PUNONG SALITA
Ang aklat na ito, mahal na bumabasa, ay hindi inilathala upang sabihin sa atin na sa sanlibutang ito'y mayroong kasalanan at kaabaan at kahirapan. Pawang nalalaman na natin ito.MT 5.1
Ang aklat na ito'y hindi inilathala upang sabihin sa atin na mayroong di-mapagkakasundong tunggalian ang kadiliman at kaliwanagan, ang kasalanan at katuwiran, ang mali at ang matuwid, ang kamatayan at buhay. Sa kaibuturan ng ating mga puso'y nalalaman na natin ito, at nalalaman din naman natin na tayo'y nakakassama, at mga may bahagi sa tunggaliang ito.MT 5.2
Datapuwa't sa bawa't isa sa atin ay dumarating kung minsan ang isang pananabik na magkaroon ng lalong kaalaman tungkol sa malaking tunggalian. Paano nagpasimula ang tunggalian? o ito ba'y laging naririto? Anu-anong mga bagay ang nakakasama sa magusot na kaayusan nito? Ano ang kaugnayan ko rito? Ano ang aking tungkulin? Natuklasan ko ang aking sarili sa sanlibutang ito hindi sa sarili kong kagustuhan. Nangangahulugan ba itong mabuti o masama sa akin?MT 5.3
Ano ang malalaking simulaing may kaugnayan dito? Hang-gang kailan magpapatuloy ang tunggaliang ito? Ano ang magiging wakas nito? Lulubog ba ang lupang ito, gaya ng sinasabi sa atin ng ilang mga siyentipiko, sa isang kalalimang walang araw, isang napakalamig na walang-hanggang gabi? o mayroon bang isang mabuting hinaharap, na nagliliwanag sa dilag ng buhay, at pinaiinit ng walang-hanggang pag-ibig ng Diyos?MT 5.4
Lalong napapalapit ang tanong: Paano mapasisiyahan sa pagtatagumpay ng mabuti, at mapasisiyahan magpakailan man, sa aking sariling puso ang tunggalian, ang laban sa pumapasok na kasakiman, at ang tungkol sa inihahayag na pag-ibig? Ano ang sinasabi ng Biblia?MT 5.5
Ang mga tanong na ganito'y matatagpuan natin sa lahat ng dako. Mapilit na nagsisibangon ito buhat sa kaibuturan ng sarili nating puso. Humihingi sila ng tiyak na kasagutan.MT 5.6
Tunay na ang Diyos na lumalang ng ating kasabikan sa lalong mabuti, ng pagnanais sa katotohanan, ay di-magkakait sa atin ng lahat ng mga kasagutan sa mga kailangang kaalamang ito; sapagka't “ang Panginoong Diyos ay walang gagawin, kundi Kanyang ihahayag ang Kanyang lihim sa Kanyang mga ling-kod na mga propeta.”MT 5.7
Layunin ng aklat na ito, mahal na bumabasa, ang makatu-long sa nababagabag na kaluluwa sa pagkatuklas ng tumpak na lunas sa lahat ng mga suliraning ito. Sinulat ito ng isang nakatuklas at nakatikim na ang Diyos ay mabuti, at natuto sa pakikisangguni sa Diyos at sa pag-aaral ng Kanyang salita na ang lihim ng Panginoon ay nasa kanila na natatakot sa Kanya, at Kanya ngang ipakikita sa kanila ang Kanyang tipan.MT 6.1
Upang lalo nating maunawaan ang mga simulain ng tung-galiang itong mahalaga sa lahat, na rito'y nakakaramay ang buhay ng isang buong santinakpan, ito'y ipinakikilala sa atin ng sumulat sa pamamagitan ng mga dakila at maliliwanag na aral ng nagdaang dalawampung dantaon.MT 6.2
Ang aklat ay nagpapasimula sa malungkot at huling panoorin ng kasaysayan ng Jcrusalem, ang lunsod na pinili ng Diyos, pagkatapos na itakwil niya ang Tao ng Kalbaryo, na naparito upang magligtas. Buhat doon at patuloy sa mga daang bayan ng mga bansa, ay itinuturo tayo nito sa mga pag-uusig sa mga anak ng Diyos noong unang dantaon; sa sumunod na malaking pagtalikod sa Kanyang iglesya; sa pagbabangon ng Reporma sa buong sanlibutan, na rito'y nahayag ang ilan sa mga dakilang simulain ng tunggalian; sa pagbibigay buhay at pagkatampok ng mga Kasulatan, at sa mapagpala at nagbibigay-buhay na impluensya nito; sa pagbabagong sigla ng relihiyon ng mga huling araw; sa pag-aalis ng tatak ng nagliliwanag na batis na salita ng Diyos, taglay ang kahanga-hangang mga pahayag ng liwanag at kaalaman nito upang masagupa ang paglitaw ng bawa't nakamamatay na karayaan ng kadiliman.MT 6.3
Ang di-maiiwasang tunggalian sa kasalukuyan, na kinauugnayan ng mahalagang simulain, na dito'y wala sinuman ang maaaring di-makasama, ay ipinakikilala sa isang simple, maliwanag, at malakas na paraan. Huli sa lahat, ay sinasabi sa atin ang walang-hanggan at maluwalhating tagumpay ng mabuti sa kasamaan, ng matuwid sa kamalian, ng liwanag sa kadiliman, ng galak sa kalungkutan, ng pag-asa sa kasiphayuan, ng kapurihan sa kahihiyan, ng buhay sa kamatayan, at ng walang-hanggan, at matiising pag-ibig sa mapaghiganting kapootan.MT 6.4
Ang aklat na ito ay isang pinaigsing sipi ng aklat na Ingles ng may-katha nito, na pinamagatang The Great Controversy Between Christ and Satan, na ngayo'y aabot na sa halos 2,000,000 mga sipi ang naisalin sa 24 na mga wika. Ang buong aklat ay mabibili sa wikang Kastila, Intsik, at Ingles. Ang pinaigsing sipi ay mabibili sa wikang Sebuano, Ilokano, Ilonggo, at Tagalog.MT 6.5
Ang mga Tagapaglathala