Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
Sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang Pangulo na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon; at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungang nakasulat sa aklat.”1Daniel 12:1.MT 533.1
Pagka natapos na ang pabalita ng ikatlong anghel, ang mga makasalanang tumatahan sa sangkalupaan ay hindi na ipamamagitan ng kahabagan. Natapos na ng bayan ng Diyos ang kanilang gawain. Tinanggap na nila ang “huling ulan,” ang “kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon,”2Mga Gawa 3:19; Oseas 6:3, talatang Hebreo. at handa na sila sa panahon ng pagsubok na nasa kanilang harapan.MT 533.2
Ang mga anghel ay walang tigil ng pagpaparoo't parito sa langit. Ang isang anghel na buhat sa lupa ay nagsasabi na natapos na niya ang kanyang gawain; naibigay na sa sanlibutan ang kahuli-hulihang pagsubok, at ang lahat ng napagkilalang mga tapat sa mga banal na utos ay nagsitanggap na ng “tatak ng Diyos na buhay.”3Apocalipsis 7:2. Kung magkagayo'y titigil si Jesus sa Kanyang pamamagitan sa santuaryo sa itaas. Itataas Niya ang Kanyang kamay, at magsasabing may malakas na tinig, “Tapos na,”4Apocalipsis 16:17. at ibababa ng buong hukbo ng mga anghel ang kanilang mga putong samantalang ipinahahayag naman ni Jesus na: “Ang liko ay magpakaliko pa: ang marumi ay magpakarumi pa; at ang matuwid ay magpakatuwid pa; at ang banal ay magpakabanal pa.”5Apocalipsis 22:11. Ang bawa t kaso ay pinasiyahan na sa kabuhayan o sa kamatayan. Nagawa na ni Kristo ang pagtubos sa Kanyang bayan at pinawi na Niya ang lahat nilang mga kasalanan. Nabuo na ang bilang ng Kanyang mga sakop “ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng kaharian sa silong ng buong langit,”6Daniel 7:27. ay ibinigay na sa mga magmamana ng pagkaligtas, at si Jesus ay maghahari na Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.MT 533.3
Pagka iniwan na ni Kristo ang santuaryo, ay kadiliman ang tatakip sa mga tumatahan sa lupa. Sa kakila-kilabot na panahong yaon, ang mga matuwid ay kinakailangang mamuhay ng walang tagapamagitan sa paningin ng isang banal na Diyos. Aalisin ang pumipigil sa mga makasalanan, at si Satanas ay magkakaroon ng ganap na pamumuno sa mga hindi nagsisi. Natapos na ang matagal na pagtitiis ng Diyos. Tinanggihan na ng sanlibutan ang kanyang kahabagan, hinamak ang Kanyang pag-ibig, at niyurakan ang Kanyang kautusan. Linampasan na ng mga makasalanan ang hangganan ng kanilang panahon ng biyaya; ang Espiritu ng Diyos, na lagi nilang tinatanggi, han, ay inalis na. Dahil sa hindi na sila ikinakanlong ng banal na biyaya, ay wala na silang sanggalang laban sa isang masama.MT 535.1
Kung magkagayon, ang mga naninirahan sa lupa ay isusugba ni Satanas sa isang malaki't pangwakas na labanan. Sa paghinto ng mga anghel ng Diyos sa pagpigil sa mababagsik na hangin ng mga masasamang damdamin ng tao, bibitiwan na ang lahat ng elemento ng pag-aalitan. Ang buong sanlibutan ay aabutin ng pagkawrasak na lalong kakila-kilabot kaysa inabot ng Jerusalem nang panahong una.MT 535.2
Ang mga nagpaparangal sa kautusan ng Diyos ay pararatangan na nagdadala ng mga hatol na ito sa sanlibutan, at ipalalagay na sila ang dahil ng nakapanghihilak- bot na mga lindol ng kalikasan at ng pag-aalitan at pagtitigisan ng dugo ng mga tao, na pumupuno sa lupa ng kahapisan. Ang kapangyarihang umaagapay sa kahuli-hulihang babala ay magpapagalit sa masama; ang kanilang poot ay magniningas laban sa lahat ng tumanggap ng pabalita, at lalong pasisidhiin ni Satanas ang diwa ng kapootan at pag-uusig.MT 535.3
Nang sa wakas ay bawiin ng Diyos ang Kanyang pakikiharap sa bansang Hudyo, ay walang kamalay-malay ang mga saserdote at ang bayan. Bagaman sumailalim sila ng paghahari ni Satanas, at tinangay ng lalong kakila-kilabot at kagalit-galit na mga damdamin, ipinalalagay pa rin nilang sila'y mga hirang ng Diyos. Nagpatuloy ang pangangasiwa sa loob ng templo; ang hain ay inihandog sa ibabaw ng kanyang mga narumhang dambana, at arawaraw ay hiningi ang pagpapala sa isang bayang nagkasala sa dugo ng sinisintang Anak ng Diyos, at nagbabantang pumatay sa Kanyang mga tagapaglingkod at mga apostol. Kaya't pagka naipahayag na ang hindi mababagong pasiya ng santuaryo, at naitakda na magpakailan man ang kahihinatnan ng sanlibutan, ito'y di malalaman ng mga tumatahan sa lupa.MT 536.1
Ang mga anyo ng relihiyon ay ipagpapatuloy ng isang bayang binawian na ng Espiritu ng Diyos; at ang siglang maka-Satanas na iaali sa kanila ng pangulo ng kasamaan sa ikagaganap ng kanyang kapoot-poot na mga panukala, ay magtataglay ng wangis ng kasiglahang ukol sa Diyos.MT 536.2
Sapagka't ang Sabado ay siyang tanging pinagtu-tunggalian sa buong Sangkakristiyanuhan, at ang mga makapangyarihan sa relihiyon at sa pamahalaan ay naglakip upang iutos ang pangingilin ng Linggo, ang palaging di pagpayag ng iilan-ilang mga tao na umayon sa kahilingan ng karamihan, ay siyang magiging dahil ng pagkasuklam sa kanila ng buong sanlibutan. Kanilang ikakatuwiran na ang iilang tumatayo sa pagsalansang sa isang itinatatag ng iglesya at sa isang batas ng pamahalaan ay hindi nararapat pamalagiin.MT 536.3
Kung magkagayo'y masusugba ang bayan ng Diyos sa mga tanawin ng kapighatian at kabagabagang sinasabi ng propeta na panahon ng kabagabagan ni Jakob. “Ganito ang sabi ng Panginoon: Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan . . . . Ang lahat ng mukha ay naging maputla. Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anupa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jakob; nguni't siya'y maliligtas doon.”7Jeremias 30:5-6-7.MT 537.1
Ang gabi ng kadalamhatian ni Jakob, noong makipagbuno siya sa pananalangin upang maligtas sa kamay ni Esau8Genesis 32:24-30. ay kumakatawan sa karanasan ng bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan. “Siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel at nanaig.”9Oseas 12:4. Sa pamamagitan ng pagpapakababa, pagsisisi, at pagpapakupkop ng sarili, ang makasalanan at mapagkamaling taong ito ay nanaig sa Karangalan ng kalangitan. Hinigpitan niya ang kanyang nanginginig na pagkapit sa mga pangako ng Diyos, at ang puso ng walang-hanggang Pag-ibig ay di makatanggi sa samo ng makasalanan.MT 537.2
Si Jakob ay pinaratangan ni Satanas sa harap ng mga anghel ng Diyos, na inaangking may matuwid siyang magpahamak kay Jakob dahil sa kanyang kasalanan; kinilos niya si Esau na humayo laban sa kanya; at noong buong gabing pakikipagbuno ng patiarka, ay pinagsikapan ni Satanas na piliting ipadama sa kanya ang kanyang pagkakasala, upang siya'y papanglupaypayin, at mabitiwan ang kanyang panghahawak sa Diyos. Halos naitaboy si Jacob sa kawalang-pag-asa; datapuwa't nalalaman niya na kung walang tulong na manggagaling sa langit siya nga'y mapapahamak. Datapuwa't taos-pusong pinagsisihan ni Jakob ang kanyang malaking kasalanan, at ti- nawagan niya ang kahabagan ng Diyos. Hindi siya mailinsad sa kanyang layunin, bagkus mahigpit na kumapit sa Anghel, maningas na idinaing ang kanyang kahilingan, na tumangis ng kapait-paitan hanggang sa siya'y nanaig.MT 537.3
Kung paanong si Esau ay inudyukan ni Satanas na lumabas laban kay Jakob, gayon din kikilusin niya ang masasama upang ipahamak ang bayan ng Diyos sa panahon ng kabagabagan. At kung paanong pinaratangan niya si Jakob, gayon niya inihaharap ang kanyang mga paratang laban sa bayan ng Diyos. Ibinibilang niya ang sanlibutan na kanyang sakop; datapuwa't ang maliit na kalipunang nag-iingat ng mga utos ng Diyos ay lumalaban sa kanyang pananakop. Kung malilipol niya sila sa lupa, ang kanyang tagumpay ay magiging ganap. Nakikita niyang sila'y binabantayan ng mga banal na anghel, at dahil dito'y kinukuro niyang naipatawad na ang kanilang mga kasalanan; nguni't hindi niya naaalamang nangapasiyahan na ang kanilang mga kabuhayan sa santuaryo sa itaas. Mayroon siyang ganap na pagkaalam sa mga kasalanang iniudyok niyang kanilang gawin, at ang mga ito'y inihaharap niya sa Diyos sa isang labis na paraan na ipinakikilala niya na ang mga taong ito ay hindi nararapat tumanggap ng lingap ng Diyos na gaya niya. Ipinahahayag niyang ayon sa katuwiran ay hindi maipatatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan, at ipahamak siya at ang kanyang mga anghel. Inaangkin niya silang kanyang huli, at hinihingi niyang sila'y ibigay sa kanyang mga kamay upang malipol niya.MT 538.1
Sa pagpaparatang ni Satanas sa mga tao ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, ay pinahihintulutan siya ng Panginoon na mahigpit silang subukin. Ang kanilang pagtitiwala sa Diyos, ang kanilang pananampalataya at katibayan, ay mahigpit na susubukin. Sa pagbubulaybulay nila ng kanilang kabuhayan sa nakaraan, ay nangliliit ang kanilang pag-asa; sapagka't ba- bahagyang kabutihan ang nakikita nila sa kanilang mga kabuhayan. Talastas nilang lubos ang kanilang kahinaan at pagkadi-karapat-dapat. Sinisikap ni Satanas na sila'y takutin sa pamamagitan ng isipang sila ay wala nang pag-asa, at ang dungis ng kanilang karumihan ay hindi mahuhugasan kailan man. Umaasa siyang masisira niya ang kanilang pananampalataya, na anupa't pahihinuhod sila sa kanyang mga tukso, at tatalikod sa kanilang pakikipanig sa Diyos.MT 538.2
Sa bawa't dako ay nakaririnig ang mga tao ng Diyos ng mga balak ng kaliluhan at nakikita nila ang masipag na pagkilos ng himagsikan, at sa kanilang kalooban ay nagigising ang isang maningas na pagnanais, isang mataos na pananabik ng kaluluwa, na matapos nawa ang malaking pagtaliwakas na ito, at umabot na sa wakas ang katampalasanan ng mga makasalanan. Datapuwa't samantalang namamanhik sila sa Diyos upang pigilin ang paghihimagsik, ay taglay nila ang malabis na pagbibigay-sisi sa sarili na sila na rin ay wala nang kapangyarihan upang paglabanan at itaboy ang malakas na agos ng kasamaan. Ipinalalagay nilang kung palagi lamang nilang ginamit ang buo nilang kaya sa paglilingkod kay Kristo, na yumayaon sila mula sa kalakasan hanggang sa kalakasan, ay humina sana ang mga hukbo ni Satanas sa pakikipaglaban sa kanila.MT 539.1
Pinapagdadalamhati nila ang kanilang mga kaluluwa sa harapan ng Diyos, na itinuturo ang nakaraan nilang pagsisisi sa marami nilang kasalanan, at hinihiling ang pangako ng Tagapagligtas na, “Manghawak nawa siya sa Aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa Akin, oo, makipagpayapaan siya sa Akin.”10Isaias 27:5. Ang kanilang pananampalataya ay hindi nanglalamig dahil sa hindi sinasagot kapagkaraka ang kanilang mga panalangin. Bagaman nagbabata sila ng malabis na pagkabalisa, pangamba, at kagulumihanan, ay hindi sila nagtitigil ng pagsamo. Nanghahawak sila sa lakas ng Diyos gaya naman ni Jakob na nanghawak sa Anghel; at ang sinasabi ng kanilang kaluluwa ay, “Hindi Kita bibitawan hanggang hindi Mo ako mabasbasan.”11Genesis 32:26.MT 539.2
Kung hindi muna pinagsisihan ni Jakob ang kanyang kasalanan sa pagkamkam ng pagkapanganay ng kanyang kapatid, sa pamamagitan ng daya ay hindi sana dininig ng Diyos ang kanyang dalangin at hindi iningatang may pagkahabag ang kanyang buhay. Gayon din, sa panahon ng kabagabagan, kung ang mga tao ng Diyos ay may nalalabing mga kasalanan na hindi pa napagsisisihan na sa kanilang harapan ay gigitaw samantalang sila'y pinahihirapan ng pangamba at kadalamhatian, ay manganglulumo sila; ang kawalang-pag-asa ay siyang puputol sa kanilang pananampalataya at mawawalan sila ng tiwalang sumamo sa Diyos na sila'y iligtas. Nguni't bagaman malabis nilang inaalaala ang di nila pagiging karapat-dapat, ay wala naman silang maihahayag na nakukubling mga kamalian na kanilang nagawa. Ang kanilang mga kasalanan ay nangauna na sa paghuhukom, at. nangapawi na; at hindi na nila maaalaala pa.MT 540.1
Pinapaniwala ni Satanas ang marami na ipagpapaumanhin ng Diyos ang hindi nila pagkamatapat sa maliliit na bagay ng kabuhayan; datapuwa't ipinakikilala ng Panginoon sa Kanyang pakikitungo kay Jakob na sa anumang paraan ay hindi niya mapahihintulutan o mapababayaan ang masama. Ang lahat ng nagsisikap na magpaumanhin o magkubli ng kanilang mga kasalanan, at pinababayaang manganatili ang mga iyon sa mga aklat sa kalangitan, na hindi pa ipinahahayag at hindi naman ipinatawad pa sa kanila, ay malulupigan ni Satanas. Kung kailan lalong mataas ang kanilang pagpapanggap, at lalong marangal ang tungkulin nilang hinahawakan, ay lalo namang mabigat sa paningin ng Diyos ang kanilang tinutungo, at lalong tiyak ang pagwawagi ng kanilang ban- tog na kaaway. Yaong mga nagpapaliban sa paghahanda para sa kaarawan ng Diyos ay hindi na rin mahahanda sa panahon ng kabagabagan, o sa mga panahon mang susunod. Wala nang sukat maasahan pa ang mga ganyan.MT 540.2
Ang mga gumagamit ngayon ng maliit na pananampalataya ay nasa malaking panganib na mahulog sa kapangyarihan ng mga daya ni Satanas, at sa utos na pipilit sa budhi ng mga tao. At mabata man nila ang pagsubok ay masusugba rin sila sa lalong matinding kawalang pag-asa at pananambitan sa panahon ng kabagabagan, sapagka't hindi nila pinagkaugaliang magtiwala sa Diyos. Ang mga aral tungkol sa pananampalataya na kanilang kinaligtaan, ay mapipilitan nilang pag-aralan sa ilalim ng kakila-kilabot na katindihan ng panglulupaypay.MT 541.1
Kinakailangang makilala natin ngayon ang Diyos sa pamamagitan ng pagsubok sa Kanyang mga pangako. Itinatala ng mga anghel ang bawa't panalanging taimtim at taos sa puso. Dapat pa nating bayaan ang pagbibigay kasiyahan sa ating sarili kaysa magpabaya sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang pinakamatinding paghihikahos, ang pinakamalaking pagbabawa sa sarili, kung kasang-ayon ng Kanyang kalooban, ay lalong mabuti kaysa mga kayamanan, karangalan, kaginhawahan, at pakikipagkaibigan na wala Siyang pagsang-ayon. Kinakailangang maggugul tayo ng panahon sa pananalangin. Kung pahihintulutan nating mapuno ang ating mga pag-iisip ng mga bagay na ukol sa sanlibutan, mangyayaring bigyan tayo ng Panginoon ng panahon upang makapanalangin sa pamamagitan ng pag-alis Niya sa ating mga dinidiyos na ginto, mga bahay, o matabang mga lupain.MT 541.2
Sa pangitain ay narinig ni apostol Juan ang isang malakas na tinig sa langit na sumisigaw ng, “Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diyablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”12Apocalipsis 12:12. Kakila-kila- bot ang mga tanawing nag-udyok sa tinig na ito sa langit na sumigaw ng ganito. Ang galit ni Satanas ay lumalaki habang umiikli ang panahon, at ang kanyang pagdaraya at pagpapahamak ay aabot sa kanyang sukdulan kung dumating na ang panahon ng kabagabagan.MT 541.3
Kakila-kilabot na mga panoorin na may likas na higit sa katutubo ang hindi malalaunan at mahahayag sa mga langit bilang isang tanda ng kapangyarihan ng mga demonyo na makagawa ng mga kababalaghan. Ang mga espiritu ng mga diyablo ay magsisihayo sa mga hari ng lupa at sa buong sanlibutan, upang patibayin ang kanilang pagkaraya, at upang hikayatin silang makiisa kay Satanas sa kahuli-hulihan niyang pagsisikap laban sa pamahalaan ng langit. Sa pamamagitan nito'y madaraya ang mga pangulo at mga pinangunguluhan. Lilitaw ang mga tao na magkukunwaring sila'y si Kristo, at aangkinin nila ang pamagat at pagsamba na ukol lamang sa Manunubos ng sanlibutan. Gagawa sila ng mga kahanga-hangang kababalaghan na magpagaling, at mangangalandakang sila'y tumatanggap ng mga pahayag mula sa langit na kasalungat ng patotoo ng Kasulatan.MT 542.1
Bilang kawakasang yugto sa malaking dula ng pagdaraya, si Satanas ay mag-aanyong Kristo. Malaon nang sinasabi ng iglesya na hinihintay niya ang pagbalik ng Tagapagligtas at ito ang katuparan ng kanyang mga pag-asa. Ngayo'y nagkukunwang ipakikita ng bantog na magdaraya na dumating na si Kristo. Sa iba't ibang bahagi ng sangkalupaan, ay pakikilala si Satanas sa mga tao na isang may makaharing anyo na nakasisilaw sa liwanag, at nakakatulad ng inilarawan ni Juan sa Apokalipsis tungkol sa Anak ng Diyos.13Apocalipsis 1:13-15. Ang kaluwalhatiang sa kanya'y nakaliligid ay hindi mahihigitan ng anumang nakita na ng mga tao. Ang sigaw ng tagumpay ay umaalingawngaw sa himpapawid: “Dumating na si Kristo! Dumating na si Kristo.”MT 542.2
Nagpapatirapa ang mga tao sa harap niya upang siya'y sambahin, samantala nama'y itinataas niya ang kanyang mga kamay at binibigkas ang isang pagpapala sa kanila, gaya nang pagpalain ni Kristo ang Kanyang mga alagad noong Siya'y narito sa ibabaw ng lupa. Ang kanyang tinig ay malambot at maamo, nguni't may magandang himig. Sa mahinahon at maawaing mga pangungusap ay ilalahad niya ang ilang mabiyayang mga katotohanan ng langit na binigkas ng Tagapagligtas; pagagalingin niya ang mga karamdaman ng mga tao, at pagkatapos, sa pagtulad niya sa likas ni Kristo ay sasabihin niyang inalis na niya sa Sabado ang pangingilin at inilipat na niya sa Linggo, at pag-uutusan niya ang lahat na mangilin ng araw na kanyang pinagpala. Ipahahayag niyang yaong mapilit sa pangingilin ng ikapitong araw ay namumusong sa kanyang pangalan dahil sa pagtangging makinig sa mga anghel na may liwanag ng katotohanan na kanyang isinugo sa kanila. Ito ang malakas at halos hindi mapaglalabanang pandaya. Gaya ng mga taga-Samaria na dinaya ni Simon Mago, ang mga karamihan, mula sa kaliit-liitan hanggang sa kalaki-lakihan, ay makikinig sa mga pangkukulam na ito, na nagsisipagsabi: “Ito ang siyang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na dakila.”14Mga Gawa 8:10.MT 543.1
Datapuwa't ang bayan ng Diyos ay hindi maililigaw. Ang mga iniaaral ng hindi tunay na kristong ito ay hindi katugma ng Banal na Kasulatan. Ang pagpapalang kanyang binigkas ay sa mga sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, na siya ring mga taong sinabi ng banal na Kasulatan na bubuhusan ng poot ng Diyos na walang halong habag.MT 543.2
At, bukod sa riya'y, hindi ipahihintulot na maparisan ni Satanas ang paraan ng pagparito ni Kristo. Binalaan ng Tagapagligtas ang Kanyang bayan laban sa pandayang ito, at maliwanag Niyang ipinagpauna ang paraan ng Kan- yang ikalawang pagparito. “May magsisilitaw na mga bulaang kristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; anupa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. . . . Kaya nga, kung sa inyo'y kanilang sasabihin, narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas; narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.”15Mateo 24:24-27, 31; 25:31; Apocalipsis 1:7; 1 Tesalonica 4:16, 17. Ang pagparitong ito ay hindi matutularan. Ito'y maaalaman ng kalahatan—masasaksihan ng buong sanlibutan.MT 543.3
Iyon lamang nagsipag-aral ng buong sikap ng Banal na Kasulatan, at tumanggap ng pag-ibig sa katotohanan, ang maliligtas sa malakas na pandaya na bibihag sa sanlibutan. Sa pamamagitan ng patotoo ng Banal na Kasulatan ay mapagkikilala nila ang magdaraya sa kanyang balatkayo. Darating sa lahat ang panahon ng pagsubok. Sa pagliliglig na gagawin ng tukso, ay mahahayag ang tunay na Kristiyano. Matitibay na ba ngayon ang mga tao ng Diyos, na anupa't hindi sila pahihinuhod sa mga pinatutunayang ng kanilang pandama? Sa ganyan bagang kalagayan ay manghahawak sila sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Kasulatan lamang? Kung mangyayari ay hahadlangan sila ni Satanas sa paghahandang makatayo sa araw na yaon. Aayusin niya ng gayon na lamang ang mga bagay na anupa't masasarhan niya ang kanilang daraanan, babalakidan sila ng mga kayamanan sa lupa, at pagdadalhin sila ng mabibigat at nakapapagal na pasanin, upang malugmok ang kanilang mga puso sa pag-aalaala sa buhay na ito, at sa gayo'y dumating sa kanila ang araw ng pagsubok gaya ng isang magnanakaw.MT 544.1
Kapag inalis na ng pasiyang inilagda ng iba't ibang pinuno ng Sangkakristiyanuhan laban sa mga nag-iingat ng kautusan, ang pagtatanggol ng pamahalaan at paba- yaan na sila sa nangagnanasang sila'y ipahamak, ang bayan ng Diyos ay tatakas mula sa mga bayan at mga nayon at magtitipun-tipon sa maliliit na pulutong at maninirahan sa mga ilang at sa mga tagong lugar. Ang marami ay magkakanlong sa matitibay na kuta ng mga bundok. Tulad sa mga Kristiyano sa mga libis ng Piyamonte, gagawin nilang mga santuaryo ang mataas na dako, at pasasalamatan nila ang Diyos dahil sa “mga katibayan na malalaking bato.”16Isaias 33:16. Datapuwa't marami mula sa lahat ng bansa, sa lahat ng uri ng tao, marangal at aba, mayaman at dukha, itim at puti, ang ihahagis sa pinakamasama at pinakamabagsik na pagkabusabos. Ang mga pinakaiibig ng Diyos ay daranas ng nakaiinip na mga araw, na natatanikala, nakukulong sa mga bilangguan, hinatulang patayin, na ang ilan ay iniwan upang mamatay sa gutom sa madidilim at mababahong kulungan. Walang bukas na tainga upang duminig sa kanilang mga daing; walang kamay na handang magbigay sa kanila ng saklolo.MT 544.2
Lilimutin kaya ng Panginoon ang Kanyang bayan sa panahong ito ng pagsubok? “Malilimutan ba ng babae ang kanyang batang pasusuhin, na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kanyang bahay-bata? Oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan. Narito, aking iniukit ka sa mga palad ng aking mga kamay.”17Isaias 49:14-16, talatang Hebreo. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Ang humipo sa inyo ay humihipo sa itim ng Kanyang mata.”18Zakarias 2:8. Ang bilangguan ay magiging gaya ng isang palasyo; sapagka't naroroon ang mayaman sa pananampalataya, at ang madidilim na dingding nito'y liliwanagan ng liwanag na buhat sa langit, gaya noong si Pablo at si Silas ay manalangin at umawit ng mga pagpupuri noong isang hatinggabi sa loob ng bilangguan ng Pilipos.MT 545.1
Bagaman ipasok sila ng kanilang mga kaaway sa bilangguan, ang mga kuta nito ay hindi makapipigil sa pa- kikipag-usap ng kanilang kaluluwa kay Kristo. Sa malungkot na piitan ay lalapit sa kanila ang mga anghel, na magdadala sa kanila ng liwanag at kapayapaang mula sa langit. Ang bilangguan ay magiging gaya ng isang palasyo; sapagka't nananahan doon ang mayaman sa pananampalataya, at ang madilim na mga dingding ay liliwanagan ng liwanag na buhat sa langit, gaya noong si Pablo at si Silas ay manalangin at umawit ng mga pagpupuri nang isang hating-gabi sa bilangguan ng Filipos.MT 545.2
Ang mga hatol ng Diyos ay lalagpak sa mga nagsisikap na magpahirap at lumipol sa Kanyang bayan. Ang malaon Niyang pagtitiis sa masasama ay nagpapalakas ng loob ng mga tao sa gawang pagsalansang, datapuwa't ang kaparusahan nila'y hindi makukulangan sa katiyakan at kakilabutan dahil sa pagkaantala nito. Sa pamamagitan ng mga kakila-kilabot na bagay sa katuwiran ay ipakikilala Niya ang kapamahalaan ng Kanyang kautusang niyuyurakan. Ang kabigatan ng parusang naghihintay sa mananalansang ay maaaring malaman sa pamamagitan ng pagaatubili ng Diyos na magbigay parusa. Ang bansang matagal na Niyang pinagtitiisan at hindi Niya nais parusahan hanggang sa mapuno na ang takalan ng katampalasanan nila alinsunod sa pagbilang ng Diyos, ay iinom din, sa wakas, sa saro ng poot na walang halong habag.MT 546.1
Kapag natapos na ni Kristo ang Kanyang pamamagitan sa loob ng santuaryo, ang poot na hindi nahahaluan ng habag ay ibubuhos sa mga sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan at sa tumatanggap ng kanyang tanda.19Apocalipsis 14:9, 10. Ang salot na ibinuhos sa Ehipto, nang ilalabas na lamang ng Diyos ang angkan ni Israel, ay nakakatulad sa likas ng lalong kakila-kilabot at lalong malaganap na kahatulang babagsak sa sanlibutan bago gawin ang huling pagliligtas sa bayan ng Diyos. Ganito ang sinasabi ng mamamahayag nang ilarawan niya ang mga nakapanghihilakbot na hampas ng Diyos; Ang ibinuhos ay “naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kanyang larawan.” Ang dagat “ay naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang buhay sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.” At ang mga ilog at ang mga bukal ng tubig ay nangaging dugo.20Apocalipsis 16:2-6.MT 546.2
Bagaman kahila-hilakbot ang mga hampas na ito, ang katarungan ng Diyos ay mapatutunayang matuwid. Sinasabi ng anghel ng Diyos: “Matuwid ka . . . Oh Banal sapagka't humatol Ka na gayon; sapagka't ibinuhos nila ang dugo; ito'y karapat-dapat sa kanila.”21Apocalipsis 16:5, 6. Sa paghatol nilang patayin ang bayan ng Diyos, tunay na nagkasala na sila sa kanilang dugo na parang ang kamay nila ang nagpatulo. Sa ganyan ding paraan ay ipinahayag ni Kristo na ang mga Hudyo nang Kanyang kapanahunan ay nagkasala sa dugo ng lahat ng banal na tao na pinatay mula nang kaarawan ni Abel; sapagka't taglay nila ang gayon ding espiritu, at pinagsisikapan nilang gawin ang gayon ding gawain, kasama ng mga mamamatay na ito sa mga propeta.MT 547.1
Sa salot na sumusunod, ang kapangyarihan ay ipinagkaloob sa araw upang sunugin “ng apoy ang mga tao. At nangasunog ang mga tao sa matinding init.”22Apocalipsis 16:8, 9.MT 547.2
Hindi lahat ng mga salot na ito ay laganap sa buong sanlibutan, sapagka't kung gayon ay malilipol na lahat ang mga tumatahan sa sangkalupaan. Gayon ma'y ang mga ito'y magiging kakila-kilabot sa lahat na hampas ng Diyos na nakilala ng tao kaikailan man. Ang lahat ng kahatulan sa mga tao, bago matapos ang panahon ng biyaya ay may halong awa. Ang namamagitang dugo ni Kristo ay siyang nagsasanggalang sa makasalanan upang huwag tanggapin ang ganap na kahatulan ng kanyang kasalanan; nguni't sa wakas na paghuhukom ay ibubuhos ang poot ng Diyos na walang halong habag.MT 547.3
Sa araw na yaon ay magnanasa ang mga karamihan na ikanlong sila ng kahabagan ng Diyos na malaong panahon nilang hinamak. “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Diyos, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon; at sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan, sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.”23Amos 8:11, 12.MT 547.4
Ang bayan ng Diyos ay hindi maliligtas sa paghihirap datapuwa't bagaman pinag-uusig at pinipighati, bagaman nagbabata ng kasalatan, at nagtitiis ng kakulangan sa pagkain, ay hindi sila pababayaang mamatay. Iyong Diyos na nag-alaga kay Elias ay hindi makalilimot sa isa sa Kanyang mga tapat na anak. Aalagaan sila ng Diyos na nakabibilang ng mga buhok ng kanilang mga ulo, at sa panahon ng kagutom ay mabubusog sila. Samantalang ang masasama ay mamamatay dahil sa gutom at salot, ang mga matuwid ay ikakanlong ng mga anghel, at pagkakalooban ng kanilang mga kailangan. Sa “lumalakad ng matuwid” ay nauukol ang pangako: “Ang kanyang tinapay ay mabibigay sa kanya; ang kanyang tubig ay sagana.” Pagka “ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; Akong Panginoon ay sasagot sa kanila, Akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.”24Isaias 33:15, 16; 41:17.MT 548.1
“Bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; ang bunga ng olibo ay maglilikat, at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan at hindi magkakaroon ng bakahan sa mga silungan,” gayon ma'y silang nangatatakol sa Kanya ay “magagalak sa Panginoon,” at malulugod sa Diyos ng kanilang kaligtasan.”25Habacuc 3:17, 18.MT 548.2
“Ang Panginoon ay tagapag-ingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; Kanyang iingatan ang iyong kaluluwa.” “Kanyang ililigtas ka sa silo ng maninilo, at sa mapamuksang salot. Kanyang tatakpan ka ng Kanyang mga bagwis, at sa ilalim ng Kanyang mga pakpak ay manganganlong ka; ang Kanyang katotohanan ay kalasag at baluti. Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sampung libo sa iyong kanan, nguni't hindi lalapit sa iyo. Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataas-taasan na iyong tahanan; walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anumang salot ay lalapit sa iyong tolda.”26Mga Awit 121:5-7; 91:3-10.MT 549.1
Kung maaari lamang magkaroon ang mga tao ng paninging makamamalas ng mga bagay ng langit ay makikita nila ang kalipunan ng mga anghel na makapangyarihan sa kalakasan na humahantong sa palibot niyong mga nagiingat ng salita ng pagtitiis ni Kristo. Pinagmamasdan sila ng mga anghel sa kanilang kapighatian, at dinirinig ang kanilang mga panalangin, na taglay ang maibiging pakikiramay. Hinihintay nila ang salita ng kanilang Pinuno na sila'y agawin sa kapanganiban. Datapuwa't kailangang maghintay pa sila ng ilang sandali. Ang mga tao ng Diyos ay dapat uminom sa saro at mabinyagan ng bautismong ito. Ang pagkabalam, na sa kanila'y nagbibigay hirap ay siyang pinakamabuting tugon sa kanilang mga pamanhik. Samantalang sinisikap nilang hintaying may pagtitiwala ang paggawa ng Panginoon, ay naakay sila sa paggamit ng pananampalataya, pag-asa, at pagtitiis, na di nila gaanong ginamit sa kanilang karanasan sa relihiyon. Gayon man, alang-alang sa mga hirang, ang panahon ng kabagabagan ay paiikliin. “Hindi baga igaganti ng Diyos ang Kanyang mga hirang, na sumisigaw sa Kanya araw at gabi?. . . Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti Niya.”27Lucas 18:7, 8.MT 549.2
Ang wakas ay darating sa lalong madaling panahon kaysa inaasahan nga mga tao. Ang trigo ay gagapasin at tatalian para sa kamalig ng Diyos; at ang mga pangsirang damo ay tataliang tulad sa mga bigkis ng kahoy upang igatong sa apoy ng kapahamakanMT 550.1
Ang mga sentinelang taga langit, tapat sa kanilang tungkulin, ay patuloy sa kanilang pagbabantay. Bagaman may isang pangkalahatang pasiya na nagtakda ng panahon na siyang dapat ikamatay ng rnga nagsisitupad sa utos ng Diyos, sa ilang mga pangyayari'y uunahan ng kanilang mga kaaway ang pasiyang ito, at bago dumating ang panahong taning, ay sisikapin nila ang pumatay. Nguni't wala sinumang makalalampas sa malalakas na bantay sa palibot ng mga tapat na kaluluwa. Ang iba'y dinadaluhong sa kanilang pagtakas buhat sa mga lunsod at mga nayon; nguni't ang nakabantang mga tabak nila'y nangaputol at nangahulog na parang dayami. Ang mga iba pa'y ipinagsanggalang ng mga anghel na naganyong mga taong mangdirigma.MT 550.2
Sa lahat ng panahon, ang Diyos ay gumagawTa sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na anghel upang tulungan at iligtas ang Kanyang bayan. Masiglang nakikibahagi ang mga anghel sa gawain ng mga tao. Nangakita silang nadaramtan ng mga balabal na nagliliwanag na parang kidlat; dumating silang nag-anyong tao, na tila mga naglalakbay. Nasa anyong taong napakita ang mga anghel sa mga lalaki ng Diyos. Nagpahingalay sila, na waring napapagod, sa ilalim ng mga punong-kahoy na ensina sa katanghaliang tapat. Tinanggap nila ang mga pagpapanluloy ng mga tao sa kanilang mga tahanan. Naging mga patnubay sila sa mga naglalakbay na ginagabi sa daan. Ang kanila na ring mga kamay ay nagpaningas ng apoy sa dambana. Nagbukas sila ng mga pinto ng bilangguan, at pinalaya ang mga alipin ng Panginoon.MT 550.3
Ang paningin ng Diyos na nakatunghay sa mga kapanahunan, ay nakatitig sa kalagayang panganib na sasagupain ng Kanyang bayan, pagka naglakip-lakip na ang mga kapangyarihan sa lupa laban sa kanila. Gaya ng bihag na itinapon, mangangamba silang baka mamatay sila sa gutom o sa karahasan. Datapuwa't yaong Banal na humati sa Dagat na Pula sa harapan ng buong Israel, ay manghaharap ng Kanyang malakas na kapangyarihan at babaligtarin ang kanilang pagkabihag. “Sila'y magiging Akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na Aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at Akin silang kaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kanyang anak na naglilingkod sa kanya.”28Malakias 3:17.MT 551.1
Kung matigis ang dugo ng mga tapat na saksi ni Kristo sa panahong ito, ay hindi ito, katulad ng dugo ng mga martir na nangauna, magiging gaya ng binhing inihasik upang magbunga para sa Diyos. Ang kanilang pagkamatapat ay hindi magiging isang patotoo pa upang hikayatin ang mga iba sa katotohanan, sapagka't naitaboy na ng matigas na puso ang mga alon ng kaawaan na anupa't ayaw ng magbalik pa kailan man. Kung ang mga matuwid ay pababayaan ngayong mapasa kamay ng kanilang mga kalaban, ay magiging pagwawTagi ito ng prinsipe ng kadiliman.MT 551.2
Ang wika ng mang-aawit, “Sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan Niya ako na lihim sa Kanyang kulandong: sa kublihan ng Kanyang tabernakulo ay ikukubli Niya ako.”29Mga Awit 27:5. Sinabi ni Kristo: “Ikaw ay parito bayan Ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo, magkubli kang sandali, hanggang sa ang galit ay makalampas.”30Isaias 26:20. Magiging maluwalhati ang pagliligtas sa mga matiyagang nagsipaghintay sa kanyang pagdating, na ang kanikanilang pangalan ay nasusulat sa aklat ng buhay.MT 551.3