Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 60—Ang Kapangahasan ni Saul

    Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 13; 14.

    Makalipas ang pagtitipon sa Gilgal, binuwag ni Saul ang hukbo na bumangon nang siya ay nanawagan upang pabagsakin ang mga Amonita, at nag-iwan lamang ng dalawang libong mga lalaki upang manatili sa ilalim ng kanyang pag-uutos sa Michmas, at ang isang libo upang makasama ng kanyang anak na si Jonathan sa Gabaa. Dito ay may isang malaking pagkakamali. Ang kanyang hukbo ay puno ng pag-asa at tapang dahil sa katatapos pa lamang na pagta- tagumpay; at kung siya ay kaagad nagpatuloy laban sa iba pang nga kaaway ng Israel, isa sanang malaking pagtatagumpay ang natamo para sa mga kalayaan ng bansa.MPMP 729.1

    Samantala, ang kanilang mga mapagdigmang mga kalapit bayan, ang mga Filisteo, ay aktibo. Makalipas ang pagkatalo sa Ebenezer, kanila pa ring napanatili sa kanilang pag-aari ang ilan sa mga moog sa mga burol sa lupain ng Israel, at ngayon ay kanilang pinatatag ang kanilang mga sarili sa pinaka puso ng bansa. Sa mga pasilidad, sanda- ta, at mga kasangkapan, ang mga Filisteo ay may malaking kalama- ngan laban sa Israel. Sa mahabang panahon ng kanilang mapang- aping pamumuno, sinikap nilang palakasin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Israelita sa pagiging mga panday, baka sila gumawa ng mga sandatang pangdigmaan. Nang magkaroon ng kapayapaan, ang mga Hebreo ay pumupunta pa rin sa mga kampo ng mga Filisteo para sa mga gawaing kinakailangang gawin. Pinangungunahan ng pag-ibig sa kaginhawahan, at ng ka- habag-habag na espiritung bunga ng mahabang panahon ng pang- aapi, ang mga lalaki ng Israel, sa isang malaking banda, ay nag- pabayang magkaloob para sa kanilang sarili ng mga sandata para sa pakikipagdigma. Mga pana at panghilagpos ay ginagamit sa dig- maan, at ang mga Israelita ay maaaring magkaroon ng mga ito, subalit walang ganito sa kanila, liban lamang kay Saul at sa kanyang anak na si Jonathan, na mayroong sibat o isang tabak.MPMP 729.2

    Hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Saul ay hindi nagkaroon ng pagtatangkang supilin ang mga Filisteo. Ang unang paghampas ay isinagawa ni Jonathan, ang anak ng hari, na sumalakay at nanaig sa kanilang kampamento sa Gabaa. Ang mga Filisteo, sa pagkagalit dahil sa pagkatalong ito ay naghanda para sa isang mabilis na pagsalakay sa Israel. Si Saul ngayon sa pamamagitan ng tunog ng pakakak ay nag-utos ng pakikipagdigmaan sa buong lupain, na tina- wagan ang lahat ng mga lalaki ukol sa pakikipagdigma. Kabilang ang lipi sa kabila ng Jordan, upang magtipon sa Gilgal. Ang mga pana- wagang ito ay dininig.MPMP 729.3

    Ang mga Filisteo ay nagtipon ng isang malaking puwersa sa Michmas—“tatlumpong libong karo, at anim na libong manganga- bayo, at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan.” Nang ang balita ay nakarating kay Saul at sa kanyang hukbo sa Gilgal, ang bayan ay nasindak sa kaisipan na isang malaking puwersa ang kanilang sasagupain sa pakikipagdigmaan. Sila ay hindi handang humarap sa kaaway, at marami ang lubos na natakot na hindi sila mangahas subukan ang pagharap. Ang ilan ay tumawid sa Jordan, ang iba naman ay nagtago sa mga yungib at sa mga hukay, at sa kalagitnaan ng malalaking mga bato na sagana sa dakong iyon. Samantalang ang panahon ng paghaharap ay lumalapit, ang bilang ng mga umaalis ay mabilis na dumadami, at yaong mga hindi umaalis sa hanay ay napupuno ng pangamba at takot.MPMP 730.1

    Nang si Saul ay unang pahiran bilang hari ng Israel, siya ay tumanggap kay Samuel ng malinaw na mga tagubilin tungkol sa gagawin sa pagkakataong ito. “Ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal,” wika ng propeta; “at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.” 1 Samuel 10:8.MPMP 730.2

    Lumipas ang mga araw na si Saul ay naghihintay, subalit hindi nagsagawa ng anumang pagsisikap tungo sa pagpapasigla sa kanyang bayan at pagtatanyag ng pagtitiwala sa Dios. Bago lubos na natapos ang panahong itinakda ng propeta, siya ay nainip sa pagkaantala, at pinahintulutan ang kanyang sarili na mawalan ng pag-asa dahil sa mga nakasusubok na mga pangyayari na nakapalibot sa kanya. Sa halip na matapat na sinikap na maihanda ang bayan sa serbisyong isasagawa ni Samuel, nagbigay laya siya sa hindi paniniwala at sa pangamba. Ang gawain ng pagtawag sa Dios sa pamamagitan ng hain ay isang pinaka solemne at pinakamahalagang gawain; at ipi- nag-utos ng Dios na ang Kanyang bayan ay magsisiyasat sa kanilang mga puso at magsisi sa kanilang mga kasalanan, upang ang hain ay maialay na katanggap-tanggap sa harap niya, at upang ang Kanyang mga pagpapala ay mapasa kanilang mga pagsisikap upang madaig ang kaaway. Subalit si Saul ay hindi na mapakali; at ang bayan, sa halip na magtiwala sa pagtulong ng Dios, ay nakatingin sa hari na kanilang pinili, upang manguna at mangasiwa sa kanila.MPMP 730.3

    Gano'n pa man ang Dios ay nangangalaga pa rin sa kanila, at hindi sila ibinigay sa kapahamakan na sana'y sumapit sa kanila kung ang mahinang kamay lamang ng laman ang pawang naging suporta nila. Dinala Niya sila sa mga nakasusubok na mga dako, upang sila'y maniwala sa kahangalan ng pagtitiwala sa tao, at upang sila'y tumawag sa Kanya bilang kanilang tanging saklolo. Ang panahon ng pagsubok para kay Saul ay sumapit. Kanya ngayong ipakikita kung siya ay magtitiwala sa Dios o hindi, at mapagtiis na maghihintay ayon sa Kanyang ipinag-utos, at sa gano'ng paraan ay maihayag ang kanyang sarili bilang isa na maaaring magamit ng Dios sa lugar ng pagsubok bilang pinuno ng Kanyang bayan, o kung siya ay magiging salawa- han, at hindi karapat-dapat sa banal na tungkuling napasalin sa kanya. Ang hari ba na pinili ng Israel ay makikinig sa Hari ng lahat ng mga hari? Kanya bang ipipilit ang pansin ng mga nanlulupaypay niyang mga sundalo sa Isa na kinaroroonan ng walang hanggang kalakasan at kaligtasan?MPMP 731.1

    May lumalagong pagkainip na naghintay siya sa pagdating ni Samuel, at isinisi ang kaguluhan at pagkabalisa ng kanyang mga sundalo sa hindi pa pagdating ng propeta. Ang takdang oras ay dumating, subalit ang lalaki ng Dios ay hindi agad napakita. Subalit ang hindi mapakali, at pabigla-biglang espiritu ni Saul ay hindi na mapipigilan pa. Nadarama na mayroong kinakailangang gawin upang maalis ang pangamba ng bayan, ipinasya niyang tumawag ng isang pagpupulong para sa isang relihiyosong serbisyo, at sa pamamagitan ng hain ay pakiusapan ang pagtulong ng Dios. Ipinag-utos ng Dios na yaon lamang mga itinalaga sa tungkuling iyon ang maaaring maghain sa harap niya. Subalit ipinag-utos ni Saul, “Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin;” at, samantalang nagagayakan ng mga sandata at mga kasuutang pangdigmaan, siya ay lumapit sa altar at naghandog ng hain sa harap ng Dios.MPMP 731.2

    “At nangyari, na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin, narito, si Samuel ay dumating; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kanya.” Nakita agad ni Samuel na si Saul ay lumabag sa malinaw na mga tagubilin na ibinilin sa kanya. Ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng kanyang propeta na sa pagkakataong ito ay ipapahayag niya kung ano ang dapat gawin ng Israel sa krisis na ito. Kung si Saul ay tumupad sa mga kondisyon na doon nakasalalay ang ipinangakong tulong ng Dios, ang Panginoon sana ay nakagawa ng isang kahanga-hangang pagliligtas para sa Israel, sa pamamagitan ng kakaunting tapat sa hari. Si Saul ay lub- hang lugod na lugod sa kanyang sarili, sa kanyang ginawa, kung kaya't siya ay lumabas upang sumalubong sa propeta bilang isang kinakailangang purihin sa halip na pagsabihan.MPMP 732.1

    Ang katauhan ni Samuel ay punong puno ng pag-aalala at kagulu- han; subalit sa kanyang tanong na, “Ano ang iyong ginawa?” Si Saul ay nagbigay ng mga pagdadahilan sa kanyang mapangahas na ginawa. Wika niya: “Aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin, at hindi ka dumarating sa mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas; kaya aking sinabi, ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa naipamanhik ang kagali- ngan sa Panginoon: ako'y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin.”MPMP 732.2

    “At sinabi ni Samuel kay Saul, gumawa kang may kamangmangan; hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo: sapagkat itinatag sana ng Panginoon ang Kanyang kaharian sa Israel magpakailan man. Ngunit ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian: Ang Panginoo'y humanap para sa kanya ng isang lalaking ayon sa kanyang sariling puso, at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa Kanyang bayan.... At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa Gabaa ng Benjamin.”MPMP 732.3

    Alin sa dalawa na ang Israel ay hindi na maging bayan ng Dios, o ang mga prinsipyong sa pamamagitan noon ay itinatag ang kaharian ay papanatiliin, at ang bansa ay pamunuan ng kapangyarihan ng Dios. Kung ang Israel ay magiging lubos na sa Panginoon, kung ang kalooban ng tao at makalupa ay magpapailalim sa kalooban ng Dios, maaari siyang magpatuloy na pinuno ng Israel. Hanggat ang hari at ang bayan ay kikilos bilang mga tagasunod ng Dios, siya ay maaari nilang maging kaligtasan. Subalit sa Israel walang monarkiya ang maaaring umunlad na hindi sa lahat ng bagay ay kumikilala sa kataas- taasang awtoridad ng Dios.MPMP 732.4

    Kung si Saul ay nagpakita ng pagpapahalaga sa mga ipinag-uutos ng Dios sa panahong ito ng pagsubok, maaari sanang isinakatuparan ng Dios ang Kanyang kalooban sa pamamagitan niya. Ang kanyang pagkakamali ngayon ay nagpatunay na siya ay hindi angkop upang maging kinatawan ng Dios sa Kanyang bayan. Maililigaw niya ang Israel. Ang kanyang kalooban sa halip na ang kalooban ng Dios, ang kapangyarihang mamamahala. Kung si Saul ay naging tapat, ang kanya sanang kaharian ay naging matatag magpakailan pa man; subalit sapagkat siya ay nagpabaya, ang layunin ng Dios ay kinakailangang maganap sa pamamagitan ng iba. Ang pamamahala sa Israel ay kinakailangang itagubilin sa isa na mamumuno sa bayan ayon sa kalooban ng Langit.MPMP 735.1

    Hindi natin alam kung anong dakilang pagsisikap ang maaaring mapataya sa pagsubok ng Dios. Walang kaligtasan liban lamang sa mahigpit na pagsunod sa salita ng Dios. Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay nakasalalay sa kondisyon ng pananampalataya at pagsunod, at ang isang pagpapabaya sa pagtupad sa Kanyang mga utos ay pumi- pigil sa katuparan sa atin ng mayamang mga inilalaan ng Kasulatan. Hindi natin dapat sundin ang simbuyo ng damdamin, o magtiwala sa kapasyahan ng mga tao; kinakailangang tumingin tayo sa inihayag na kalooban ng Dios, at lumakad sangayon sa Kanyang tiyak na kautusan, anumang mga pangyayari ang nakapaligid sa atin. Ang Dios ang bahala sa magiging mga bunga; sa pamamagitan ng pagi-ging tapat sa Kanyang salita maaari nating patunayan sa panahon ng pagsubok sa harap ng mga tao at sa harap ng mga anghel na ang Panginoon ay maaaring magtiwala sa atin sa mahihirap na kalagayan na isakatuparan ang Kanyang kalooban, parangalan ang Kanyang pangalan, at pag- palain ang Kanyang bayan.MPMP 735.2

    Si Saul ay hindi naging kalugod-lugod sa Dios, gano'n pa man ay hindi siya handa upang magpakumbaba ang kanyang puso sa pagsisisi. Ang kulang sa kanya sa tunay na kabanalan, kanyang sinikap punuan sa pamamagitan ng kanyang pagtatalaga sa mga anyo ng relihiyon. Hindi lihim kay Saul ang pagkatalo ng Israel nang ang kaban ng Dios ay dinala sa kampamento ni Ophni at ni Phinees; gano'n pa man, sa kabila ng pagkaalam sa lahat ng mga ito, ipinasya niyang ipasundo ang banal na kaban at ang naglilingkod doon na saserdote. Kung maaari niyang pasiglahin ang kanyang bayan sa pamamagitan nito, umaasa siyang tipunin muli ang kanyang nangalat na hukbo, at makipagdigma sa mga Filisteo. Hindi na niya ngayon kakailanganin ang presensya at suporta ni Samuel, nang sa ganon ay maging ma- laya sa mga hindi tinatanggap na mga pagpuna at mga pagsansala ng propeta.MPMP 735.3

    Ang Banal na Espiritu ay ipinagkaloob kay Saul upang liwanagan ang kanyang pang-unawa at palambutin ang kanyang puso. Tumang- gap siya ng tapat na tagubilin at pagsansala mula sa propeta ng Dios. Sa kabila noon ay kay laki ng kanyang katigasan ng ulo. Ang kasay- sayan ng unang hari ng Israel ay naghahayag ng isang malungkot na halimbawa na kapangyarihan ng mga unang maling mga kaugalian. Sa kanyang kabataan, hindi ni Saul kinatakutan at inibig ang Dios; at ang mapusok na espiritung iyon na hindi nasanay sa pagsuko, ay laging handa upang maghimagsik laban sa awtoridad ng Dios. Yaong sa kanilang kabataan ay umibig sa isang banal na pagpapahalaga sa kalooban ng Dios, at tapat na gumanap sa mga tungkulin sa kanilang kinalalagyan, ay mahahanda para sa mas mataas na paglilingkod sa hinaharap na buhay. Subalit hindi ng tao maaaring sirain ang mga kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila ng Dios, at pagkatapos noon, kapag pinili nilang magbago, ay masumpungan ang mga kapangyarihan iyon na sariwa at malaya sa lubhang kakaibang landasin.MPMP 736.1

    Ang mga pagsisikap ni Saul na mapabangon ang mga tao ay nawalan ng saysay. Nang masumpungan na ang kanyang puwersa ay anim na raan na lamang, ay kanyang iniwan ang Gilgal, at siya'y nagpahinga sa moog sa Gabaa, na kailan lamang ay nakuha mula sa mga Filisteo. Ang matibay na moog na ito ay nasa timog na bahagi na isang malalim, at malubak na libis, o bangin, ilang milya sa hilagang dako ng Jerusalem. Sa hilagang bahagi ng libis ding iyon, sa Michmas, ang puwersa ng mga Filisteo ay nagkakampamento, samantalang iba't ibang may mga tropang lumalayo tungo sa iba't ibang dako upang wasakin ang bansa.MPMP 736.2

    Pinahintulutan ng Dios na magkagano'n ang mga pangyayari na humantong sa isang krisis, upang kanyang masumbatan ang katigasan ng ulo ni Saul, at maturuan ang Kanyang bayan ng isang liksyon ng pagpapakumbaba at pananampalataya. Dahil sa kasalanan ni Saul sa kanyang mapangahas na paghahandog, hindi ng Panginoon ibibigay sa kanya ang karangalan ng paglupig sa mga Filisteo. Si Jonathan, ang anak ng hari, isang lalaki na may pagkatakot sa Panginoon, ang napiling kasangkapan upang iligtas ang Israel. Kinilos ng isang banal na udyok, kanyang iminungkahi sa kanyang tagapagdala ng sandata na sila ay lihim na sasalakay sa kampo ng kaaway. “Marahil” iginiit niya, “ang Panginoon ay tutulong sa atin, sapagkat hindi maliwanag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.”MPMP 736.3

    Ang tagapagdala ng sandata, na isa ring lalaki ng pananampalataya at mapanalanginin, ay pumangalawa sa panukala, at magkasama silang umalis mula sa kampo, lihim, baka hadlangan ang kanilang layunin. May taimtim na dalangin sa patnubay ng kanilang mga ama, sila ay nagkasundo sa isang hudyat na sa pamamagitan noon ay kanilang malalaman kung paano sila magpapatuloy. At bumaba sa bangin ng naghihiwalay sa dalawang mga hukbo, matahimik nilang binagtas ang kanilang landas, sa nalililiman ng bangin, at medyo nakukublihan ng mga bunton at ng mga tagaytay sa lambak. Nang sumapit sa moog ng mga Filisteo, sila ay nakita ng kanilang mga kaaway, na nagsabi, na may panunuya, “Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan,” at sila ay hinamon, “Ahunin ninyo kami, at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay,” na ang ibig sabihin ay kanilang parurusahan ang dalawang Israelita sa kanilang pangangahas. Ang hamon na ito ang palatandaan na pinagkasunduan ni Jonathan at ng kanyang kasama na tatanggapin na katibayan na pagpapalain ng Panginoon ang kanilang isinasagawa. Nang malam- pasan ngayon ang dakong nakikita ng mga Filisteo, at pumili ng isang lihim at mahirap na daan, ang mga mandirigma ay pumanhik sa itaas ng bangin na inaakalang hindi mararating, at hindi naba- bantayan ng husto. Sa ganong paraan ay nakapasok sila sa kampo ng mga kaaway, at pinatay ang mga bantay, na, sa pagkagulat at takot, ay hindi na nanlaban.MPMP 737.1

    Ang mga anghel ng langit ang nag-ingat kay Jonathan at sa kanyang kasama, lumaban ang mga anghel para sa kanila at ang mga Filisteo ay nangamatay sa harap nila. Ang lupa ay nayanig na tila isang malaking karamihan ng mga mangangabayo at mga karo ay dumarating. Nabatid ni Jonathan ang mga tanda ng pagtulong ng Dios, at maging ang mga Filisteo ay nakabatid na ang Dios ay guma- gawa para sa ikaliligtas ng Israel. Malaking takot ang biglang humawak sa hukbo, kapwa sa mga nasa parang at sa mga nasa kampo. Dahil sa pagkalito, na pinagkamalian ang kanilang sariling kawal na mga kalaban, ang mga Filisteo ay nagsimulang magpatayan sa isa't isa.MPMP 737.2

    Di nagtagal ang inga'y ng labanan ay narinig sa kampo ng Israel. Ang mga bantay ng hari ay nagulat na mayroong malaking kagulo sa mga Filisteo, at ang kanilang bilang ay umuunti. Gano'n pa man ay hindi alam kung mayroong bahagi ng hukbo ng Hebreo na umalis sa kampo. Sa pagtatanong ay nasumpungang walang hindi naroroon liban kay Jonathan at sa kanyang tagapagdala ng sandata. Subalit nang makita na ang mga Filisteo ay napapaurong, pinangunahan ni Saul ang kanyang hukbo upang lumahok sa labanan. Ang mga Hebreo na sumapi na sa mga kalaban ngayon ay lumaban na sa kanila; malaking mga bilang rin ang nagsilabas mula sa kanilang mga kinatataguan, at samantalang ang mga Filisteo ay tumatakas, na taranta, ang hukbo ni Saul ay nagsagawa ng kilabot na pagpatay sa mga tumatakas.MPMP 738.1

    May kapasyahang pagyamanin ng lubos ang kanyang kalamangan, madaliang ipinagbawal ng hari sa kanyang mga sundalo ang pagkain sa buong araw na iyon, na pinapagtibay ang kanyang utos sa pamamagitan ng isang solemneng sumpa. “Sumpain ang lalaki na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway.” Ang tagumpay ay natamo na, hiwalay sa kaalaman o sa pakikiisa ni Saul, subalit nais niyang matanyag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng lubos na pagpuksa sa nabuwag na hukbo. Ang utos na umiwas sa pagkain ay udyok ng makasariling ambisyon, at ipinahahayag nito na ang hari ay walang pakialam sa pangangailangan ng kanyang bayan kung ang mga iyon ay sasalungat sa kanyang pagnanasang maitaas ang sarili. Ang pagpapatibay sa pagbabawal na ito sa pamamagitan ng isang solemneng sumpa ay nagpapahayag na si Saul ay padalus-dalos at walang galang. Ang mga salitang nasa sumpa ay nagpapahayag ng katibayan na ang kasigasigan ni Saul ay alang-alang sa kanyang sarili, at hindi sa ikararangal ng Dios. Ipinag-utos niya na ang kanyang layunin ay, hindi “upang ang Panginoon ay maiganti sa kanyang mga kaaway,” kundi “upang ako ay makaganti sa aking mga kaaway.”MPMP 738.2

    Ang pagbabawal ay humantong sa pag-akay sa mga tao upang labagin ang utos ng Dios. Sila ay nakipagbaka sa digmaan buong araw, at nanlalambot na dahil sa kagutuman; at nang mga sandaling ang mga oras ng pagbabawal ay natapos na, ay kanilang ginalaw ang samsam, at kinain ang laman na may dugo, kaya't nilabag ang utos na nagbabawal sa pagkain ng dugo.MPMP 738.3

    Sa panahon ng digmaan nang araw na yaon, si Jonathan, na hindi nakarinig sa ipinag-utos ng hari, ay walang kamalaymalay na luma- bag sa pamamagitan ng pagkain ng kaunting pulot samantalang siya'y nagdaraan sa isang kakahuyan. Kinagabihan ay nalaman ni Saul ang tungkol sa bagay na ito. Mayroon siyang utos na sinumang sumuway dito ay paparusahan ng kamatayan; at bagaman si Jonathan ay nagkasala ng isang di sinasadyang kasalanan, bagaman may himalang iniligtas ng Dios ang kanyang buhay, at nagsagawa ng pagliligtas sa pamamagitan niya, ipinag-utos ng hari na ang parusa ay kinakailangang isakatuparan. Ang iligtas ang buhay ng kanyang anak ay magiging isang pagtanggap sa bahagi ni Saul na siya ay nagkamali sa paggawa ng isang madaliang sumpa. Ito'y magiging isang kahihiyan sa kanyang puri. “Gawing gayon ng Dios at lalo na,” ang kanyang kilabot na hatol: “sapagkat ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan.”MPMP 739.1

    Hindi ni Saul maaaring angkinin ang karangalan ng pagtatagumpay, subalit umaasa siyang pararangalan sa kanyang kasigasigan sa pagpapanatili sa kabanalan ng kanyang panata. Kahit maisakripisyo ang kanyang anak, kanyang ipadadama sa kanyang nasasakupan ang katotohanan na ang awtoridad ng hari ay kinakailangang mapanatili. Sa Gilgal, hindi pa natatagalan, si Saul ay nangahas na mangasiwa bilang isang saserdote, na labag sa iniutos ng Dios. Nang sansalain ni Samuel, ay may katigasan ang ulo niyang pinawalang sala ang kanyang sarili. Ngayon, nang ang sarili niyang utos ay nilabag—bagaman ang ipinag-utos ay hindi makatarungan at nalabag dahil hindi nalala- man—ang hari at ama ay humatol na ang kanyang anak ay patayin.MPMP 739.2

    Ang mga tao ay tumangging isakatuparan ang hatol. Nilakasan ang loob laban sa galit ng hari, kanilang ipinahayag, “Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: buhay ang Panginoon, hindi malalaglag ang isang buhok ng kanyang ulo sa lupa; sapagkat siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito.” Ang mapagmalaking hari ay hindi nangahas baliwalain ang nagkakaisang kapasyahang ito, at ang buhay ni Jonathan ay nailigtas.MPMP 739.3

    Walang magawa si Saul kundi madama na ang kanyang anak ay higit na kinaluluguran kaysa kanya, kapwa ng mga tao at ng Panginoon. Ang pagkakaligtas kay Jonathan ay isang matinding sum- bat sa pagiging padalus-dalos ng hari. Nakadama siya ng isang nau- nang kaisipan na ang kanyang mga sumpa ay magbabalik sa kanyang sarili. Hindi na niya ipinagpatuloy pa ng matagal ang pakikipaglaban sa mga Filisteo, sa halip ay umuwi sa kanyang tahanan na may pag- kasumpungin at hindi nasisiyahan.MPMP 739.4

    Yaong mga pinaka handa na ipawalang sala ang kanilang sarili sa kasalanan ay malimit pinaka malupit sa paghatol at pagpaparusa sa iba. Marami ang tulad ni Saul, na naghahatid sa kanilang mga sarili ng hindi pagkalugod ng Dios, subalit siya ay tumatanggi sa payo at kinamumuhian ang pagsansala. Kahit na mapaniwala na ang Panginoon ay hindi nila kasama, sila ay tumatangging makita sa kanilang mga sarili ang sanhi ng kanilang suliranin. Iniibig nila ang isang mapagmalaki, at mayabang na espiritu, samantalang sila'y nagbibigay layaw sa malupit na paghatol o matinding panunumbat sa iba na higit na mabuti kay sa kanila. Magiging mabuti para sa mga gano'ng nagbigay sa kanilang sarili ng tungkulin ng isang hukom na pag-isipan ang mga salita ni Kristo: “Sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.” Mateo 7:2.MPMP 740.1

    Malimit yaong nagsisikap itaas ang kanilang mga sarili ay nalalagay sa mga katayuan na kung saan ang kanilang tunay na likas ay naha- hayag. Gano'n ang nangyari sa karanasan ni Saul. Ang sarili niyang landasin ay nagpapaniwala sa mga tao na ang karangalan at awtoridad ng pagiging hari ay mas mahalaga sa kanya kaysa sa katarungan, kaawaan, o pagiging mapagbigay. Sa gano'ng paraan ay naakay ang mga tao upang kanilang makita ang kanilang pagkakamali sa pama- halaang ibinigay sa kanila ng Dios. Kanilang ipinagpalit ang banal na propeta na ang mga dalangin ay naghatid ng mga pagpapala, sa isang hari na sa kanyang bulag na kasigasigan ay dumalangin ng isang sumpa para sa kanila.MPMP 740.2

    Kung hindi namagitan ang mga lalaki ng Israel upang iligtas ang buhay ni Jonathan, ang kanilang tagapagligtas ay maaaring namatay dahil sa iniutos ng hari. Lubhang mag-aalala ang mga tao sa pagsunod kay Saul matapos iyon! Kay pait ng kaisipang inilagay niya sa trono sa pamamagitan ng sarili niyang ginawa! Tinitiis ng Dios ang katigasan ng ulo ng tao, at sa lahat ay nagbibigay Siya ng pag- kakataon upang makita at matalikuran ang kanilang mga kasalanan; subalit samantalang tila pinagpapala Niya yaong nagbabaliwala sa Kanyang kalooban at namumuhi sa Kanyang mga babala ay Kanyang, sa sarili Niyang kapanahunan, tiyak na ipapahayag ang kanilang kahangalan.MPMP 740.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents