Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
Nabuksan ang templo ng Diyos na nasa langit, at nakita sa Kanyang templo ang kaban ng Kanyang tipan.”1Apocalipsis 11:19. Ang kaban ng tipan ng Diyos ay nasa kabanalbanalang dako, sa ikalawang bahagi ng santuaryo. Sa pangangasiwa sa tabernakulo sa lupa, na siyang “anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan,”2Hebreo 8:5. ang silid na ito ay binubuksan kung dumarating lamang ang dakilang araw ng pagtubos, upang linism ang santuaryo. Samakatuwid ang pahayag na nabuksan ang templo ng Diyos sa langit at nakita ang kaban ng Kanyang tipan, ay tumutukoy sa pagbubukas ng kabanal-banalang dako ng santuaryo sa langit, noong 1844, noong pumasok doon si Kristo upang ganapin ang pangwakas na gawain ng pagtubos. Ang kaban ng Kanyang tipan ay nakita ng mga nagsisunod sa kanilang Dakilang Saserdote sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pagpasok Niya sa pangangasiwa sa kabanal-banalang dako. Nang mapag-aralan nila ang suliranin tungkol sa santuaryo, ay napagkilala nilang nagbago ng pinangangasiwaan ang Tagapagligtas, at nakita nilang siya ngayo'y naglilingkod sa harap ng kaban ng Diyos, na ipinamamanhik ang Kanyang dugo alang-alang sa mga makasalanan.MT 351.1
Ang kabang nasa loob ng tabernakulo sa lupa ay kinapapalooban ng dalawang tapyas na bato, na kinasusulatan ng mga utos ng Diyos. Ang kaban ay isa lamang sisidlan ng mga tapyas ng kautusan, at ang pagkakalagay ng mga banal na utos na ito ay siyang dito'y nagbigay ng kahalagahan at kabanalan. Nang buksan ang templo ng Diyos sa langit, ay nakita ang kaban ng Kanyang tipan. Sa loob ng kabanal-banalang dako, sa loob ng santuaryo sa langit ay natatago ang banal na kautusan—ang kautusang sinalita ng Diyos na rin sa gitna ng mga kulog at kidlat ng Sinai, at sinulat ng Kanyang sariling daliri sa mga tapyas na bato.MT 351.2
Ang kautusan ng Diyos sa loob ng santuaryo sa langit ay siyang dakilang orihinal, at ang mga utos na naukit sa mga tapyas na bato, at itinitik ni Moises sa Pentateuko ay walang maling salin nito. Yaong mga nakaunawa sa mahalagang katotohanang ito, ay naakay upang makita nila ang banal at di nagbabagong likas ng kautusan ng Diyos. Nakita nila ngayon, higit kaysa noong una, ang lakas ng pangungusap ng Tagapagligtas na “hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok, o ang isang kudlit, sa anumang paraan ay hindi mawawala sa kautusan.”3Mateo 5:18. Sapagka't ang kautusan ng Diyos ay paghahayag ng kanyang kalooban at wangis ng Kanyang kalikasan, dapat itong manatili magpakailan man, na “gaya ng tapat na saksi sa langit.” Ni isa mang utos ay hindi napawi; ni isang tuldok o kudlit ay hindi nabago. Ang wika ng mang-aawit: “Magpakailan man, oh Panginoon, ang Iyong salita ay natatag sa langit.” “Lahat Niyang mga utos ay tunay mga nangatatag magpakailan man.”49:37; 119:89; 111:7, 8, dating salin sa Tagalog.Mga Awit MT 352.1
Sa pinakasinapupunan ng Dekalogo ay nalalagay ang ikaapat na utos, gaya ng unang pagkapahayag dito: “Alalahanin mo ang araw ng Sabado upang ipangilin. Anim na araw na ikaw magtatrabaho at iyong gagawin ang lahat ng iyong gagawin; datapuwa't ang ikapitong araw ay Sabado para sa Panginoong iyong Diyos; sa araw na yaon ay huwag kang gagawa ng anumang gagawin, ikaw o ang iyong anak na lalaki man, o babae man, ang iyong aliping lalaki o babae man, o ang iyong baka o ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nandoon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na anupa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabado at ipinangilin.”5Exodo 20:8-11, dating salin sa Tagalog.MT 352.2
Kinilos ng espiritu ng Diyos ang mga puso ng mga nagsipag-aral ng Kanyang salita. Paulit-ulit na inakay sila sa paniniwala na walang kaalamang nasuway nila ang utos na ito sa pamamagitan ng hindi nila pagpansin sa araw na kapahingahan ng Maylalang. Sinimulan nilang siyasatin ang mga dahilan sa pangingilin ng unang araw ng sanlinggo sa halip ng araw na pinakabanal ng Diyos. Wala silang makitang katunayan sa loob ng Banal na Kasulatan na napawi na nga ang ikaapat na utos o binago kaya ang Sabado; ang pagpapalang nagpabanal sa ikapitong araw ay hindi inaalis kailan man. Matapat nilang sinikap na makilala at gawin ang kalooban ng Diyos; at ngayon, nang makita nilang sumasalansang sila sa Kanyang kautusan, napuno ng lungkot ang kanilang mga puso, at ipinakilala nila ang kanilang pagkamatapat sa Diyos sa pamamagitan ng pangingilin ng Kanyang banal na Sabado.MT 353.1
Marami at mataimtim ang mga pagsisikap na ginawa upang ibagsak ang kanilang pananampalataya. Walang di-makakita na kung ang santuaryo sa lupa ay isang anino o larawan ng nasa langit, ang kautusang nasisilid sa kabang nasa santuaryo sa lupa ay isang ganap na salin ng kautusang nakalagay sa loob ng kaban ng santuaryo sa langit; at ang pagtanggap sa katotohanang hinggil sa santuaryo sa langit ay sumasaklaw sa pagkilala sa mga inaangkin ng kautusan ng Diyos, at sa tungkuling ukol sa Sabado ng ikaapat na utos. Narito ang lihim ng mapait at napasiyahang pagsalungat sa nagkakaisang paliwanag ng mga Kasulatan na naghayag ng pangangasiwa ni Kristo sa santuaryo sa langit. Sinikap ng mga tao na ipi- nid ang pintuang binuksan ng Diyos, at buksan ang pintuang Kanyang ipininid. Datapuwa't Siya na “nagbubukas at di mailapat ng sinuman, at naglalapat at di maibubukas ng sinuman, ay nagsabi. “Narito, inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas na di mailalapat ng sinuman.”6Apocalipsis 3:7, 8. Binuksan ni Kristo ang pintuan, o ang pangasiwaan, ng kabanal-banalang dako, lumalabas ang liwanag mula sa bukas na pintuang iyan ng santuaryo ng langit, at ang ikaapat na utos ay nakitang naroon sa kautusang nakapaloob; sa itinatag ng Diyos, ay wala sinumang makapagbagsak na tao.MT 353.2
Nasumpungan ng mga nagsitanggap ng liwanag hinggil sa pamamagitang ginagawa ni Kristo at hinggil sa pamamalagi ng kautusan ng Diyos, na ang mga ito'y siyang mga katotohanang ipinakikilala sa Apokalipsis 14. Ang mga pabalita ng pangkat na ito ay bumubuo ng tatlong magkakalakip na babala, na siyang maghahanda sa mga naninirahan sa lupa sa ikalawang pagdating ng Panginoon. Ang pahayag na “dumating ang panahon ng Kanyang paghatol,” ay tumutukoy sa pangwakas na gawain ng pangangasiwa ni Kristo sa ikaliligtas ng mga tao. Ipinakikilala nito ang isang katotohanan na kailangang ipahayag hanggang sa matapos ng Tagapagligtas ang Kanyang pamamagitan, at bumalik Siya sa lupa upang kunin ang Kanyang bayang ukol sa Kanya rin. Ang gawaing paghuhukom na nagpasimula noong 1844, ay dapat magpatuloy hanggang sa mapagpasiyahan ang mga kaso ng lahat ng tao, ng mga nabubuhay at ng mga patay; samakatuwid ay aabot ito hanggang sa matapos ang panahon ng biyaya ng sangkatauhan. Upang mangahanda ang mga tao na tumayo sa hukuman, ay ipinag-uutos ng pabalita na “matakot kayo sa Diyos at magbigay kaluwalhatian sa Kanya at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa, at ng dagat, at ng mga bukal ng tubig.” Ang bunga ng pagtanggap sa mga pabalitang ito ay nauulat sa pangungusap na, “narito ang . . . mga nagsisitupad ng mga utos ng Diyos, at ng pananampalataya kay Jesus.”7Apocalipsis 14:12. Upang mahanda ang mga tao sa paghuhukom, ay kinakailangang tuparin nila ang kautusan ng Diyos. Ang kautusang iyan ay siyang magiging pamantayan ng likas sa paghuhukom. Ipinahahayag ni apostol Pablo na “ang lahat na nagkasala sa ilalim ng kautusan, ay sa kautusan din sila hahatulan . . . sa araw na hatulan ng Diyos ang mga lihim ng mga tao . . . sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.” At sinasabi niyang “ang nagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap.”8Roma 2:12-16. Ang pananampalataya ay kailangan upang masunod ang kautusan ng Diyos, sapagka't “kung walang pananampalataya ay hindi maging kalugud-lugod sa kanya,” at “ang anumang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.”9Hebreo 11:6; Roma 14:23. Sa pamamagitan ng unang anghel, ang mga tao'y tinatawagan upang “matakot . . . sa Diyos at magbigay kaluwalhatian sa Kanya,” at sambahin Siya sapagka't Siya ang lumalang ng langit at ng lupa. Upang magawa ito ay dapat nilang sundin ang Kanyang kautusan. Anang pantas: “Ikaw ay matakot sa Diyos at sundin mo ang Kanyang mga utos, sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”10Eclesiastes 12:13. Kung walang pagsunod sa mga utos Niya ay walang pagsambang makalulugod sa Kanya. “Ito ang pag-ibig sa Diyos na ating tuparin ang Kanyang mga utos.”111 Juan 5:3. “Siyang naglalayo ng kanyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kanyang dalangin ay karumaldumal.”12Kawikaan 28:9.MT 354.1
Ang tungkuling sambahin ang Diyos ay nababatay sa katotohanan na siya ang Maykapal, at sa Kanya'y utang ng lahat ng kinapal ang kanilang buhay. At saan man, sa Biblia, iniharap ang Kanyang pag-aangking igalang at sambahin Siya, na higit sa mga diyos ng mga pagano, ay binabanggit din naman ang katunayan ng Kanyang kapangyarihang makalalang. Ang “lahat ng mga diyos ng mga bayan ay mga diyus-diyusan; nguni t nilikha ng Panginoon ang langit.”13Mga Awit 96:5. “Kanino nga ninyo itutulad Ako, upang makaparis ako niya? sabi ng Banal. Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito.” “Ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit; na siyang Diyos na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, . . . Ako ang Panginoon at wala nang iba.”14Isaias 40:25, 26; 45:18. Ang sabi naman ng mang-aawit: “Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Diyos; Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y Kanya.' “Oh magsiparito kayo, magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na Maylalang sa atin.”15Mga Awit 100:3; 95:6. At sinabi ng mga banal na nilalang na sumasamba sa Diyos sa sangkalangitan, bilang dahilan kung bakit sa Kanya nauukol ang kanilang paggalang: “Marapat Ka, oh, Panginoon namin, at Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian, at ng kapurihan at ng kapangyarihan; sapagka't nilikha Mo ang lahat ng mga bagay.”16Apocalipsis 4:11.MT 355.1
Sa Apokalipsis 14 ay tinatawagan ang mga tao na sumamba sa Maykapal; at ipinakikita ng hula ang isang uri ng mga tao na sumusunod sa mga utos ng Diyos, bilang bunga ng tatlong magkalakip na pabalita. Ang isa sa mga utos na ito ay tiyak na tumutukoy sa Diyos na siyang manglalalang. Ipinahahayag ng ikaapat na utos: “Ang ikapitong araw ay Sabado para sa Panginoong iyong Diyos . . . sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at ang lupa, ang dagat, at lahat ng nandoon at nagpahinga sa ikapitong araw, na anupa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabado, at ipinangilin.”17Exodo 20:10, 11, dating salin sa Tagalog. Tungkol sa Sabado ay sinasabi ng Panginoon na ito'y isang “tanda, . . . upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Diyos.”18Ezekiel 20:20. At ang dahil ay: “sa- pagka t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw ay nagpahinga at naginhawahan.”19Exodo 31:17.MT 356.1
“Ang kahalagahan ng Sabado bilang isang tagapagpaalaala ng paglalang ay naroon sa lagi nang paghaharap nito ng tunay na dahilan kung bakit dapat sambahin ang Diyos,“—sapagka't Siya ang Maykapal at tayo ay Kanyang kinapal. “Samakatuwid, ang Sabado ay nalalagay sa talagang patibayan ng banal na pagsamba; sapagka't itinuturo nito ang dakilang katotohanang ito sa isang paraang lubos na kumikilos ng pag-iisip at walang ibang itinatag ang gumagawa nito. Ang tunay na batayan ng banal na pagsamba, na hindi lamang ang sa ikapitong araw, kundi ang sa lahat ng pagsamba, ay masusumpungan sa maliwanag na pagkakaiba ang Maylalang sa Kanyang nilalang. Ang dakilang katotohanang ito ay hindi lilipas kailan man, at hindi naman nararapat na limutin.”20J. N. Andrews, History of the Sabbath, ikatlong limbag, kab. 27. Itinatag ng Diyos ang Sabado sa Eden upang pamalagiin sa isipan ng mga tao ang katotohanang ito; at habang ang katunayang Siya nga ang ating Manglalalang ay nananatiling katuwiran kung bakit nararapat natin siyang sambahin, ay mananatili rin naman ang Sabado na pinakatanda at tagapagpaalaala nito. Kung ang Sabado'y ipinangilin lamang ng buong sanlibutan, naakay sana ang pag-ibg at pag-iisip ng mga tao sa Manglalalang na siyang layon ng paggalang at pagsamba, at hindi sana nagkaroon ng mapagsamba sa diyus-diyusan, ng ateo, at ng di-kumikilala sa Diyos. Ang pangingilin ng Sabado ay tanda ng pagkamatapat sa tunay na Diyos, na “gumawa ng langit, at ng lupa, at ng dagat, at ng mga bukal ng tubig.” Kung gayon, ang pabalitang nag-uutos sa mga tao na sumamba sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga utos, ay tanging tatawag sa kanila upang sundin ang ikapat na utos.MT 357.1
Bilang naiiba sa mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at may pananampalataya kay Jesus, ay tinutukoy ng ikatlong anghel ang ibang uri ng mga tao, na laban sa kanilang mga kamalian ay binigkas ang isang solemne at kakila-kilabot na babala: “Kung ang sinuman ay sumamba sa hayop at sa kanyang larawan, at tumanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay, ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Diyos.”21Apocalipsis 14:9, 10. Ang isang tumpak na paliwanag sa mga sagisag na ginagamit dito ay kailangan upang maunawa ang pabalitang ito. Ano ang kinakatawan ng hayop, ng larawan, at ng tanda?MT 358.1
Ang hanay ng hulang kinasusumpungan sa mga sagisag na ito, ay nagsisimula sa Apokalipsis 12, sa ahas na nagsikap pumatay kay Kristo noong siya'y ipanganak. Ang ahas ay sinasabing si Satanas,22Apocalipsis 12:9. siya ang kumilos kay Herodes upang ipapatay nito ang Tagapagligtas. Datapuwa't ang punong ahente ni Satanas sa pakikipagbaka kay Kristo at sa kanyang mga tao noong unang dantaon ng panahong Kristiyano ay ang imperyo ng Roma, na doo'y ang paganismo ang siyang naghaharing relihiyon. Sa gayo'y bagaman ang ahas, una-una, ay kumakatawan kay Satanas, ito, sa pangalawang kahulugan, ay sagisag ng Roma pagana.MT 358.2
Sa ika-13 kapitulo ay isinasaysay ang isa pang hayop, “katulad ng isang leopardo,” na binigyan ng ahas ng “kanyang kapangyarihan, at ng kanyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.” Ang sagisag na ito, gaya ng pinaniniwalaan ng maraming Protestante, ay kumakatawan sa kapapahan, na humalili sa kapangyarihan at luklukan at kapamahalaan, na minsa'y hinawakan ng unang imperyo ng Roma.MT 358.3
“Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy na apatnaput' dalawang buwan.” Ang panahong ito, gaya ng ‘pinahayag na sa mga nakaraang kabanata, ay nagpasimula sa pangingibabaw ng kapapahan’, noong 538 P. K. at natapos noong 1798. Sa panahong yaon ang papa ay binihag ng hukbong Pranses, at natamo ng kapangyarihan ng papa ang kanyang sugat na ikamamatay, at ang hula ay natupad, “kung ang sinuman ay mamihag ay sa pagkabihag paroroon.”MT 358.4
Sa bahaging ito ay may sumipot na ikalawang sagisag. Sinabi ng propeta: “Nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero.”23Apocalipsis 13:11.MT 359.1
Ang mga bantog na kahariang naghari sa sanlibutan ay iniharap sa propeta Daniel na tulad sa mga maninilang hayop, na umahon nang ang “apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat.”24Daniel 7:2. Sa Apokalipsis 17, ay ipinaliwanag ng Anghel na ang mga tubig ay kumakatawan sa “mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.” Ang hangin ay sagisag ng paglalabanan. Ang apat na hangin na nagsisihihip sa malaking dagat, ay kumakatawan sa kakila-kilabot na panoorin ng pagsakop at paghihimagsik na sa pamamagitan nito'y nagtamo ang mga kaharian ng kapangyarihan.MT 359.2
Datapuwa't ang hayop na may mga sungay na katulad ng sa isang kordero ay nakitang “umaahon sa lupa.” Sa halip na magbagsak ang bansang ipinakikilalang ito ng mga ibang kapangyarihan upang maitatag niya ang kanyang sarili, ay kailangang bumangon siya sa lupaing hindi tinatahanan ng tao at unti-unti at mapayapang lumaki. Kung gayon ay hindi ito makababangon sa gitna ng nangagsisiksikan at nagtutunggaliang mga bansa ng Matandang Daigdig.MT 359.3
Anong bansa ng Bagong Daigdig ang noong 1798 ay bumabangon sa kapangyarihan, nagpapakitang lalakas at dadakila, at tumatawag ng pansin ng sanlibutan? Ang pag-aangkop ng sagisag ay hindi mapag-aalinlanganan. Isang bansa at isa nga lamang, ang tumatama sa tinitiyak ng hulang ito; hindi mapagka- kamaliang tumutukoy ito sa Estados Unidos ng Amerika. Ang isang tanyag na manunulat, sa paglalarawan niya ng pagbangon ng Estados Unidos, ay nagsabi ng tungkol sa “hiwaga ng kanyang pagsipot mula sa wala,”25G. A. Townsend, The New World Compared with the Old, pab. 462. (1869) at saka dinugtungan ng: “Katulad ng isang tahimik na binhi ay lumitaw tayo at naging isang kaharian.”MT 359.4
Datapuwa't yaong hayop na may mga sungay na gaya ng sa isang kordero ay “nagsasalitang gaya ng dragon. At kanyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kanyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop na gumaling ang sugat na ikamamatay . . . na sinasabi sa mga nananahan sa lupa na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon nang sugat ng tabak at nabuhay.”26Apocalipsis 13:11-14.MT 360.1
Ang mga sungay na gaya ng sa isang kordero at ang tinig dragon ng sagisag ay tumutukoy sa isang maliwanag na pagkakasalungatan ng mga pagpapanggap at gawain ng bansang kinakatawanan. Ang “pagsasalita” ng bansa ay ang kapasiyahan ng kapangyarihan ng kanyang batasan at hukuman. Sa pamamagitan ng ganyang mga pasiya ay pawawalan niyang halaga ang mga mapagbigay at mapayapang simulaing ginawa niya bilang patibayan ng kanyang pamamalakad. Ang pagkakahula na siya ay magsasalita “gaya ng isang dragon” at gagamit ng “buong kapangyarihan ng unang hayop,” ay maliwanag na nagpapaunang magsabi ng pag-unlad ng paghihigpit at ng pag-uusig sa relihiyon na ipinakita ng mga bansang sinasagisagan ng dragon at ng hayop na tulad sa leopardo. Ang pangungusap na “pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito, sa hayop,” ay nagpapakilala na gagamitin ng bansang ito ang kanyang kapamahalaan sa sapilitang pagpapatupad ng pangingilin na magiging isang pagsamba sa kapapahan.MT 360.2
Matalinong pinagsikapan ng mga tagapagtatag ng bansa na mag-ingat laban sa paggamit ng iglesya ng kapangyarihan ng pamahalaan, na taglay nito ang hindi maiiwasang ibubunga—ang paghihigpit at ang pag-uusig. Ang saligang-batas ay nagtatadhana na “ang kongreso ay hindi gagawa ng anumang batas hinggil sa pagtatatag ng relihiyon ni magbabawal ng malayang pagpapairal nito,” at gayon din na “hindi kakailanganin ang anumang pagsusulit ukol sa relihiyon na isang uring kailangan sa anumang tungkuling bayan sa ilalim ng pamamamahala ng Estados Unidos.” Sa napakaliwanag na pagsuway lamang sa mga tagapagsanggalang na ito ng kalayaan ng bansa, maaaring ipatupad ng kapangyarihan ng pamahalaan ang alin mang pagsunod ukol sa relihiyon.MT 361.1
Datapuwa't ano nga ang “larawan ng hayop?” at paano ito maaanyuan? Ang larawan ay ginagawa ng hayop na may dalawang sungay, at ito'y isang larawang ukol sn unang hayop. At ito'y tinatawag din namang larawan ng hayop. Upang malaman kung ano atig hitsura ng larawang ito, at kung paano ito maaanyuan, ay dapat nating pag-aralan ang mga likas ng hayop na rin—ang kapapahan. Nang sumama na ang unang iglesya dahil sa paghiwalay niya sa kasimplihan ng ebanghelyo at dahil sa pagtanggap niya sa mga ritos at ugali ng mga pagano, ay nawala sa kanya ang Espiritu at kapangyarihan ng Diyos; at upang mapangasiwaan niya ang budhi ng mga tao, ay hinanap niya ang tulong ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang bunga ay ang kapapahan, isang iglesyang namamahala sa kapangyarihan ng pamahalaan at ito'y ginagamit sa ikasusulong ng kanyang mga layunin, lalo na sa pagpaparusa sa “erehiya.” Upang ang Estados Unidos ay makapag-anyo ng isang larawan ng hayop, ay kinakailangan na ang kapangyarihan ng relihiyon ay makapaghari ng gayon na lamang sa pamahalaan, na anupa't ang kapangyarihan ng pamahalaan ay gagamitin din naman ng iglesya sa ikagaganap ng kanyang mga layunin.MT 361.2
Ang pagtalikwas ang siyang sa unang iglesya'y umakay na humingi ng tulong ng pamahalaan, at ito ang naghanda ng daan sa pag-unlad ng kapapahan—ng hayop. Sinabi ni Pablo: Darating “muna ang pagtaliwakas,” at mahahayag “ang taong makasalanan.”272 Tesalonica 2:3, 4. Kaya't ang pagtaliwakas na nasa loob ng iglesya ay maghahanda ng daan para sa larawan ng hayop.MT 362.1
Ipinahahayag ng Biblia na bago parito ang Panginoon ay magkakaroon ang relihiyon ng isang kalagayang pababa na katulad noong mga unang dantaon. “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, . . . hindi mga maibigin sa mabuti, mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kaysa pagkamaibigin sa Diyos; na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinatanggihan ang kapangyarihan nito.”282 Timoteo 3:1-5. Si Satanas ay gagawa na may “buong kapangyarihan, at mga tanda at mga kahanga-hangang kasinungalingan, at may buong daya ng kalikuan.” At ang lahat na hindi tumatanggap ng “pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas,” ay mangaiiwan upang tumanggap ng “kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan.”292 Tesalonica 2:9-11. Pagka dumating na ang ganitong kasamaan, susunod ang gaya rin ng ibinunga noong mga naunang dantaon.MT 362.2
Kapag inimpluensiyahan ang estado ng mga nangungunang iglesya ng Estados Unidos, na nagkakaisa sa mga bahagi ng aral na pinaniniwalaan nilang lahat, upang ipasunod nito ang kanilang mga pasiya, at upang tangkilikin ang kanilang mga relihiyon, kung magkagayo'y ang protestanteng Amerika ay makapag-aanyo na ng isang larawan ng herarkiya Romana, at walang pagsalang magbubunga ito ng pagpaparusa ng pamahalaan sa mga lumalaban.MT 362.3
“Pinabigyan” [inutusan] ng hayop na may dalawang sungay “ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at mga alipin, . . . ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; at ng huwag makabili o makapagbili ang sinuman, kundi siyang mayroong tanda, samakatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kanyang pangalan.”30Apocalipsis 13:16, 17. Ang babala ng ikatlong anghel ay, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay, ay iinum din naman siya ng alak ng kagalitan ng Diyos.” Ang “hayop” na binabanggit sa pabalitang ito, na ang pagsamba sa kanya ay ipinatutupad ng hayop na may dalawang sungay, ay siyang una, o ang hayop na katulad ng leopardo ng Apokalipsis 13—ang kapapahan. Ang “larawang ukol sa hayop” ay kumakatawan sa tumalikod na Protestantismo na siyang mangyayari pagka ang mga iglesyang Protestante ay humingi na ng tulong sa mga pamahalaang sibil upang ipatupad ang kanilang mga dogma. Ang “larawan ng hayop” ay ipaliliwanag pa.MT 362.4
Pagkatapos ng babala laban sa pagsamba sa hayop at sa kanyang larawan ay ganito ang ipinahahayag ng hula; “Narito . . . ang nagsisitupad ng utos ng Diyos at ng pananampalataya ni Jesus.”31Apocalipsis 14:12. Yamang yaong mga sumusunod sa mga utos ng Diyos ay napapalagay na kakaiba sa mga sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan at tumatanggap ng kanyang tanda, ay nangangahulugan nga na ang pagsunod sa kautusan ng Diyos, sa isang dako, at pagsuway dito, sa kabila, ay gagawa ng pagkakaiba sa mga nagsisisamba sa Diyos at sa mga nagsisisamba sa hayop.MT 363.1
Ang tanging likas ng hayop, na samakatuwid ay likas din ng kanyang larawan, ay ang pagsuway sa mga utos ng Diyos. Ganito ang sabi ni Daniel tungkol sa maliit na sungay, ang kapapahan: “Kanyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan.”32Daniel 7:25. At ang kapangyarihan ding yaon ay pinamagatan ni Pablo na “ang taong makasalanan,”272 Tesalonica 2:3, 4. na siyang magtatanghal ng kanyang sarili na mataas kaysa Diyos. Ang isang hula ay karagdagan ng iba.MT 363.2
Sa pagbabago lamang sa kautusan ng Diyos maaaring itanghal ng kapapahan ang kanyang sarili na mataas pa kaysa Diyos; sinumang nakakaalam ng pagbabago ng kautusan at sumusunod ayon sa pagkabago ay nagpaparangal sa kapangyarihang bumago. Ang ganyang pagsunod sa mga utos ng papa ay magiging isang tanda ng pagkilala sa papa na kahalili ng Diyos.MT 364.1
Sinikap ng kapapahan na baguhin ang kautusan ng Diyos. Ang ikalawang utos, na nagbabawal ng pagsamba sa larawan ay inalis niya sa kautusan, at ang ikaapat na utos ay binago niya ng gayon na lamang na anupa't ang ipinag-uutos na ipangilin ay hindi ang ikapitong araw na Sabado, kundi ang unang araw na Linggo. Nguni't ikinakatuwiran ng mga makapapa sa pag-aalis nila ng ikalawang utos, na hindi iyan kailangan, dahil sa nakapaloob na rin lamang sa unang utos, at sinasabi nila na ibinibigay nila ang kautusan sa isang tamang-tamang paraan na nais ng Diyos na maunawaan ito. Hindi mangyayaring ito ang pagbabagong ipinagpauna ng propeta. Isang pagbabagong kinusa at sinadya ang ipinakilala: “Kanyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan.”32Daniel 7:25. Ang pagkapagbago sa ikaapat na utos ay ganap na ganap na tumutupad sa salita ng hula. Ukol dito ang kapangyarihan lamang inaangkin ay yaong sa iglesya. Dito ay hayagang inilagay ng kapapahan ang kapangyarihan niya sa itaas ng kapangyarihan ng Diyos.MT 364.2
Samantalang ang mga sumasamba sa Diyos ay tanging mapagkikilala sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang nila sa ikaapat na utos—yamang ito ang tanda ng Kanyang kapangyarihang lumalang, at saksi sa Kanyang pag-angkin sa paggalang at sa pagsamba ng tao—ang mga sumasamba naman sa hayop ay mapagkikilala sa kanilang pagsi- sikap na iwasak ang nagpapaalaala sa Maylalang, upang maitanghal ang itinatag ng Roma.MT 364.3
Sa kapakanan ng araw ng Linggo iginiit ng kapapahan ang kanyang palalong pag-angkin: at ang una niyang paggamit ng kapangyarihan ng pamahalaan ay upang ipilit na ipangilin ang Linggo bilang “araw ng Panginoon.” Datapuwa't tinutukoy ng Biblia na ang ikapitong araw ang siyang araw ng Panginoon, at hindi ang unang araw ng sanlinggo. Ani Kristo, “Ang Anak ng tao ay Panginoon din naman ng Sabado.”33Macros 2:28, talatang Griego. Sinasabi ng ikaapat na utos na “ang ikapitong araw ay Sabado sa Panginoon.”17Exodo 20:10, 11, dating salin sa Tagalog. At sa pamamagitan ng propeta Isaias ay tinatawag ito ng Panginoon na “Aking banal na kaarawan.”34Isaias 58:13.MT 365.1
Ang pag-angking malimit na ginagawa na anila'y binago ni Kristo ang kapangilinan, ay pinabubulaanan ng Kanya na ring mga salita. Sa Kanyang sermon sa bundok ay ganito ang Kanyang sinabi: “Huwag ninyong isiping Ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: Ako'y naparito hindi upang sirain kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o ang isang kudlit, sa anumang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinumang sumuway sa isa sa kaliit-liitang mga utos na ito, at ituturo ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliit-liitan sa kaharian ng mga langit; datapuwa't sinumang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.”35Mateo 5:17-19.MT 365.2
Isang katunayang inaamin ng mga protestante na ang Banal na Kasulatan ay walang pahintulot na baguhin ang kapangilinan. Ito'y malinaw na ipinahayag ng mga inilathala ng American Tract Society at ng American Sunday School Union. Ang isa sa mga inilathalang ito ay kumikilala sa “ganap na katahimikan ng Bagong Tipan tungkol sa maliwanag na utos ukol sa kapangilinan, [Linggo, unang araw ng sanlinggo] o tungkol sa tiyak na mga tuntunin sa pangingilin nito.”36George Elliot, The Abiding Sabbath, p. 184.MT 365.3
Ang wika naman ng isa: “Hanggang sa panahon ng kamatayan ni Kristo, ay walang ginawang pagbabago sa araw,”37A. E. Waffle, The Lord's Day, p. 186. at, “alinsunod sa ipinakikilala ng ulat, sila [ang mga apostol] ay hindi . . . nagbigay ng anumang utos na huwag nang ipangilin ang ikapitong araw na Sabado at ipangilin na ang unang araw ng sanlinggo.”38A. E. Waffle, The Lord's Day, p. 187, 188.MT 366.1
Kinikilala ng mga Katoliko Romano na ang pagbabago ng kapangilinan ay ginawa ng kanilang iglesya, at ipinahayag niya na kumikilala ang mga Protestante sa kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pangingilin nila ng Linggo.MT 366.2
Bilang tanda ng kapangyarihan ng Iglesya Katolika Romana ay sinipi ng mga manunulat na makapapa “ang ginawang paglilipat ng kapangilinan sa Linggo, mula sa Sabado, na inaayunan ng mga Protestante; . . . sapagka't sa pangingilin nila ng Linggo, ay kinikilala nila ang kapangyarihan ng iglesya na magtatag ng mga kapistahan, ipag-utos ang mga ito at ang sumuway ay kasalanan.”39H. Tuberville, An Abridgement of the Christian Doctrine, p.58. Ano nga kung gayon, ang pagkapagbago ng kapangilinan kundi tanda, o marka, ng kapangyarihan ng iglesya Romana—“Ang tanda ng hayop?”MT 366.3
Hindi pa binabago ng Iglesya Romana ang kanyang pag-aangkin sa kapangyarihan; at kapag tinanggap ng sanlibutan at ng mga iglesyang Protestante ang isang kapangilinang linikha lamang niya, samantalang tinatanggihan nila ang Sabado ng Biblia, ay masasabing tinatanggap nila ang pag-angking ito. Mangyayaring angkinin nila ang kapangyarihan ng mga sali't saling sabi pati ng kapangyarihan ng mga pari sa pagkapagbago; datapuwa't sa pag-aangkin nilang ito'y winawalan nilang kabuluhan ang simulain na rin na naghihiwalay sa kanila sa Roma—na “ang Biblia at ang Biblia lamang, ang siyang relihiyon ng mga Protestante.”MT 366.4
Ang pagpapatupad ng mga Protestante na ipangilin ang Linggo ay isang pagpapatupad ng pagsamba sa kapapahan—sa hayop. Yaong mga nakakaalam sa pag-angkin ng ikaapat na utos, gayon may pinipili pa nilang ipangilin ang huwad sa halip ng tunay na kapangilinan, ay sumasamba sa kapangyarihang yaon na siyang tanging nagutos nito. Datapuwa't sa pagpapatupad ng pamahalaan ng isang tungkuling ukol sa relihiyon, ang mga iglesya na rin ay nag-aanyo ng isang larawang patungkol sa hayop; dahil dito'y ang pagpapatupad na ipangilin ang Linggo sa Estados Unidos ay magiging isang pagpapatupad na sambahin ang hayop at ang kanyang larawan.MT 367.1
Nguni't ang mga Kristiyano ng mga salin-iahing nakaraan ay nangilin Linggo, sa pag-aakalang sa gayo'y ipinangingilin nila ang Sabado ng Biblia; at ngayo'y maraming tapat na Kristiyano sa bawa't iglesya pati sa Iglesya Katolika Romana, na tapat na nanganiniwalang ang Linggo ay siyang kapangilinang hinirang ng Diyos. Tinatanggap ng Diyos ang kanilang tapat na layunin at kalinisang-budhi sa harap Niya. Datapuwa't kapag ipinatutupad na ng batas ng pamahalaan ang pangingilin ng Linggo, at naliwanagan na ang sanlibutan hinggil sa katungkulang ipangilin ang tunay na Sabado, kung magkagayo'y sinumang susuway sa utos ng Diyos, upang sumunod sa utos na di-utos ng kapangyarihang nakatataas sa Roma, pinararangalan nga niya ang kapapahan ng higit kay sa Diyos. Gumagalang siya sa Roma, at sa kapangyarihang nagpapatupad ng tatag na itinalaga ng Roma. Sa pagtanggi ng mga tao sa itinatag ng Diyos, na ipinahayag Niya na tanda ng Kanyang kapamahalaan, at sa halip nito'y parangalan nila ang pinili ng Roma na pinakatanda ng Kanyang kapangyarihan, sa gayo'y tatanggapin nila ang tanda ng pakikikampi sa Ro- ma—“ang tanda ng hayop.” Hanggang hindi maliwanag na naihaharap, na gaya nito, ang suliranin sa mga tao, at sila'y napapamili sa mga utos ng Diyos at sa mga utos ng tao, ay di pa tatanggap ng “Tanda ng hayop ang mga patuloy sa kanilang pagsuway.”MT 367.2
Ang kakila-kilabot sa lahat ng pagbabantang iniukol sa mga tao ay ang napalaman sa pabalita ng ikatlong sugong anghel. Maaring isang kakila-kilabot na kasalanan ang nagpapababa sa kagalitan ng Diyos na walang halong awa. Ang mga tao'y hindi iiwan sa kadiliman hinggil sa mahalagang bagay na ito; ang babala laban sa ganitong pagkakasala ay dapat ikalat sa buong sanlibutan bago dumalaw ang mga kahatulan ng Diyos upang maalaman ng kalahatan kung bakit sila parurusahan, at upang magkaroon sila ng panahon na makaiwas sa mga parusang ito. Sinasabi ng hula na ang unang anghel ay gagawa ng kanyang pagpapahayag “sa bawa't bansa, at lipi at wika, at bayan.”MT 368.1
Ang babala ng ikatlong anghel, na isang bahagi ng tatlong magkakalakip na pabalita. ay dapat ilaganap sa di liliit na kalawakan. Ito'y kinakatawanan sa hula na ipinahahayag na may malakas na tinig ng isang anghel na lumipad sa gitna ng langit at ito ang tatawag ng pansin ng sanlibutan.MT 368.2
Sa labanang ito ay mahahati sa dalawang malaking bahagi ang Sangkakristiyanuhan—yaong mga tumutupad ng mga utos ng Diyos at rnay pananampalataya kay Jesus, at yaong mga sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng kanyang tanda. Bagaman papaglalakipin ng iglesya at ng pamahalaan ang kanilang kapangyarihan upang pilitin “ang lahat, maliliit at malaki, at mayaman at mga dukha, at ang mga laya at mga alipin,” na tumanggap ng “tanda ng hayop,”40Apocalipsis 13:16. gayon ma'y hindi ito tatanggapin ng mga tao ng Diyos. Natatanaw ng propeta ng Patmos “yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kan- yang larawan, at sa bilang ng kanyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Diyos,” at inaawit ang awit ni Moises at ng Kordero.41Apocalipsis 15:2, 3.MT 368.3