Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ibang mga Talento

    Ang mga tanging kaloob ng Espiritu ay hindi siya lamang mga talentong inilalarawan sa talinhaga. Isina- sama nito ang lahat ng mga kaloob, maging ito ay orihinal o natamo, likas o espirituwal. Lahat ay dapat gamitin sa paglilingkod kay Kristo. Sa pagiging mga alagad Niya, ay isinusuko natin sa Kanya ang ating mga sarili na kasama ang lahat nang nasa atin. Ang mga kaloob na ito ay ibinabalik Niya sa atin na dinalisay at pinataas ang uri, upang magamit sa Kanyang ikaluluwalhati sa pamamagitan ng pagpapala sa ating mga kapwa-tao.MP 343.2

    Nagkaloob ang Diyos sa bawa't tao “ayon sa kanyakanyang kaya.” Ang mga talento ay hindi binabaha-bahagi nang ayon sa kapritso. Ang may kakayahang gumamit ng limang talento ay tumatanggap ng lima. Ang makagagamit ng dadalawa lamang, ay tumatanggap ng dalawa. Ang may buong katalinuhang makagagamit ng isa lamang, ay isa ang tinatanggap. Hindi dapat malungkot ang sinuman kung hindi sila tumatanggap ng malakilaking mga kaloob; sapagka't Siya na nagbabaha-bahagi sa bawa't tao, ay napararangalan din sa pamamagitan ng paggamit sa bawa't isang ipinagkatiwala, maging ito'y malaki o maliit. Ang isa na pinagkatiwalaan ng limang talento ay magsusulit sa pagkakagamit ng lima; at ang tumanggap lamang ng isa, ay magsusulit sa pagkakagamit ng isa. Umaasa ang Diyos na Siya'y tatanggap ng mga pakinabang “ayon sa tinataglay ng tao, at hindi ayon sa hindi niya tinataglay.”12 Cor. 8:12.MP 344.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents