Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
ANG MALAKING TUNGGALIAN - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan

    Nakita ko ang ibang anghel na nanaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian. At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonya, at naging tahanan ng mga demonyo, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't kasuklam-suklam na mga ibon.” “At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kanya, bayan Ko, upang huwag kayong mangaramay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kanyang mga salot.”1Apocalipsis 18:1, 2, 4. Ang mga talatang ito ay tumutukoy sa isang panahon na ang pahayag tungkol sa pagkabagsak ng Babilonya, alinsunod sa ipinahahayag ng ikalawang anghel2Apocalipsis 14:8. ng Apokalipsis 14 ay uulitin, na kalakip ang pagbanggit sa mga karumihang pumasok sa bawa't ibang bahagi ng Babilonya, mula nang unang ipahayag ang pabalita, noong tag-araw ng 1844. Dito'y inilarawan ang isang kakilakilabot na kalagayan ng daigdig ng relihiyon. Sa bawa't pagtanggi ng mga tao sa katotohanan ay lalong dumidilim ang kanilang pag-iisip, lalong tumitigas ang kanilang mga puso, hanggang sa sila'y mapaloob sa katigasan ng isang di-kumikilala sa Diyos. Bilang pagsumang sa mga babalang ibinigay ng Diyos, ay magpapatuloy sila sa pagyurak sa isa sa sampung utos, hanggang sa sila'y maakay upang pag-usigin yaong mga nagpapalagay na banal ang utos na ito. Si Kristo ang di-pinahahalagahan kapag hinahamak ang Kanyang salita at ang Kanyang bayan. Sa pagtanggap ng mga iglesya sa mga iniaaral ng espiritismo, ang pagbabawa na inilagay sa pusong laman ay naaalis, at ang pagpapanggap ng relihiyon ay nagiging isang balabal na panakip sa kaitim-itimang kasamaan. Ang paniniwala sa pagpapakita ng mga espiritu ay nagbubukas ng pintuan sa mga magdarayang espiritu, at sa mga aral ng mga demonyo, at sa ganito'y mararamdaman sa mga iglesya ang impluensya ng masasamang anghel.MT 521.1

    Tungkol sa Babilonya, sa kapanahunang dito'y ipinakikilala ng hula, ay ganito ang isinasaad: “Ang kanyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit, at naalaala ng Diyos ang kanyang mga katampalasanan.”3Apocalipsis 18:5. Napuno na niya ang takalan ng kanyang katampalasanan at babagsak na lamang sa kanya ang kapahamakan. Datapuwa't ang Diyos ay mayroon pa ring mga tao sa Babilonya; at bago lumagpak ang Kanyang mga hatol, ang mga matapating ito ay nararapat munang pagsabihang magsilabas at “nang huwag mangaramay sa kanyang mga kasalanan, at huwag magsitanggap ng kanyang mga salot.” Dahil dito ang kilusan ay sinasagisagan ng anghel na bumababang mula sa langit, na nagbibigay liwanag sa lupa sa pamamagitan ng kanyang kaluwalhatian, at sumisigaw ng malakas, na ipinahahayag ang mga kasalanan ng Babilonya. Kaugnay ng dala niyang balita ay ganitong panawagan ang naririnig: “Mangagsilabas kayo sa kanya, bayan Ko.” Ang mga pahayag na ito, na nalalagum sa pabalita ng ikatlong anghel, ay siyang bumubuo sa pangwakas na babala na ibibigay sa mga tumatahan sa lupa.MT 522.1

    Kakila-kilabot ang pangyayaring sasapitin ng sanlibutan. Ang mga kapangyarihan sa lupa, na magtutulungtulong upang labanan ang mga utos ng Diyos, ay maguutos na ang lahat, “Maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin,”4Apocalipsis 13:16. ay kailangang makibagay sa mga kaugalian ng iglesya sa pamamagitan ng pangingilin ng araw na hindi tunay na kapahingahan. Lahat ng tatangging tumalima ay lalapatan ng pamahalaan ng kani-kanilang kaparusahan, at sa katapus-tapusan ay ipag-uutos na sila'y nararapat sa kamatayan. Sa kabilang dako, ang kautusan ng Diyos na nagpapakilala ng araw na ipinagpahingalay ng Maykapal ay humihingi ng pagtalima at nagbabala ng poot sa lahat ng sasalansang sa mga utos nito.MT 522.2

    Yamang napakalinaw na ipinakikilala ang bagay naito, ang sinumang yuyurak sa kautusan ng Diyos upang sumunod sa utos ng tao, ay tatanggap ng tatak ng hayop; tinatanggap niya ang tanda ng pakikipanig sa kapangyarihan na pinipili pa niyang sundin kaysa Diyos. Ang babalang galing sa langit ay: “Kung ang sinuman ay sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo o sa kanyang kamay, ay iinom din naman siya ng kagalitan ng Diyos, na nahahandang walang halo sa inuman ng Kanyang kagalitan.”5Apocalipsis 14:9, 10.MT 523.1

    Datapuwa't wala isa mang papagbabathin ng galit ng Diyos malibang naikintal na ang katotohanan sa kanyang pag-iisip at budhi, at kanyang tinanggihan pa. Marami ang hindi nagkakaroon ng pagkakataon na makapakinig ng mga tanging katotohanang ukol sa panahong ito. Ang kahingian ng ikaapat na utos ay hindi pa naihaharap sa kanila sa tunay na liwanag nito. Ang Diyos na bumabasa sa bawa't puso, at sumusubok sa bawa't layunin, ay hindi magpapabaya sa kanino mang nagnanasang makakilala ng katotohanan, na madaya hinggil sa ibubunga ng tunggaliang ito. Ang utos ay hindi ipipilit sa mga tao ng walang kadahilanan. Ang lahat ay magkakaroon ng sapat na liwanag upang magawa ang kanilang may talinong pagpapasiya.MT 523.2

    Ang Sabado ay magiging malaking pansubok ng pagkamatapat; sapagka't ito ang bahagi ng katotohanan na tanging tinututulan. Kapag ginamit na sa mga tao ang pangwakas na pansubok, kung magkagayo'y rnalalagay ang guhit na pagkakakilanlan ng mga naglilingkod sa Diyos at ng mga hindi naglilingkod sa Kanya. Kung paanong ang pangingilin ng hindi tunay na kapangilinan bilang pagtupad sa batas ng pamahalaan, na ito'y labag sa ikaapat na utos, ay magiging isang katunayan ng pagkilala sa isang kapangyarihan na sumasalansang sa Diyos, ang pangingilin naman ng tunay na kapangilinan bilang pagganap sa kautusan ng Diyos, ay isang katibayan ng pagtatapat sa Maykapal. Samantalang ang isang uri ng mga tao, sa pamamagitan ng tanda ng pagsuko sa mga kapangyarihan sa lupa, ay tumatanggap ng tanda ng hayop, ang isa naman, sa pagtanggap ng tanda ng pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos, ay tumatanggap ng tatak ng Diyos.MT 523.3

    Sa bawa't salin ng lahi ay isinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang sawayin ang kasalanan, sa sanlibutan at sa iglesya. Datapuwa't ang ninanasa ng mga taong sa kanila'y sabihin ay mga kaaya-ayang bagay, at ang dalisay at walang pahiyas na katotohanan ay hindi nila tinatanggap. Ipinasiya ng maraming repormador, sa pagpasok nila sa kanilang gawain, na sila'y gumamit ng malaking pag-iingat sa pagsalakay sa mga kasalanan ng iglesya at ng bansa. Nagsiasa silang sa pamamagitan ng halimbawa ng isang malinis na kabuhayang Kristiyano, ay maaakay nila ang mga tao na manumbalik sa mga aral ng Banal na Kasulatan. Nguni't dumating sa kanila ang Espiritu ng Diyos gaya ng pagdating kay Elias, na siyang dito'y kumilos na sansalain ang mga kasalanan ng isang tampalasang hari at ng isang bayang tumalikod sa Diyos; hindi nila mapigilang di ipangaral ang malilinaw na pahayag ng Banal na Kasulatan—ang aral na hindi nila ibig ipakilala. Sila'y mangapipilitang masikap na magpahayag ng katotohanan, at ng kapanganibang kinabubungaran ng mga tao. Ang mga salitang sa kanila'y ibinigay ng Panginoon ay kanilang binigkas, na di kinatakutan ang mga ibubunga, at ang mga tao'y napilitang makinig sa babala.MT 524.1

    Sa ganya'y maipangangaral ang pabalita ng ikatlong anghel. Pagka dumating na ang kapanahunan upang ito'y iaral na may buong kapangyarihan, ay gagawa ang Panginoon sa pamamagitan ng mga mapagpakumbabang tao, at papatnubayan Niya ang mga pag-iisip niyaong nagtalaga ng kanilang sarili sa Kanyang gawain. Ang pagkakaloob Niya ng Kanyang Espiritu sa mga mangagawa ay siyang mag-aangkop sa kanila sa paggawa, hindi ang pagkapag-aral nila sa mga paaralan. Ang mga lalaking may matitibay na pananampalataya at mga mapanalanginin ay mapipilitang yumaong dala ang banal na kasiglahan, na ipinahahayag ang mga salitang sa kanila'y sinabi ng Diyos. Ang mga kasalanan ng Babilonya ay mahahayag. Ang mga katakut-takot na ibubunga ng sapilitang pagpapasunod sa mga ipinagaganap ng iglesya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pamahalaan, ang sapilitang pagpasok ng espiritismo, ang lihim nguni't mabilis na pagsulong ng kapangyarihang makapapa—ang lahat ng ito'y pawang malalantad. Sa pamamagitan ng mga taimtim na babalang ito ay mangakikilos ang mga tao.MT 525.1

    Libu-libo ang mangakikinig na hindi pa nakapakinig kailan man noong una ng mga salitang katulad nito. Sa kanilang panggigilalas ay mapapakinggan nila ang patotoo na ang Babilonya ay siyang iglesya na nabagsak dahil sa kanyang mga kamalian at mga kasalanan, sa dahilang tinanggihan niya ang katotohanang ipinadala ng langit.MT 525.2

    Sa paglapit ng mga tao sa unang mga tagapagturo nila, na buong may pananabik na nagsisiyasat, Tunay ba ang mga ito? ang mga ministro'y naghaharap ng mga katha-katha at nanghuhula ng mga kaaya-ayang bagay, upang mapayapa ang mga pangamba ng mga tao, at mapatahimik ang nagising nilang budhi. Nguni't palibhasa'y ma- rami ang tumangging masiyahan sa patunay ng mga tao lamang, at mapilit na humihiling sila ng, “Ganito ang sinasabi ng Panginoon,” ay hahatulan ng mga tanyag na ministro na ang pabalitang ito ay mula kay Satanas, at kikilusin nila ang karamihang maibigin sa kasalanan upang tuyain at usigin yaong nangagpapahayag nito, gaya ng mga Pariseo noong una, na napuno ng galit sapagka't pinag-aalinlanganan ang kanilang kapamahalaan.MT 525.3

    At sa pag-abot sa mga bagong bukiran ng pagtutunggalian, at ang mga pag-iisip ng mga tao ay nababaling sa malaong niyurakang kautusan ng Diyos, si Satanas ay maliligalig. Ang kapangyarihang umalalay sa pabalita ay makapagpapagalit lamang sa mga nagsisisalungat dito. Ang mga pari, mga ministro ay gagamit ng buong pagsisikap upang maikubli ang ilaw, baka ito'y magliwanag sa kanilang mga kawan. Sa lahat ng paraang magagawa nila ay kanilang sisikaping mapigil ang pagtatalo hinggil sa mahahalagang suliraning ito.MT 526.1

    Ang iglesya ay mananawagan sa malakas na bisig ng kapangyarihan ng pamahalaan, at sa gawang ito'y magtutulungan ang mga Katoliko at mga Protestante. Kapagka mahigpit na at marahas na ang kilusan tungkol sa pagpipilit na ipangilin ang Linggo, ay maglalagda ng utos laban sa sumusunod sa mga utos ng Diyos. Sila'y babalaang pagmumultahin at ibibilanggo, ang ilan ay dudulutan ng mga may impluensyang tungkulin, at ang iba'y mga gantimpala at mga bentaha, bilang pag-akit upang talikdan ang kanilang pananampalataya. Datapuwa't ang matibay na tugon nila ay, “Ipakita ninyo sa amin sa Banal na Kasulatan ang aming kamalian”—iyan din ang kahilingan na ginawa ni Lutero sa ilalim ng ganyan ding mga pangyayari. Itatanyag niyaong mangadadala sa harap ng mga hukuman ang katotohanan, at ang ilan sa mga naagsisipakinig ay mangagpapasiyang sumunod sa lahat ng utos ng Diyos dahil sa pagkarinig sa kanila. Sa ganyan ay mapapaharap ang liwanag sa mga libu-libo na sa ibang paraan ay hindi makakakilala ng anuman hinggil sa mga katotohanang ito.MT 526.2

    Ang malinis na budhing pagsunod sa salita ng Diyos ay ipalalagay na isang paghihimagsik. Ang magulang na binulag ni Satanas ay gagamit ng panggagahasa at kabagsikan sa anak niyang nanampalataya; ang alilang tumutupad sa mga utos ng Diyos ay pahihirapan ng kanyang panginoong lalaki o babae. Ang pag-ibig ay masisira; ang mga anak ay babawian ng kanilang mana at ipagtatabuyan. Ang mga salita ni Pablo ay matutupad sang-ayon sa titik: “Lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Kristo Jesus ay mangagbabata ng pag-uusig.”62 Timoteo 3:12. Sa pagtanggi ng mga nagsasanggalang sa katotohanan na igalang ang kapangilinang linggo, ang ilan sa kanila'y ihuhulog sa bilangguan, ang ilan ay itatapon sa ibang lugar, ang ilan ay aariing tulad sa mga busabos. Sa isip ng mga tao, ang lahat ng ito'y hindi mandin mangyayari ngayon, datapuwa't pagka binawi na ng Diyos sa mga tao ang pumipigil Niyang Espiritu, at nasailalim na sila ng pamamahala ni Satanas, na napopoot sa mga banal na utos, kung magkagayo'y maaaring maging totoong malupit pagka nawala na ang takot at pag-ibig sa Diyos.MT 527.1

    Sa pagkalapit ng bagyo, ang maraming tao na nagpapanggap na nananampalataya sa pabalita ng ikatlong anghel, datapuwa't hindi napaging banal sa pamamagitan ng pagtalima sa katotohanan, ay aalis sa kanilang kinalalagyan at makikisama sa nagsisisalansang. Sa pakikisama nila sa sanlibutan at pakikibahagi sa diwa nito, ay mapagkikita nila ang mga bagay-bagay gaya ng pagkakita ng sanlibutan; pagka dumating na ang pagsubok, sila nama'y handa nang lumipat sa kung saan ang magaan at sa kung alin ang tanyag. Ang mga lalaking may talento at mga mabuting mangusap, na noong una'y nagagalak sa katotohanan, ay gagamit na ng kanilang mga kapangyarihan upang dayain at akayin sa maling landas ang mga kaluluwa. Sila'y magiging totoong malupit na kaaway ng dati nilang mga kapatid. Kapag ang mga nangingilin ng Sabado ay ihaharap na sa hukuman upang pangatuwiranan ang kanilang pananampalataya, ang mga nagsitalikod na ito ay siyang mga pinakamalakas na kinatawan ni Satanas upang sa kanila'y magparatang, at sa pamamagitan ng mga maling ulat at mungkahi, ang mga pinuno ay kinikilos nila laban sa kanila.MT 527.2

    Sa panahong ito ng pag-uusig, ang pananampalataya ng mga lingkod ng Panginoon ay susubukin. Buong tapat nilang iniaral ang babala, na nangakatingin sa Diyos at sa Kanyang salita lamang. Ang Espiritu ng Diyos na nag-uudyok sa kanilang mga puso, ay siyang sa kanila'y pipilit na magsalita. Palibhasa'y ginigising sila ng banal na kasiglahan, at inuudyukan ng banal na damdamin, ay gaganapin nila ang kanilang mga tungkulin na hindi inaalaala ang kahirapang daranasin nila sa pagsasabi sa mga tao ng salitang sinabi sa kanila ng Diyos. Hindi nila isasaalang-alang ang kanilang mga kapakanan sa lupa, ni sisikapin man nilang maingatan ang kanilang kabantngan, ni ang kanilang mga buhay man.MT 528.1

    Gayon ma'y pagka bumulalas sa kanila ang bagyo ng pagsalansang at pagkutya, ang ilan sa kanila'y mapapasigaw, dahil sa takot: “Kung kapagkaraka'y nakita lamang namin ang mga ibubunga ng aming mga pagsasalita, ay nanahimik na sana kami.” Sa magkabi-kabila'y naliligiran sila ng mga kahirapan. Dinadagsaan sila ni Satanas ng mababangis na tukso. Ang gawaing kanilang pinasukan ay hindi nila kaya manding gampanan. Binabalaan sila ng kapahamakan. Ang siglang bumuhay sa kanilang loob ay wala na; datapuwa't hindi na sila makabalik. Sa gayo'y sa pagkaramdam nila sa kanilang ganap na kahinaan, siia'y tumakbo sa Isang Makapangyarihan upang humingi ng lakas Naalaala nilang ang mga salitang kanilang sinabi ay hindi kanilang salita kundi salita Niya na nag-utos sa kanila. Ang katotohanan ay inilagay ng Diyos sa kani- lang mga puso at hindi nila mapigilang yao'y di itanyag.MT 528.2

    Iyang ding mga pagsubok na iyan ang dinanas ng mga tao ng Diyos ng mga panahong nakaraan. Si Wicleff, si Hus, si Lutero, si Tyndale, si Baxter, si Wesley, ay nangatuwiran na ang lahat ng aral ay kailangang subukin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, at kanilang ipinahayag ding tatanggihan nila ang lahat ng bagay na hinahatulan nila. Laban sa mga taong ito ay namayani ang pag-uusig na walang awa; gayon ma'y hindi sila tumigil sa pagpapahayag ng katotohanan. Ang iba'tibang panahon ng kasaysayan ng iglesya ay napagkilala sa paglitaw ng ilang tanging katotohanan, na agpang sa mga pangangailangan ng bayan ng Diyos sa panahong iyon.MT 529.1

    Ang bawa't bagong katotohanan ay tumawid sa kapootan at pagtutol; iyong mga pinagpala ng kanyang liwanag ay tinukso at sinubok. Ang Panginoon ay nagbibigay sa mga tao ng isang tanging katotohanan sa panahon ng kagipitan. Sino ang mangangahas na tumangging ito'y ilathala? Pinag-uutusan Niya ang Kanyang mga lingkod na ipakilala sa sanlibutan ang kahuli-hulihang paanyaya ng kahabagan. Hindi sila maaaring manahimik, na di mapapasa panganib ang kanilang mga kaluluwa. Ang mga kinatawan ni Kristo ay walang kinalaman sa mga ibubunga. Dapat nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin, at ipabahala sa Diyos ang mga ibubunga nito.MT 529.2

    Pagka lumulubha na ang pagsalungat, ang mga lingkod ng Diyos ay muling magugulumihanan; sapagka't sa palagay nila'y sila ang nagdala ng kasakunaan. Datapuwa't ang kanilang budhi at ang salita ng Diyos ay kapuwa magpapatotoong tumpak ang kanilang ginagawa; at bagaman magpapatuloy ang mga pagsubok, ay palalakasin naman sila upang mabata ang mga iyon. Ang labanan ay lumalala at humihigpit, datapuwa't ang kanilang pananampalataya at tapang ay makikipantay sa kagi- pitan. Ang kanilang patotoo ay: “Hindi namin mapakikialaman ang salita ng Diyos, na hatiin namin ang Kanyang banal na kautusan; na tawaging mahalaga ang isang bahagi at walang halaga ang isa, upang lingapin lamang kami ng sanlibutan. Ang Panginoong aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin. Dinaig ni Kristo ang lahat ng kapangyarihan sa lupa, at katatakutan ba namin ang isang sanlibutan dinaig na?”MT 529.3

    Ang pag-uusig, sa iba't ibang anyo, ay bunga ng isang simulain na mananatili hanggang nabubuhay si Satanas at hanggang may lakas naman ang pananampalatayang Kristiyano. Walang makapaglilingkod sa Diyos na hindi babakahin ng mga hukbo ng kadiliman. Siya'y dadaluhungin ng masasamang anghel na nangababalisa sapagka't inaagaw ng kanyang kabuhayan at halimbawa ang kanilang bihag na hawak-hawak na nila. Ang masasamang tao na sinasansala ng kanyang kabuhayan, ay makikilakip sa masasamang anghel upang ilayo siya sa Diyos sa pamamagitan ng mga nakahahalinang tukso. At pagka hindi ito manaig gagamit naman sila ng lakas upang pilitin ang kanyang budhi.MT 530.1

    Ang anghel na nakikisama sa pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel, ay siyang liliwanag sa buong lupa sa pamamagitan ng kanyang kaluwalhatian. Dito'y ipinagpapauna ang isang gawaing malaganap at may kapangyarihang di-karaniwan. Ang kilusang Adventista noong 1840-44 ay isang maluwalhating pagpapakilala ng kapangyarihan ng Diyos, ang pabalita ng unang anghel ay dinala sa lahat ng himpilan ng mga misyonero sa sanlibutan, at sa ibang malalaking bayan ay nagkaroon ng pinakamalalaking pananabik sa relihiyon na nasaksihan sa alin mang lupain mula nang Reporma noong ikalabing-anim na dantaon; datapuwa't ito'y lalampasan ng malakas na kilusan sa ilalim ng huling babala ng ikatlong anghel.MT 530.2

    Ang gawain ay magiging katulad noong kaarawan ng Pentekostes. Kung paanong ipinagkaloob ang “unang ulan” sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu noong bago pa lamang pinasimulang ipangaral ang ebanghelyo, upang mapasibol ang mahalagang binhi, gayon din naman ang “huling ulan”7Oseas 6:3, talatang Hebreo. ay ipagkakaloob sa pagtatapos nito, upang mahinog ang aanihin.MT 530.3

    Ang malaking gawain ng ebanghelyo ay hindi magtatapos na kulang sa paghahayag ng kapangyarihan ng Diyos kaysa nahayag ng ito'y magpasimula. Ang mga lingkod ng Diyos, na ang mga mukha'y nagliliwanag at pinapagniningning ng banal na pagtatalaga, ay magmamadaling magpapalipat-lipat sa iba't ibang dako upang ikalat ang pabalitang mula sa langit. Sa pamamagitan ng libu-libong tinig ay maikakalat sa buong lupain ang babala. Gagawa ng mga kababalaghan, magpapagaling ng mga maysakit, at ang mga nananampalataya ay susundan ng mga tanda at mga kababalaghan. Gagawa rin naman si Satanas ng mga kahanga-hangang kasinungalingan, hanggang sa magpapababa siya ng apoy mula sa langit sa paningin ng mga tao.8Apocalipsis 13:13. Sa gayo'y ang lahat ng tumatahan sa lupa ay madadala sa pagpapasiya kung saan sila papanig.MT 531.1

    Ang pabalita ay ilalaganap hindi sa pamamagitan ng pakikipagkatuwiranan kundi sa pamamagitan ng pagsumbat ng Espiritu ng Diyos sa puso ng mga tao. Naiharap na ang mga katuwiran. Naihasik na ang binhi, at ngayo'y sisibol na ito at mamumunga. Ang mga babasahing ipinamahagi; ng mga manggagawang misyonero ay nagkaroon na ng kanilang impluensya, gayon ma'y ang maraming nangakilos ang pag-iisip ay napigilan sa ganap na pag-unawa sa katotohanan o sa pagsunod kaya. Ngayo'y lumalagos na sa lahat ng dako ang sinag ng liwanag; ang katotohana'y nakikitang buong linaw, at nilalagot naman ng mga tapat na anak ng Diyos ang mga taling nakapipigil sa kanila. Ang pagkakamag-anak, at ang pa- kikipagkapatiran sa iglesya ay wala ngayong kapangyarihang pumigil sa kanila. Ang katotohana'y lalong mahalaga sa lahat. Sa harap ng mga kapangyarihang naglalakip laban sa katotohanan, ay marami ang pumapanig sa Panginoon.MT 531.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents