Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
ANG MALAKING TUNGGALIAN - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya

    Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”1Isaias 8:20. Ang bayan ng Diyos ay itinuturo sa mga Banal na Kautusan na nagsasanggalang sa kanila laban sa impluensya ng mga di-tunay na tagapagturo at sa magdarayang kapangyarihan ng mga espiritu ng kadiliman. Ginagamit ni Satanas ang lahat ng paraang abot ng kanyang katalinuhan upang mapigil niya ang mga tao sa pagkakaroon ng kaunawaan tungkol sa Banal na Kasulatan; sapagka't ang malinaw na pangungusap nito'y naghahayag ng kanyang pagdaraya. Sa bawa't pagbabagong sigla ng gawain ng Diyos, ang prinsipe ng kasamaan ay nagigising sa lalong mahigpit na paggawa; iniuubos niya ngayon ang buo niyang kaya para sa pangwakas na pakikilaban kay Kristo at sa mga sumusunod sa kanya. Ang kahuli-hulihang malaking pandaya ay malapit nang mabuksan sa harap natin. Gagawin ng antikristo ang kanyang mga gawang kababalaghan sa ating mga paningin. Ang huwad ay magiging katulad na katulad ng tunay, na anupa't hindi mangyayaring makilala ang pagkakaiba ng dalawa malibang suriin sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan. Sa mga patotoo nito'y nararapat subukin ang bawa't pahayag at bawa't kababalaghan.MT 507.1

    Ang nangagsisikap na sumunod sa lahat ng utos ng Diyos, ay sasalangsangin at kukutyain. Sila'y makatatayo sa lakas lamang ng Diyos. Upang mabata ang pagsubok na nasa harapan nila ay kinakailangang maunawa nila ang kalooban ng Diyos ayon sa nahahayag sa Kanyang salita; mapararangalan nila Siya kung mayroon silang matuwid na pagkakilala sa Kanyang likas, pamahalaan, at mga layunin, at kung gumagawa silang kasangayon ng mga ito. Wala kundi iyong nangagpatibay ng kanilang pag-iisip sa pamamagitan ng mga katotohanan ng Biblia ang makatatayo sa kahuli-hulihang malaking tunggalian. Sa bawa't kaluluwa'y darating ang sumasaliksik na pagsubok: Susundin ko ba ang Diyos bago ang tao? Narito na ang oras na magpapasiya. Nakatayo ba ang ating mga paa sa malaking bato ng hindi mababagong salita ng Diyos? Handa ba tayong tumayong matatag sa pagsasanggalang sa mga utos ng Diyos at sa pananampalataya kay Jesus?MT 507.2

    Bago napapako sa krus ang Tagapagligtas ay ipinaliwanag muna Niya sa Kanyang mga alagad na Siya'y papatayin, at Siya'y muling babangon sa libingan; at noo'y kaharap ang mga anghel upang ikintal ang mga pangungusap niya sa mga pag-iisip at puso nila. Datapuwa't ang hinihintay ng mga alagad ay ang pagkaligtas nila sa pamatok ng Roma, at hindi nila matanggap ang isipan, na Siya, na hantungan ng lahat nilang pag-asa ay magdaraan sa kahiya-hiyang pagkamatay. Ang mga pangungusap na dapat nilang matandaan ay nawala sa kanilang mga pag-iisip; at nang dumating ang panahon ng pagsubok, ay natagpuan silang mga hindi handa. Ang pagkamatay ni Jesus ay ganap na sumira ng kanilang mga pag-asa na parang hindi sila binalaang pauna. Kaya nga't sa mga hula, ang panahong ating hinaharap ay nalalahad sa harap natin na kasinlinaw ng pagkalahad nito sa mga alagad sa pamamagitan ng mga salita ni Kristo. Ang mga pangyayaring nauugnay sa pagtatapos ng panahon ng biyaya, at ang gawaing paghahanda sa panahon ng kabagabagan, ay maliwanag na inihahayag. Datapuwa't napakarami ang hindi nakauunawa ng mahahalagang katotohanang ito na para bagang hindi kailan man nahayag. Laging nakabantay si Satanas upang agawin ang lahat ng mababakas na katotohanan na siyang sa mga tao'y magpapatalino sa ikaliligtas, at aabutan sila ng panahon ng kabagabagan na mga hindi handa.MT 509.1

    Pagka nagpapadala ang Diyos sa mga tao ng mga babalang totoong mahalaga, na anupa't ang mga ito'y kinakatawanan ng mga banal na anghel na lumilipad sa gitna ng langit, hinihingi Niya na ang bawa't taong pinagkalooban ng kapangyarihang umisip ay makinig sa pabalita. Ang mga kakila-kilabot na hatol na ipinahayag laban sa pagsamba sa hayop at sa kanyang larawan 2Apocalipsis 14:9-11. ay dapat makaakay sa lahat sa isang masinop na pag-aaral ng mga hula upang matutuhan kung ano ang tanda ng hayop, at kung paano naman ang pag-iwas upang huwag matanggap ito. Datapuwa't ang karamihan ay tumatalikod upang huwag pakinggan ang katotohanan, at nagsibaling sila sa mga katha-katha. Sa pagtunghay ni Apostol Pablo sa mga huling araw, ay ipinahayag niya: “Darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral.”32 Timoteo 4:3. Dumating na ang panahong iyan. Ang karamihan ay ayaw sa katotohanan ng Banal na Kasulatan, pagka't nanghihimasok ito sa nasain ng pusong makasalanan at maibigin sa sanlibutan; at ibinibigay naman ni Satanas ang mga karayaang kanilang iniibig.MT 510.1

    Datapuwa't ang Diyos ay magkakaroon ng isang bayang magkakandili sa Biblia, at sa Biblia lamang, bilang pamantayan ng lahat ng aral, at batayan ng lahat na pagbabago.MT 510.2

    Ang mga pala-palagay ng mga pantas, ang mga hinuha ng siyensiya, ang mga pahayag ng pananampalataya o kapasiyahan ng mga kapulungan ng iglesya, na nagkakasalungatan at kasindami ng mga iglesya na ring kinakatawan nila, ang tinig ng nakararami—ang isa, ni ang lahat ng ito ay hindi dapat tanggaping patotoo laban o ayon sa anumang bahagi ng relihiyon. Bago natin tanggapin ang anumang aral o utos, ay dapat muna nating hingin kung ito'y pinatitibayang malinaw ng “Sabi ng Panginoon.”MT 510.3

    Laging sinisikap ni Satanas na tawagin ang pansin sa tao sa lugar ng sa Diyos. Inaakay niya ang mga tao na tumingin sa mga obispo, sa mga pastor, at sa mga guro ng teolohiya, na pinaka patnubay nila, sa halip na sa pagsasaliksik ng mga Kasulatan upang matutuhan ang kanilang tungkulin. Sa gayo'y, sa pamamagitan ng pamamahala niya sa mga pag-iisip ng mga nangungulong ito, ay maiimpluensya niya ang marami ng ayon sa kanyang kalooban.MT 511.1

    Nang pumarito si Kristo upang salitain ang mga salita ng buhay, pinakinggan Siyang may kagalakan ng mga karaniwang tao; at marami, maging sa mga saserdote at mga pinuno, ang naniwala sa Kanya. Datapuwa't ang punong saserdote at ang mga mataas na tao ng bansa ay nangagpasiyang humatol at magtakwil sa Kanyang mga aral. Bagaman sila'y nangalito sa lahat nilang pagsisikap na humanap ng mga ipararatang sa kanya, bagaman di nila maiwasan ang pagkadama sa impluensya ng banal na kapangyarihan at karunungang umaakbay sa Kanyang mga pangungusap, gayon ma'y inilagi nila ang kanilang sarili sa maling pagkakilala; tinanggihan nila ang pinakamalinaw na katibayan ng Kanyang pagka Mesias, baka mapilitan silang maging alagad Niya. Ang mga katunggaling ito ni Jesus ay mga lalaki na sa kanila'y tinuruan ang mga tao na gumalang mula sa kanilang pagkasanggol, at sa kapangyarihan nila ay pinagkaugalian na ng mga tao ang lubos na pagyukod. “Bakit nga,” ang tanong nila, “na ang ating mga pinuno at matatalinong eskriba ay hindi nanganiniwala kay Jesus? Hindi baga Siya tatanggapin ng mga banal na taong ito kung talagang Siya nga ang Kristo?” Ang impluensya ng mga tagapagturong iyan ang siyang umakay sa bansang Hudyo upang itakwil ang kanilang Manunubos.MT 511.2

    Ang diwang kumilos sa mga saserdote at mga pinuno ay inihahayag pa rin hangga ngayon ng maraming nagpapanggap ng malaking kabanalan. Ayaw nilang siyasatin ang patotoo ng mga Kasulatan hinggil sa mga katangitanging katotohanang ukol sa panahong ito. Itinuturo nila ang kanilang sariling karamihan, ang kanilang kayamanan, at ang pagkatanghal nila, at hinahamak nila ang mga nagtatanyag ng katotohanan na sinasabing iilan, mga dukha, at hindi kilala, na may pananampalatayang naghihiwalay sa kanila sa sanlibutan.MT 511.3

    Paunang nakita ni Kristo na ang malabis na pangangamkam ng mga eskriba at pariseo sa kapangyarihan ay hindi mawawakasan sa pangangalat ng mga Hudyo. Isang hulang tanawin ang nakita Niya ng gawang pagtatanghal sa kapangyarihan ng tao upang ito ang papaghariin sa budhi, kapangyarihang naging isang katakut-takot na sumpa sa iglesya sa lahat ng panahon. At ang nakatatakot niyang paghatol sa mga eskriba at Pariseo, at ang mga babala niya sa mga tao na huwag sumunod sa mga bulag na tagaakay na ito, ay pawang mga itinala upang magpaalaala sa mga susunod na lahi.MT 512.1

    Ang karapatang magpaliwanag ng mga Kasulatan ay itinaan ng kapapahan para sa mga pari. Dahil sa pangangatuwiran na ang mga pari lamang ang may kayang magpaliwanag ng salita ng Diyos, ito'y ipinagkait sa mga karaniwang tao. Bagaman ibinigay ng Reporma ang Kasulatan sa mga kamay ng kalahatan, ang simulaing ito na pinanghawakan ng Roma ay nakapipigil din sa maraming tao sa mga iglesyang Protestante na magsaliksik ng Banal na Kasulatan sa ganang kanilang sarili. Itinuturo sa kanila na kanilang tanggapin ang mga aral ng Kasulatan alinsunod sa ipinaliliiuanag ng iglesya; at may libu-libo na ayaw tumanggap ng anuman, kahi't na maliwanag na ipinakikilala ng Kasulatan, kailan ma't laban sa kanilang pananampalataya, o sa aral ng kanilang iglesya.MT 512.2

    Bagaman ang Banal na Kasulatan ay nananagana sa mga babala laban sa mga bulaang tagapagturo, marami pa rin ang handang magpakupkop ng kaluluwa nila sa mga ministro at pari. Libu-libo ngayon sa mga nagpapanggap ng relihiyon, ang walang ibang maikakatuwiran sa panghahawak nila sa mga bahagi ng kanilang pananampalataya maliban sa iyon ang sa kanila'y itinuro ng mga nangungulo sa kanilang relihiyon. Nilalampasan nilang halos di-pansin ang mga aral ng Tagapagligtas, at inilalagak nila ang malabis nilang pagtitiwala sa mga salita ng kanilang mga ministro. Nguni't hindi baga nagkakamali ang mga ministro? Papaano nga natin maipagkakatiwala ang ating mga kaluluwa sa kanilang pangunguna, malibang nauunawa natin, mula sa salita ng Diyos, na sila'y tagapagdala ng liwanag? Ang kakulangan ng katapangang moral na lumihis sa landas ng sanlibutan, ay umaakay sa marami na sumunod sa mga hakbang ng mga taong nagsipagaral; at dahil sa ayaw silang magsiyasat sa ganang kanilang sarili ay walang pag-asa silang napapatali sa mga tanikala ng kamalian. Nakikita nilang ang katotohanang ukol sa panahong ito ay malinaw na ipinakikilala ng Biblia, at nadadama nila ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na umaakbay sa pagpapahayag dito; gayon ma'y pinahintulutan nila ang pagtutol ng mga ministro na maglayo sa kanila sa liwanag. Bagaman nahihikayat ang pag-iisip at budhi ng mga nangadayang kaluluwang ito, gayon ma'y di sila makapangahas na mag-isip ng kaiba sa iniisip ng kanilang ministro; at ang pagkukuro ng bawa't isa sa kanila, at ang walanghanggang kapakanan nila, ay pinapalitan ng iba ng kawalaan ng pananampalataya, ng kapalaluan at maling pagkakilala.MT 512.3

    Marami ang paraan ng paggawa ni Satanas sa pamamagitan ng tao upang matalian ang kanyang mga bihag. Nakakabig niya sa kanya ang marami, sa pamamagitan ng pagtatali sa kanila ng mga sedang lubid ng pag-ibig sa mga kaaway ng krus ni Kristo. Maging anuman ang pagkakataling ito, maging sa magulang, sa anak, sa asawa, o sa kaibigan, ang ibinubunga ay iisa; ang mga lumalaban sa katotohanan ay nag-uubos ng kanilang lakas upang mapagharian ang budhi, at ang mga kaluluwang napaghaharian ng ganito ay walang sapat na tapang o kalayaan upang sumunod sa kanilang sariling pagkakilala sa kanilang tungkulin.MT 513.1

    Ang katotohanan at ang kaluwalhatian ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay; yamang nasa maaabot natin ang Biblia ay hindi natin mapararangalan ang Diyos sa pamamagitan ng paniniwalang batbat ng kamalian. Marami ang nangangatuwiran na walang pagkakaiba, maging anuman ang paniniwala ng isang tao, matuwid lamang ang kanyang kabuhayan. Datapuwa't ang kabuhayan ay nahuhugis ng pananampalataya. Kung malapit sa atin ang liwanag at katotohanan at di natin samantalahin ang karapatang pakinggan at malasin ito, ay tinanggihan na rin natin ito; pinipili natin ang kadiliman sa halip ng kaliwanagan.MT 514.1

    “May daan na tila matuwid sa tao, nguni't. ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.”4Kawikaan 16:25. Ang hindi pagkaalam ay hindi maidadahilan sa pagkakamali o sa pagkakasala, kapagka nasa atin ng lahat ang pagkakataong makilala ang kalooban ng Diyos. Ang isang tao ay naglalakad, at dumating sa isang dakong maraming sanga ang landas, at may isang posteng nagtuturo kung saan ang tungo ng bawa't isa. Pagka hindi niya pinansin ang posteng ito at tinunton niya ang alin mang landas na inaakala niyang tama, maaaring siya'y taimtim, datapuwa't malamang na siya'y maligaw.MT 514.2

    Dapat nating iubos ang buong kapangyarihan at lakas ng ating pag-iisip sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at batakin natin ang ating pang-unawa upang matarok natin, hanggang maabot ng pag-iisip ng tao, ang malalim na bagay ng Diyos; nguni't huwag nating lilimutin na ang kasabikang matuto at kaamuang loob ng isang bata ay siyang tunay na espiritu ng nag-aaral. Ang mahihirap na suliranin sa Kasulatan ay hindi mauunawang lubos sa pamamagitan ng mga paraang ginagamit sa pag-unawa sa mahihirap na suliranin ng pilosopiya. Sa pag-aaral ng Kasulatan ay hindi tayo nararapat magtiwala sa ating sarili gaya ng ginagawa ng marami sa kanilang pagpasok sa larangan ng siyensiya, kundi magtaglay tayo ng mapanalangining pananalig sa Diyos, at mataos na pagnanasang matutuhan ang Kanyang kalooban. Nararapat tayong lumapit na may isang mapagpakumbaba't napatuturong diwa upang tumanggap ng kaalaman sa dakilang AKO NGA. Kung hindi gayon, ay bubulagin ang ating mga pag-iisip at patitigasin ang ating mga puso ng gayon na lamang ng masasamang anghel, na anupa't hindi na tayo tatalaban ng katotohanan.MT 514.3

    Maraming bahagi ng Kasulatan na ipinahayag na isang hiwaga ng mga marunong, o pinalampas kayang tulad sa walang kabuluhan, ang puno ng kaaliwan at aral sa isang tinuruan sa paaralan ni Kristo. Ang isang dahilan kung bakit ang maraming teologo ay walang malinaw na kaunawaan sa salita ng Diyos ay, sapagka't ipinipikit nila ang kanilang mga mata sa mga katotohanang ayaw nilang isakabuhayan. Ang pagkaunawa sa katotohanan ng Biblia ay hindi gaanong nasasalig sa kapangyarihan ng pag-iisip na ginamit sa pagsasaliksik na digaya ng pagkakaroon ng isang layunin, na taimtim na pagkasabik sa katuwiran.MT 515.1

    Ang Biblia ay hindi dapat pag-aralan ng walang kalakip na panalangin. Ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawa upang madama natin ang kahalagahan niyaong mga bagay na madaling mauunawa, o makapipigil sa atin sa pagpilipit ng mga katotohanang mahirap unawain. Ang mga banal na anghel ang may tungkuling maghanda ng puso sa pag-unawa ng salita ng Diyos, upang tayo'y mahalina ng kagandahan nito, maaralan ng mga babala nito, o sumigla at mapalakas ng mga pangako nito. Dapat nating gawing atin ang pamanhik ng mang-aawit: “Idilat Mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa Iyong kautusan.”5Mga Awit 119:18. Ang mga tukso'y malimit na tila mandin hindi mapaglalabanan, sapagka't sa dahilang kinakaligtaan ang panalangin at ang pag-aaral ng Biblia, ay hindi kaagad maalaala ng natutukso ang mga pangako ng Diyos at salagin si Satanas ng mga sandata ng Kasulatan. Datapuwa't ang mga anghel ay nakapalibot doon sa mga handang paturo tungkol sa mga bagay ng Diyos at sa panahon ng malaking pangangailangan ay ipaalaala nila ang mga katotohanang kinakailangan. Sa gayo'y “pagka dumating ang kaaway na parang bugso ng tubig, ang Espiritu ng Panginoon ay magtataas ng isang bandila laban sa kanya.”6Isaias 59:19.MT 515.2

    Pinangakuan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na, “Ang mang-aaliw, ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y Aking sinabi.”7Juan 14:26. Nguni't kailangan munang masilid sa pag-iisip ang mga itinuro ni Kristo, upang maipaalaala ng Espiritu ng Diyos ang mga ito sa panahon ng kapanganiban. “Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa Iyo.”8Mga Awit 119:11. Ang lahat ng nagpapahalaga sa kanilang mga kapakanang walang-hanggan ay dapat mag-ingat sa pagpasok ng pag-aalinlangan. Ang mga haligi na rin ng katotohanan ay sasalakayin. Hindi mangyayaring layuan ang mga pag-uyam at mga pagdaraya, ang mga magdaraya't masamang aral, ng kawalang pananampalataya sa panahong ito. Ibinabagay ni Satanas ang kanyang mga tukso sa lahat ng uri ng tao. Ang mga di-nag-aral ay sinasalakay niya sa pamamagitan ng pagbibiro o pagtuya, samantalang ang mga nagsipag-aral ay sa pamamagitan naman ng mga tutol ng siyensiya at katuwiran ng pilosopiya, na pawa niyang inayos upang lumikha ng kawalang tiwala o ng pagkapoot sa mga Banal na Kasulatan. Kahit na ang kabataang kakaunti ang karanasan ay nangangahas na magmungkahi ng pag-aalinlangan hinggil sa mga simulaing pinagtitibayan ng pananampalatayang Kristiyano. At ang kawalang pananampalatayang ito ng mga kabataan, bagaman mababaw, ay may impluensya rin. Sa ganito'y marami ang naaakay na bumiro sa pananampalataya ng kanilang mga magulang, at humamak sa Espiritu ng biyaya.9Hebreo 10:29. Maraming mga buhay na nangakong magiging karangalan ng Diyos at tulong sa sanlibutan, ang nadungisan ng mabahong hininga ng kawalang pananampalataya. Ang lahat ng nagtitiwala sa mga palalong kapasiyahan ng tao, at nag-aakalang maipaliliwanag nila ang mga hiwaga ng Diyos, at sasapit sa katotohanan ng hindi tinutulungan ng karunungan ng Diyos, ay nahuhuli sa silo ni Satanas.MT 516.1

