Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 7—Ang Baha

    Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 6 at 7.

    Noong mga panahon ni Noe ay may dalawang sumpa sa lupa bunga ng kasalanan ni Adan at ng pagpatay na isinagawa ni Cain. Gano'n pa man ito ay hindi gaanong nakabago sa hitsura ng kalikasan. Nagkaroon ng katibayan ng pagkabulok, subalit ang lupa ay mayaman pa rin at maganda dahil sa mga kaloob ng Dios. Ang mga gulod ay nakokoronahan ng maririlag na punong kahoy na sumusuporta sa mga sangang baging na hitik ng bunga. Ang maluwang na tila harding kapatagan ay nararamtan ng luntiang mga halaman, at matamis na may bango ng isang libong bulaklak. Ahg mga prutas ay maraming uri, at halos walang sukat ang dami. Ang mga puno ay higit ang kalakihan, kagandahan, at pagkakaangkop ng hitsura kaysa mga puno ngayon; ang kanilang kahoy ay may pinong himaymay at matigas, halos kasing tigas ng bato, at kaunti lamang ang kakulangan sa katibayan. Ginto, pilak, at mahahalagang mga bato ay napakarami.MPMP 101.1

    Ang sangkatauhan ay nagtataglay pa rin ng marami sa una nitong lakas. Kaunti pa lamang na mga lahi ang nakalilipas mula noong si Adan ay manggaling sa punong kahoy na nakapagpapababa ng buhay; at ito ay sinusukat pa sa pamamagitan ng mga daang taon. Kung yaon lamang mga taong iyon na may mahahabang buhay, taglay ang kakaibang kapangyarihan upang magpanukala at magsagawa, ay nag- talaga ng kanilang sarili sa paglilingkod sa Dios, nagawa sana nilang ang pangalan ng kanilang Manlalalang ay isang kapuri-puri sa lupa, at natugunan ang dahilan kung bakit sila ay binigyan ng buhay. Subalit kinaligtaan nilang gawin ito. Marami noong mga higante, malalaki ang hitsura at malalakas, kilala sa katalinuhan, mahusay sa paggawa ng pinaka-mahusay at kahanga-hangang mga gawa; subalit ang kanilang kamalian sa pagpapaubaya sa kasalanan ay katumbas ng kanilang kakayanan at kaalaman.MPMP 101.2

    Pinagkalooban ng Dios ang mga taong ito bago bumaha ng marami at mayayamang mga kaloob; subalit ginamit nila ang Kanyang mga kaloob upang parangalan ang sarili, at ang mga iyon ay gawing sumpa ng pagtutuon ng kanilang pagmamahal sa ipinagkaloob sa halip na sa Nagkaloob. Ginamit nila ang ginto at pilak, ang mahahalagang mga bato, at ang piling kahoy, sa paggawa ng mga tahanan para sa kanilang sarili, at nagsikap mahigitan ang isa't isa sa kagandahan ng kanilang mga tahanan na may mahuhusay na pagkakagawa. Sinikap lamang nilang tugunan ang mga nasa ng mayabang nilang puso. At nagkaroon ng kasiyahan sa mga tagpo ng kalayawan at kasamaan. Hindi nagnanais na papanatilihin ang Dios sa kanilang kaalaman, sila ay kaagad na- tutong tumanggi sa pagkakaroon ng Dios. Sinamba nila ang kalikasan sa halip na ang Gumawa ng kalikasan. Niluwalhati nila ang katalinuhan ng tao, sinamba ang gawa ng sarili nilang mga kamay, at tinuruan ang kanilang mga anak upang yumuko sa mga inanyuang wangis.MPMP 101.3

    Sa mga luntiang parang at sa mga lilim ng magagandang punong kahoy ay nagtayo sila ng mga altar ng kanilang mga diyus-diyusan. Maluluwang na mga kakahuyan, na hindi nawawalan ng dahon sa buong taon, ay itinalaga sa pagsamba sa mga huwad na diyos. Karug- tong ng mga kakahuyang ito ay may magagandang mga hardin, ang kanilang mahahabang, pasikut-sikot na mga daanan na may mga naglambiting mga punong kahoy na may iba't ibang bunga, napapa- lamutian ng rebulto, at nasasangkapan ng lahat ng maaaring makasiya sa pakiramdam o maglingkod sa mga ninanasa ng mga tao, at sa gayon sila'y nagaganyak na makilahok sa pagsamba sa diyus-diyusan.MPMP 102.1

    Inalis ng tao ang Dios mula sa kanilang kaisipan at sinamba ang mga ginawa ng kanilang pag-iisip; at bunga noon, sila ay lalo pang napababa. Ang mang-aawit ay naghayag ng epekto ng pagsamba sa diyus-diyusan. Ang sabi niya, “Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawat tumitiwala sa kanila.” Mga Awit 115:8. Batas ng kaisipan ng tao ang sa pamamagitan ng pagtingin tayo ay nababago. Ang tao ay tataas ng hindi hihigit sa pagkakaunawa niya sa katotohanan, kadalisayan, at kabanalan. Kung ang pag-iisip ay hindi man lamang maiangat ng higit sa sangkatauhan, kung iyon ay hindi man lamang maitaas sa pamamagitan ng pananampalataya upang pag- isipan ang walang hanggang kaalaman at pag-ibig, ang tao ay patuloy na malulubog ng pababa ng pababa. Kinakapitan ng mga sumasamba sa huwad na diyus ang kanilang diyus-diyusan ng mga katangian at hilig ng tao, kung kaya ang kanilang pamantayan ng likas ay bumaba na tulad na lamang sa makasalanang sangkatauhan. Bunga noon sila ay naging marumi. “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay pawang masama lamang na parati.... At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ibinigay ng Dios sa tao ang Kanyang mga utos bilang patakaran ng buhay, subalit ang Kanyang kautusan ay sinuway, at ang bawat maiisip na kasalanan ang ibinunga. Ang kasamaan ng tao ay hayag at mapangahas, ang kahatulan ay niyurakan sa kalupaan, at ang sigaw ng mga naapi ay nakarating sa langit.MPMP 102.2

    Ang pag-aasawa ng higit sa isa ay maagang naipasok, labag sa banal na panukala sa pasimula. Ang Panginoon ay nagbigay kay Adan ng isang asawa, inihahayag ang Kanyang panukala na gano'n. Subalit matapos ang Pagkahulog, pinili ng mga tao ang sumunod sa sarili nilang kagustuhang makasalanan; at bunga noon, ang krimen at kasamaan ay mabilis na dumami. Maging ang relasyong mag-asawa ni ang karapatan sa mga ari-arian ay hindi iginalang. Sinumang nagnasa sa mga asawa o ari-arian ng kanyang kapwa, ay sapilitan iyong kinuha, at ang tao ay nagagalak sa kanilang paggawa ng karahasan. Naging kasiyahan nila ang pagkitil sa buhay ng mga hayop; at ang paggamit ng karne bilang pagkain ay lalo pang nagpabagsik sa kanila at uhaw sa dugo, hanggang sa ituring nila ang buhay na may kataka-takang pagkawalang bahala.MPMP 103.1

    Ang daigdig ay nasa kanyang kamusmusan, gano'n pa man ang kasamaan ay naging gano'n na lamang kalalim at kalaganap na hindi na matiis; at Kanyang sinabi, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa.” Kanyang inihayag na ang Kanyang Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa nagkasalang lahi magpakailanman. Kung sila ay hindi titigil sa pagpaparumi sa sanlibutan at sa mga kayamanan noon sa pamamagitan ng kanilang kasalanan, ay papawiin Niya sila mula sa Kanyang mga nilikha, at sisirain ang mga bagay na ikinalugod Niyang ipagpala sa kanila; Kanyang papawiin ang mga hayop sa parang, at ang mga halaman na nagkakaloob ng gano'n karaming pagkain, at ang magandang lupa ay gagawing isang malawak na tanawin ng pangungulila at kasiraan.MPMP 103.2

    Sa kalagitnaan ng lumalaganap na kasamaan, si Matusalem, si Noe, at marami pang iba ang nagpanatiling buhay ang pagkakilala sa tunay na Dios at pumigil sa paglago ng masamang moralidad. Isang daan at dalawampung taon bago ang Baha, ang Panginoon sa pamamagitan ng isang anghel, ay nagpahayag kay Noe ng Kanyang layunin, at inutusan siyang gumawa ng daong. Samantalang ginagawa ang daong siya ay kinakailangang mangaral na ang Dios ay magpapahatid ng baha sa lupa upang puksain ang mga masama. Yaong mga maniniwala sa pabalita, at maghahanda para sa mangyayaring iyon sa pamamagitan ng pagsisisi at pagbabago, ay makakasumpong ng kapatawaran at maliligtas. Inulit ni Enoc sa kanyang mga anak kung ano ang ipinakita ng Dios sa kanya tungkol sa baha, at si Matusalem at ang kanyang mga anak, na nakapakinig sa pangangaral ni Noe, ay tumulong sa paggawa ng daong.MPMP 103.3

    Ibinigay ng Dios kay Noe ang tiyak na sukat ng daong at ang bawat kaalaman tungkol sa paggawa ng bawat bahagi noon. Ang kaisipan ng tao ay hindi maaaring makapagpanukala ng gano'ng gawain na puspos ng dakilang lakas at katibayan. Ang Dios ang nag- panukala, si Noe ang punong manggagawa. Iyon ay ginawang tulad sa isang barko, upang iyon ay lumutang sa tubig, subalit sa ilang bahagi iyon ay higit na tulad halos sa isang bahay. Iyon ay may tatlong palapag, na may isa lamang pinto, sa tagiliran. Ang liwanag ay nakapapasok mula sa ibabaw, at ang iba't ibang bahagi ay nakaayos upang ang lahat ay maliwanagan. Ang ginamit na kahoy sa paggawa ng daong ay sedro o kahoy na gofer, na hindi maaaring mabulok sa loob ng daan-daang taon. Ang paggawa ng daong na ito ay isang mabagal at nakapapagod na gawain. Sa kalakihan ng mga punong kahoy at tigas ng mga kahoy, noon ay mas maraming gawain ang kinakailangan sa paghahanda ng kahoy kaysa ngayon, kahit na mala- lakas ang mga tao noon. Ang lahat ng magagawa ng tao ay ginawa upang ang daong ay magawang ganap, subalit ang daong sa kanyang sarili ay hindi makakasalunga sa bagyong darating sa lupa. Ang Dios lamang ang makapag-iingat sa kanyang mga lingkod sa kaguluhan ng mga tubig.MPMP 104.1

    “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kanyang sambahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.” Hebreo 11:7. Samantalang ipinapahayag ni Noe ang kanyang pabalita ng pagbabala sa sanlibutan, ang kanyang mga ginagawa ay nagpapatotoo sa kanyang katapatan. Sa pamamagitan noon ang kanyang pananampalataya ay naging ganap at hayag. Binigyan ang sanlibutan ng halimbawa ng paniniwala sa kung ano ang sinabi ng Dios. Lahat ng kanyang tinatangkilik, inilaan niya sa daong. Samantalang sinisimulan niya ang paggawa sa malaking barkong iyon sa isang tuyong lupa, karamihan ang nagsidating mula sa bawat panig upang makita ang kakaibang tanawin at marinig ang natatalaga, at maalab na pananalita ng nag-iisang mangangaral. Bawat pukpok sa daong ay isang patotoo sa mga tao.MPMP 104.2

    Sa simula ay tila marami ang tumatanggap sa babala; gano'n pa man sila ay hindi nanumbalik sa Dios na may tunay na pagsisisi. Hindi nila nais talikuran ang kanilang mga kasalanan. Sa mga pana- hong nagdaan bago dumating ang baha, ang kanilang pananampalataya ay nasubok, at sila ay hindi nakatiis sa pagsubok. Nadaig ng laganap na hindi paniniwala, sa huli ay muli silang sumama sa mga dati nilang kasamahan sa pagtanggi sa banal na pabalita. Ilan ang lubhang tinamaan, at sana ay nakinig na sa mga babala; datapuwat marami ang magtatawa at mangkukutya, na gano'n din ang kanilang nadadama, tinanggihan nila ang paanyaya ng awa, ang pagdaka'y kabilang na rin sa mga pinaka matapang at mapanghamong manlilibak; sapagkat walang higit na walang pag-iingat at nakakarating sa gano'n kasama sa kasalanan gaya ng mga minsan ay mayroong liwanag, subalit tinanggihan ang mapag-anyayang Espiritu ng Dios.MPMP 107.1

    Ang mga tao noong kapanahuhang iyon ay hindi lahat, ayon sa ganap na kahulugan ng salita, na mga sumasamba sa diyus-diyusan. Marami ang nagpapanggap na sumasamba sa Dios. Inaangkin nila na ang kanilang mga diyus-diyusan ay mga larawan ng Dios, at sa pamamagitan ng mga iyon ang mga tao ay nagkakaroon ng mas malinaw na pagkakilala sa Dios. Ang grupong ito ang nangunguna sa pagtanggi sa pabalita ni Noe. Samantalang sinisikap nilang ihayag ang Dios sa pamamagitan ng mga materyal na bagay, ang kanilang mga isipan ay nabulag tungkol sa Kanyang pagiging hari at makapangyarihan, hindi na nila makilala ang kabanalan ng Kanyang likas, ni ang banal, at hindi nababagong likas ng Kanyang mga iniuutos. Samantalang ang kasalanan ay nagiging laganap, iyon ay nagmistulang tila hindi makasalanan, hanggang sa kanilang sinasabi na ang banal na kautusan ay wala nang bisa; na labag sa likas ng Dios ang magparusa sa kasalanan; at kanilang itinanggi na ang Kanyang paghatol ay ipapataw sa lupa. Kung ang mga tao lamang noong mga kapanahunang iyon ay sumunod sa banal na kautusan, kanila sanang nakilala ang tinig ng Dios sa babala ng Kanyang lingkod; subalit ang kanilang isip ay lubha nang nabulag sa pamamagitan ng pagtanggi sa liwanag kung kaya't kanilang tunay na pinaniwalaang ang pabalita ni Noe ay isang kasinungalingan.MPMP 107.2

    Hindi marami o nakararanii ang nasa panig ng tama. Ang sanlibutan ay lumalaban sa kahatulan at kautusan ng Dios, at si Noe ay kinilalang isang panatiko. Si Satanas, noong tinutukso si Eva upang sumuway sa Dios, ay nagsabi, “Tunay na hindi kayo mamamatay.” Genesis 3:4. Ang mga dakilang tao, makamundo, mararangal, at matatalino, ay gano'n din ang sinabi. “Ang mga babala ng Dios,” ayon sa kanila, “ay upang mangtakot lamang, at hindi tunay na magaganap. Hindi kayo dapat mabahala. Ang mga ganoong pangyayari tulad ng pag- gunaw sa sanlibutan sa pamamagitan ng Dios na lumikha noon, at ang pagpaparusa sa mga nilikna Niya, ay hindi kailanman mangyayari. Kayo ay pumayapa; huwag matakot. Si Noe ay isang masidhing panatiko.” Ang sanlibutan ay nagtawa sa pagkaloko ng matandang nasisiraan ng bait. Sa halip na papagpakumbabain ang puso sa harap ng Dios, sila ay nagpatuloy sa kanilang pagsalangsang at kasamaan, na parang ang Dios ay hindi nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang lingkod.MPMP 108.1

    Subalit si Noe ay nanindigang parang isang malaking bato sa gitna ng mga alon. Sa gitna ng laganap na paghamak at pangungutya, ay ibinunyi niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang banal na karangalan at hindi nanlulupaypay na pagtatapat. Isang kapangyarihan ang napasa kanyang salita, sapagkat iyon ay ang tinig ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang lingkod. Ang pagkakaugnay sa Dios ang nagpalakas sa kanya sa lakas ng walang hanggang kapangyarihan, samantalang sa loob ng isang daan at dalawampung taon ang kanyang banal na tinig ng lahing iyon tungkol sa mga mangyayari, na, sa paghatol ng kaalaman ng tao, ay mga mahirap mangyari.MPMP 108.2

    Ang sanlibutan bago bumaha ay nagdahilan na sa loob ng maraming daang taon ang mga batas ng kalikasan ay hindi nagbabago. Ang pabalik-balik na mga panahon ay dumarating ng gano'n palagi. Kailanman ay hindi pa umulan noon; ang lupa ay nadidilig sa pamamagitan ng singaw o hamog. Kailan man ang mga ilog ay hindi pa umapaw, subalit maingat na nadadala ang kanilang mga tubig tungo sa dagat. Hindi mababagong mga kautusan ang nag-iingat upang ang tubig ay huwag umapaw sa mga pampang. Subalit ang mga nagdadahilang ito ay hindi nakababatid sa kamay noong pumipigil sa tubig, at nag- sasabing “Hanggang dito ay darating ka, ngunit hindi ka na lalagpas.” Job 38:11.MPMP 108.3

    Samantalang ang panahon ay lumilipas, na walang nakikitang pag- babago sa kalikasan, ang mga tao na matigas ang mga puso na nanginig sa takot ay muling nagkaroon ng lakas ng loob. Kanilang inisip, gaya ng iniisip ng marami ngayon, na ang kalikasan ay higit sa Dios ng kalikasan, at ang kanilang batas ay gano'n na lamang katatag na maging ang Dios ay hindi magagawang baguhin ang mga iyon. Iniisip na kung ang pabalita ni Noe ay tama, ang kalikasan ay maiaalis sa kanyang landasin, ginawa nila ang pabalitang iyon, sa isipan ng sanlibutan, na isang panlilinlang—isang malaking panloloko. Inihayag nila ang kanilang paghamak sa babala ng Dios sa pamamagitan ng paggawa ng mga ginagawa nila bago ibinigay ang babala. Ipinag- patuloy nila ang kanilang mga kapistahan at ang kanilang mga ma- takaw na pagsasaya; sila'y nagsikain at nagsiinom, nagtanim at nagtayo ng mga gusali, nagpapanukala tungkol sa magiging pakinabang nila sa hinaharap; at sila ay nagpatuloy sa pagpapala pa ng kanilang kasamaan, at sa pagbabaliwala sa mga ipinag-uutos ng Dios, upang magpatotoo na sila ay hindi natatakot sa Isang Walang Hanggan. Kanilang iginiit na kung may anumang katotohanan sa sinabi ni Noe, ang mga kilalang tao—ang mga pantas, matatalino, dakilang mga tao—ay mauunawaan iyon.MPMP 109.1

    Kung ang mga tao lamang noon ay nakinig sa babala, at pinagsisihan ang kanilang mga masasamang gawa, ay maaari sanang naialis ng Dios ang Kanyang galit, tulad sa pangyayari noon sa ginawa Niya sa Ninive. Subalit sa pamamagitan ng kanilang matigas na pagtanggi sa mga pagsumbat sa konsensya at sa babala ng propeta ng Dios, ay napuno ang sukat ng kasamaan ng lahing iyon, at naging handa sa pagkagunaw.MPMP 109.2

    Ang kanilang palugit na panahon ay malapit nang matapos. Matapat na nasunod ni Noe ang mga tagubiling tinanggap niya mula sa Dios. Ang daong ay tapos na sa bahagi ng iniutos ng Panginoon, at pinuno ng pagkain para sa tao at sa hayop. At ngayon ang lingkod ng Dios ay nagsagawa ng kanyang huling dakilang panawagan sa mga tao. May naghihirap na damdaming hindi mabigkas ng salita, pinakiusapan niya silang humanap ng mapagkukublihan samantalang ito ay masu- sumpungan. At minsan pa ay kanilang tinanggihan ang kanyang panawagan, at nagtaas ng kanilang mga tinig sa pagtatawa at pangu- ngutya. Hanggang sa bigla na lamang nagkaroon ng katahimikan ang mga nagtatawang karamihan. Iba't ibang uri ng hayop, mula sa pinakamabangis hanggang sa pinakamaamo, ay nakitang dumarating mula sa mga bundok at kagubatan at matahimik na nagtutungo sa daong. Isang ugong tulad ng sa malakas na hihip ng hangin ay narinig, at narito, ang mga ibon ay nagdatingan mula sa iba't ibang panig, ang dami ay nakapagpapadiiim sa himpapawid, at sa isang sakdal na kaayusan sila ay pumasok sa daong. Ang mga hayop ay sumunod sa utos ng Dios, samantalang ang mga tao ay hindi sumu- sunod. Napapatnubayan ng mga anghel, sila ay “nagsidating kay Noe sa sasakyan na dala-dalawa,” at ang malilinis na hayop ay pito- pito. Ang sanlibutan ay nanood sa pagkamangha, ang ilan ay sa takot. Ang mga pilosopo ay tinawagan upang bigyan ng paliwanag ang nangyayaring iyon, subalit iyon ay isang hiwagang hindi nila mai- paliwanag. Subalit ang tao ay nagkaroon na ng katigasan sa patuloy na pagtanggi sa liwanag anupa't maging ang pangyayaring ito ay lumikha lamang ng panandaliang impresyon. Samantalang nakikita ng lahing hinatulan ang araw na nagniningning sa kanyang kaluwalhatian, at ang lupa na nababalutan ng kagandahang halos tulad sa Eden, ay pinawi nila ang kanilang takot sa pamamagitan ng maingay na pagsasaya, at sa pamamagitan ng kanilang karanasan ay tila ina- anyayahan nila sa kanilang sarili ang hatol ng nagising ng galit ng Dios.MPMP 109.3

    At ang Dios ay nag-utos kay Noe, “Lumulan ka at ang iyong buong sambahayan sa sasakyan; sapagkat ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.” Ang mga babala ni Noe ay tinanggihan ng sanlibutan, subalit ang kanyang impluwensya at halimbawa ay naging pagpapala sa kanyang sambahayan. Bilang gantimpala sa kanyang katapatan at pagkamarangal, ay iniligtas ng Dios ang lahat ng kanyang sambahayan kasama niya. Isang pampasigla sa pagiging tapat na magulang!MPMP 110.1

    Ang habag ay tumigil sa pagsusumamo sa nagkasalang lahi. Ang mga hayop sa parang at ang mga ibon sa himpapawid ay nakapasok na sa lugar ng kaligtasan. Si Noe at ang kanyang sambahayan ay nasa loob na ng daong, “at ikinulong siya ng Panginoon.” Isang kislap ng nagniningning na liwanag ang nakita, at isang ulap ng kaluwalhatian na mas maliwanag kaysa kidlat ang bumaba mula sa langit at tumapat sa pintuan ng daong. Ang malaking pinto, na imposibleng maisara noong mga nasa loob, ay marahang isinara ng isang kamay na hindi nakikita. Si Noe ay sinarahan sa loob, at ang mga tumanggi sa habag ng Dios ay sinarahan sa labas. Ang tatak ng Langit ay nasa pintong iyon; ang Dios ang nagsara, ang Dios lamang ang makapagbubukas. Gano'n din naman kapag itinigil ni Kristo ang Kanyang pamamagitan sa nagkasalang tao, bago Siya dumating na nasa mga alapaap ng langit, ang pinto ng awa ay isasara. Kung magkagano'n ang biyaya ng Dios ay hindi na pipigil sa kasamaan, at si Satanas ay magkakaroon ng ganap na pangangasiwa doon sa mga nagsitanggi sa kahabagan. Sisikapin nilang puksain ang bayan ng Dios; subalit kung paanong si Noe ay nasarahan sa loob ng daong, gano'n din naman ang mga matuwid ay makukublihan ng banal na kapangyarihan.MPMP 110.2

    Sa loob ng pitong araw matapos na si Noe at ang kanyang sambahayan ay pumasok sa daong, walang anumang tanda ng dumarating na bagyo ang nahayag. Sa panahong ito ang kanilang pananampalataya ay sinusubok. Iyon ay panahon ng pagtatagumpay sa sanlibutang nasa labas. Ang nasasaksihang pagkaantala ay nagpapatotoo sa kanilang paniwala na ang pabalita ni Noe ay isang panlilinlang, at kailan man ay hindi darating ang baha. Sa kabila ng mga dakilang tanawin na kanilang nasaksihan—ang mga hayop at ibon na pumasok sa daong, at ang anghel ng Dios na nagsara ng pinto—sila ay nagpatuloy pa rin sa kanilang paghamak at pagtatawa, pinagtatawanan maging ang mga pahayag na ito ng kapangyarihan ng Dios. Sila ay pangkat-pangkat na nagtipon sa paligid ng daong, tinatawanan ang nasa loob noon na may kaguluhang kailan man ay hindi pa nila nagawa.MPMP 111.1

    Subalit nang ika-walong araw maiitim na ulap ang kumalat sa kalangitan. Doon ay sumunod ang kulog at ang kidlat. Pagdaka'y nagsimulang pumatak ang malalaking patak ng ulan. Kailan man ay hindi pa nakasaksi ang sanlibutan ng ganito, at ang puso ng mga tao ay sinidlan ng takot. Ang lahat ay palihim na nagtatanong, “Maaari nga kayang si Noe ay tama, at ang sanlibutan ay magwawakas sa pagkagunaw?” Dumilim ng dumilim ang mga langit, at bumilis ng bumilis ang pagbuhos ng ulan. Ang mga hayop ay nagsipagtakbuhan sa kanilang pinaka mabangis na pagkatakot, ang kanilang maiingay na pag-ungol ay tila inihihibik ang sarili nilang kahahantungan at ang kahahantungan ng tao. At “nangasira ang lahat ng bukal na lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.” Ang tubig ay bumubuhos mula sa mga alapaap na parang buo-buo.MPMP 111.2

    Ang mga ilog ay umapaw at pumuno sa mga lambak. Ang tubig ay pumupuslit mula sa lupa ng gano'n na lamang ang lakas, inihahagis ang malalaking bato paitaas daang-daang piye ang layo, at ang mga ito, sa pagbagsak ay bumabaon sa lupa.MPMP 112.1

    Unang nakita ng mga tao ang pagkawasak ng mga gawa ng kanilang kamay. Ang kanilang magagarang mga gusali at magagandang halamanan at kakahuyan kung saan naroon ang kanilang mga diyus- diyusan, ay pinuksa ng kidlat mulat sa langit, at ang kanilang pagka- guho ay malayo at malawak ang kinalatan. Ang mga altar na kung saan ang mga tao ay iniaalay bilang handog ay ipinagbabagsak, at ang mga sumasamba doon ay nanginig sa kapangyarihan ng buhay na Dios, at sa pagkaalam na ang kanilang kasamaan at pagsamba sa mga diyus-diyusan ang sanhi ng kanilang pagkagunaw.MPMP 112.2

    Samantalang ang bagyo ay tumitindi, ang mga punong kahoy, mga gusali, malalaking mga bato, at lupa ay itinatalsik sa lahat ng direksyon. Ang pagkatakot ng tao at ng hayop ay higit na maaaring mailarawan. Kasabay ng pag-ugong ng bagyo ay maririnig ang hagul- gol ng mga taong hindi nagbigay pansin sa awtoridad ng Dios. Si Satanas mismo, na napilitang manatili sa kalagitnaan ng kaguluhan, ay ikinatakot ang kanyang pananatili. Ikinasiya niyang pangasiwaan ang isang makapangyarihang lahi, at ninais niyang sila ay mabuhay upang isagawa ang kanilang kasamaan at ipagpatuloy ang kanilang panghihimagsik laban sa Hari ng kalangitan. Siya ngayon ay nagsasalita laban sa Dios, pinaparatangan Siya ng pagiging hindi makatarungan at ng kalupitan. Marami sa mga tao, ang tulad kay Satanas, ang lumapastangan sa Dios, at kung kanila lamang magagawa ay inalis na sana nila Siya mula sa Kanyang luklukan ng kapangyarihan. Ang iba naman ay hindi mailarawan ang pagkatakot, itinataas ang kanilang mga kamay sa daong at nakikiusap na sila ay papasukin. Subalit ang kanilang pagsusumamo ay walang saysay. Ang konsensya sa wakas ay napukaw upang mabatid na mayroong Dios na naghahari sa mga langit. Sila ay mataimtim na tumawag sa Kanya, subalit ang Kanyang pandinig ay hindi nakabukas para sa kanilang pag-iyak. Sa nakakatakot na panahong iyon ay nakita nila na ang pagsalansang sa mga utos ng Dios ang sanhi ng kanilang pagkapahamak. Gano'n pa man, sa takot sa parusa, ay kinilala nila ang kanilang kasalanan, sila ay hindi nakadama ng tunay na pagsisisi, walang pagkamuhi sa masama. Sila ay babalik pa sana sa kanilang pagsuway sa Langit, kung ang hatol ay inalis. Kaya kapag ang hatol ng Dios ay ihulog sa lupa bago ito wasakifi ng apoy, malalaman ng hindi nagsisisi kung saan at ano ang kanilang kasalanan—ang pagwawalang bahala sa Kanyang banal na kautusan. Gano'n pa man hindi na sila magkakaroon pa ng tunay na pagsisisi higit sa dating sanlibutan ng makasalanan.MPMP 112.3

    Ang ilan sa kawalan ng pag-asa ay nagpilit pumasok sa daong, subalit ang matibay na pagkakagawa ng daong ay nanaig sa kanilang pagsisikap makapasok. Ang ilan ay kumapit sa daong hanggang sa sila ay ipadpad ng mga humahampas na tubig, o ang kanilang pag- kakahawak ay napabitaw sa pagkakabunggo sa mga bato o punong kahoy. Ang malaking daong ay yumayanig sa lahat ng bahagi kapag hinahampas ng walang habag na hihip ng hangin at ipinapadpad kung saan-saan. Ang ungol ng mga hayop sa loob ay naghahayag ng kanilang takot at nararamdaman subalit sa gitna ng magulong kapa- ligiran sila ay nagpatuloy na ligtas sa pagkakasakay. Mga anghel na may ganap na lakas ay itinalaga upang iyon ay ingatan.MPMP 113.1

    Ang mga hayop, sa pagkakalantad sa bagyo, ay nagtakbuhan tungo sa tao, na parang umaasang tutulungan sila. Ang iba ay itinali ang kanilang mga anak at ang kanilang sarili sa malalakas na hayop sa pagkaalam na ang mga ito'y mahigpit kumapit sa buhay, at papanhik sa pinakamatataas na dako upang makatakas mula sa tumataas na baha. Ang ilan naman ay itinali ang kanilang sarili sa matataas na punong kahoy sa tuktok ng mga gulod at bundok; subalit ang mga punong kahoy ay nangabunot, at kasama ng mga buhay na nakasakay sa kanila ay nasakluban ng mga alon. Ang mga lugar na tila mapagkukublihan ay isa-isang nilisan. Samantalang ang tubig ay pataas ng pataas, ang mga tao ay nagtakbuhan tungo sa pinakamatataas na mga bundok. Malimit ang tao at hayop ay magkasamang nagsisikap magkaroon ng matuntungan, hanggang magkakasamang maanod ng baha.MPMP 113.2

    Mula sa pinakamataas na tugatog ang mga tao ay tumanaw sa walang pampang na karagatan. Ang dakilang babala ng lingkod ng Dios ay hindi na isang paksa upang pagtawanan at hamakin. O anong pagkasabik ng mga nangamamatay na makasalanang iyon sa mga pagkakataon na kanilang tinanggihan! Gano'n na lamang ang kanilang pagsusumamo para sa isang oras ng pagkakataon, isa pang pagkakataon ng awa, isang tawag mula sa mga labi ni Noe! Subalit ang matamis na pagtawag ng kaawaan ay hindi na nila maririnig. Ang pag-ibig, lalo't higit ang kahatulan, ay humihiling na ang hatol ng Dios ay magbigay ng pagpigil sa kasalanan. Ang naghihiganting mga tubig ay umapaw sa pinaka huling matutunguhan, at ang mga nagsitalikod sa Dios ay nangamatay sa maitim na kalaliman.MPMP 113.3

    “Sa pamamagitan ng salita ng Dios...ang sanlibutan noon, na ina- pawan ng tubig, ay napahamak: ngunit ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita, ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.” 2 Pedro 3:5-7. Isa pang bagyo ang dumarating. Ang lupa ay muling wawalisin ng nakasisirang galit ng Dios, at ang kasalanan at ang makasalanan ay pupuksain.MPMP 114.1

    Ang mga kasalanang naging sanhi ng paghatol sa sanlibutan na bumaha ay mayroon ngayon. Ang pagkatakot sa Dios ay napawi na mula sa puso ng tao, at ang Kanyang kautusan ay hindi na gaanong pinapansin at kinaiinisan. Ang matinding pagkamakamundo ng panahong iyon ay napapantayan ng nabubuhay sa panahon ngayon. Ang sabi ni Kristo, “Sapagkat gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangag-aasawa at pinapapag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, at hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Mateo 24:38, 39. Hindi hinatulan ng Diyos ang mga tao bago nagkagunaw dahilan sa pagkain at pag-inom; Siya ang nagbigay ng saganang bunga ng lupa upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang pangangatawan. Ang kanilang kasalanan ay yaong pagtanggap sa mga kaloob na ito na walang pagpapasalamat sa Nagkaloob, at ang pagpapababa sa kanilang sarili sa pamamagitan ng labis na pagpapakabusog. Makatarungan para sa kanila ang mag-asawa. Ang pag-aasawa sang-ayon sa alituntunin ng Dios; isa ito sa mga unang itinatag Niya. Siya ay nagbigay ng natatanging tagubilin tungkol sa ordinansang ito, dinam- tan ito ng kabanalan at kagandahan; subalit ang mga tagubiling ito ay kinalimutan, at ang kasal ay sinira at kinasangkapan upang pagbigyan ang pagnanasa.MPMP 114.2

    Gano'n din ang nangyayari ngayon. Yaong mga bagay na sa kanilang sarili ay matuwid ay ginagawang labis. Ang panlasa ay pinag- bibigyan ng walang pagpipigil. Ang mga nagpapanggap na mga tagasunod ni Kristo ngayon ay kumakain at umiinom na kasama ng mga lasing, samantalang ang kanilang pangalan ay nananatiling pina- rarangalan sa talaan ng iglesia. Ang kawalan ng pagtitimpi ay nag- papamanhid sa mga kapangyarihang moral at espirituwal at nag- hahanda ng daan tungo sa pagbibigay laya sa mga pagnanasang nag- papababa. Marami ang hindi nakadarama ng kanilang moral na obli- gasyon upang supilin ang panlamang pagnanasa, at sila ay nagiging mga alipin ng kalibugan. Ang mga tao ay nabubuhay para sa layaw; ukol sa sanlibutan at sa buhay lamang na ito. Ang pagkamalabis ay laganap sa lahat ng bahagi ng lipunan. Ang pagkamatapat ay naisa- sakripisyo kapalit ng luho at pagtatanghal. Sila na nagmamadaling yumaman ay sumasalangsang sa kahatulan at nang-aapi sa mahihirap, at ang “mga alipin at kaluluwa” ng tao ay binibili at ipinagbibili pa rin. Pandaraya at pagsusuhol at pagnanakaw ay nangapapatuloy na hindi sinasansala sa matataas at sa mabababang dako. Ang mga paksa ng pahayagan ay puno ng pagpatay—mga krimen na walang pagpa- pahalaga sa dugo at walang kadahi-dahilan na parang ang bawat magandang kaisipan ay napawi na. At ang mga kaganapang ito ay gano'n na lamang kalaganap anupa't bihirang-bihirang mapuna o ikagulat. Ang espiritu ng kaguluhan ay lumalaganap sa maraming mga bansa, at ang mga sa tuwi-tuwina'y bumabangon na naghahatid ng takot sa buong sanlibutan ay mga pahayag ng pagpapasiklab ng pagnanasa at pagkawala ng kautusan na, minsang mawala sa kontrol, ay pupuno sa lupa ng kalungkutan at pagkasira. Ang larawan na ibinigay ng Inspirasyon tungkol sa mga tao bago nagkagunaw ay lubos na naglalarawan ng kundisyong mabilis na pinatutunguhan ng makabagong lipunan. Maging ngayon, sa kasalukuyang daang taon, at sa nagpapanggap na Kristianong lugar, araw-araw ay may krimeng lumalaganap na kasing-itim at kasing-kilabot noong mga naging dating dahilan ng paggunaw sa mga makasalanan noon.MPMP 114.3

    Bago bumaha ay sinugo ng Dios si Noe upang bigyang babala ang sanlibutan, upang ang mga tao ay maakay sa pagsisisi, at nang sa gano'n ay makatakas sa napipintong pagkagunaw. Samantalang ang panahon ng ikalawang pagpapakita ni Kristo ay lumalapit, isinusugo ng Panginoon ang Kanyang mga lingkod na may babala sa sanlibutan upang maghanda sa dakilang pangyayaring iyon. Marami ang nabubuhay na sumusuway sa mga utos ng Dios, ay ngayon Siya sa Kanyang kaawaan ay nananawagan sa kanila upang sumunod sa banal na utos. Ang lahat ng mag-aalis ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi sa Dios at pananampalataya kay Kristo ay pinapagkalooban ng kapatawaran. Subalit marami ang nakadarama na isang napaka- laking sakripisyo ang kailangan upang maalis ang kasalanan. Sapagkat ang kanilang buhay ay hindi sumasang-ayon sa mga dalisay na prin- sipyo ng moral na pamahalaan ng Dios, tinatanggihan nila ang Kanyang mga babala at hindi kinikilala ang pamamahala ng Kanyang kautusan.MPMP 115.1

    Mula doon sa napakaraming tao noon sa lupa bago nagkabaha, walo lamang ang naniwala at sumunod sa salita ng Dios sa pamamagitan ni Noe. Sa loob ng isang daan at dalawampung taon ang mangangaral ng katuwiran ay nagbabala sa sanlibutan tungkol sa dumarating na pagkagunaw, subalit ang kanyang pabalita ay tinanggihan at hindi pinahalagahan. Magiging gano'n din naman ngayon. Bago dumating ang Tagapagbigay ng utos upang parusahan ang mga hindi sumusunod, ang mga sumasalangsang ay binabalaan upang magsisi, at manumbalik sa kanilang pagtatapat; subalit sa karamihan ang mga babalang ito ay walang halaga. Sang-ayon kay apostol Pedro, “Sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kani-kanilang masasamang pita, at magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng Kanyang pagparito? sapagkat, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.” 2 Pedro 3:3, 4. Hindi ba natin naririnig ang mga salitang ito, hindi lamang ng mga kilalang hindi maka-Dios, kundi ng maraming gumagamit ng pulpito? “Walang dahilan upang tayo ay mabahala,” sigaw nila. “Bago dumating si Kristo, ang buong sanlibutan ay mahihikayat, at ang katuwiran ay maghahari sa loob ng isang libong taon. Kapayapaan, kapayapaan! nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang. Huwag mabahala ang sinuman sa nakagugulat na pabalita ng mga taong mapagbigay-panakot na mga ito.” Subalit ang turong ito tungkol sa isang libong taon ay hindi kasang-ayon ng turo ni Kristo at ng kanilang mga alagad. Itinanong ni Jesus ang mahalagang tanong, “Pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya Siya ng pananampalataya sa lupa?” Lucas 18:8. At, gaya ng nakita natin, inihayag Niya na ang kalagayan ng sanlibutan ay magiging tulad sa panahon ni Noe. Tayo ay binabalaan ni Pablo na maaari nating asahang ang kasamaan ay lalago sa paglapit ng wakas: “Hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonyo.” 1 Timoteo 4:1. Sinabi ng apostol na “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.” 2 Timoteo 3:1. At siya ay nagbigay ng isang nakakagulat na listahan ng mga kasalanan na masusumpungan doon sa mga mayroong anyo ng kabanalan.MPMP 116.1

    Samantalang ang panahon ng kanilang palugit ay sumasara, ang mga tao bago bumaha ay nagpakalulong sa mga nakatutuwang liba- ngan at kapistahan. Yaong mga may impluwensya at kapangyarihan ay laan upang panatilihing ang isipan ng mga tao ay mapuno ng layaw at pagsasaya, baka may madala ng huling dakilang babala. Hindi ba natin nakikita ang gano'n na inuulit din ngayon? Samantalang ang mga lingkod ng Dios ay nagpapahayag ng pabalita na ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na, ang sanlibutan ay abala sa layaw at mga pagsasaya. May walang patid na nagpapatuloy na kasiyahan na lumikha ng di pagpansin sa Dios at iniiwas ang mga tao mula sa impluwensya ng katotohanan na siya lamang tanging maka- pagliligtas sa kanila mula sa dumarating na paggunaw.MPMP 117.1

    Noong mga panahon ni Noe, ang mga marurunong ay nagpapahayag na imposibleng ang sanlibutan ay magunaw sa pamamagitan ng tubig; gano'n din naman ngayon ay may mga tao ng agham ang nagsasabing ang sanlibutan ay hindi magugunaw sa pamamagitan ng apoy—na ito ay hindi katugma ng batas ng kalikasan. Subalit ang Dios ng kalikasan, ang Lumikha at Nangasiwa sa kanyang mga batas, ay maaaring gamitin ang ginawa ng Kanyang mga kamay upang ganapin ang Kanyang layunin.MPMP 117.2

    Noong ang mga tanyag at marurunong na tao ay nakapagpatunay nang lubos na imposible para sa sanlibutan ang magunaw sa pamamagitan ng tubig, noong ang takot ng mga tao ay natahimik, noong ang itinuturing ng lahat ang hula ni Noe bilang isang panlilinlang, at itinuring siya bilang isang panatiko—noon nangyari na ang panahon ng Panginoon ay dumating. “Ang lahat ng bukal ng lubhang kala- liman” ay “nangasira,” at ang mga manunuya ay nangalunod sa baha. Kasama ang lahat ng kanilang ipinagmamalaking pilosopiya, huli na nang masumpungan ng tao na ang kanilang karunungan ay kamang- mangan, na ang Tagapagbigay ng utos ay higit na dakila kaysa sa batas ng kalikasan, at ang Makapangyarihan sa Lahat ay hindi nagagahol sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga layunin. “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe,” “gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.” Lucas 17:26, 30. “Datapuwat darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong at ang mga bagay sa langit ay mapu- pugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.” 2 Pedro 3:10. Kapag ang pangangatuwiran ng pilosopiya ay nakapagpaalis ng takot tungkol sa paghuhukom ng Dios; kapag ang mga pinuno ng relihiyon ay nagtuturo tungkol sa mahahabang panahon ng kapayapaan at pag-unlad, at ang sanlibutan ay maging abala ng tungkol sa hanap-buhay at paghanap ng kasiyahan, nagtatanim at nagtatayo, nagpipiyesta at nagpapakasaya, tinatanggihan ang mga babala ng Dios at kinukutya ang Kanyang mga lingkod— kung magkagayon ay biglang darating ang pagkawasak sa kanila, at sila'y hindi mangakatatanan. 1 Tesalonica 5:3.MPMP 117.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents