Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Sa katapusan ng isang libong taon ay muling mananaog si Kristo sa lupa. Sasama sa Kanya ang buong hukbo ng mga natubos, at aabayan Siya ng mga anghel. Sa pananaog Niyang taglay ang kakila-kilabot na kadakilaan, ay pababangunin niya ang mga patay na makasalanan upang tanggapin ang kanilang kawakasan. Ang mga makasalanan na isang malaking hukbo, na di-mabilang na gaya ng buhangin sa dagat ay magsisilabas. Ano nga ang kaibhan nila sa mga nagsibangon sa unang pagkabuhay na mag-uli! Ang mga matuwid ay nadaramtan ng walang maliw na kabataan at kagandahan. Ang mga masama ay nangagtataglay ng bakas ng sakit at kamatayan.MT 587.1
Nakatingin ang bawa't mata sa malaking karamihang iyon sa kaluwalhatian ng Anak ng Diyos. Sabaysabay na tulad sa iisang tinig, ang lahat ng makasalanan ay sisigaw. “Mapalad ang pumarito sa pangalan ng Panginoon!” Hindi ang pag-ibig nila kay Jesus ang sa kanila'y nag-udyok na magsabi ng ganito. Ang lakas ng katotohanan ang pumipilit sa kanilang mga labi. Kung paanong nagsilusong sa kanilang mga libingan ang mga masama gayon din silang magsisilabas, taglay ang dati ring pakikipagkaalit kay Kristo, at ang dati ring diwa ng paghihimagsik. Hindi na sila magkakaroon ng panibagong panahon ng biyaya upang lunasan ang mga kapintasan ng kanilang mga nakaraang kabuhayan. Ang ganitong paraan ay walang pakikinabangin. Hindi napalambot ng buong panahon ng kanilang kabuhayan ang kanilang puso. Bigyan man sila ng ikalawang panahon ng biyaya, gugugulin din nila iyon ng gaya noong nauna, sa pag- wawalang bahala sa mga ipinag-uutos ng Diyos at sa paguudyok sa mga iba na maghimagsik sa Kanya.MT 587.2
Si Kristo'y bababa sa Bundok ng mga Olibo, na roo'y nagmula Siya nang pag-akyat sa langit noong Siya'y mabuhay na mag-uli, at doon inulit ng mga anghel ang pangako na Kanyang pagbalik. Sinasabi ng propeta: “Ang Panginoon kong Diyos ay daratig, at ang lahat na banal na kasama Niya.” “At ang Kanyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silangan, ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa gitna niya, . . . at magiging totoong malaking libis.” “At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang Kanyang pangalan ay isa.”1Zakarias 14:5, 4, 9. Pagbaba ng bagong Jerusalem mula sa langit, sa nakasisilaw na kaliwanagan, ay lalapag ito sa dakong dinalisay at inihandang talaga sa kanya, at si Kristo, pati ng Kanyang bayan at mga anghel ay papasok sa banal na lunsod.MT 588.1
Naghahanda naman si Satanas ngayon sa kahuli-hulihan niyang malaking pagsisikap na makapangibabaw. Noong wala siyang kapangyarihan, at nahadlangan siya sa gawain niyang pagdaraya, ang prinsipe ng kasamaan ay nahapis at nalumbay; datapuwa't sa pagkabuhay na mag-uli ng mga makasalanan, at sa pagkakita niya sa malaking karamihang nakapanig sa kanya, mananauli ang kanyang mga pag-asa, at ipapasiya niyang huwag isuko ang malaking tunggalian. Pangunguluhan niya ang lahat ng hukbo ng mga napahamak sa ilalim ng kanyang watawat, at sa pamamagitan nila'y sisikapin niyang maisagawa ang kanyang mga panukala.MT 588.2
Ang masasama ay bihag ni Satanas. Sa pagtanggi nila kay Kristo ay tinanggap nila ang pagkapuno ng pangulo ng mga naghimagsik. Kaya naman handa silang umulinig sa kanyang mga payo at sumunod sa kanyang ipaguutos. Tapat sa kanyang dating katusuhan, ay di niya amining siya'y si Satanas. Ipagpapanggap niyang siya ang prinsipe na may-aring tunay ng sanlibutan, at ang kanyang mana ay inagaw lamang sa kanya. Ipinakikilala niya ang kanyang sarili, sa mga naligaw na sakop niya na siya ang manunubos, at pinapananatag niya sila na ang kanyang kapangyarihan ang siyang sa kanila'y naglabas sa kanilang mga libingan, at sasabihin ding malapit na niyang hanguin sila sa pinakamalupit na paghahari-harian.MT 588.3
Sa pagkaalis ng pakikiharap ni Kristo, si Satanas ay gagawa ng mga kababalaghan upang patibayan ang kanyang mga ipinagpapanggap. Palalakasin niya ang mahihina, at bibigyan niya ang lahat ng kanyang sariling espiritu at lakas. Babalakin niyang pangunahan sila upang lusubin ang kampamento ng mga banal, upang maagaw nila ang bayan ng Diyos. Taglay ang tuwang demonyo ay ituturo niya ang di-mabilang na karamihan na mga binuhay mula sa mga patay, at ipahahayag niyang pagka siya ang nangulo sa mga ito maiwawasak niya ang bayan, at mababawi niya ang kanyang luklukan pati ng kanyang kaharian.MT 589.1
Doroon sa malaking kalipunang iyon ang maraming taong nangabuhay noong una bago dumating ang bahang gumunaw; mga taong matataas at may malalaking katalinuhan, na dahil sa pagsunod nila sa mga anghel na nagkasala, ay nangagtalaga ng buo nilang katalinuhan at kaalaman sa pagtatanyag ng kanilang mga sarili; mga taong ang kagila-gilalas na mga gawa tungkol sa sining ay nagudyok sa sanlibutan upang sambahin ang kanilang mga katalinuhan, datapuwa't ang kanilang kalupitan at masasamang katha, na nagparumi sa sangkalupaan at sumira sa larawan ng Diyos, ay siyang nagbuyo na lipulin sila ng Diyos sa sanlibutan. Doroon ang mga hari at mga heneral ng mga hukbo na tumalo ng mga bansa; matatapang na mga lalaki na hindi nadaig kailang man, mayayabang, at masikhay na mga mandirigma, na sa paglapit nila'y nanginig ang mga kaharian. Wala silang pag- babagong dinanas sa kanilang pagkamatay. Sa paglabas nila sa libingan, ay ipagpapatuloy nila ang takbo ng kanilang mga pag-iisip kung saan ito huminto. Uudyukan sila noon ding pagnanasang makapanakop na naghari sa kanila noong sila'y mangamatay.MT 589.2
Sasangguni si Satanas sa kanyang mga anghel, at sa mga hari at sa mga mananakop at sa makapangyarihang mga lalaking ito. Titingnan nila ang lakas at dami ng nasa kanilang panig, at ipahahayag nila na ang hukbong nasa loob ng lunsod ay maliit kung ipaparis sa kanila, at yao'y madali nilang magagapi. Aayusin nila ang kanilang mga panukala ng pagkuha sa mga kayamanan at kaluwalhatian ng bagong Jerusalem. Kapagkaraka'y maghahanda sila sa pakikibaka. Ang mga sanay na mga manggagawa ng mga sandata ay gagawa ng mga kasangkapan sa digma. Ang mga pinuno ng hukbo na nabantog sa kanilang mga tagumpay, ay mangunguna sa maraming mandirigma na nababahagi sa maraming pangkat.MT 590.1
Sa wakas ay lalabas ang utos na sila'y sumulong at ang hukbo ng di-mabilang na tao ay yayaon—isang hukbo na hindi natipon kailan man ng mga mananalo dito sa lupa, na hindi napantayan ng mga pinaglakip na hukbo ng lahat ng kapanahunan mula nang magkaroon ng digma sa ibabaw ng lupa. Si Satanas na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mangdirigma ay mangunguna sa karamihan, at ang hukbo ng mga masamang anghel ay kasama rin sa pangwakas na pagpupunyagiang ito. Ang mga hari at ang mga mandirigma ay kasama sa kanyang hukbo at ang karamihan naman ay sumusunod sa malaking kalipunan na ang bawa't isa'y nasa ilalim ng kani-kanyang pinuno. Taglay ang may kaganapang pagkilos militar, ang hukbo ay susulong na sunudsunod sa baku-bakong lupa at magsisitungo sa lunsod ng Diyos. Sa utos ni Jesus ay sasarhan ang mga pinto ng bagong Jerusalem, at kukubkubin ang bayan ng mga hukbo ni Satanas at maghahandang lumusob.MT 590.2
Pakikitang muli si Kristo sa Kanyang mga kaaway. Sa itaas ng bayan, sa ibabaw ng isang patibayang pinakintab na ginto, ay may isang luklukang mataas at matayog. Sa luklukang ito ay nakaupo ang Anak ng Diyos, at sa palibot niya'y ang mga kampon ng kanyang kaharian. Ang kapangyarihan at kadakilaan ni Kristo ay hindi mailarawan ng pangungusap, ni maiguhit man ng panitik. Ang kaluwalhatian ng Walang-hanggang Ama ay lumulukob sa Kanyang anak. Ang kaningningan ng Kanyang kaluwalhatian ay pumupuno sa lunsod ng Diyos at kumakalat sa kabila ng mga pintuan, at pinupuno ang buong lupa ng luningning.MT 591.1
Sa pinakamalapit sa luklukan ay doroon yaong nanguna'y nangaging masipag sa gawain ni Satanas; datapuwa't tulad sa isang dupong na naagaw sa apoy, ay nagsinunod sila sa kanilang Tagapagligtas na may mataos at maningas na pagtatapat. Kasunod ng mga ito'y doroon naman yaong mga nagpasakdal sa mga kalikasang Kristiyano sa kalagitnaan ng kasinungalingan at kawalang pananampalataya sa Diyos; mga taong gumalang sa kautusan ng Diyos bagaman ipinahayag ng buong Sangkakristiyanuhan na ang mga ito'y walang kabuluhan; at doroon din naman ang mga angaw-angaw ng lahat ng mga panahon, na pawang naging martir dahil sa kanilang pananampalataya.MT 591.2
At sa dako roon ay matatanawan ang “isang lubhang karamihang di-mabilang ng sinumam na mula sa bawa't bansa, at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan ng Diyos at sa harapan ng Kordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay.”2Apocalipsis 7:9, 10. Naganap na ang kanilang pakikipaglaban, natamo na nila ang tagumpay. Tinakbo nila ang takbuhin at nakamtan ang gantimpala. Ang sanga ng palma na nasa kanilang mga kamay ay sagisag ng kanilang tagumpay at ang maputing damit ay isang tanda ng walang dungis na katuwiran ni Kristo na ngayo'y naging kanila.MT 591.3
Ang mga natubos ay umaawit ng pagpupuri na muli't muling umaalingaw-ngaw sa mga balantok ng langit, “Ang pagliligtas ay sumaaming Diyos na nakaupo sa luklukan at sa Kordero.”2Apocalipsis 7:9, 10. Pinaglakip ng mga anghel at mga serapin ang kanilang tinig sa pagsamba. Sa pagkakita ng mga natubos sa kapangyarihan at kagalitan ni Satanas, ay nakita nila, higit kailan man, na walang kapangyarihan liban sa kay Kristo, na nakapagbigay sa kanila ng tagumpay. Sa buong karamihang iyon ay wala ni isang magsasabi na ang kanya ring sarili ang sa kanya'y nagligtas, na tila baga nanagumpay sila sa pamamagitan ng kanilang sariling kapangyarihan at kabutihan. Wala silang sinasabing anuman tungkol sa kanilang nagawa o binata; kundi ang damdamin ng bawa't awit, ang laman ng bawa't pagpupuri, ay, Ang pagliligtas ay sumaaming Diyos na nakaupo sa luklukan at sa Kordero.MT 592.1
Sa harapan ng nagkakatipong mga naninirahan sa lupa at sa langit ay gaganapin ang pagpuputong sa Anak ng Diyos. At ngayong mabigyan na ng mataas na kadakilaan at kapangyarihan ang Hari ng mga hari, ay ipahahayag Niya ang parusa sa mga nagsipaghimagsik sa Kanyang pamahalaan, at ibibigay Niya ang kahatulan sa lahat ng sumalansang sa Kanyang kautusan at nagpahirap sa Kanyang bayan. Sinasabi ng propeta ng Diyos: “At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa Kanyang harapan ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan, at nangabuksan ang mga aklat; at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay; at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.”3Apocalipsis 20:11, 12.MT 592.2
Kapagkarakang nabuksan ang mga aklat talaan at tingnan ni Jesus ang mga masama, ay nagunita nila ang lahat nilang nagawang kasalanan. Nakita nila kung saan luminsad ang kanilang mga paa sa landas ng kalinisan at kabanalan, at kung hanggang saan dinala sila sa pagsuway sa kautusan ng Diyos ng kanilang kapalaluan at paghihimagsik. Ang mapanghibong mga tukso, na kanilang sinang-ayunan sa pamamagitan ng pagkagumon sa kasalanan, ang mga pagpapalang binaligtad, ang paghamak sa mga sinugo ng Diyos, ang pagtanggi sa mga babala, ang mga alon ng awang hinadlangan ng matigas at ayaw magising na mga puso—ang lahat ay mangahahayag na tulad sa nasusulat na mga titik na apoy.MT 593.1
Sa ibabaw ng luklukan ay inihahayag ang krus; at gaya ng isang tanawin ay nakikita ang mga panoorin ng pagsuway ni Adan at ang pagkabagsak niya, at ang sunudsunod na baitang ng dakilang panukala ng pagtubos. Ang abang pagkapanganak sa Tagapagligtas; ang simple at masunurin pamumuhay ng kanyang kabataan, ang pagkabinyag sa Kanya sa Jordan; Ang pag-aayuno at pagtukso sa Kanya sa ilang; ang paglilingkod Niya sa madla, na inihahayag Niya sa mga tao ang pinakamahalagang pagpapala ng langit; ang mga araw na puno ng mga gawain ng pag-ibig at kahabagan, ang mga gabi ng pananalangin at pagpupuyat na nag-iisa sa mga kabundukan; ang mga pakana ng kainggitan, poot, galit na kabayaran sa Kanyang mga pagpapala; ang mahiwagang paghihirap Niya sa Getsemane, na sa Kanya'y nakababaw ang mabigat na kasalanan ng buong sanlibutan; ang pagkakanulo sa Kanya sa mga kamay ng mga mamamatay-tao; ang kakilakilabot na mga pangyayari nang gabing yaong kahilahilakbot—ang di-tumatangging bilanggo, na iniwan ng Kanyang mga pinakaiibig na mga alagad, may paglapastangan at inaapurang idinaan sa lansangan ng Jerusalem; ang Anak ng Diyos na dinala nilang taglay nila ang kapalaluan sa harapan ni Anas, pinaratangan nila sa pa- lasyo ng dakilang saserdote, sa hukuman ni Piiato, sa harapan ng duwag at malupit na Herodes, hinamak, kinutya, pinahirapan at hinatulan sa karnatayan—ang lahat ng ito'y pawang maliwanag na inilalarawan.MT 593.2
At ngayon sa harapan ng nanginginig na karamihan ay inihahayag ang huling panoorin—ang matiising Nagbabata na naglalakad sa daang patungong Kalbaryo; ang Prinsipe ng langit na nababayubay sa krus; ang mga palalong saserdote at ang nanunuyang mga tao na kumukutya sa huli Niyang paghihirap; ang di-karaniwang kadiliman; ang tumaas at bumabang lupa, ang mga gumuhong bato, ang mga nabuksang libingan, na siyang tanda ng sandaling malagutan ng hininga ang Manunubos ng sanlibutan.MT 594.1
Si Satanas, kasama ang kanyang mga anghel, at ang kanyang mga nasasakupan ay walang kapangyarihang makaiwas sa larawan ng kanilang sariling gawa. Nagunita ng bawa't gumawa ang kanyang naging bahagi. Walang kabuluhang nagtatago sila sa banal na karilagan ng Kanyang mukha, na lalong maluwalhati kaysa liwanag ng araw, samantalang inilalapag ng mga natubos ang kanilang mga putong sa paanan ng Tagapagligtas, na kanilang sinasabi, “Siya'y namatay dahil sa akin!”MT 594.2
Sa gitna ng katipunan ng mga natubos ay doroon ang mga apostol ni Kristo: ang bayaning si Pablo, ang mapusok na loob na si Pedro, ang minamahal at nagmamahal na si Juan, at ang tapat nilang mga kapatid, at kasama nila ang isang lubhang karamihan ng mga martir; samantalang sa labas ng kuta ng bayan, kasama ng lahat ng marumi at karumaldumal na bagay, ay doroon iyong mga nangag-usig, nangagbilanggo, at pumatay sa kanila. Doroon ang mga pari at mga prelado na nagsipagpanggap na mga sugo ni Kristo, gayunma'y nagsigamit ng pagpapahirap, ng bilangguan, at bibitayan, upang masupil nila ang budhi ng mga tao ng Diyos. Totoong huli nang kanilang napag-uunawa na ang Isang Maalam-sa-lahat ay may panibughong nag-iingat ng Kanyang kautusan, at sa anumang paraa'y di Niya aariing walang sala ang salarin. Napagkilala nila ngayon na si Kristo'y nakikiramay sa Kanyang mga taong nagdanas ng kahirapan; at mararanasan nila ang tindi ng Kanyang mga pangungusap, “Yamang inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa Akin ninyo ginawa.”4Mateo 25:40.MT 594.3
Ang buong daigdig ng masasama ay magsisitayo sa harap ng hukuman ng Diyos, upang sagutin ang paratang na pagtataksil sa pamahalaan ng langit. Walang magtatanggol sa kanilang usap; wala silang maidadahilan; at ang hatol na walang-hanggang kamatayan ay igagawad sa kanila.MT 595.1
Maliwanag na ngayon sa lahat na ang kabayaran ng kasalanan ay hindi ang marangal na kalayaan at walang-hanggang buhay, kundi pagkaalipin, kapahamakan at kamatayan. Nakikita ng mga masama kung ano ang inalis sa kanila ng kanilang kabuhayang mapaghimagsik. Ang lalo't lalong higit na walang-hanggang kaluwalhatian ay kanilang hinamak nang idulot sa kanila; datapuwa't ngayo'y lubhang kanasa-nasa. “Ang lahat na ito,” ang sigaw ng waglit na kaluluwa, “ay nangatamo ko sana; nguni't pinili kong malayo sa akin ang mga bagay na ito. Oh, nakapagtatakang kahalingan! Aking ipinagpalit ang kapayapaan, kaligayahan, at karangalan sa kaabaan, sa kadustaan, at sa pagkabigo.” Nakikita ng lahat na ang pagkawaglit nila sa langit ay karapatdapat sa kanila. Sa pamamagitan ng kanilang mga kabuhayan ay ipinahayag nilang, “Ayaw naming kami'y pagharian ng Jesus na ito.”MT 595.2
Tulad sa namamalikmata, makikita ng mga masama ang pagpuputong sa Anak ng Diyos. Sa Kanyang mga kamay ay makikita nila ang mga tapyas na batong kinasusulatan ng banal na kautusan, ang palatuntunang kani- lang pinalibhasa at sinalangsang. Nasasaksihan nila ang pagbulalas ng panggigilalas, pagkatuwa, at pagsamba ng mga naligtas; at sa pagkarinig ng karamihang nangasa labas ng bayan sa laganap na alon ng himig, silang lahat ay sabaysabay na nagsipagsabi: “Mga dakila at kagilagilalas ang Iyong mga gawa: Oh Panginoong Diyos, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang Iyong mga daan, Ikaw na Hari ng mga bansa.”5Apocalipsis 15:3. At sila'y magpapatirapa upang sambahin ang Prinsipe ng buhay.MT 595.3
Parang nawawalan ng lakas at pakiramdan si Satanas sa pagkakita niya sa kaluwalhatian at kadakilaan ni Kristo. Siya, na minsa'y isang kerubing tumatakip, ay nakaalaala sa lugar na buha't doo'y nahulog siya. Isang seraping nagniningning, “anak ng umaga,” . . . kaylaking pagbabago, kaylaking pagkababa! Sa sangguniang noong una'y pinararangalan siya, ay di na siya kasama magpakailan man. Nakikita niya ngayon ang isang nakatayo sa tabi ng Ama, na naglalambong sa Kanyang kaluwalhatian. Nakita niyang inilagay ang putong sa ulo ni Kristo ng isang anghel na mataas at may dakilang pakikiharap, at nalalaman niyang ang mataas na katungkulan ng anghel na iyon ay naging kanya sana. Sa pagtunghay ni Satanas sa kanyang kaharian, at sa bunga ng kanyang pagpapagal, ay wala siyang nakikita kundi ang pagkabigo at kawakasan. Pinapaniwala niya ang karamihan na madali niyang makukuha ang lunsod ng Diyos; datapuwa't nakikilala niyang yao'y karayaan lamang. Muli't muli, sa gitna ng malaking tunggalian ay nagapi siya, at napilitan siyang sumuko. Alam na alam niya ang kapangyarihan at karangalan ng Walang-hanggan.MT 596.1
Ang layunin ng bantog na mapaghimagsik sa mula't mula pa ay ang ariing matuwid ang kanyang sarili at patunayan na ang pamahalaan ng Diyos ay siyang dapat managot sa nangyaring paghihimagsik. At sa ikatutupad ng adnikang ito ay iniuubos niya ang kanyang kapang- yarihan at malaking katalinuhan. Siya ay gumawang buong ayos at buong katalinuhan, at inakbayan siya ng kahanga-hangang pananagumpay; naakay niya ang lubhang karamihang nakipanig sa kanya sa malaking tunggaliang malaong panahong nagpatuloy. Libu-libong taon na may karayaang ipinahayag ng pangulong ito ng paghihimagsik, na katotohanan ang kasinungalingan. Datapuwa't dumating na ang panahon na kailangang tapusin ang himagsikan, at ihayag ang kasaysayan at likas ni Satanas. Sa kahuli-hulihan niyang pagsisikap na alisin si Kristo sa Kanyang luklukan, lipulin ang Kanyang bayan, at sakupin ang lunsod ng Diyos, ang punong-magdaraya ay lubusang nahahayag Nakita ng mga nakisama sa kanya ang ganap na pagkabigo ng kanyang gawain. Namalas ng mga alagad ni Kristo at ng mga tapat na anghel ang buong karayaan ng kanyang mga pakana laban sa pamahalaan ng Diyos. Siya'y kinasusuklaman ng buong sanlibutan.MT 596.2
Nakita ni Satanas na ang kusa niyang paghihimagsik ay hindi nagpaging dapat sa kanya sa langit. Sinanay niya ang kanyang mga kapangyarihan na makipagdigma sa Diyos; ang kalinisan, kapayapaan, at kaayusan ng langit ay magdudulot lamang ng malaking kahirapan sa kanya. Ang mga paratang niya laban sa kahabagan at katuwiran ng Diyos ngayon ay tahimik na. Ang kakutyaang sinikap niyang ibabaw kay Heoba ay lubusang napababaw sa kanyang sarili. Lumuluhod si Satanas, at ipinahahayag niyang matuwid ang hatol ng Panginoon.MT 597.1
Bagaman napilitan si Satanas na kumilala sa katarungan ng Diyos at yumuko sa kataasan ni Kristo, hindi rin nabago ang kanyang likas. Ang diwa ng paghihimagsik, gaya ng isang malakas na agos, ay muling bumulalas. Sa kanyang hibang na kagalitan ay ipinasiya niyang huwag padaig sa malaking pakikilaban. Dumating na ang panahon ng pangwakas na malaking pakikipaglaban sa Hari ng langit. Madali siyang pumagitna sa kanyang mga sakop, at kinilos niya sila ng kanyang sariling poot, at agad pinahahayo sa pakikibaka. Datapuwa't sa di-mabilang na angaw-angaw na nadaya niyang maghimagsik ay wala ni isa mang kumilala sa kanyang pamumuno. Nasa wakas na ang kanyang kapangyarihan.MT 597.2
Ang masasama ay inaalihan ng poot na gaya ng umali kay Satanas, laban sa Diyos; datapuwa't napagkikita nilang walang mararating ang kanilang pagsisikap at talagang hindi sila mananaig kay Heoba. Ang kanilang poot ay nagliyab laban kay Satanas at sa mga ginamit niya sa pagdaraya, at taglay ang galit na tulad ng sa demonyo ay sila ang kanilang hinarap. Ganito ang sabi ng Panginoon: “Ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga . . . Aking inihagis ka sa lupa, Aking inilagay ka sa harap ng mga hari upang kanilang masdan ka . . . sinupok ka at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo. Ikaw ay naging kakila-kilabot at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.”6Ezekiel 28:16-19.MT 598.1
“Sa masama ay magpapaulan Siya ng mga silo; apoy at asupre at nag-aalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.”7Mga Awit 11:6. Ang apoy ay bababang mula sa langit buhat sa Diyos. Ang lupa ay bubuka. Ang mga sandatang natatago sa kanyang mga kalaliman ay lalabas. Namumugnaw na apoy ay sisilakbo sa bawa't bitak. Ang malaking bato ay magliliyab. Dumating na ang araw na magliliyab na gaya ng isang hurno. Ang elemento ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa, pati ng mga gawang nasa lupa ay matutunaw—parang isang maluwang na dagat-dagatang apoy.8Malakias 4:1; 2 Pedro 3:10. Iyan ang araw ng paghatol at pagkapahamak ng mga masamang tao, ang kaarawan ng paghihiganti ng Panginoon, ang taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.”9Isaias 34:8; Mga Kawikaam 11:31.MT 598.2
Tatanggapin ng mga masama ang kanilang kagantihan dito sa lupa.9Isaias 34:8; Mga Kawikaam 11:31. Sila'y “magiging dayami, at ang araw na dumarating ay susunog, sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”10Malakias 4:1. Ang ilan ay namamatay sa isang sandali lamang, samantalang ang iba ay naghihirap ng maraming araw. Bawa't isa'y parurusahan “ayon sa kanyang mga gawa.”3Apocalipsis 20:11, 12. Pagkalipat kay Satanas ng mga kasalanan ng mga matuwid, siya ay pahihirapan hindi lamang dahil sa paghihimagsik niya, kundi dahil sa lahat ng kasalanang ipinapagkasala niya sa mga tao ng Diyos. Ang parusa sa kanya ay malaki ang kahigitan kaysa mga dinaya niya. Pagka namatay na ang lahat ng napahamak dahil sa kanyang mga daya, ay buhay pa rin siya at magbabata pa. Sa mga apoy na maglilinis ay malilipol sa wakas ang mga masasama, ugat at sanga—si Satanas ang ugat, ang mga nagsisunod sa kanya ang mga sanga. Iginawad ang buong kaparusahang hinihingi ng kautusan; ibinigay ang hinihiling ng katarungan; at sa pagkakita ng langit at lupa, ay sasaksi at ipahahayag ang katuwiran ni Heoba.MT 598.3
Ang mapangwasak na gawain ni Satanas ay tapos na magpakailan man. Sa loob ng anim na libong taon ay ginawa niya ang kanyang kalooban, na pinupuno ng kaabaan ang sangkalupaan at pinapagdadalamhati ang buong santinakpan. Ang buong nilalang ay dumaing at naghirap dahil sa pagkakasakit. Ngayo'y ligtas na ang mga nilalang ng Diyos sa pakikiharap at pagtukso ni Satanas magpasa walang-hanggan. “Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y [ang matuwid] biglang nagsiawit.”11Isaias 14:7. At isang sigaw ng pagpupuri at tagumpay ay umiilang-lang mula sa lahat ng mga tapat na sansinukuban. Ang “tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng isang lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog,” ay narinig na nagsabi: “Aleluya; sapagka't naghahari ang Panginoong ating Diyos, na Makapangyarihan sa lahat.”12Apocalipsis 19:6.MT 599.1
Samantalang ang lupa ay nabibilot ng apoy ng kawasakan, ang mga matuwid nama'y panatag sa loob ng banal na lunsod. Doon sa mga nakasama sa unang pagkabuhay na mag-uli, ay walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan. Samantalang ang Diyos ay isang mamumugnaw na apoy sa mga masasama, Siya ay araw at kalasag sa Kanyang bayan.13Apocalipsis 20:6; Mga Awit 84: 11.MT 600.1
“Nakita ko ang isang bagong langit, at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam.”14Apocalipsis 21:1. Ang apoy na pumupugnaw sa masasama ay siyang dumadalisay sa lupa. Ang bawa't bakas ng sumpa ay naparam.MT 600.2
Isang tagapagpaalaala lamang ang naiwan: taglay ng ating Manunubos magpakailan man ang mga bakas ng pagkapako sa Kanya. Sa nasugatan Niyang ulo, sa Kanyang tagiliran, sa Kanyang mga kamay at paa, ay doroon ang mga bakas lamang ng malupit na gawa ng kasalanan. Sinabi ng propeta, nang masdan niya si Kristo sa kanyang kaluwalhatian: “Siya'y may mga sinag sa Kanyang tagiliran at doo'y nakukubli ang Kanyang kapangyarihan.”15Habacuc 3:4, salin ni Smith at Goodspeed. Sa inulos na tagiliran na binukalan ng Kanyang dugo na nagpakasundo sa tao sa Diyos—naroon ang kaluwalhatian ng Tagapagligtas, doon “nakukubli ang Kanyang kapangyarihan.” “Makapangyarihan upang magligtas,” sa pamamagitan ng haing pangtubos kaya't Siya ay malakas upang magsagawa ng kahatulan sa mga humamak sa habag ng Diyos. At ang mga tanda ng Kanyang pagkaalipusta ay siya Niyang pinakamataas na karangalan; sa buong panahong walang katapusan, ang mga sugat na tinamo Niya sa Kalbaryo ay magpapakilala ng Kanyang kapurihan, at magpapahayag ng Kanyang kapangyarihan.MT 600.3
Ang lupang ibinigay sa tao noong una upang maging kaharian niya, na kanyang ipinagkanulo sa mag kamay ni Satanas, at malaong iningatan ng makapangyarihang kaaway, ay isinauli ng dakilang panukala ng pagtubos. Ang lahat na iwinaglit ng kasalanan ay isinauli. “Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon . . . na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon; na Kanyang itinatag, at hindi Niya nilikha na sira, Kanyang inanyuan upang tahanan.”16Isaias 45:18. Ang dating balak ng Diyos sa paglikha Niya sa lupa ay matutupad kung gawin na Niya ito na walang-hanggang tahanan ng mga natubos. “Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.”17Mga Awit 37:29.MT 600.4
Ang pangambang baka mapaging napakamatiryal ang mamanahin sa hinaharap, ay siyang nakaakay sa marami upang gawing espiritual ang mga katotohanang nag-aakay sa atin upang ipalagay nating ito'y ating tahanan. Tiniyak ni Kristo sa Kanyang mga alagad na Siya'y nagpunta roon upang ipaghanda sila ng kalalagyan sa tahanan ng Kanyang Ama. Yaong mga nagsisitanggap sa itinuturo ng salita ng Diyos ay di-lubos na mawawalan ng kaalaman tungkol sa tahanan sa langit. Gayon ma'y “hindi nakita ng mga mata, at ni narinig ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang bagay na inihanda ng Diyos sa kanila na nangagsisiibig sa Kanya.”181 Corinto 2:9. Di-sapat ang pangungusap ng tao upang ilarawan ang ganti sa mga matuwid. Yaon lamang mga makakakita ang maaaring makaalam nito. Walang isipan ng tao ang maaaring makaunawa ng kaluwalhatian ng Paraiso ng Diyos.MT 601.1
Sa Banal na Kasulatan ang mana ng mga maliligtas ay tinatawag na isang lupain.19Hebreo 11:14-16. Doon ay aakayin pastor na taga langit ang kanyang kawan sa mga bukal ng tubig na buhay. Ang punong-kahoy ng buhay ay mamumunga bawa't buwan, at ang mga dahon niyaon ay sa ikabubuti ng mga bansa. Doroon ang mga batis na walang patid ng pagdaloy, kasinglinaw ng salamin, at sa tabi ng mga ito, ang gumagalaw na mga punongkahoy ay lumililim sa mga daang inihanda sa mga tinubos ng Panginoon. Ang maluluwang na kapatagan ay humahangga sa magagandang burol, at itataas ng mga bundok ng Diyos ang matatayog nilang tuktok. Sa tahimik na mga kapatagang iyon, at sa tabi niyaong mga bukal na tubig na buhay, ay makatatagpo ng isang tahanan ang bayan ng Diyos, na malaong naging maglalakbay at maglalagalag.MT 601.2
“Ang bayan Ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan at sa mga tahimik na dako na pahingahan.” “Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta na kaligtasan, at ang iyong mga pintuang bayan na kapurihan.” “Sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. Sila'y hindi magtatayo at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; . . . ang Aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.”20Isaias 32:18; 60:18; 65:21, 22.MT 602.1
Doon “ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya, at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.” “Kahalili ng tinik ay tutubo ang puno ng abeto, at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan.”21Isaias 35:1; 55:13. “Ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; . . . at papatnubayan sila ng munting bata.” “Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa Aking buong banal na bundok,”22Isaias 11:6, 9; 33:24; 62:3; 65:19. sabi ng Panginoon.MT 602.2
Ang sakit ay hindi iiral pa sa langit. Wala na roong pagluha, wala nang paglilibing, wala nang sagisag ng pagdadalamhati. “Hindi na magkakaroon ng kamatayan, hindi na magkakaron pa ng dalamhati o ng pa- nambitan man, . . . ang mga bagay nang una ay naparam na.”23Apocalipsis 21:4. “Ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may-sakit; ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.”22Isaias 11:6, 9; 33:24; 62:3; 65:19.MT 602.3
Naroon ang Bagong Jerusalem, ang pangulong lunsod ng niluwalhating bagong lupa, “putong na kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diyademang hari sa kamay ng iyong Diyos.”22Isaias 11:6, 9; 33:24; 62:3; 65:19. “Ang kanyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong haspe, na malinaw na gaya ng salamin.”24Apocalipsis 21:11, 24, 3. “Ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.” 25Apocalipsis 22:5. Ang wika ng Panginoon, “Ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa Aking bayan.” “Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasa kanila, at magiging Diyos nila.”24Apocalipsis 21:11, 24, 3.MT 603.1
Sa loob ng bayan ng Diyos ay “hindi na magkakaroon ng gabi.” Wala nang nangangailangan o magnanasa ng pamamahinga. Hindi magkakaroon ng kapaguran sa pagganap ng kalooban ng Diyos at sa pag-aalay ng pagpupuri sa kanyang pangalan. Lagi nating mararanasan ang kaginhawahan ng umaga, na hindi mawawakasan kailanman. “At hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Diyos.”25Apocalipsis 22:5. Ang liwanag ng araw ay lalaluan pa ng isang liwanag na hindi naman nakasisilaw, datapuwa't malaki ang kaliwanagan kaysa liwanag ng ating katanghaliang tapat. Ang banal na lunsod ay aapawan ng di-kumukupas na kaluwalhatian ng Diyos at ng Kordero. Ang mga tinubos ay lalakad sa walang araw na kaluwalhatian ng walanghanggang panahon.MT 603.2
“Hindi ako nakakita ng templo roon; sapagka't ang Panginoong Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Kordero, ay siyang templo roon.”26Apocalipsis 21:22. Magkakaroon ng karapatan ang mga tao ng Diyos na makipag-usap ng mukhaan sa Ama at sa Anak. Ngayon pa man ay nababanaagan na natin ang larawan ng Diyos, gaya ng sa isang salamin, sa mga gawa ng katalagahan at sa pagpapasunod Niya sa mga tao; datapuwa't pagka dumating na ang panahong iyon, makikita natin Siya ng mukhaan, na walang makakakubli pa sa pagitan. Tatayo tayo sa Kanyang harapan, at makikita natin ang kaluwalhatian ng Kanyang mukha.MT 604.1
Doon, ang mga natubos ay makakakilala gaya naman ng pagkakilala sa kanila.271 Corinto 13:12. Ang mga pag-ibig at mga pakikiramay na itinanim ng Diyos sa kaluluwa ay makakasumpong doon ng pinakatunay at nakaliligayang pagsasagawa. Ang dalisay na pakikisama ng mga banal, ang maayos na pakikisama ng mga pinagpalang anghel sa mga nangagtapat sa lahat ng kapanahunan, na nangaglaba ng kanilang damit at pinaputi sa dugo ng Kordero, ang banal na pagsambang nakatatali sa buong “sambahayan sa langit at sa lupa,”28Efeso 3:15. ang lahat ng ito'y tumutulong sa pagbubuo ng kaligayahan ng mga natubos.MT 604.2
Doo'y bubulaybulayin ng walang-paglipas na mga pag-iisip na may walang pagkupas na kagalakan ang mga kahanga-hangang kapangyarihan ng paglalang, ang mga hiwaga ng tumutubos na pag-ibig. Wala na roong malupit at marayang kaaway na manunukso pa upang limutin ang Diyos. Ang bawa't bahagi ng isipan ay mapauunlad, ang bawa't kakayahan ay mapalalago. Ang paghahangad ng kaalaman ay di-makapapagod sa pag-iisip ni makapanghihina man sa kalakasan. Ang pinakamalaking pinapanukalang gawain ay maaaring isakatuparan; at mayroon pa ring mga bagong matataas na hangaring aakyatin, mga bagong kataka-takang hahangaan, mga ba- gong katotohanang uunawain, mga bagong bagay na makatatawag sa mga kapangyarihan ng pag-iisip ng kaluluwa at katawan.MT 604.3
Ang buong kayamanan ng santinakpan ay pawang bubuksan upang pag-aralan ng tinubos ng Diyos. Mga dinatatalian ng kamatayan, ay magsisilipad silang walang kapagalan sa ibang malalayong sanlibutan—mga sanlibutang kinilos ng kalungkutan sa pagkakita nila sa kaabaan ng tao, at umalingawngaw sa mga awit ng kagalakan sa pagkabalita sa isang kaluluwang natubos. Taglay and di-mabigkas na kagalakan ang mga anak ng lupa ay makikisama sa kagalakan at kaalaman ng mga nilalang na di-nagkasala. Makikibahagi sila sa mga kayamanan ng kaalaman at pagkaunawang tinamo nila sa nalolooban ng napakaraming panahong pagbubulaybulay ng ginawa ng kamay ng Diyos. Sa pamamagitan ng walang ulap na paningin ay mamamasdan nila ang kaluwalhatian ng nilalang—mga araw at mga bituin at mga kaayusan, ang lahat ay nasa pinaglagyan sa kanila, na pawang nagpapalibut-libot sa luklukan ng Diyos. Sa lahat ng mga ito, buhat sa kaliit-liitan hanggang sa kalaki-lakihan, ang pangalan ng Maylalang ay nasusulat, at sa lahat ng ito'y nakikita ang kasaganaan ng Kanyang kapangyarihan.MT 605.1
At ang mga taon ng walang-hanggang panahon, sa kanilang paglakad ay magdadala ng lalong sagana at lalong maluwalhating mga pahayag ng Diyos at ni Kristo. Sa pagsulong ng kaalaman, ay lalago ang pagibig, ang paggalang at kaligayahan. Habang natututo ang mga tao tungkol sa Diyos, ay lalo namang lumalaki ang kanilang paghanga sa Kanyang likas. Sa pagbubukas ni Jesus sa kanilang harapan ng mga kayamanan ng pagtubus, at ng malalaking pananagumpay sa pakikipagpunyagi kay Satanas, ay lalong mag-aalab sa mga puso ng mga natubos ang pag-ibig at pagtatapat, at taglay ang di-mabigkas na katuwaan, ay kakalabitin nilang la- hat ang kanilang mga alpang ginto; at sampung libong tigsasampung libo at libu-libong tinig ay mangaglalagum sa malaking awitan ng pagpupuri.MT 605.2
“At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi: Sa Kanya na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan man.”29Apocalipsis 5:13.MT 606.1
Natapos ang malaking tunggalian. Wala na ang kasalanan at makasalanan. Malinis na ang buong santinakpan. Iisang tibukin lamang ng pagkakaisa at katuwaan ang naghahari sa buong nilalang. Mula sa Kanya na Maylalang sa lahat, ay dadaloy ang buhay at liwanag at kaligayahan, sa buong kaharian ng walang-hanggang kalawakan. Mula sa kaliit-liitang atomo hanggang sa pinakamalaking sanlibutan, ang lahat ng bagay, may buhay at walang buhay, sa kanilang hayag na kagandahan at sakdal na katuwaan, ay pawang nagpapahayag na ang Diyos ay pag-ibig.MT 606.2