Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
Ang isa sa pinakasolemne gayon ma'y pinakamaluwalhati sa mga katotohanang inihahayag sa Biblia ay ang ikalawang pagparito ni Kristo upang tapusin ang dakilang gawaing pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga naglalakbay na bayan ng Diyos na malaon nang panahong naninirahan sa “lupain ng kamatayan,“ay isang mahalaga at nakagagalak na pag-asa ang ibinigay sa pangako ng Kanyang pagpapakita, na siyang “pagkabuhay na maguli at kabuhayan,” upang “tipunin sa Kanya ang mga anak na itinapon.” Ang aral tungkol sa ikalawang pagparito ay siyang batayang diwa ng Banal na Kasulatan. Mula nang araw na buong lungkot na lisanin ng unang mag-asawa ang Eden, ang mga anak ng pananampalataya ay nag-antabay na sa pagdating ng Isang Ipinangako na siyang sisira sa kapangyarihan ng mangwawasak, at siyang magdadalang muli sa kanila sa Paraisong nawaglit. Ang mga banal noong unang panahon ay nagsititig sa pagparito ng Mesias sa kaluwalhatian, na siyang katuparan ng kanilang pag-asa.MT 259.1
Si Enok na ikapito lamang sa bilang mula sa mga nanirahan sa Eden, at siyang sa loob ng tatlong dantaon ay lumakad sa lupa na kasama ng kanyang Diyos ay pinahintulutang makakita mula sa malayo sa pagbalik ng Tagapagligtas. “Narito,” ang wika niya, “dumating ang Panginoon, na kasama ang kanyang mga laksa-laksang banal upang isagawa ang paghuhukom sa lahat.”1Judas 14, 15. Ang patiarkang si Job sa gabi ng kanyang kapighatian ay nangusap na taglay ang matibay na pagtitiwala: “Talastas ko na ang Manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahuli-hulihan.”2Job 19:25. Ang pagparito ni Kristo upang magdala ng paghahari ng katuwiran, ay siyang nagbigay-diwa sa pinakamarangal at maningas na mga pangungusap ng mga nagsisulat sa Banal na Kasulatan. Inilarawan ng mga makata at mga propeta ng Biblia ang Kanyang pagparito sa mga pangungusap na pinapagniningas ng apoy ng kalangitan.MT 259.2
Nang ang Tagapagligtas ay malapit nang mawalay sa Kanyang mga alagad, ay inaliw Niya sila sa kalungkutan sa pamamagitan ng pangangako na Siya'y babalik: “Huwag magulumihanan ang inyong puso. . . . Sa bahay ng Aking Ama'y maraming tahanan. . . . Ako'y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng kalalagyan. At kung Ako'y makaparoon at kayo ay maipaghanda Ko ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo'y tatanggapin Ko sa Aking sarili.”3Juan 14:1-3. “Datapuwa't. pagparito ng Anak ng tao na nasa Kanyang kaluwalhatian, na kasama Niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y lulukluk Siya sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian. At titipunin sa harap Niya ang lahat ng bansa.”4Mateo 25:31, 32.MT 260.1
Inulit sa mga alagad noong mga anghel, na tumayo sa Bundok ng mga Olibo pagkatapos na makaakyat na si Kristo sa langit, ang pangako na siya'y babalik: “Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit.”5Mga Gawa 1:11. At si apostol Pablo, nang magsalita sa pamamagitan ng udyok ng Espiritu Santo, ay nagpatotoo ng ganito: “Ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Diyos.”61 Tesalonica 4:16. Ang sabi naman ng propeta ng Patmos: “Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap, at makikita Siya ng bawa't mata.”7Apocalipsis 1:7.MT 260.2
Sa kanyang pagparito ay nalalangkay ang mga kaluwal- hatian niyaong “pagsasauli sa dati ng lahat ng bagay na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng Kanyang mga banal na propeta buhat pa nang una.”8Mga Gawa 3:21. Kung magkagayo'y masisira ang malaong paghahari ng kasamaan; “ang mga kaharian ng sanlibutang ito” ay magiging mga kaharian ng “ating Panginoon at ng Kanyang Kristo; at Siya'y maghahari magpakailan man.”9Apocalipsis 11:15.MT 260.3
Ang pagbalik ng Panginoon ay naging pag-asa ng tapat Niyang mga alagad sa lahat ng panahon. Ang pangwakas na pangako ng Tagapagligtas sa Bundok ng mga Olibo na siya'y muling paririto, ay siyang tumanglaw sa mga araw na hinaharap ng Kanyang mga alagad, at pumuno sa kanilang mga puso ng ligaya at pag-asa na hindi mapatay ng dalamhati ni mapapagdilim ng mga kahirapan. Sa gitna ng pagbabata at pag-uusig, “ang pagpapakita ng dakilang Diyos, at ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Kristo,” ay siyang “mapalad na pag-asa.”10Tito 2:13.MT 261.1
Sa batuhang Patmos ay narinig ng minamahal na alagad ang pangako, “Oo ako'y madaling pumaparito,” at ang tugon niyang nananabik ay nagpapahayag ng dalangin ng iglesya sa buo niyang paglalakbay: “Siya nawa, pumarito Ka, Panginoong Jesus.rdquo;11Apocalipsis 22:20.MT 261.2
Mula sa bilangguan, sa sunugan, sa bibitayan, na roo'y sinaksihan ng mga martir at mga banal ang katotohanan, ay dumating sa atin ang pahayag ng kanilang pananampalataya at pag-asa na tumawid sa maraming dantaon. Hinintay nila ang “pagdating ng Panginoon mula sa mga alapaap ng langit na may kaluwalhatian ng kanyang Ama” “na magdadala sa mga matuwid ng mga panahon ng kaharian.” Ang mga Baldenses ay may ganyan ding pananampalataya. Hinintay ni Wicleff ang pagpapakahayag ng Manunubos na siyang pag-asa ng iglesya.12D. T. Taylor, The Reign of Christ on Earth: or, The Voice of the Church in All Ages, p. 129-134.MT 261.3
Hindi lamang ipinagpapauna ng hula ang paraan at layon ng pagparito ni Kristo, kundi inihahayag din naman ang tandang magpapakilala sa mga tao na ito'y malapit na. Si Jesus na rin ang may sabi: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin.”13Lucas 21:25. “Magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.”14Marcos 13: 24-26.MT 261.4
Nang ilarawan ng tagapagpahayag ang unang tanda ng pagbalik ni Jesus, ay ganito ang kanyang sinabi: “At nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.”15Apocalipsis 6:12.MT 262.1
Bilang katuparan ng hulang ito, ay nangyari noong 1755 ang kakilakilabot sa lahat ng lindol na natala kaikailan man sa kasaysayan ng sanlibutan. Bagaman karaniwang tawagin na lindol sa Lisboa, ay umabot ang yanig nito sa malaking bahagi ng Europa, Aprika, at Amerika. Ito'y naramdaman sa Groenlandya, sa Antilyas, sa pulo ng Madeira, sa Noruega, at Suesya, sa Gran Britanya at Irlanda. Ang nilaganapan ng yanig nito ay hindi kukulangin sa apat na angaw na milya kuadrada. Sa Aprika, ang pagkauga ng lupa ay kasinglakas ng sa Europa. Nawasak ang malaking bahagi ng Argel; at ang isang maliit na nayong malayo lamang ng kaunti sa Marwekos na tinitirhan ng walo o sampung libong katao ay nilamon ng lupa. Isang malaking alon ang humampas sa dalampasigan ng Espanya at Aprika, na lumamon sa mga bayan, at naminsala ng malaki.MT 262.2
Sa Espanya at Portugal ay naging totoong matindi ang lindol. Sa Kadis, ang pumasok na alon ay sinabing animnapung talampakan ang taas. Ang mga bundok, na “ang iba ay pinakamalaki sa Portugal, ay lubhang nauga mula sa kanilang mga batayan; at ang ilan sa mga ito ay bumuka sa taluktok, na nahati sa isang kahanga-hangang paraan at malalaking kimpal ng bundok ang nangapahagis sa mga kalapit na kapatagan. Ibinalitang nilabasan ng apoy ang mga bundok na ito.”16Sir Charles lyell, Principles of Geology, p. 495. (Nueba York, 1858.)MT 262.3
Sa Lisboa, “ay may narinig na ugong na gaya ng kulog sa ilalim ng lupa, at saka biglang-biglang sumabog ang malaking bahagi ng bayang yaon. Sa loob lamang ng mga anim na minuto ay animnapung libong katao ang napahamak. Umurong muna ang dagat, at natuyo ang pasigan pagkatapos ay pumasok na muli na tumaas ng limampung talampakan o mahigit kaysa dating lagay ng tubig.” “Sa mga di pangkaraniwang pangyayaring ibinalitang nangyari sa Lisboa sa malaking kapahamakang ito, ay kabilang ang paglubog sa ilalim ng lupa ng isang bagong daungan, na yari sa lantay na marmol at nagkakahalaga ng malaki, na roo'y nagkatipon ang marami upang huwag mangabagsakan ng nangaguguhong gusali; datapuwa't biglang lumubog sa ilalim ng lupa ang daungan pati ng lahat ng tao, at kahit isang bangkay ay hindi lumutang sa ibabaw.”16Sir Charles lyell, Principles of Geology, p. 495. (Nueba York, 1858.)MT 263.1
“Ang pag-uga” ng lindol “ay sinundan kapagkaraka ng pagkabagsak ng bawa't simbahan at kombento, ng halos lahat ng malalaking gusali ng bayan, at ng mahigit sa isang ikaapat na bahagi ng lahat ng bahay. Sa mangabut-ngabot sa dalawang oras pagkatapos ng lindol ay nagkasunog sa lahat ng sulok ng bayan, at ito'y nanira ng gayon na lamang sa loob ng halos tatlong araw, at nalalos ang buong bayan. Ang lindol ay nangyari sa isang araw ng kapistahan, na ang mga simbahan at kombento ay puno ng tao, at iilan sa kanila ang nakatakas.”17Encyclopedia Americana, art. “Lisboa.” (Limbag ng 1831.) Ipinalalagay na siyamnapung libong buhay ang pumanaw sa kakila-kilabot na araw na yaon.MT 263.2
Pagkaraan ng dalawanpu't limang taon, ay lumitaw ang ikalawang tandang binabanggit sa hula—ang pagdidilim ng araw at di pagliliwanag ng buwan. Ang kapuna-puna rito ay ang tiyak na pagkatukoy sa panahong ikatutupad. Sa pakikipag-usap ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad sa Bundok ng Olibo, pagkatapos na mailarawan Niya ang mahabang panahon ng pagsubok sa iglesya—ang 1260 taon ng pag-uusig ng papa, na tungkol dito'y ipinangako Niyang paiikliin ang kapighatian—ay binanggit Niya ang ilang pangyayaring susundan ng Kanyang pagbalik, at tinutukoy Niya ang panahon na ikakikita ng una sa mga ito: “Sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag.”18Marcos 13:24. Ang 1260 araw o taon, ay natapos noong 1798. Dalawampu't limang taon pa muna bago dumating ang panahong ito ay halos tigil na ang pag-uusig. Kasunod ng pag-uusig na ito alinsunod sa mga pangungusap ni Kristo, ay magdidilim ang araw.MT 264.1
Isang-taga Masatsusets na nakakita nito ay naglalarawan ng pangyayari sa sumusunod na pangungusap:MT 264.2
“Nang umaga ay maliwanag ang sikat ng araw, datapuwa't biglang nagkulimlim, bumaba ang lagay ng mga ulap, at mula sa mga ito na maitim at nakatatakot sa tingin, ay lumabas ang kidlat, kumulog at umulan ng bahagya. Nang mag-iikasiyam na oras ng umaga, ay numipis ang mga alapaap, at nagkulay tanso, at ang lupa, mga bato, mga punong-kahoy, mga bahay, tubig, at mga tao ay nagbago dahil sa kakaibang liwanag na ito na hindi pa nakikita sa lupa. Pagkaraan ng ilang sandali, ay isang makapal na ulap ang tumakip sa buong langit maliban sa isang makitid na pook sa hilihid, at ito'y kasindilim ng ikasiyam na oras ng gabi kung panahon ng tag-init. . . .MT 264.3
Takot, bakla, at sindak ay unti-unting pumupuno sa mga pag-iisip ng mga tao. Ang mga babae ay sumungaw sa pinto at tumingin sa labas; umuwi ang mga lalaki na galing sa kanilang gawain sa bukid; iniwan ng anluwagi ang kanyang mga kasangkapan, ng panday ang kanyang pugon, ng mangangalakal ang lugar ng kanyang pagbibili. Tinapos ang mga pag-aaral, at ang mga bata'y tumakbong pauwi na nangatatakot. Ang mga naglalakad ay nanuluyan sa pinakamalapit na kubo. ‘Ano kaya ang mangyayari,’ ang tanong ng bawa't labi at puso. Tila bubugso ang napakalakas na bagyo sa lupain, o mandi'y kaarawan ng pagkatapos ng lahat ng bagay.MT 264.4
“Ginamit ang mga kandila; at ang apoy ng pugon ay nakitang nagliwanag gaya ng pagliliwanag nito sa gabing walang buwan kung taglagas . . . . Humapon ang mga manok at nangatulog, umuwi sa koral ang mga baka at umungal, humuni ang mga palaka, inawit ng mga ibon ang kanilang awit panggabi, at nagliparan ang mga kabag. Nguni't alam ng tao na hindi pa dumarating ang gabi. . . .”19The Essex Antiquarian, Salem, Mass., E. U. A., Abril, 1899, tomo 3, No. 4, p. 53, 54.MT 265.1
Ang makapal na kadilimang ito'y hinalinhan, isa o dalawang oras bago dumating ang gabi, ng bahagyang maliwanag na langit at napakita ang araw, bagaman natatakpan ng madilim at makapal na ulap. “Pagkalubog ng araw ay muling bumaba ang ulap, at nagmadali ang pagkapal ng dilim.” “At ang kadiliman ng gabi ay hindi pangkaraniwan at kakila-kilabot ding gaya ng sa araw; at bagaman halos kabilugan ang buwan ay walang makilalang anumang bagay maliban nang magsindi ng ilawan, na kung titingnan sa mga ibang dako na may kalayuan, ay katulad ng kadiliman ng Ehipto na hindi halos malagos ng liwanag.”20I. Thomas, Massaehusetts Spy; or, American Oracle of Liberty, tomo 10, Blg. 472 (Mayo 25, 1780.) Ganito ang sabi ng isang nakakita ng malasing iyon: “Noong mga sandaling yaon ay naggugumiit sa aking pag-iisip ang palagay na kung ang lahat ng maliwanag na buntala sa santinakpan ay nabilot ng salimuot na kadilimang di-matatalo ng liwanag, o dili kaya'y pinawing lubusan, ang kadilimang ibubunga nito ay hindi pa rin maitutulad sa kadilimang iyon.”21Sulat ni Dr. Samuel Tenny ng Exeter, New Hampshire, E. U. A., Dis. 1785, sa Massachusetts Historical Society Collections, 1792, unang serye, tomo 1, p. 97. Bagaman nang ikasiyam ng gabing iyon ay sumikat ang buwan ng kabilugan, “ay hindi man lamang nito napawi kahi't bahagya ang wari'y mga anino ng kamatayan.” Pagkaraan ng hatinggabi ay napawi ang dilim, at ang buwan nang sumikat ay naging gaya ng dugo.MT 265.2
Ang Mayo 19, 1780, ay kilala sa kasaysayan sa pamagat na “Ang Madilim na Araw.” Mula pa nang panahon ni Moises ay hindi nagkaroon ng kadilimang ganito kakapal, kalaganap at katagal, na napatala sa kasaysayan. Ang pagkakalarawan ng pangyayaring ito, alinsunod sa ulat ng mga nakakita, ay isang pag-uulit ng mga pangungusap ng Panginoon, na itinala ni Propeta Joel, dalawang libo't limang daang taon bago dumating ang katuparan: “Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na kaarawan ng Panginoon.”22Joel 2:31.MT 266.1
Pinagbilinan ni Kristo ang Kanyang bayan na maghintay sa mga tanda ng Kanyang pagbalik, at mangatuwa kapag nakita nila ang mga tanda ng kanilang Haring dumarating. “Kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito,” ang sabi niya, “ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.” Itinuro Niya sa Kanyang mga alagad ang mga nagdadahong punong-kahoy ng tagsibol, at saka Niya sinabi; “Pagka nangagdadahon na sila ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tag-araw. Gayon din naman kayo, pagka nakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Diyos.23Lucas 21:28, 30, 31.MT 266.2
Yamang malapit na ang dakilang araw na yaon, ang salita ng Diyos, sa pamamagitan ng mataimtim at kumikintal na pangungusap, ay nananawagan sa Kanyang bayan na gumising sila sa kanilang pagkakatulog ukol sa espiritu at hanapin ang Kanyang mukha na may pagsisisi at pagpapakababa: “Hipan ninyo ang pakakak sa Sion at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat ng nananahan sa lupain; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumating, sapagka't malapit na.”24Joel 2:1.MT 266.3
Upang makapaghanda ng isang bayang tatayo sa kaarawan ng Diyos, ay kinakailangan ang isang pagbabago. Nakita ng Diyos na marami sa Kanyang nagbabansag na bayan ay hindi naghahanda para sa walanghanggang kapanahunan, at dahil sa Kanyang kaawaan ay malapit na Niyang isugo ang isang pabalitang magbababala upang sila'y gisingin mula sa kanilang pagkakatulog, at tulungan silang humanda sa pagbalik ng Panginoon.MT 267.1
Ang babalang ito ay ipinakikilala sa ikalabing-apat na pangkat ng Apokalipsis. Dito'y ipinakikilala ang tatlong magkakalakip na pabalita na ipinahayag ng anghel, at sinundan kapagkaraka ng pagbalik ng Anak ng tao upang anihin ang “aanihin sa lupa.” Ang una sa mga babalang ito ay nagpapahayag na dumarating ang paghuhukom. Nakita ng propeta ang isang anghel na lumilipad “sa gitna ng langit na may mabuting balita na walang-hanggan, upang ibalita sa mga nanahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; at sinasabi niya ng malakas na tinig: Matakot kayo sa Diyos at magbigay luwalhati sa kanya: sapagka't dumating ang panahon ng Kanyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.”25Apocalipsis 14:6, 7.MT 267.2
Ang pabalitang ito ay ipinahahayag na isang bahagi ng “mabuting balita na walang-hanggan.” Ang gawain na pangangaral ng ebanghelyo ay hindi ipinagkatiwala sa mga anghel, kundi ibinigay sa mga tao. Ginamit ang mga banal na anghel, sa pangungulo sa gawaing ito, sila ang nangangasiwa sa malaking kilusan ukol sa pagliligtas ng mga tao; datapuwa't ang pagpapahayag ng ebanghelyo ay ginagawa ng mga lingkod ni Kristo rito sa ibabaw ng lupa.MT 267.3
Hindi ang magagaling na teologo ang nakaaalam ng katotohanang ito, at nangangaral nito. Kung naging mga lapat na tagapagbantay ang mga ito, na masikap na nagsaliksik ng mga Banal na Kasulatan na may kalakip na pananalangin, ay naalaman sana nila ang oras ng gabi; binuksan sana sa kanila ng mga hula ang mga pangyayaring malapit nang mahayag. Datapuwa't wala sila sa ganitong tungkulin, at ang pabalita ay ibinigay sa mga hamak na tao. Ganito ang sinabi ni Jesus; “Kayo'y nragsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman.”26Juan 12:35. Yaong mga nagsitalikod sa ilaw na ibinigay ng Diyos, o hindi kaya humanap dito nang ito'y malapit sa kanila, ay nangaiwan sa kadiliman. Datapuwa't sinabi ng Tagapagligtas; “Ang sumusunod sa Akin ay hindi lalagi sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.”27Juan 8:12. Sinumang may isang tiyak na adhika, na nagsisikap gumanap ng kalooban ng Diyos, na buong tapat na sumusunod sa liwanag na ibinigay na sa kanila, ay tatanggap pa ng lalong malaking liwanag; sa kaluluwang iyan ay ipadadala ng Diyos ang bituin na ang ningning ay mula sa langit upang akayin siya sa buong katotohanan.MT 268.1