    Tayo'y nabubuhay sa pinakamalubhang panahon ng kasaysayan ng sanlibutang ito. Ang kahahantungan ng makapal na karamihan sa lupa ay malapit nang mapasiyahan. Ang ating ikabubuti sa haharapin, at ang ikaliligtas ng mga ibang kaluluwa, ay nangasasalig sa sinusunod nating kabuhayan ngayon. Nararapat tayong paakay sa Espiritu ng katotohanan. Ang bawa't sumusunod kay Kristo ay dapat mataimtim na magtanong: “Panginoon, ano ang ipagagawa Mo sa akin?” Dapat tayong mangayupapa sa harap ng Panginoon na may pag-aayuno at pananalangin, at magbulaybulay sa Kanyang salita, lalo na sa mga tanawing tungkol sa paghuhukom. Nararapat tayo ngayong humanap ng malalim at buhay na karanasan sa mga bagay na tungkol sa Diyos. Wala tayong nararapat na aksayahin ni isa mang sandali. Sa palibot nati'y nangyayari ang mga bagay na may malalaking kahulugan; tayo'y nasa enkantadong lupa ni Satanas. Huwag kayong mangatulog, mga bantay ng Diyos; ang kaaway ay aali-aligid at sa anumang sandaling kayo'y magpabaya at mag-antok ay handang dumakma sa inyo upang kayo'y bihagin.MT 517.1

    Marami ang nadaraya hingil sa kanilang tunay na kalagayan sa harapan ng Diyos. Ipinagmamalaki nila ang hindi nila paggawa ng kamalian, at nalilimutan nilang bilangin ang mabubuti't marangal na gawang sa kanila'y hinihiling ng Diyos na kanila namang kinaligtaang gawin. Hindi sapat na sila'y maging mga punong-kahoy sa halamanan ng Diyos. Nararapat na matugunan nila ang Kanyang pag-asa sa pamamagitan ng pamumunga. Pinapananagot Niya sila sa hindi nila paggawa ng lahat ng mabuting magagawa nila, sa pamamagitan ng Kanyang biyayang sa kanila'y nagpapalakas. Sa mga aklat sa langit ay matatala silang tulad sa mga nakasisikip sa lupa. Datapuwa't ang kaso ng mga taong ito ay hindi walang pag-asa. Doon sa nangagpawalang halaga sa kaawaan ng Diyos at umiiring sa Kanyang biyaya, ang puso ng matiising pag-ibig ng Diyos ay namamanhik pa rin: “Kaya sinasabi Niya: Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Kristo. Mag-ingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, . . . na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.”10Efeso 5:14-16.MT 518.1

    Pagka dumating na ang panahon ng pagsubok, yaong mga nagsigamit ng salita ng Diyos na pinakabatayan ng kanilang kabuhayan, ay mahahayag. Kung tagaraw ay hindi mahalata ang pagkakaiba ng mga may luntiang kulay na punong kahoy at ng mga ibang punong kahoy, datapuwa't kapag dumating na ang panahong taglamig ang nananatiling walang pagbabago ay ang mga punong kahoy na lagi nang may luntiang kulay, samantalang ang mga ibang puno ay nalalagasan ng dahon. Gayon ding hindi mahahalata ang pagkakaiba ng may magdarayang pusong nagpapanggap at ng tunay na Kristiyano, nguni't naririto na halos ang panahon na kung magkagayo'y mahahayag ang pagkakaiba. Pabayaan ninyong bumangon ang pagsalansang, mangibabaw ang pagkapanatiko at diwang mapag-usig, magningas ang pamumuksa, at ang mapag-paimbabaw at di-lubusang Kristiyano ay mag-aalinlangan at tatalikod sa kanyang pananampalataya; datapuwa't ang tunay na Kristiyano ay tatayong matibay na tulad sa malaking bato; lalong malakas ang kanyang pananampalataya, lalong maningning ang kanyang pag-asa, kaysa nang mga panahon ng kaginhawahan.MT 518.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents