Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
Ang paglilingkod ng mga banal na anghel, alinsunod sa ipinakikilala ng mga Kasulatan, ay isang katotohanang lubhang nakaaaliw at mahalaga sa bawa t sumusunod kay Kristo. Datapuwa't ang itinuturo ng Biblia hinggil sa suliraning ito ay pinalabo at binaligtad ng mga kamalian ng malaganap na teolohiya. Ang aral na katutubong walang pagkamatay, paniniwalang nang una'y hiram sa pilosopiyang pagano, at sa madilim na kapanahunan ng pagtalikod na ipinasok sa pananampalatayang Kristiyano, ay siyang napalit sa katotohanang napakalinaw na itinuturo ng Kasulatan, na “ang mga patay ay walang naaalamang anuman.”1Eclesiastes 9:5. Marami ang nanganiniwala na ang mga espiritu ng mga patay ay siyang “mga espiritung tagapangasiwa, na mga sinugo upang maglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan.”2Hebreo 1:14. Ito ang paniniwala ng mga tao sa kabila ng patotoo ng Kasulatan tungkol sa pagkakaroon ng mga anghel sa langit, at tungkol sa pakikipag-ugnay nila sa sangkatauhan, bago may taong namatay.MT 465.1
Ang aral na nagsasabing may malay ang tao kung siya'y mamatay, lalo na ang paniniwalang ang mga espiritu ng nangamatay ay bumabalik upang maglingkod sa mga nabubuhay, ay siyang nagbukas ng daan para sa espiritismo sa kasalukuyan. Narito ang daang ipinalalagay na banal, na sa pamamagitan nito'y itinataguyod ni Satanas ang kanyang mga layunin. Ang mga anghel na nagkasala na siyang tumatalima sa kanyang mga ipinag-uutos ay napakikitang tulad sa mga sugong mula sa sanlibutan ng mga espiritu. Samantalang nagpapanggap ang prinsipe ng kasamaan na maaaring makausap ng mga buhay ang mga patay, pinagagawa naman niya ang kanyang mapanghalinang kapangyarihan sa kanilang mga pag-iisip.MT 465.2
Siya'y may kapangyarihang magharap sa mga tao ng kamukha ng kanilang yumaong kaibigan. Ang panghuwad ay walang pagkukulang; ang anyo, pangungusap, at pati tinig, ay napalalabas sa kahanga-hangang kaliwanagan. Marami ang naaaliw sa pangako, na ang kanilang pinakaiibig ay nagtatamasa ng katuwaan sa kalangitan; at di-naghihinalang may panganib, ay nakikinig sila sa “mga magdarayang espiritu, at sa mga aral ng mga demonyo.”31 Timoteo 4:1.MT 466.1
Kapag napapaniwala na sila ni Satanas na ang mga patay ay talaga ngang bumabalik upang makipag-usap sa kanila, ipinakikita naman niya yaong mga hindi handang nagsitungo sa libingan. Nagkukunwari ang mga ito na sila'y masasaya sa langit, at may mataas na tungkulin doon; at sa gayo'y malaganap na naituturo ang kamalian, na walang pagkakaiba ang makasalanan at ang banal. Ang nagkukunwaring panauhing ito na galing sa sanlibutan ng mga espiritu ay nagbibigay maminsanminsan ng mga pahiwatig at babala na nagkakatotoo. At pagka pinagtitiwalaan na sila, maghaharap naman sila ng mga aral na sumisira ng pananampalataya sa Kasulatan. Taglay ang paimbabaw na malaking kasabikan sa ikapapanuto ng kanilang mga kaibigan sa lupa, ay magpapasok sila ng pinakamapanganib na mga kamalian. Dahil sa katunayan na sila'y nagsasabi ng ilang katotohanan, at paminsan-minsan ay nakahuhula ng mga pangyayari sa haharapin, lumalabas na ang kanilang mga pahayag ay tila totoo nga; at ang mali nilang mga aral ay madaling tinatanggap at lubos na sinasampalatayanan na wari bagang mga banal na katotohanan ng Biblia. Na- wawalang kabuluhan ang kautusan ng Diyos, kinapopootan ang Espiritu ng biyaya, ibinibilang na hindi banal ang dugo ng tipan. Ang mga espiritung iyan ay tumatanggi sa pagka-Diyos ni Kristo, at pati ang Maylalang ay ipinapantay nila sa kanilang mga sarili. Sa ganyang paraan, sa ilalim ng isang bagong pagbabalatkayo ay ipinagpapatuloy ni Satanas ang kanyang pakikipagbaka sa Diyos, na kanyang sinimulan sa langit, at halos anim na libong taon nang ipinagpapatuloy niya ngayon dito sa lupa.MT 466.2
Marami ang nagsasapantahang ang mga pahayag ng mga espiritu ay bunga ng daya at liksi ng kamay ng espiritista. Datapuwa't bagaman totoo na ang mga ibinubunga ng daya ay malimit na ipinakikilalang tunay na paghahayag, ay nagkaroon din naman ang mga pagkakahayag ng kapangyarihang higit sa kapangyarihan ng tao. Ang mahiwagang pagkatok na pinagmulan ng espiritismo sa kasalukuyan ay hindi bunga ng daya o lalang ng tao, kundi tiyak na gawa ng masamang anghel na siyang nagpasok ng isang malaking pagdaraya na ikapapahamak ng mga kaluluwa; marami ang masisilo sa paniniwala na ang espiritismo ay lalang ng tao lamang; nguni't kapag napaharap na sila ng mukhaan sa mga pagkakahayag na di nila maaaring di kilalaning higit sa kapangyarihan ng tao, ay mangadadaya sila, at maaakay tuloy silang maniwala na ito'y malaking kapangyarihan ng Diyos.MT 467.1
Nakakaligtaan ng mga taong ito ang patotoo ng Kasulatan tungkol sa kababalaghang ginawa ni Satanas at ng kanyang mga ahente. Sa tulong ni Satanas ay naparisan ng mga mahiko ni Paraon ang mga gawa ng Diyos. Pinatunayan ni Pablo na bago dumating si Kristo sa ikalawa, ay magkakaroon ng gayon ding pagkakahayag ng kapangyarihan ni Satanas. Ang pagparito ng Panginoon ay darating na kasunod ng “paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan, at mga tanda, at mga kahanga-hangang kasinungalingan, at may buong daya ng kalikuan.”42 Tesalonica 2:9, 10. At nang ilarawan ni apostol Juan ang kapangyarihang gumagawa ng kababalaghan na mahahayag sa mga huling araw ay ganito ng kanyang sinabi: “Siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na anupa't nakapagpapababa ng kahi't apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng tao. At nadadala niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kanya'y ipinagkaloob na magawa.”5Apocalipsis 13:13, 14. Hindi ang mga pagdaraya lamang ang dito'y ipinagpapauna. Ang mga tao'y nalilinlang sa pamamagitan ng mga kababalaghang ginagawa ng mga ahente ni Satanas, hindi ng ipinagkukunwa nilang ginagawa.MT 467.2
Ibinabagay na may katalinuhan sa lahat ng uri at kalagayan ng tao, ng prinsipe ng kadiliman, na malaong panahong nag-uubos ng lakas ng kanyang pag-iisip sa gawang pagdaraya, ang kanyang mga tukso. Sa mga may pinag-aralan at mga mahal na tao ay ipinakikilala niya ang espiritismo sa lalong maayos at matalinong anyo nito, at sa ganito'y nagwawagi siya sa pagtataboy ng marami sa kanyang silo.MT 468.1
Datapuwa't hindi dapat maraya ang sinuman sa mga sinungaling na pagpapanggap ng espiritismo. Sapat na liwanag ang ibinibigay ng Diyos sa sanlibutan upang makita nila ang silo. Gaya ng naipakilala na, ang paniniwalang pinagtitibayan ng espiritismo ay laban sa pinakamalilinaw na pahayag ng Kasulatan. Ipinahayag ng Banal na Kasulatan na ang mga patay ay walang nalalamang anuman, pumanaw na ang kanilang pag-iisip; wala silang anumang bahagi sa mga ginagawa sa ilalim ng araw; hindi nila nalalaman ang anumang ipinagsasaya o ikinalulungkot ng pinakaiibig nila dito sa lupa.MT 468.2
At hindi lamang iyan; hayag na ipinagbabawal ng Diyos ang lahat ng pakikipag-usap sa espiritu ng mga patay. Noong kapanahunan ng mga Hebreo ay may isang uri ng mga tao na nagpapanggap, gaya ng mga espiritista ngayon, na mayroon silang pakikisangguni sa patay. Da- tapuwa't “ang masamang espiritu,” na siyang itinatawag sa mga panauhing itong mula sa ibang sanlibutan, ay sinasabi ng Biblia na mga “espiritu ng mga demonyo.”6Paghuwarin ang Mga Bilang 25:1-3; Mga Awit 106:28; 1 Corinto 10:20; at Apocalipsis 16:14. Ang pakikitungo sa masasamang espiritu ay ipinahayag na kasuklam-suklam sa Panginoon, at mahigpit na ipinagbabawal na may parusang kamatayan.7Levitico 19:31; 20:27.MT 468.3
Kung wala nang ibang katibayang magsasabi sa tunay na likas ng espiritismo, ay dapat maging sapat sa Kristiyano na ang mga espiritu ay hindi naglalagay ng anumang pagkakaiba ng katuwiran sa kasalanan, ng pinakamarangal at pinakamalinis na mga apostol ni Kristo sa pinakamasama sa mga lingkod ni Satanas.MT 469.1
Ang mga apostol, ayon sa pakilala ng mga sinungaling na espiritung ito, ay sumasalungat sa kanilang isinulat sa udyok ng Banal na espiritu nang nabubuhay pa sila. Tinatanggihan nila ang banal na pinagmulan ng Biblia, at sa ganito'y sinisira nila ang patibayan ng pag-asang Kristiyano, at pinapatay ang ilaw na naghahayag ng daang patungo sa langit. Pinapaniniwala ni Satanas ang sanlibutan na ang Biblia ay isang katha lamang, o isang aklat na bagay sa pagkasanggol ng sangkatauhan, datapuwa't dapat nang pawalang kabuluhan, o itabi na ngayon sapagka't lipas na sa panahon. At itatanyag niyang ang dapat mahalili sa salita ng Diyos ay ang pahayag ng mga espiritu. Narito ang daan na ganap na nasa kanyang kapamahalaan; sa pamamagitan nito'y mapaniniwala niya ang sanlibutan sa bala niyang naisin. Ang Aklat na ito na hahatol sa kanya at sa mga sumusunod sa kanya ay inilalagay niya sa dilim, doon sa ninanasa niyang kalagyan nito; ang Tagapagligtas ng sanlibutan ay itinutulad niya sa isang taong karaniwan.MT 469.2
Tunay ngang ang espiritismo ay nagbabago na ngayon ng kanyang anyo, at, sa pamamagitan ng pagtatalukbong sa ilan niyang masasamang anyo, ay nagdadamit Kristiyano siya. Nguni't ang kanyang mga pahayag mula sa pulpito at sa pahayagan ay matagal nang naipakilala sa bayan at sa mga pahayag na ito ay napagkikilala ang kanyang tunay na likas. Ang mga aral na ito ay hindi maitatatuwa o maikukubli man.MT 469.3
Maging sa kasalukuyan man niyang anyo, na hindi lalong karapat-dapat na pairalin kaysa roon sa una, ito'y tunay na lalong mapanganib, dahil sa naging lalong tusong pagdaraya. Bagaman noong una'y tumanggi ito kay Kristo at sa Banal na Kasulatan, ngayo'y nagpapanggap na siyang umaayon sa dalawang ito. Datapuwa't ang Biblia ay ipinaliliwanag sa isang paraang kalugud-lugod sa pusong hindi nagbabago, samantalang ang banal at mahalagang katotohanan ay winawalang kabuluhan. Itinuturo niya na ang pag-ibig ay siyang punong likas ng Diyos, nguni't ang pag-ibig na ito ay pinaliit sa isang mahinang sentimentalismo, na babahagya ang ginagawang pag-ibig sa mabuti at sa masama. Ang katarungan ng Diyos, ang Kanyang mga paghatol sa kasalanan, ang mga kahingian ng Kanyang banal na kautusan ay pawang ikinubli sa paningin. Tinuturuan ang rnga tao upang ituring na isang patay na titik lamang ang sampung utos ng Diyos. Ang kawili-wili at nakagagayumang mga katha-katha ay nakabibihag sa damdamin at siyang umaakay sa mga tao na huwag kilalanin na ang Biblia ay siyang patibayan ng kanilang pananampalataya. Sa ganya'y maliwanag na itinatakwil si Kristo gaya rin noong una; datapuwa't binulag ni Satanas ng gayon na lamang ang mga mata ng mga tao na anupa't hindi nila nahahalata ang daya.MT 470.1
Iilan ang may matuwid na pagkakilala tungkol sa magdarayang kapangyarihan ng espiritismo at sa mapanganib na pagkapasailalim ng impluensya nito. Marami ang nakikialam dito upang pagbigyan lamang ang kanilang pagkamausisa. Wala silang tunay na pananampalataya rito, at kikilabutan sila sa isipang mapailalim sa kapamahalaan ng masasamang espiritu. Datapuwa't nangangahas silang pumasok sa lugar na ibinabawal, at ginagamit ng makapangyarihang mangwawasak ang kanyang lakas sa kanila laban sa kanilang kalooban. Itulot lamang nilang minsan na ipasakop ang kanilang mga pag-iisip sa kanyang pag-uutos at nabibihag na niya sila. Sa kanilang sariling lakas ay hindi sila makawawala sa mapanilo at nakagagayumang bisa nito. Wala nang iba kundi ang kapangyarihan lamang ng Diyos na iginagawad bilang tugon sa mataos na pananalanging may pananampalataya ang makapagliligtas sa mga nasilong kaluluwang ito.MT 470.2
Ang lahat ng nagpapakalubog sa masasamang kaugalian o nag-iimpok ng alam na talagang kasalanan, ay nag-aanyaya sa mga tukso ni Satanas. Inilalayo nila ang kanilang sarili sa Diyos at sa pagbabantay ng Kanyang mga anghel; sa paghaharap ng diyablo ng kanyang mga daya, ay walang magsasanggalang sa kanila at madali silang mahuhuli. Yaong mga nangaglalagay ng kanilang sarili sa ilalim ng kanyang kapangyarihan sa ganitong paraan ay babahagya ang pagkabatid sa kanilang kahahanggahan. At kung matapos na manunukso ang pagpapahamak sa kanila, ay kakasangkapanin naman sila upang umakit ng mga iba sa kapahamakan.MT 471.1
Sinabi ni propeta Isaias: “Pagka kanilang sasabihin sa inyo: Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masasamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Diyos? Dahil ba sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsasalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”8Isaias 8:19, 20. Kung tinanggap lamang ng mga tao ang katotohanang napakalinaw na nahahayag sa loob ng mga Kasulatan hinggil sa katutubo ng tao at tungkol sa kalagayan ng mga patay, makikita nila sa mga pagbabansag at pagpapalabas ng espiritismo ang paggawa ni Satanas na may kapangyarihan at mga tanda at kahangahangang kasinungalingan. Datapuwa't sa halip na isuko ng marami ang kalayaang kinagigiliwan ng pusong laman, at layuan ang mga kasalanang kanilang naiibigan, ay ipinipikit nila ang kanilang mga mata sa liwanag, at patuloy sila sa paglakad, na hindi pinapansin ang mga babala, samantalang inilalagay naman ni Satanas ang kanyang mga silo sa palibot nila, at sila'y nangahuhuli. “Sapagka't hindi nila tinanggap ang pag-ibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas,” kaya “ipinadadala sa kanila ng Diyos ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan.”92 Tesalonica 2:10, 11.MT 471.2
Ang mga sumasalungat sa mga iniaaral ng espiritismo ay sumasalungat, hindi sa mga tao lamang kundi kay Satanas at sa kanyang mga anghel. Nakilahok sila sa pakikipaglamas sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan at sa masamang espiritu ng mga dakong kaitaasan. Si Satanas ay hindi uurong ng kahi't gadali sa kanyang kinatatayuan malibang siya'y itaboy ng kapangyarihan ng mga anghel na taga langit. Ang mga tao ng Diyos ay nararapat sumagupa sa kanya sa pamamagitan ng pangungusap na “Nasusulat,” gaya ng pagsagupa ng ating Tagapagligtas. Si Satanas ay nakasisipi ngayon ng Kasulatan gaya noong narito pa si Kristo, at tinutumbalik niya ang mga iniaaral ng Kasulatan upang patunayan ang kanyang ipinangdaraya. Kilangang malaman ng mga may nasang makatayong matatag sa panahong ito ng kapanganiban, ang patotoo ng Kasulatan, para sa kanilang sarili.MT 472.1
Sa marami'y pakikita ang mga espiritu ng mga demonyo na nagkukunwaring kamag-anak nilang minamahal o kaibigan, at ipahahayag sa kanila ang mga napakamapanganib na mga erehiya. Kikilusin ng mga dumadalaw na ito ang ating mga damdamin, at magsisigawa sila ng mga kababalaghan upang patunayan ang kanilang mga ipinagpapanggap. Nararapat tayong humanda sa paglaban sa kanila sa pamamagitan ng katotohanan ng Biblia, na ang mga patay ay walang nalalamang anuman, at silang napakikita ay mga espiritu ng mga diyablo.MT 472.2
Nabubungad na sa harapan natin ang “panahon ng pagtukso, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.”10Apocalipsis 3:10. Ang lahat ng may pananampalatayang hindi matibay na nasasalig sa salita ng Diyos ay madadaya at madadaig. Si Satanas ay “gumagawa na may buong daya ng kasinungalingan”42 Tesalonica 2:9, 10. upang pamahalaan ang mga anak ng mga tao; at ang kanyang mga pagdaraya ay patuloy ng pagdami. Datapuwa't kaya lamang siya mananaig ay kung kusang susuko ang mga tao sa kanyang mga tukso. Ang mga mataimtim na naghahanap ng kaalaman ng katotohanan, at nagsisikap na luminis ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagtalima, na dahil dito'y ginagawa ang kanilang magagawa upang sila'y mahanda sa pakikipaglaban, ay makasusumpong sa Diyos ng katotohanan, ng isang panatag na sanggalang. “Sapagka't tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis ikaw naman ay aking iingatan,”10Apocalipsis 3:10. ang pangako ng Tagapagligtas. Lalo pang madali na isugo Niya ang lahat ng anghel na nasa langit upang ipagsanggalang ang Kanyang bayan, kaysa pabayaang magapi ni Satanas ang isang kaluluwang nagtitiwala sa Kanya.MT 473.1
Ipinahahayag ni propeta Isaias ang nakakikilabot na pagdarayang darating sa masasama na siyang sa kanila'y magpapaniwala na sila'y ligtas sa mga hatol ng Diyos: “Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa sheol [libingan] ay nakikipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginagawang pinaka kanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo.”11Isaias 28:15. Sa uri ng taong dito'y isinasalaysay ay kasama iyong mga may matitigas na puso na ayaw magsisi na inaaliw ang kanilang sarili sa pananalig na hindi parurusahan ang makasalanan; na ang buong sangkatauhan, napakasama man, ay ipapanhik sa langit, upang makatulad ng mga anghel ng Diyos. Nguni't lalong binibigyang diin dito ang tungkol sa mga nakipagtipan sa kamatayan at nakipagkasundo sa libingan niyaong nagsitanggi sa katotohanang itinaan ng langit na maging sanggalang ng mga matuwid sa kaarawan ng kabagabagan at nagsikanlong sa ilalim ng kasinungalingang inialay ni Satanas na kapalit nito—ang mga magdarayang pagpapanggap ng espiritismo.MT 473.2
Malaon nang naghahanda si Satanas sa pangwakas na pagsisikap na madaya ang sanlibutan. Ang pinagtitibayan ng kanyang gawain ay itinayo noong pangakong binigkas kay Eba sa Eden, “Tunay na hindi kayo mamamatay.” “Sa araw na kayo'y kumain niyon, ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.”12Genesis 3:4, 5. Untiunti niyang inihanda ang daan para sa kanyang pinakamalaking daya sa pamamagitan ng paglago ng espiritismo. Hindi pa niya inaabot ang ganap na kayarian ng kanyang mga layunin; nguni't aabutin niya iyan sa kahuli-hulihang bahagi ng panahon. Sinabi ng propeta: “Nakita ko. . . ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka. . . sila'y mga espiritu ng mga demonyo, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanlibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.”13Apocalipsis 16:13, 14. Maliban doon sa mga iniingatan ng kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa Kanyang salita, ang buong sanlibutan ay matatangay ng dayang ito. Ang mga tao'y matuling naipaghehele sa isang mapanganib na pamamanatag, at magigising sa pagbubuhos lamang ng galit ng Diyos.MT 474.1
Sinabi ng Panginoong Diyos: “Aking ilalagay na pi- nakapising panukat ang katuwiran, at pinaka pabato ang kabanalan; at papalisin ng graniso ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng mga tubig ang taguang dako. At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan at ang inyong pakikipagkasundo sa sheol [libingan] ay hindi mamamalagi; sapagka't ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon.”14Isaias 28:17, 18.MT 474.2