Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Babala Laban sa Pagpapaimbabaw

    Sa paghahayag ng mga alagad ng katotohanan sa Jerusalem, ang Dios ang nagpatotoo sa kanilang mga salita, at maraming tao ang nanampalataya. Marami sa mga naunang mananampalatayang ito ay agad nahiwalay sa kanilang mga pamilya at kaibigan dahilan sa masigasig na pag-uusig ng mga Judio, at kinailangang sila ay bigyan ng pagkain at matitirahan.AGA 55.1

    Ayon sa tala, “Walang sinuman sa kanila na nagkulang,” at natala rin kung paano na ang pangangailangan ay nasapatan. Silang may mga kayamanan at salapi ay magalak na nagsakripisyo ukol sa kagipitan. Ipinagbili ang mga bahay at lupa, inihandog ang salapi sa paanan ng mga alagad, “at pinaghati-hati ito ayon sa pangangailangan ng bawat tao.”AGA 55.2

    Ang bukas na palad na ito ng mga mananampalataya ay bunga ng pagbubuhos ng Espiritu. Ang mga nahikayat sa ebanghelyo ay “nagkakaisang puso at kaluluwa.” Iisang interes ang naglakip sa kanila—ang tagumpay ng misyong naipagkatiwala sa kanila; at ang pag-iimbot ay walang lugar sa kanilang mga buhay. Ang pag-ibig sa kapatid at sa gawain, ay naging dakila kaysa pag-ibig sa salapi at tinatangkilik. Ang kanilang mga gawa ay nagpatotoo na itinuring nilang ang kaluluwa ng tao ay higit sa kayamanan sa lupa.AGA 55.3

    At ganitong palagi kapag ang Espiritu ng Dios ay mag-aanglan ng buhay. Silang ang mga puso ay puspos ng pag-ibig ni Kristo, ay susunod sa halimbawa Niya na dahilan sa atin ay naging dukha, upang sa Kanyang karukhaan tayo naman ay maging mayaman. Salapi, panahon, impluwensya—lahat ng kaloob na kanilang tinanggap mula sa kamay ng Dios, ay pahahalagahan lamang sapagkat ito ay kailangan sa pagpapasulong ng gawain ng ebanghelyo. Ganito sa naunang iglesia; at kapag sa iglesia ngayon ay nakitang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ang mga pagmamahal ay maaalis sa mga bagay ng sanlibutan, at sila ay magiging handang magsakripisyo upang ang kanilang kapwa tao ay makarinig ng ebanghelyo, ang mga katotohanang ihahayag ay magkakaroon ng makapangyarihang impluwensya sa mga nakildnig.AGA 55.4

    Katuwas sa halimbawang ito ng kagandahang-loob ng mga mananampalataya, ay ang naging kilos nina Ananias at Sapira, na ang karanasan, ayon sa pluma ng Inspirasyon, ay nag-iwan ng maitim na batik sa kasaysayan ng naunang iglesia. Kasama ng iba pa, ang mga nagpanggap na alagad na ito ay natamasa ang karapatang makarinig ng ebanghelyong ipinangaral ng mga alagad. Kasama sila ng ibang mananampalataya nang matapos manalangin ang mga alagad, “ang dako ay nayanig at sila ay napuspos ng Banal na Espiritu.” Gawa 4:31. Malalim na kombiksyon ay nadama ng lahat na nagkatipon, at sa impluwensya ng Espiritu ng Dios, sina Ananias at Sapira ay nagpanatang ibibigay sa Panginoon ang mapagbibilhan ng isang tinatangkilik.AGA 56.1

    Matapos, pinighati nina Ananias at Sapira ang Banal na Espiritu sa pagsuko sa kasakiman. Nagsisi sila sa kanilang pangako, at di nagtagal ay nawala sa kanila ang matamis na impluwensya ng pagpapalang nagpainit ng kanilang mga puso na gumawa ng dakilang bagay para sa gawain ni Kristo. Naisip nilang naging mabilis ang kanilang pagpapasya, anupa’t inisip na baguhin ang desisyon. Pinag-usapan nila ito, at nagpasyang huwag sundin ang panata. Nakita nila, ganunpaman, kung paanong silang tumupad sa pangako upang matulungan ang pangangailangan ng kanilang mahihirap na kapatid, ay pinarangalan ng mga mananampalataya; at upang hindi mapahiya ay ipinagbili naman ang ari-ariang itinatalaga na sa Dios, at nagpanggap na lahat ay naibigay na, datapuwat ang malaking bahagi ay kanilang itinago. Sa gayon ay mabibili nila ang kanilang kagustuhan, at ganon din mapararangalan pa sila ng kanilang kapwa mananampalataya.AGA 56.2

    Datapuwat ang Dios ay namumuhi sa pagpapaimbabaw at kasinungalingan. Si Ananias at Sapira ay nandaya sa kanilang pakikitungo sa Dios; sila ay nagsinungaling sa Banal na Espiritu, at ang kanilang kasalanan ay ginawaran ng mabilis at kalunos lunos na hatol. Nang dumating si Ananias na taglay ang handog, sinabi ni Pedro: “Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.”AGA 56.3

    “Nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito siya ay bumagsak, at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaldng takot ang lahat ng nangakarinig nito.”AGA 57.1

    “Nang ito ay nananatili pa, hindi ba ito ay sa iyo?” Ang tanong ni Pedro. Walang pamimilit na ginawa sa kanya upang magsakripisyo ng kanyang tinatangkilik sa kabutihan ng lahat. Kumilos siya mula sa pasya. Ngunit sa pagsisikap na dayain ang mga alagad, nagsinungaling siya sa Makapangyarihan sa lahat.AGA 57.2

    “At may tadong oras ang nakaraan, nang ang kanyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok. At sinabi sa kanya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa? At sinabi niya, Oo, sa gayon. Datapuwat sinabi sa kanya ni Pedro, Bakit kayo’y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas. At pagdaka’y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at, siya’y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kanyang asawa. At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito.”AGA 57.3

    Nakita ng Walang Hanggang Karunungan na ang tiyak na paghahayag na ito ng galit ng Dios ay kailangan upang isanggalang ang bagong iglesia sa panghihina ng loob. Ang kanilang bilang ay mabilis na dumadami. Ang iglesia ay malalagay sana sa panganib, kung sa mabilis na pagdami ng nahihikayat ,ay magkakaroon ng mga lalaki at babaeng gayong nagpapanggap na naglilingkod sa Dios, ay sumasamba naman sa mammon. Ang hatol na ito ay patotoo na hindi madadaya ng tao ang Dios, na nakikita Niya ang nakatagong kasalanan ng puso, at Siya ay hindi malilibak. Itinalaga ito upang maging babala sa iglesia, upang akayin sila na iwasan ang pagpapanggap at pagpapaimbabaw, at mag-ingat na kanilang nakawan ang Dios.AGA 57.4

    Hindi lamang sa naunang iglesia, kundi sa mga lahi sa hinaharap, na ang halimbawang ito na galit ng Dios sa kasakiman, pandaraya, at pagpapaimbabaw, ay ibinibigay bilang babala ng panganib. Kasakiman ang unang nadama nina Ananias at Sapira. Ang naising kamkamin ang bahagi ng naiukol na sa Panginoon, ay umakay naman sa kanila sa pandaraya at pagpapaimbabaw.AGA 57.5

    Iniatang ng Dios ang paghahayag ng ebanghelyo sa paggawa at mga kaloob ng Kanyang bayan. Kusang loob na mga handog at ang ikapu ang bumubuo ng kita ng gawain ng Panginoon. Sa lahat ng kayamanang nabigay sa tao, inaanglan ng Dios ang isang bahagi,— ang ikapu. Malaya ang lahat na magpasya kung magkakaloob pa ng higit dito. Ngunit kapag ang puso ay nakilos ng Banal na Espiritu, at ang isang panata ay napasyahan, ang taong nagpasya ay wala nang karapatan sa halagang naipangako at naitalaga. Ang mga pangakong tulad nito ay matibay sa tao; hindi kaya ito higit na matibay sa Dios? Ang mga pangako bang nagawa sa konsyensya ay mas mahina kaysa nakasulat na kasunduan?AGA 58.1

    Kapag ang liwanag ng langit ay nagningning sa puso na may tanging liwanag at kapangyarihan, ang ugaling kasakiman ay naaalis, at nagkakaroon ng naising magkaloob sa gawain ng Dios. Ngunit huwag isipin ng sinuman na matutupad nila ang kanilang mga pangako, na walang protesta mula kay Satanas. Hindi siya nasisiyahan na ang kaharian ng Manunubos dito sa lupa ay naitatatag. Imumungkahi niyang lubhang malaki ang naipangako, na ito ay magpapahirap sa kanila sa pagsisikap na sapatan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.AGA 58.2

    Ang Dios ang nagpapala sa tao ng kanyang mga ari-arian, at ginagawa Niya ito upang ang tao ay magkaroon ng kakayahang magbigay para sa Kanyang gawain. Ipinadadala Niya ang sikat ng araw at ulan. Pinatutubo ang pananim. Nagbibigay ng kalusugan, at kakayahang yumaman. Lahat ng ating pagpapala ay galing sa Kanyang mapagpalang kamay. Bilang ganti, inaasahan naman Niyang ang tao ay magpapakita ng utang na loob sa pagbabalik ng Kanyang bahagi sa ikapu at mga handog—sa mga handog pasasalamat, kusang loob na handog, mga handog sa kasalanan. Kung ang salapi ay papasok sa kabang-yaman ayon sa itinakdang paraang ito ng langit,—ikapu ng lahat ng pakinabang, at malayang handog,—magkakaroon ng kasaganaan sa pagpapasulong ng gawain ng Panginoon.AGA 58.3

    Datapuwat ang puso ng tao ay tumitigas dahilan sa kasakiman, tulad ni Ananias at Sapira, na natuksong kunin ang bahagi ng salapi, habang nagpapanggap na tinutupad ang mga kahilingan ng Dios. Marami ang gumugugol ng salapi sa pagpapasasa sa sarili. Mga lalaki at babae ay sinusunod ang layaw at panlasa, habang naghahandog sa Dios, ng halos masama sa loob, ng handog na may batik. Nakakalimutan nilang ang Dios isang araw ay hihingi ng sulit kung paanong ginamit nila ang kanilang mga kayamanan, at hindi Niya tatanggapin ang limos na kanilang inilalagay sa kabang-yaman tulad ng hindi pagtanggap sa handog ni Ananias at Sapira.AGA 58.4

    Sa mabagsik na parusang ibinigay sa mga sinungaling na ito, nais ng Dios na matutuhan natin kung gaano ang galit Niya at muhi sa lahat ng pagpapaimbabaw at pandaraya. Sa pagpapanggap na ibinigay na ang lahat, si Ananias at Sapira ay nagsinungaling sa Banal na Espiritu, at, ang bunga, ay pagkawala ng buhay dito at sa darating. Ang Dios na nagparusa sa kanila, ngayon ay humahatol sa lahat ng kamalian. Mga sinungaling na labi ay kasuklam-suklam sa Kanya. Inihayag Niyang sa bayang banal “walang papasok...na magpaparumi dito, kahit na ang gumagawa ng kasamaan o ng kasinungalingan.” Apocalipsis 21:27. Gawing matatag ang pagsasabi ng katotohanan. Maging bahagi ito ng buhay. Ang paglaruan o daanin sa bilis ang katotohanan, at paglulubid ng salita upang sundin ang sariling panukala, ay pagkawasak ng pananampalataya. “Manindigan na ang iyong baywang ay natatalian ng katotohanan.” Efeso 6:14. Siyang sinungaling ay ipinagbibili ang kanyang kaluluwa sa mumurahing pamilihan. Ang mga kasinungalingan niya ay maaaring mabisa sa kagipitan; maaaring ito’y pansulong sa negosyo na hindi magagawa sa tapat na paldkitungo; datapuwat sa wakas ay darating siya sa puntong hindi siya makapagtitiwala sa sinuman. Siya na sa sarili ay sinungaling, wala siyang tiwala sa salita ng iba.AGA 59.1

    Sa kaso ni Ananias at Sapira, ang kasalanan ng pandaraya ay mabilisang nalapatan ng parusa. Ang ganito ring kasalanan ay madalas na naulit sa kasunod na kasaysayan ng iglesia, at nagagawa din ngayon sa ating kapanahunan. Bagama’t hindi natin nakikita ang agad na parusa ng Dios, hindi nababawasan ang sama nito sa paningin ng Dios kaysa noong panahon ng mga alagad. Ang babala ay nabigay na; maliwanag na ipinahayag ng Dios ang Kanyang galit at muhi sa kasalanang ito; at lahat ng pasasakop sa pagpapaimbabaw at kasakiman ay makatitiyak na winawasak nila ang sariling kaluluwa.AGA 59.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents