Kabanata 61—Tinanggihan si Saul
- Paunang Salita
- Panimula
- Kabanata 1—Bakit Ipinahintulot ang Kasalanan?
- Kabanata 2—Ang Paglalang
- Kabanata 3—Ang Tukso at ang Pagkahulog
- Kabanata 4—Ang Panukala ng Pagtubos
- Kabanata 5—Si Cain at si Abel ay Sinubok
- Kabanata 6—Si Set at si Enoc
- Kabanata 7—Ang Baha
- Kabanata 8—Pagkalipas ng Baha
- Kabanata 9—Ang Literal na Sanlinggo
- Kabanata 10—Ang Tore ng Babel
- Kabanata 11—Ang Pagkatawag kay Abraham
- Kabanata 12—Si Abraham sa Canaan
- Kabanata 13—Ang Pagsubok ng Pananampalataya
- Kabanata 14—Ang Pagkagunaw ng Sodoma
- Kabanata 15—Ang Pag-aasawa ni Isaac
- Kabanata 16—Si Jacob at si Esau
- Kabanata 17—Ang Pagtakas at Pagiging Distiyero ni Jacob
- Kabanata 18—Ang Gabi ng Pakikipagbuno
- Kabanata 19—Ang Pagbabalik sa Canaan
- Kabanata 20—Si Jose sa Ehipto
- Kabanata 21—Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid
- Kabanata 22—Si Moises
- Kabanata 23—Ang Mga Salot sa Ehipto
- Kabanata 24—Ang Paskua
- Kabanata 25—Ang Exodo
- Kabanata 26—Mula sa Pulang Dagat Hanggang sa Sinai
- Kabanata 27—Ang Kautusang Ibinigay sa Israel
- Kabanata 28—Ang Pagsamba sa diyus-diyusan sa Sinai
- Kabanata 29—Ang Galit ni Satanas Laban sa Kautusan
- Kabanata 30—Ang Tabernakulo at ang mga Serbisyo
- Kabanata 31—Ang Kasalanan ni Nadab at ni Abihu
- Kabanata 32—Ang Kautusan at ang mga Tipan
- Kabanata 33—Mula sa Sinai Hanggang sa Cades
- Kabanata 34—Ang Labindalawang Tiktik
- Kabanata 35—Ang Paghihimagsik ni Core
- Kabanata 36—Sa Ilang
- Kabanata 37—Ang Hinampas na Bato
- Kabanata 38—Paglalakbay sa Palibot ng Edom
- Kabanata 39—Ang Pagsakop sa Basan
- Kabanata 40—Balaam
- Kabanata 41—Ang Pagtalikod sa Jordan
- Kabanata 42—Muling Isinaysay ang Kautusan
- Kabanata 43—Ang Pagkamatoy ni Moises
- Kabanata 44—Pagtawid sa Jordan
- Kabanata 45—Ang Pagkaguho ng Jerico
- Kabanata 46—Ang mga Pagpapala at ang mga Sumpa
- Kabanata 47—Ang Pakikilakip sa mga Gabaonita
- Kabanata 48—Ang Pagkakabahagi ng Canaan
- Kabanata 49—Ang Huling mga Salita ni Josue
- Kabanata 50—Ang mga Ikapu at mga Handog
- Kabanata 51—Ang Pangangalaga ng Dios so Mahihirap
- Kabanata 52—Ang Taun-taong mga Kapistahan
- Kabanata 53—Ang Naunang mga Hukom
- Kabanata 54—Samson
- Kabanata 55—Ang Batang si Samuel
- Kabanata 56—Si Eli at ang Kanyang mga Anak
- Kabanata 57—Ang Kaban ay Nakuha ng mga Filisteo
- Kabanata 58—Ang mga Paaralan ng mga Propeta
- Kabanata 59—Ang Unang Hari ng Israel
- Kabanata 60—Ang Kapangahasan ni Saul
- Kabanata 61—Tinanggihan si Saul
- Kabanata 62—Ang Pagpapahid kay David
- Kabanata 63—Si David at si Goliath
- Kabanata 64—Si David Bilang Isang Pugante
- Kabanata 65—Ang Kagandahang-loob ni David
- Kabanata 66—Ang Pagkamatay ni Saul
- Kabanata 67—Ang Sinauna of Makabagong Pang-eengkanto
- Kabanata 68—Si David sa Ziklag
- Kabanata 69—Tinawagan Tungo sa Trono si David
- Kabanata 70—Ang Paghahari ni David
- Kabanata 71—Ang Kasalanan at Pagsisisi ni David
- Kabanata 72—Ang Paghihimagsik ni Absalom
- Kabanata 73—Mga Huling Taon ni David
- Apendiks
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 61—Tinanggihan si Saul
Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 15.
Si Saul ay nagpabaya sa pagpasan sa pagsubok ng pananampalataya sa nakasusubok na sitwasyon sa Gilgal, at naghatid ng panirang puri sa paglilingkod sa Dios; subalit ang kanyang mga pagkakamali ay hindi yaong hindi na maiwawasto, at ang Panginoon ay magbibigay pa sa kanya ng isa pang pagkakataon upang matutunan ang liksyon ng hindi nag-aalinlangang pananampalataya sa Kanyang salita at pagsunod sa Kanyang mga utos.MPMP 742.1
Nang sansalain ng propeta sa Gilgal, si Saul ay hindi nakakita ng malaking pagkakasala sa landas na kanyang tinahak. Kanyang nadama na siya ay ginawan ng masama, at sinikap niyang pangatuwiranan ang kanyang ginawa, at nagbigay ng mga pagdadahilan sa kanyang pagkakamali. Mula nang panahong iyon ay nagkaroon lamang siya ng kaunting pakikipag-ugnayan sa propeta. Mahal ni Samuel si Saul na tulad sa sarili niyang anak, samantalang si Saul, na matapang at marubdob ang pag-uugali, ay mataas ang pagkilala sa propeta; subalit siya ay nagdamdam sa pagsansala ni Samuel, at mula noon ay umiwas na sa kanya hanggat maaari.MPMP 742.2
Subalit sinugo ng Panginoon ang Kanyang lingkod na may iba pang pahayag kay Saul. Sa pamamagitan ng pagsunod ay kanya pa ring mapapatunayan ang kanyang katapatan sa Dios, at ang kanyang pagiging marapat na lumakad sa harap ng Israel. Si Samuel ay dumating sa hari, at ipinahayag ang salita ng Panginoon. Upang ma- batid ng hari ang kahalagahan ng pagsunod sa utos, malinaw na ipinahayag ni Samuel na siya ay nagsasalita ayon sa ipinag-utos ng Dios, sa pamamagitan ng kapangyarihang tumawag kay Saul tungo sa trono. Wika ng propeta, “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kanya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Ehipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalaki at babae, sang- gol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.” Ang mga Amalekita ang unang nakipagdigma sa Israel sa ilang; at dahil sa kasalanang ito pati na ang kanilang paglapastangan sa Dios at ang kanilang na- kabababang pagsamba sa diyus-diyusan, ang Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, ay nagbitiw ng hatol sa kanila. Ayon sa ipinag-utos ng Dios, ang kasaysayan ng kanilang kalupitan sa Israel ay itinala, kabilang ang utos, “Iyong papawiin ang pag-alaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.” Deuteronomio 25:19. Sa loob ng apat na raang taon ang pagsasakatuparan ng utos na ito ay ipinagpaliban; subalit ang mga Amalekita ay hindi humiwalay mula sa kanilang mga kasalanan. Alam ng Panginoon na ang masasamang mga taong ito, kung hahayaan, ang papawi sa Kanyang bayan at sa pagsamba sa Kanya mula sa lupa. Ngayon ay sumapit na ang panahon upang ang hatol, na matagal nang naipagpaliban, ay mai- sakatuparan.MPMP 742.3
Ang pagpipigil ng Dios sa mga masama, ay nagpatapang sa mga tao sa pagsalangsang; subalit ang parusa sa kanila ay gano'n pa rin katiyak at katindi sa kabila ng pagkaantala. “Sapagkat ang Panginoon ay babangon na gaya sa Bundok ng Perasim, Siya'y napopoot na gaya sa libis ng Gabaon; upang Kanyang magawa ang Kanyang gawain, ang Kanyang kakaibang gawain; at papangyarihin ang Kanyang gawain, ang Kanyang kakaibang gawain.” Isaias 28:21. Sa ating mahabaging Dios ang gawain ng pagpaparusa ay isang kakaibang gawain. “Buhay Ako, sabi ng Panginoong Dios, wala Akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kanyang lakad at mabuhay.” Ezekiel 33 :11. Ang Panginoon ay “puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan,...na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan.” Gano'n pa man “sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin.” Exodo 34:6, 7. Bagamat hindi siya nalulugod sa paghihiganti, siya ay magsasa- katuparan ng hatol sa nagsisisalangsang sa Kanyang kautusan. Siya ay napipilitang gawin ito, upang iligtas ang mga naninirahan sa lupa mula sa lubos na pagkasira at pagkapahamak. Upang mailigtas ang ilan, kinakailangang alisin Niya yaong naging matigas na sa pagka- kasala. “Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin.” Nahum 1:3. Sa pamamagitan ng mga kilabot na bagay sa katuwiran Kanyang pawawalan ng sala ang awtoridad ng Kanyang kautusang niyurakan. At ang katotohanan ng Kanyang pag-aatubi- ling isakatuparan ang katarungan, ay nagpapatotoo sa kasamaan ng mga kasalanan na tumawag sa Kanyang mga hatol, at sa katindihan ng parusa ng naghihintay sa mananalansang.MPMP 743.1
Subalit samantalang naglalapat ng hatol, ay inaalala ng Dios ang kaawaan. Ang mga Amalecita ay kinakailangang puksain, subalit ang mga Cineo, na naninirahang kasama nila ay iniligtas. Ang mga taong ito, bagaman hindi lubos na malaya sa pagsamba sa mga diyus-diyu- san, ay mga sumasamba sa Dios, na si Hobab, na siyang sumama sa mga Israelita sa kanilang mga paglalakbay sa ilang, at dahil sa kabi- hasahan niya sa lupain ay nakapagbigay sa kanila ng malaking tulong.MPMP 744.1
Mula pa nang matalo ang Filisteo sa Michmash, si Saul ay naki- pagdigma laban sa Moab, sa Ammon, at Edom, at laban sa mga Amalecita at sa mga Filisteo; at saan man niya ibaling ang kanyang sandata siya ay nagtatamo ng sariwang pagtatagumpay. Nang siya ay atasan laban sa mga Amalecita, ay kaagad niyang ipinag-utos ang pakikipagdigma. Sa sarili niyang awtoridad ay idinagdag ang awtoridad ng propeta, at sa panawagan upang makipagdigma ang mga lalaki ng Israel ay natipon sa ilalim ng kanyang sagisag. Ang gawaing ito ay hindi kinakailangang pasukin sa layuning maparangalan ang sarili; ang mga Israelita ay hindi kinakailangang tumanggap ng kara- ngalan ng pagtatagumpay ni ng mga samsam sa kanilang mga kaaway. Sila ay nakikilahok sa digmaan na pawang isang pagsunod lamang sa Dios, sa layuning maisakatuparan ang Kanyang hatol sa mga Amalecita. Layunin ng Dios na makita ng lahat ng mga bansa ang wakas ng mga taong hindi kumilala sa Kanyang kapangyarihan, at kinakailangang mabatid na sila ay pinuksa ng mga taong kanilang hinamak.MPMP 744.2
“At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur, na nasa tapat ng Ehipto. At kanyang kinuhang buhay si Agag, na hari ng mga Amalecita, at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak. Ngunit pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: ngunit bawat bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.”MPMP 744.3
Ang pagtatagumpay na ito laban sa mga Amalecita ang pinaka- maningning na pagtatagumpay na natamo ni Saul, at ito ay nagsilbi upang muling magsindi ang pagmamalaki ng puso na pinakadakila niyang panganib. Ang iniutos ng Dios na lubos na pagpatay sa mga kaaway ng Dios ay hindi pa lubhang natutupad. Sa pagnanasang pataasin ang karangalan ng kanyang matagumpay na pag-uwi sa pamamagitan ng presensya ng isang bihag na hari, si Saul ay nangahas na tularan ang ugali ng mga bansa sa palibot niya, at itinira si Agag, ang mabagsik at mapagdigmang hari ng mga Amalecita. Itina- bi ng bayan para sa kanilang sarili ang pinakamabuti sa mga alagang hayop, mga tupa, at mga baka, na binibigyan dahilan ang kanilang kasalanan, sa kaisipan na ang mga baka ay inilalaan sa paghahandog na hain sa Panginoon. Layunin nila, gano'n pa man, ang gamitin ang mga ito na pawang panghalili, upang mailigtas ang sarili nilang mga baka.MPMP 744.4
Si Saul ngayon ay nasa ilalim na ng huling pagsubok. Ang kanyang mapangahas na pagpapabaya sa kalooban ng Dios, na nagpapahayag ng kanyang kapasyahan na maghari bilang isang nakabukod na hari, ay nagpapatunay na hindi maaaring maipagkatiwala sa kanya ang kapangyarihan ng isang hari na kinatawan ng Panginoon. Samantalang si Saul at ang kanyang hukbo ay nagmamartsa pauwi na puno ng tagumpay, mayroong malalim na kalungkutan sa tahanan ni Samuel na propeta. Siya ay tumanggap ng pahayag mula sa Panginoon, na nagsasalita ng laban sa ginawa ng hari: “Ikinalungkot Ko na Aking inilagay na hari si Saul; sapagkat siya'y tumalikod na hindi sumunod sa Akin, at hindi tinupad ang Aking mga utos.” Lungkot na lungkot ang propeta sa ginawa ng mapanghimagsik na hari, at siya'y lumuha at nanalangin buong magdamag upang baguhin ang isang kilabot na hatol.MPMP 745.1
Ang pagsisisi ng Dios ay hindi tulad sa pagsisisi ng tao. “Ang lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagkat Siya'y hindi isang tao na magsisisi.” Ang pagsisisi ng tao ay nangangahulugan ng pagpapalit ng iniisip. Ang pagsisisi ng Dios ay nangangahulugan ng pagpapalit ng mga pangyayari at ng mga relasyon. Maaaring baguhin ng tao ang kanyang relasyon sa Dios sa pamamagitan ng pagganap sa mga kondisyon na sa pamamagitan noon siya ay nagiging kalugod-lugod sa Dios, o maaaring, sa pamamagitan ng sarili niyang kagagawan, ay ilagay ang kanyang sarili sa labas ng kondisyon ng pagiging kalugod-lugod; subalit ang Panginoon ay Siya ring “kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Hebreo 13:8. Ang pagsuway ni Saul ay nagbago sa kanyang relasyon sa Dios; subalit ang mga kondisyon ng pagiging katanggap- tanggap sa Dios ay hindi nababago—ang mga ipinag-uutos ng Dios ay iyon pa ring dati, sapagkat sa Kanya ay “walang pagbabago, ni kahit anino man ng pag-iiba.” Santiago 1:17.MPMP 745.2
Nagdadalamhati ang puso na gumayak ang propeta kinaumagahan upang makipagtagpo sa nagkasalang hari. Inibig ni Samuel ang isang pag-asa na, sa pagmunimuni, ay maaaring mabatid ni Saul ang kanyang kasalanan, at sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapakumbaba, ay muling maisauli sa pagiging kalugod-lugod sa Dios. Subalit kapag ang unang hakbang ay naisagawa sa landas ng pagsalangsang, ang landas ay nagiging madali. Si Saul na pinababa na ng kanyang pagsuway, ay nakipagtagpo kay Samuel na mayroong pagsisinungaling sa kanyang mga labi. Pahayag niya, “Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon.”MPMP 746.1
Ang mga narinig ng tainga ng propeta ay nagpabulaan sa pahayag ng masuwaying hari. Sa matuwid na tanong, “Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig?” Si Saul ay sumagot, “Sila'y dinala mula sa mga Amalecita: sapagkat ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ihain sa Panginoon mong Dios; at ang natira ay aming lubos na nilipol.” Sinunod ng bayan ang mga ipinag- utos ni Saul; subalit upang pagtakpan ang kanyang sarili, siya ay ihandang singilin sa kanila ang kasalanan ng paglabag.MPMP 746.2
Ang pahayag tungkol sa pagtanggi kay Saul ay naghatid ng hindi mabigkas na kalungkutan sa puso ni Samuel. Iyon ay kinakailangang maparating sa buong hukbo ng Israel, samantalang sila ay puno ng pagmamalaki at kagalakan sa pagtatagumpay na itinuturing na bunga ng kagitingan at mahusay na pamumuno ng kanilang hari, sapagkat hindi ni Saul iniuugnay ang Dios sa pagtatagumpay ng Israel sa labanang ito; subalit nang makita ng propeta ang katibayan ng pang- hihimagsik ni Saul, siya ay nagkaroon ng galit, na siya, na lubhang kinalugdan ng Dios, ay sasalangsang sa kautusan ng langit, at mag- aakay sa Israel tungo sa pagkakasala. Si Samuel ay hindi nadaya ng pagkukunwari ng hari. May magkahalong lungkot at galit na kanyang ipinahayag. “Tumigil ka, at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito.... Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel?” Binanggit niyang muli ang ipinag-utos ng Panginoon tungkol sa Amalec, at humingi ng dahilan ng pagsuway ng hari.MPMP 746.3
Si Saul ay nagmatigas sa pagmamatuwid sa sarili: “Oo, aking sinu- nod ang tinig ng Panginoon, at ako'y yumaon sa daan na pinagsu- guan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag na hari ng Amalec, at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita. Ngunit ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal.”MPMP 747.1
Sa mahigpit at solemneng mga pananalita ay binaliwala ay pinawi ng propeta ang mga pinagkukubliang mga kasinungalingan at binanggit ang hindi na mababagong hatol: “Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalaki. Sapagkat ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diyus-diyusan at sa mga serapin. Sapagkat dahil sa iyong itinakwil ang salita ng Panginoon, ay kanya namang itinakwil ka upang huwag ka nang maging hari.”MPMP 747.2
Nang marinig ng hari ang kilabot na hatol na ito ay kanyang isinigaw, “Ako'y nagkasala; sapagkat ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.” Sa takot sa panunuligsa ng propeta, inamin ni Saul ang kanyang kasalanan na nang una ay may katigasan niyang itinatanggi; subalit siya ay nanatili pa rin sa paninisi sa bayan, na sinasabing siya ay nagkasala dahil sa takot sa kanila.MPMP 747.3
Iyon ay hindi pagkalungkot dahil sa kasalanan, kundi takot sa ka- parusahan noon, na kumilos sa hari ng Israel samantalang siya ay nakikiusap kay Samuel, “Isinasamo ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik ka uli na kasama ko upang sumamba sa Panginoon.” Kung si Saul ay nagkaroon ng tunay na pagsisisi, ginawa sana niyang hayag ang pagisisi ng kanyang kasalanan; subalit ang pangunahing pinangangambahan niya ay ang mapanatili ang kanyang awtoridad at panatilihin ang pagsunod ng bayan. Ninais niya ang karangalan ng presensya ni Samuel upang palakasin ang sarili niyang impluwensya sa bansa.MPMP 747.4
“Hindi ako babalik na kasama mo,” ang sagot ng propeta: “sapagkat iyong itinakwil ang salita ng Panginoon, at itinakwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maghari sa Israel.” Nang si Samuel ay tumalikod upang umalis, ang hari, sa kalakihan ng kanyang takot, ay kumapit sa kanyang balabal upang siya ay pigilan, subalit iyon ay napunit sa kanyang mga kamay. Dahil dito, ang propeta ay nagpahayag, “Pinunit sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapwa, na maigi kay sa iyo.”MPMP 748.1
Si Saul ay higit na nabahala sa paghiwalay ni Samuel kaysa sa hindi pagkalugod ng Dios. Alam niya na ang bayan ay may higit na pagtiti- wala sa propeta kaysa kanya. Kung mayroong iba, ayon sa ipag-utos ng Dios na ngayon ay pahirang hari, nadama ni Saul na hindi na maaaring papanatilihin ang sarili niyang kapangyarihan. Pinangam- bahan niya ang isang madaliang paghihimagsik kung siya ay lubos nang iiwan ni Samuel. Si Saul ay nakiusap sa propeta upang paranga- lan siya sa harap ng mga matanda at ng bayan sa pamamagitan ng isang pangmadlang pagsama sa kanya sa isang serbisyong panrelihiyon. Sa pagpatnubay ng Dios si Samuel ay sumang-ayon sa kahilingan ng hari, upang hindi magkaroon ng dahilan para sa isang paghihimagsik. Subalit nanatili lamang siya bilang isang matahimik na saksi sa serbisyo.MPMP 748.2
Isang pagkilos ng katarungan, na mahigpit at kilabot, ang kinakai- langan pang maisakatuparan. Kinakailangang sa madia ay ipawalang sala ni Samuel ang karangalan ng Dios at kagalitan ang ginawa ni Saul. Kanyang ipinag-utos na ang hari ng mga Amalecita ay dalhin sa harap niya. Higit sa lahat ng namatay sa pamamagitan ng tabak ng Israel, si Agag ang naging pinaka walang habag; isang may galit at nagsikap puksain ang bayan ng Dios, at ang impluwensya ay naging pinakamalakas upang itanyag ang pagsamba sa mga diyus-diyusan. Siya ay dumating ayon sa ipinag-utos ng propeta, na iniisip sa kanyang sarili na ang panganib ng kamatayan ay lipas na. Ipinahayag ni Samuel, “kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina ng mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon.” Nang ito ay magawa, si Samuel ay umuwi sa kanyang tahanan sa Rama, si Saul sa kanyang tahanan sa Sabas. Minsan na lamang mula noon ang propeta at ang hari ay nagkita pang muli.MPMP 748.3
Nang tawagin tungo sa trono, si Saul ay may mapagpakumbabang kaisipan tungkol sa sarili niyang mga kakayanan, at handa upang maturuan. Siya ay kulang sa kaalaman at sa karanasan at mayroong matinding kahinaan ang likas. Subalit ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon ang Banal na Espiritu bilang isang patnubay at katulong, at inilagay siya sa isang kalagayan na kung saan siya ay maaaring magkaroon ng mga katangian na kailangan sa isang hari ng Israel. Kung siya lamang ay nanatiling mapagpakumbaba, na palaging sinisikap na mapatnubayan ng karunungan ng Dios, sana ay binigyan siya ng kapangyarihan upang maisagawa ang kanyang mga tungkulin sa isang mataas na kalagayan ng pagtatagumpay at karangalan. Sa ilalim ng impluwensya ng biyaya ng Dios ang bawat mabuting katangian sana ay napalakas, samantalang ang mga masamang kinahi- hiligan ay nawalan ng kapangyarihan. Ito ang gawaing iniaalok na gagawin ng Panginoon sa lahat ng nagtatalaga ng kanilang sarili sa kanya. Marami ang tinawagan niya sa mga tungkulin sa Kanyang gawain sapagkat sila ay may espiritung mapagpakumbaba at mada- ling turuan. Sa kanyang awa at pagtulong Kanyang inilalagay sila kung saan sila ay maaaring matuto tungkol sa Kanya. Kanyang iniha- hayag sa kanila ang kahinaan ng kanilang pagkatao, at sa lahat ng humihiling sa Kanyang tulong Siya ay nagbibigay ng lakas upang maitama ang kanilang mga pagkakamali.MPMP 749.1
Subalit si Saul ay nangahas sa pagkakataas sa kanya, at nilapasta- ngan ang Dios sa pamamagitan ng pagsuway at hindi paniniwala. Bagaman sa simula nang pagkatawag sa kanya sa trono siya ay mapagpakumbaba at hindi mapagtiwala sa sarili. Ang kauna-unahang pagtatagumpay sa kanyang paghahari ang nagpaapoy sa pagmamalaki ng puso na kanyang pinakamalaking panganib. Ang tapang at kahusayang pang-militar na nahayag sa pagliligtas sa Jabes-galaad ay pumukaw sa paghanga ng buong bayan. Pinarangalan ng bayan ang kanilang hari, kinalimutan na siya lamang ay pawang kasangkapan na sa pamamagitan niya ang Dios ay gumawa; at bagaman sa simula ay ipinalagay niya ang kaluwalhatian sa Dios, makalipas iyon ay kinuha niya ang karangalan para sa kanyang sarili. Hindi na niya nakita ang kanyang pagpapatulong sa Dios, at sa puso ay lumayo na sa Panginoon. Kaya't naihanda ang daan para sa una niyang kasalanan ng kapangahasan at kalapastanganan sa Gilgal. Ang bulag ding iyon na pagtitiwala sa sarili ay umakay sa kanya upang tanggihan ang pagsansala ni Samuel.MPMP 749.2
Kinikilala ni Saul ni Samuel bilang isang propetang sugo ng Dios; kaya't dapat sana ay tinanggap niya ang pagsansala, bagaman hindi niya makita sa kanyang sarili na siya ay nagkasala. Kung siya lamang ay naging handa upang makita at pagsisihan ang kanyang pagkakamali, ang mapait na karanasang ito ay naging isa sanang pananggalang sa hinaharap.MPMP 750.1
Kung ang Panginoon sa pagkakataong iyon ay lubos na humiwalay kay Saul, hindi na sana siya nagsalita sa kanya sa pamamagitan ng kanyang propeta, na ipinagkatiwala sa kanya ang isang gawaing ga- gampanan, upang kanyang maituwid ang mga pagkakamali sa naka- raan. Kapag ang isang nag-aangking anak ng Dios ay naging pabaya sa pagsunod sa kanyang kalooban, at dahil doon ay nakakaimplu- wensya sa iba upang mawalan ng galang at hindi na makinig sa mga ipinag-uutos ng Panginoon, maaari pa ring maibalik ang kanyang mga pagpapabaya tungo sa mga tagumpay kung kanyang tatangga- pin ang pagsansala na may tunay na pagsisisi ng kaluluwa at manu- numbalik sa Dios na may pagpapakumbaba at pananampalataya. Ang kahihiyan at pagkatalo ay malimit nagiging isang pagpapala sa pamamagitan ng pagpapakita sa atin ng kawalan natin ng kakayanan na maisakatuparan ang kalooban ng Dios na wala ang kanyang tulong.MPMP 750.2
Nang tinanggihan ni Saul ang pagsansalang pinarating sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios at ipinagpilitan ang kanyang may katigasan ang ulong pagmamatuwid sa sarili, kanyang tinanggihan ang natatanging paraan na sa pamamagitan noon ang Dios ay maaaring gumawa upang iligtas siya mula sa kanyang sarili. Tinikis niyang ihiwalay ang kanyang sarili mula sa Dios. Hindi siya maaaring makatanggap ng tulong ng Dios o ng pagpatnubay malibang siya'y manumbalik sa Dios sa pamamagitan ng pagsisisi ng kanyang kasalanan.MPMP 750.3
Sa Gilgal, si Saul ay nagpakita ng isang tila malaking pagtatapat, samantalang siya'y nakatayo sa harap ng hukbo ng Israel na nag- aalay ng hain sa Dios. Subalit ang kanyang kabanalan ay hindi tunay. Ang isang serbisyong panrelihiyon na isinasagawa sa isang tuwirang paglabag sa kautusan ng Dios ay naging kasangkapan lamang upang mapahina ang mga kamay ni Saul, at inilagay siya sa hindi maaabot ng tulong na handang-handa ang Dios na ipagkaloob sa kanya.MPMP 750.4
Sa kanyang ekspidisyon laban sa Amalec, inisip ni Saul na ginawa na niya ang lahat ng dapat gawin sa ipinag-utos sa kanya ng Panginoon; subalit ang Panginoon ay hindi nalulugod sa hindi ganap na pagsunod, ni hindi Siya handa upang palampasin ang pagsuway dahil sa isang magandang layunin. Hindi binigyan ng Dios ang tao ng kalayaan na humiwalay mula sa Kanyang mga ipinag-uutos. Ipinahayag ng Panginoon sa Israel, “Huwag ninyong gagawin...ang ma- galingin ng bawat isa sa kanyang paningin;” “kundi inyong susundin at didinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniutos Ko sa inyo.” Deuteronomio 12:8, 28. Sa pagpapasya tungkol sa anumang gagawin hindi natin dapat itanong kung tayo ay may nakikitang makasasakit na ibubunga noon, kundi kung iyon ay kasang-ayon ng kalooban ng Dios. “May daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” Kawikaan 14:12.MPMP 750.5
“Ang pagsunod ay maigi kay sa hain.” Ang mga handog na hain sa ganang kanilang sarili ay walang halaga sa paningin ng Dios. Ang mga iyon ay iginayak upang bigkasin sa bahagi ng naghahain ang pagsisisi sa kasalanan at pananampalataya kay Kristo at upang maipa- ngako ang pagiging masunurin sa kautusan ng Dios sa hinaharap. Subalit kung walang pagsisisi, walang pananampalataya, at walang masunuring puso, ang mga handog ay walang halaga. Nang, sa isang tuwirang paglabag sa ipinag-utos ng Dios, si Saul ay nag-alok na magkakaloob ng isang hain mula doon sa itinalaga ng Dios sa pagka- lipol, isang hayagang paghamak sa kapangyarihan ng Dios ang ipi- nakita. Ang serbisyo ay naging isang pag-alipusta sa Langit. Gano'n pa man sa kabila ng pagkakasala ni Saul at ng bunga noon sa harap natin, kay rami ng tumatahak sa gano'n ding landas. Samantalang sila ay tumatangging maniwala at sumunod sa ilan sa mga ipinag- uutos ng Panginoon, matiyaga nilang inihahandog sa Dios ang kanilang pormal na mga serbisyong panrelihiyon. Walang tugon ng Espiritu ng Dios sa gano'ng serbisyo. Gaano man maging kasigasig ang mga tao sa kanilang pagtupad sa mga seremonyang panrelihiyon, sila ay hindi maaaring matanggap ng Panginoon kung sila ay mananatili sa nababatid na paglabag sa isa sa Kanyang mga ipinag- uutos.MPMP 751.1
“Ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diyus-diyusan.” Ang panghihimagsik ay nagsimula kay Satanas, at lahat ng panghihimagsik laban sa Dios ay tuwirang dahil sa impluwensya ni Satanas. Yaong mga inilalagay ang kanilang mga sarili laban sa pamahalaan ng Dios ay pumapasok sa isang pakikiisa sa pinuno ng pagtalikod, at kanyang gagamitin ang kanyang kapangyarihan at katusuhan upang mabihag ang mga pandama at iligaw ang pang-unawa. Papangyarihin niya na ang lahat ay makita sa isang huwad na liwanag. Tulad sa ating unang mga magulang, yaong nasa ilalim ng kanyang nakagagayumang pan- lilinlang ay nakikita lamang ang dakilang mga kapakinabangan ng pagsuway.MPMP 751.2
Walang mas makapangyarihang katibayan ang maibibigay tungkol sa kapangyarihang manlinlang ni Satanas kaysa doon sa marami na sa ganong paraan ay inakay niya ay dinaya ang kanilang mga sarili sa paniniwala na sila ay nasa paglilingkod sa Dios. Nang si Kore, Dathan, at Abiram ay naghimagsik laban sa awtoridad ni Moises, inakala nila na sila ay tumututol lamang sa isang pinunong tao, isang lalaki na katulad nila; at sila'y naniwala na tunay na naglilingkod sa Dios. Subalit sa pagtanggi sa piniling kasangkapan ng Dios, kanilang tinanggihan si Kristo; kanilang ininsulto ang Espiritu ng Dios. Gano'n din naman, noong panahon ni Kristo, ang mga Hudyong eskriba at mga matanda, na nag-aangkin ng malaking kasigasigan para sa karangalan ng Dios, ipinako ang Kanyang Anak. Ang gano'n ding espiritu ang nasa mga puso noong iginagayak ang kanilang mga sarili sa pagsunod sa sarili nilang kalooban sa paglaban sa kalooban ng Dios.MPMP 752.1
Si Saul ay may pinaka sapat na katibayan na si Samuel ay kinasihan ng Dios. Ang kanyang pangangahas na baliwalain ang ipinag-utos ng Dios sa pamamagitan ng propeta ay laban sa idinidikta ng matuwid na pag-iisip at mahusay na pagpapasya. Ang kanyang nakamamatay na kapangahasan ay kinakailangang ipalagay sa pangkukulam ni Satanas. Si Saul ay nagpahayag ng malaking kasigasigan sa pakpuksa sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at sa pangkukulam; gano'n pa man sa kanyang pagsuway, kanyang idinagdag ang katigasan ng ulo sa panghihimagsik. Hindi sana siya nakagawa ng mas malaking pang- iinsulto sa Espiritu ng Dios kung hayagan siyang nakiisa sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan.MPMP 752.2
Isang mapanganib na hakbang ang magbaliwala sa mga panunumbat at mga babala ng salita ng Dios o ng Kanyang Espiritu. Marami, tulad ni Saul, ay sumasangayon sa tukso hanggang sa sila ay maging bulag sa tunay na likas ng kasalanan. Kanilang nililinlang ang kanilang sarili na sila ay may mabuting layuning tinatanaw, at walang maling ginagawa sa paghiwalay mula sa mga ipinag-uutos ng Panginoon. Sa gano'ng paraan ay kanilang iniinsulto ang Espiritu ng biyaya, hanggang sa ang tinig niyaon ay hindi na maririnig, at sila ay naiiwan sa mga kasinungalingan na kanilang pinili.MPMP 752.3
Kay Saul, ang Dios ay nagbigay sa Israel ng isang hari ayon sa kanilang sariling puso, gaya ng pagkakasabi ni Samuel nang ang kaharian ay itinalaga kay Saul sa Gilgal. “Masdan ninyo ang hari na inyong pinili, at siya ninyong hiningi.” 1 Samuel 12:13. Kaakit-akit ang hitsura, may marangal na tindig at makahari ang anyo, ang kanyang hitsura ay ayon sa kanilang iniisip na karingalan ng hari; at ang kanyang pansariling katapangan at kakayanan sa pamumuno sa mga hukbo ay mga katangian na kanilang itinuturing na pinakamabuti upang makuha ang paggalang at pagpaparangal mula sa ibang mga bansa. Hindi nila lubhang ikinabahala na kinakailangang ang kanilang hari ay magkaroon noong higit na mataas na mga katangian na siya lamang magpapaging angkop sa kanya upang makapaghari na may kahatulan at katarungan. Hindi sila humingi ng isa na mayroong tunay na marangal na pagkatao, na mayroong pag-ibig at pagkatakot sa Dios. Sila ay hindi humingi ng payo mula sa Dios tungkol sa mga katangian na kinakailangang mapasa isang hari, u- pang maingatan ang kanilang, naiiba, at banal na likas bilang kanyang piniling bayan. Hindi nila hinanap ang kaparaanan ng Dios, kundi ang sarili nilang kaparaanan. Kaya't ibinigay ng Dios sa kanila ang hari na kanilang hinihingi—isa na ang pagkatao ay larawan ng sa kanila. Ang kanilang mga puso ay hindi nakasuko sa Dios, at ang kanilang hari ay wala sa ilalim ng biyaya ng Dios. Sa ilalim ng pamumuno ng haring ito sila ay magkakaroon ng karanasang kaila- ngan upang kanilang makita ang kanilang pagkakamali, at manum- balik sa pagtatapat sa Dios.MPMP 753.1
Gano'n pa man, sapagkat nailagay na kay Saul ang responsibilidad ng kaharian, ay hindi siya iniwan ng Panginoon sa kanyang sarili. Pinapangyari niyang ang Banal na Espiritu ay manahan kay Saul upang ipahayag sa kanya ang sarili niyang kahinaan at ang kanyang pangangailangan ng biyaya ng Dios; at kung si Saul ay umasa lamang sa Dios, ang Dios sana ay sumakanya. Samantalang ang kanyang kalooban ay napapangasiwaan ng kalooban ng Dios, samantalang siya'y sumasangayon sa disiplina ng Kanyang Espiritu, maaari ng Dios putungan ng tagumpay ang kanyang mga pagsisikap. Subalit nang piliin ni Saul ang gumawa na hiwalay sa Dios, ang Panginoon ay hindi na niya maaaring maging patnubay, at napilitang siya ay isa- isang tabi. At siya ay tumawag para sa trono “ng isang lalaking ayon sa Kanyang sariling puso” (1 Samuel 13:14)—hindi yaong walang kapintasan ang pagkatao, kundi yaong, sa halip na magtiwala sa sarili, ay magtitiwala sa Dios, at mapapatnubayan ng Kanyang Espiritu; isa na kapag nagkasala, ay tatanggap ng pagsansala at pagtutuwid.MPMP 753.2