maingatan iyon sa kalusugan?MPMP 710.1

    At ngayon, tulad sa mga araw nang Israel, ang bawat kabataan ay kinakailangang maturuan sa mga tungkulin ng praktikal na buhay. Ang bawat isa ay kinakailangang magkaroon ng ilang kaalaman sa trabahong pangkamay, na sa pamamagitan noon, kung kakailanganin, ay magkaroon ng ikabubuhay. Ito ay kailangan hindi lamang bilang isang pananggalang laban sa malaking mga pagbabago na maaaring humantong sa kahirapan sa buhay, kundi dahil sa epekto nito sa paglago ng pangangatawan, pag-iisip, at ng moralidad. Kahit mayroong katiyakan na ang isa ay hindi na kinakailangang humarap sa trabahong pangkamay upang suportahan ang kanyang sarili, ki- nakailangan pa rin siyang maturuang gumawa. Kung walang ehersisyo ang katawan, walang sinuman ang maaaring magkaroon ng mabu- ting pangangatawan o masiglang kalusugan; at ang disiplina ng isang mahusay na napapangasiwaang gawain ay kasing halaga rin ng pagka- karoon ng malakas at aktibong pag-iisip at isang marangal na pagkatao.MPMP 710.2

    Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang magtalaga ng isang bahagi ng bawat araw ukol sa aktibong paggawa. Sa gano'ng paraan ay nagkakaroon ng mga ugali ng kasipagan, at napasigla ang isang espiritu ng pagiging naaasahan ang sarili samantalang ang kabataan ay nailalayo mula sa masasama at nakabababang mga gawain na malimit ay bunga ng kawalan ng ginagawa. At ang lahat ng ito ay kasang-ayon ng pangunahing layunin ng edukasyon, sapagkat sa pamamagitan ng pagpapasigla sa paggawa, kasipagan, at kadalisayan tayo ay lumalapit sa pakikiisa sa Manlalalang.MPMP 711.1

    Mangyaring ipaunawa sa mga kabataan ang layunin ng pagkakalikha sa kanila, upang parangalan ang Dios, at pagpalain ang kanilang kapwa; mangyaring ipakita sa kanila ang maingat na pagmamahal na ipinahayag sa kanila ng Amang nasa langit, at ang matayog na kahi- hinatnan na ukol doon ay inihahanda sila sa pamamagitan ng disiplina ng buhay, sa kadakilaan at karangalan na kung saan sila ay tinatawagan, upang maging mga anak ng Dios, at libu-libo ang magkaroon ng pagkamuhi at pagtanggi sa mababa at makasariling mga layunin at sa mga walang kabuluhang mga kasiyahan na dati'y kanilang kinagiliwan. Matututunan nilang kamuhian ang kasalanan, at iyon ay iwasan, hindi lamang dahil sa pag-asang magkakamit ng gantimpala o dahil natatakot sa parusa, kundi dahil sa pagkadama ng kawalan ng kabu- luhan noon, sapagkat iyon ay nakapagpapababa sa mga kapang- yarihang ipinagkaloob sa kanila ng Dios, isang bahid sa kanilang pagiging kawangis ng Dios na pagkatao.MPMP 711.2

    Hindi ng Dios ipinag-uutos na ang mga kabataan ay magbawas ng pagmimithi. Ang mga elemento ng pagkatao na sa pamamagitan noon ang tao ay nagiging matagumpay at pinararangalan ng kapwa— ang hindi mapigilang pagnanasa sa higit na mabuti, ang matibay na kalooban, ang malakas na paggawa, ang hindi napapagod na pagsusumikap, ay hindi kinakailangang alisin. Sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ang mga iyon ay kinakailangang mapatnubayan tungo sa mga layuning higit na mataas kaysa sa makasarili at pang- kasalukuyang mga kinahihiligan kung paanong ang mga langit ay higit na mataas kaysa lupa. At ang edukasyon na sinimulan sa lupang ito ay ipagpapatuloy sa buhay na darating. Araw-araw ang kahanga- hangang mga gawa ng Dios, ang katibayan ng Kanyang kapangyari- han at karanungan sa paglalang at pag-iingat sa sansinukob, ang walang hanggang hiwaga ng pag-ibig at karunungan sa panukala ng pagtubos, ay magbubukas ng pag-iisip tungo sa bagong kagandahan. “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa Kanya.” Maging sa buhay na ito maaari tayong makahagip ng mga pagsulyap sa Kanyang presensya, at maaaring makatikim ng kagalakan ng pakikiugnay sa langit, su- balit ang kaganapan ng kagalakan at pagpapala noon ay maaabot sa kabilang hinaharap. Ang walang hanggan lamang ang makapagpapa- hayag ng maluwalhating kahihinatnan na kung saan ang tao, na nai- sauli sa wangis ng Dios, ay maaaring makarating.MPMP 711.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents