Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 10—Naligalig ang suisa
Sa pamimili ng mga gagamitin upang baguhin ang iglesya, yaon ding banal na panukalang gaya ng nakita noong itatag ang iglesya ang siyang nakita. Hindi pinansin ng Gurong buhat sa langit ang mga dakilang tao sa lupa, ang mga matatalino, at mayayaman, na bihasa sa pagtanggap ng papuri at galang sa pagka mga pangulo ng bayan. Ang mga tanyag na Repormador ay mga lalaking buhat sa mababang uri ng kabuhayan—mga taong kung sa dangal ay walang maipagpapalalo at mga taong ligtas sa kapangyarihan ng pagkapanatiko at lalang ng mga pari. Pinanukala ng Diyos na gumamit ng mga mapagpakumbabang tao sa paggawa ng mga dakilang bagay. Kung magkagayo'y ang kapurihan ay hindi mapapasa mga tao, kundi sa Kanya na gumagawa sa pamamagitan nila, upang gawin at sundin ang kanyang mabuting kalooban.MT 155.1
Makaraan ang ilang linggo pagkatapos maipanganak si Lutero sa isang kubo ng magmimina sa Sahonya, si Ulrico Zuinglio ay ipinanganak naman sa isang dampa ng pastol sa mga kabundukan ng Alpes. Ang mga nasa pinagkalakhan ni Zuinglio nang siya'y musmos pa at ang pagtuturo sa kanya nang siya'y maliit pa, ay siyang sa kanya'y naghanda sa kanyang tungkulin sa mga hinaharap na araw. Palibhasa'y lumaki sa kagandahan, kadakilaan, at karangalan ng kalikasan, ang kanyang pag-iisip sa pagkabata pa lamang ay natamnan na ng pagkakilala sa kadakilaan, sa kapangyarihan, at sa karangalan ng Diyos. Ang mga kasaysayan ng mga mabayaning gawa na nangyari sa mga bundok na kanyang nilakhan, ay nag- pasigla sa kanyang mga mithiin sa kabataan. Napakinggan niya ang mahahalagang kasaysayan ng Biblia na nakuha ng kanyang lola sa mga aklat at sali't salingsabi ng iglesya na sa kanya'y sinasabi. Pinakinggan niyang may malaking pananabik ang mga dakilang gawa ng mga patiarka, at mga propeta, ng mga pastol na nagbabantay ng kanilang mga kawan sa mga burol ng Palestina, na roo'y sinalita sa kanila ng mga anghel, ang tungkol sa pagkapanganak kay Jesus sa Betlehem at pagkapako niya sa Kalbaryo.MT 155.2
Gaya ni Juan Lutero, ay ninasa ng ama ni Zuinglio na matuto ang kanyang anak, at ang bata ay maagang inilayo sa kanyang bayang tinubuan. Malakas ang pagkasulong ng kanyang isip, kaya't hindi naglaon at inalaala nila kung saan kaya sila hahanap ng mga gurong may kayang magturo sa kanya. Sa gulang na labintatlong taon, siya ay napasa Berna na noo'y siyang kinaroroonan ng pinakamagaling na paaralan sa buong Suisa. Subali't dito ay bumangon ang kapanganiban na nagbantang magpahamak sa mabuti niyang kapalaran. Mahigpit na sinikap ng mga prayle na akitin siya sa monasteryo.MT 157.1
Nakita ng mga Dominikano sa Berna na kung makukuha nila ang matalinong batang mag-aaral na ito, ay magtatamo sila ng yaman at karangalan. Ang kanyang kabataan, ang kanyang katutubong kakayahan sa pananalumpati at pagsulat, at ang kanyang katalinuhan sa musika at sa tula, ay magiging lalong mabisa kaysa kanilang gilas, at karangyaan sa pag-akit sa mga tao sa kanilang orden at sa pagpapalaki ng kanilang kinikita.MT 157.2
Sa talaga ng Diyos ay tumanggap ang kanyang arna ng pahiwatig hinggil sa mga panukala ng mga prayle. Nakita niyang nanganganib ang mabuting kapalaran ng kanyang anak kaya pinagbilinan ito na umuwi agad.MT 157.3
Umuwi ang bata; datapuwa't hindi siya masiyahang tumira ng matagal sa libis na kanyang tinubuan, kaya't binalak niya kapagkarakang mag-aral na muli, at pagkaraan ng panahon siya'y nagpunta sa Basilea. Dito narinig ni Zuinglio ang walang-bayad na ebanghelyo ng biyaya ng Diyos. Si Wittemback, isang guro sa mga matatandang wika, samantalang nag-aaral ng Griego at Hebreo, ay naakay sa Banal na Kasulatan at sa gayo'y nagliwanag ang banal na tanglaw sa mga pag-iisip ng kanyang mga tinuturuan. Kanyang ipinahayag na may isang katotohanang lalong una at mahalagang di hamak kaysa paniniwalang itinuturo ng mga guro at mga pilosopo. Ang unang katotohanang ito ay walang iba kundi ang pagkamatay ni Kristo na siyang tanging tubos sa makasalanan. Kay Zuinglio ang mga pangungusap na ito ay tulad sa unang sinag ng liwanag bago magbukang liwayway.MT 157.4
Hindi nalaunan at tinawag si Zuinglio mula sa Basilea, upang pasimulan ang kanyang gawain sa buong buhay. Ang unang dako na kanyang gagawan ay isang kapilya sa Alpes na hindi malayo sa kanyang tinubuan. Pagkatapos na maordenahan siya sa pagkapari ay “itinalaga niya ang buo niyang kaluluwa sa pagsasaliksik ng banal na katotohanan; sapagka't alam na alam niya,” ang sabi ng isa niyang kapanahong repormador, “na lubhang malaki ang dapat maalaman ng pinagkakatiwalaan ni Kristo ng kanyang kawan.”1J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat 8, kab. 5. Habang sinasaliksik niya ang mga Banal na Kasulatan ay lalo namang lumiliwanag sa kanya ang pagkakaiba ng mga katotohanan nito at ng mga erehiya ng Roma. Isinuko niya ang kanyang sarili sa mga Banal na Kasulatan, na siyang salita ng Diyos, tanging sapat at hindi nagkakamaling patakaran. Nakita niyang ang Kasulatan ang dapat inaging tagapagpaliwanag ng Kasulatan. Hindi niya pinangahasang ipaliwanag ang Kasulatan upang patunayan ang isang dating paniniwala o aral, kundi ginawa niyang kanyang tungkulin ang pagaralan kung ano ang tiyak at malinaw na itinuturo nito. Pinagsikapan niyang masamantala ang lahat na sa kan- ya'y makatutulong upang magkaroon ng isang ganap at matuwid na pagkaunawa ng kahulugan nito, at hiningi niya sa Diyos ang tulong ng Banal na Espiritu, na sinabi niyang siyang maghahayag ng kahulugan, sa lahat ng hahanap na may katapatan at panalangin.MT 158.1
“Ang mga Banal na Kasulatan,” ani Zuinglio, “ay mula sa Diyos, hindi sa tao, at ang Diyos ding iyan na nagbibigay liwanag ang siyang sa iyo'y magpapaaninaw ng pangungusap na iyan na mula sa Diyos. Ang salita ng Diyos . . . ay hindi maaaring mabigo; ito'y nagliliwanag, itinuturo nito ang kanyang sarili, inihahayag ang kanyang sarili, tinatanglawan ang kaluluwa, na dala ang buong kaligtasan at biyaya, inaaliw ang kaluluwa tungkol sa Diyos, at itinuturo ang kapakumbabaan, na anupa't tinatanggihan nito tuloy ang kanyang sarili at kumakapit sa Diyos.”2J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat 8, kab. 6. Ang katotohanan ng mga pangungusap na ito ay nasubok ni Zuinglio na rin. Nang kanyang salaysayin ang kanyang karanasan nang panahong ito, ay ganito ang isinulat niya pagkatapos: “Nang . . . italaga kong lubos ang aking sarili sa mga Banal na Kasulatan, ang pilosopiya at ang teolohiya (eskolastika) ay laging nagmumungkahi sa akin ng pagtutol. Sa wakas ay ganito ang aking naisip. ‘Nararapat mong itakwil ang lahat ng kasinungalingang iyan at pag-aralan mo ang ibig sabihin sa iyo ng Diyos sa Kanyang salitang madaling unawain.’ Nang magkagayo'y pinasimulan kong humingi sa Diyos ng Kanyang liwanag at ang Banal na Kasulatan ay naunawa kong madaling-madali.”2J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat 8, kab. 6.MT 159.1
Ang aral na itinuro ni Zuinglio ay hindi niya natutuhan kay Lutero. Yao'y aral ni Kristo. “Kung si Kristo ang ipinangangaral ni Lutero,” ang sabi ng Repormador na Suizong ito, “ay ginagawa niya ang ginagawa ko. Ang mga nailapit niya kay Kristo ay marami kaysa nailapit ko. Nguni't walang anuman iyan sa akin. Hindi ako tatanggap ng ibang pangalan kundi ang kay Kristo, na ako'y Kanyang kawal, at Siya lamang ang aking Pinuno. Ni isa mang salita ay hindi ako sumulat kay Lutero, ni si Lutero man sa akin. At bakit? . . . Upang maipakilala ang lubos na pagkakaisa ng gawa ng Espiritu ng Diyos, yamang kapuwa kami nagtuturo ng aral ni Kristo na may malaking kaisahan, na walang anumang pagkakasalungatan.”3J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 9.MT 159.2
Nang taong 1516 ay inanyayahan si Zuinglio na maging mangangaral sa kombento ng Einsiedeln. Dito lalong mahahayag sa kanya ang mga kasamaan ng Roma, at magkakaroon siya ng impluensya sa pagkarepormador na aabot sa malayong pook hanggang sa kabila ng Alpes na kanyang tinubuan. Isa sa mga panghalina ng Einsiedeln ay ang larawan ng Birhen na sinasabing may kapangyarihang gumawa ng mga kababalaghan. Sa itaas ng pinto ng kombento ay may ganitong titik: “Dito matatamo ang ganap na kapatawaran ng mga kasalanan.”4J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 5. Ang mga manglalakbay ay nagsisipunta sa lahat ng panahon sa dambanang ito ng Birhen, nguni't dinadayo ito ng mga taong nanggagaling sa lahat ng sulok ng Suisa at maging sa Pransya at Alemanya sa malaking taunang pista ng pagtatalaga rito. Ito ay ikinabaklang mainam ni Zuinglio, kaya't sinamantala niya ang pagkakataong ito upang ipahayag sa mga naaliping yaon ng pamahiin ang kalayaang ibinibigay ng ebanghelyo.MT 160.1
At kanyang sinabi: “Huwag ninyong akalaing ang Diyos ay nasa templong ito na higit sa ibang bahagi ng kanyang nilalang. Ano man ang bayang inyong tinitirahan, ang Diyos ay malapit sa inyo, at dinirinig kayo . . . . Ang mga walang kabuluhang gawa, ang malalayong paglalakbay, ang mga paghahandog, ang mga larawan, ang pananalangin sa Birhen o sa mga santo ay makapagdudulot baga sa inyo ng biyaya ng Diyos? . . . Ano ang magagawa ng maraming salitang bumubuo sa ating mga panala- ngin? Ano ang bisa ng magandang kaputsa ng prayle, ng makinis na ahit ng ulo, ng mahaba at malaylay na abito o ng tsinelas na nabuburdahan ng ginto?. . . . Ang Diyos ay tumitingin sa puso, at ang ating mga puso ay malayo sa Kanya.” “Si Kristo,” anya, “na inihandog na minsan sa krus, ay siyang hain at alay, na tumutubos sa mga kasalanan ng mga nananampalataya sa buong panahong walang-hanggan.”4J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 5.MT 160.2
Hindi minagaling ng maraming nangakinig ang mga aral na ito. Sa ganang kanila ay isang mapait na pagkabigo ang sila'y pagsabihan na ang mahirap nilang paglalakbay ay walang kabuluhan. Ang kapatawarang walang bayad na iniaalay sa kanila sa pamamagtian ni Kristo ay hindi maabot ng kanilang pag-iisip. Nangasiyahan na sila sa dating daang patungo sa langit, na iginuhit ng Roma para sa kanila. Inurungan nila ang mahirap na paghanap ng lalong mabuti. Lalong madali sa kanila ang ipagkatiwala sa mga pari at sa mga papa ang kanilang kaligtasan kaysa hanapin ang ikalilinis ng puso.MT 161.1
Datapuwa't may mga ibang magalak na nagsitanggap sa mga balita ng katubusan sa pamamagitan ni Kristo. Ang mga pamamalakad na ipinag-utos ng Roma ay hindi nakapagdala ng kapayapaan sa kanilang kaluluwa, at sa pananampalataya ay tinanggap nila ang dugo ni Kristo na pinakapangpalubag-loob. Sila'y nagsiuwi upang ihayag sa mga iba ang mahalagang katotohanan na kanilang tinanggap.MT 161.2
Sa ganitong kaparaana'y nadala ang katotohanan sa isang nayon hanggang sa kabila, sa isang bayan hanggang sa sumunod, at ang bilang ng mga dumadayo ng pagsamba sa Birhen ay dumalang ng malaki. Nagkulang ang mga abuloy, at bunga nito'y nagkulang pati ang sahod ni Zuinglio, na kinukuha roon. Datapuwa't katuwaan lamang ang naidulot nito sa kanya, sa pagkakita niyang nababali ang kapangyarihan ng pagkapanatiko at pamahiin.MT 161.3
Ang mga ginagawa ni Zuinglio ay di-lingid sa mata ng mga pinuno ng iglesya nguni't sa kasalukuyan ay nagpaumanhin sila't hindi nakikialam. Palibhasa'y may pag-asa pa rin sila na makakabig siya sa kanilang panig, sinikap nilang makuha siya sa pamamagitan ng pagpuri; samantala nama'y natatanim ang katotohanan sa puso ng mga tao.MT 162.1
Ang mga paggawa ni Zuinglio sa Einsiedeln ay siyang sa kanya'y naghanda sa lalong malawak na bukiran, at ito ay malapit na niyang pasukan. Pagkatapos ng tatlong taon dito ay tinawag siyang maging mangangaral sa katedral sa Zurich. Ito, noong mga panahong yaon, ay siyang pinakatampok na bayan sa lahat ng lalawigan ng Suisa, at ang magagawa niya rito ay madarama hanggang sa malalayong pook. Ang mga paring nag-anyaya sa kanya na pumaroon sa Zurich ay nagnasang siya ay pigilin sa pagtuturo ng anumang bagong bagay, at dahil dito'y nagpatuloy sila na itinuro sa kanya kung ano ang kanyang mga tungkulin.MT 162.2
Pagkatapos na maipahayag ang kanyang pagpapasalamat sa karangalan na matawag sa ganitong mahalagang tungkulin, ay sinimulan niyang ipaliwanag ang paraang binalak niyang sundin. “Ang buhay ni Kristo,” anya “ay malaon nang nakukubli sa mga tao. Ako'y mangangaral buhat sa buong ebanghelyo ni San Mateo, . . . hahanguin ko sa mga bukal ng Kasulatan lamang, tatarukin ang kanyang kalaliman, ipaparis ang isang talata sa iba, at hahanap ng kaunawaan sa pamamagitan ng palagi at maningas na panalangin. Sa ikaluluwalhati ng Diyos, sa ikapupuri ng Kanyang bugtong na Anak, sa tunay na ikaliligtas ng mga kaluluwa, at sa kanilang ikatitibay sa tunay na pananampalataya, ay itatalaga ko ang aking pangangasiwa.”5J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 6.MT 162.3
Bagaman hindi sinang-ayunan ng ilang pari ang balak ni Zuinglio at sinikap na pigilin siya, ay nanatili rin siya sa kanyang adhika. Ipinahayag niyang hindi bagong paraan ang kanyang ipapasok, kundi ang dati na ring paraang ginamit ng iglesya nang mga una at malinis na kapanahunan.MT 162.4
Noon pa ma'y nagkaroon na ng interes ang mga tao sa katotohanang itinuro niya; at sila'y nagdagsaan upang makinig sa kanyang pangangaral. Marami ang matagal na hindi nakikipagpulong ang nagsisipakinig sa kanya. Sinimulan niya ang kanyang pangangasiwa sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga ebanghelyo, at pagbasa at pagpapaliwanag sa mga nangakikinig ng tungkol sa naging kabuhayan, sa mga pangangaral, at sa pagkamatay ni Kristo. Dito, gaya rin nang sa Einsiedeln, ay ipinakilala niya na ang salita ng Diyos ang patibayan na hindi nagkakamali at gayon din ang kamatayan ni Kristo ay siyang tanging ganap na hain. “Kay Kristo,” anya, “ibig kong akayin kayo—kay Kristo na siyang tunay na bukal ng kaligtasan.”5J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 6. Nagkatipon sa palibot ng mangangaral na ito ang lahat ng uri ng tao, buhat sa mga estadista at paham hanggang sa mga karaniwang manggagawa at mga taga bukid. Pinakinggan nila ang kanyang mga pangungusap na taglay ang malaking pananabik. Hindi lamang ipinangaral niya ang alay na kaligtasang walang-bayad, kundi walang gulat din namang sinansala niya ang mga kasamaang noon ay lipana. Marami ang nagsiuwi pagkapanggaling sa katedral na niluluwalhati ang Diyos. “Ang taong ito,” ang wika nila “ay nangangaral ng katotohanan. Siya ang magiging Moises natin, na sa atin ay maglalabas sa kadiliman ng Ehipto.”5J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 6.MT 163.1
Nguni't bagaman sa pasimula ay tinanggap ng mga tao na may malaking kasiglahan ang kanyang itinuturo, pagkatapos ng ilang panahon ay bumangon ang pagsalansang. Pinangatawanan ng mga monghe na pigilin ang kanyang paggawa at ipahayag na mali ang mga ini- aral niya. Siya'y tinuligsa ng marami sa pamamagitan ng kutya at pagtuya; ang mga iba nama'y nagmalabis sa pagsasalita sa kanya at binabalaan siya. Datapuwa't binata ni Zuinglio ang lahat ng ito, na sinabi: “Kung ibig nating mailapit kay Kristo ang mga masama ay kailangang ipikit natin ang ating mga mata sa maraming bagay.”5J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 6.MT 163.2
Sa Suisa, ang pagbibili ng mga indulhensya ay ipinagkatiwala sa kamay ng mga Pransiskano, sa pangangasiwa ni Samson, isang mongheng Italyano. Si Samson ay nakagawa na ng matapat na paglilingkod sa iglesya, nakalikom sa Alemanya at sa Suisa ng limpak-limpak na salapi, upang mapuno ang kabang-yaman ng papa. Ngayo'y tinahak niya ang Suisa na umakit sa maraming tao, hinuhuthot ang kaunting kita ng mga dukhang tagabukid, at pinipilit ang mayayaman na magbigay ng malaki. Datapuwa't ang impluensya ng Reporma ay halatang-halatang pumuputol sa kalakal na indulhensya, bagaman hindi pinatitigil nang tuluyan. Si Zuinglio ay hindi pa umaalis sa Einsiedeln, nang si Samson, kapagkarakang pumasok sa Suisa, ay dumating na dala-dala ang kanyang kalakal sa isang kalapit-bayan. Sapagka't tumanggap ng pahiwatig si Zuinglio tungkol sa gawain ni Samson, humanda siya sa pagsagupa sa kanya. Ang dalawa ay hindi nagkatagpo, datapuwa't gayon na lamang ang pananagumpay ni Zuinglio sa paglalantad ng mga pamamarali ng prayleng ito, na anupa't siya'y napilitang umalis upang lumipat sa ibang bayan.MT 164.1
Sa Zurich ay buong tapang na nangaral si Zuinglio laban sa mga nagsisipangalakal ng kapatawaran, at nang pumasok na si Samson sa bayan ay sinalubong siya ng isang sugo ng mga may kapangyarihan na nagsabing mabuti ang siya'y magtuloy nang lumampas. Sa pamamagitan ng lalang ay nakakuha rin si Samson ng pahintulot na makapasok datapuwa't pinalayas din siyang hindi nakapagbili ng kahi't isang kapatawaran at hindi naluwatan, pagkatapos, ay umalis siya sa Suisa.MT 164.2
Isang malakas na pagsulong ang tinamo ng Reporma ng lumitaw ang salot na tinatawag na “malaking pagkakamatay,” na lumaganap sa buong Suisa nang taong 1519. Nang ang mga tao'y mapaharap ng mukhaan sa salot, marami ang nangakakilala na talagang walang kabuluhan ang mga indulhensya na kanilang binili, at kinasabikan nila ang lalong matatag na patibayan ng kanilang pananampalataya. Sa Zurich ay dinapuan ng sakit si Zuinglio at gayon na lamang ang pagkaratay niya sa higaan, anupa't hindi inasahang mabubuhay pa siya, at kumalat ang balitang siya'y namatay na. Sa mapansubok na sandaling yaon ang kanyang pag-asa at tapang ay hindi natinag. Sa pananampalataya ay tumitig siya sa krus ng Kalbaryo na nagtitiwala sa ganap na pangpalubagloob sa kasalanan. Pagkapanggaling niya sa mga pinto ng kamatayan ay ipinangaral niya ang ebanghelyo ng lalong makapangyarihan kaysa noong una; at ang kanyang mga pangungusap ay nagkaroon ng di-pangkaraniwang kapangyarihan. Ikinalugod ng bayan na tanggapin ang kanilang iniibig na pastor, na nabingit sa labi ng hukay. Sila man ay nanggaling din sa pag-aalaga ng mga maysakit at naghihingalo, at nadama nila, higit kailan man, ang kahalagahan ng ebanghelyo.MT 165.1
Si Zuinglio ay nagkaroon ng lalong malinaw na pagkakilala sa mga katotohanan ng ebanghelyo, at naranasan niya ang kapangyarihan nito na bumago ng kabuhayan. Ang pagkakasala ng tao at ang panukala ng pagtubos ay siyang mga suliraning tinalakay niya. “Kay Adan,” ang kanyang sinabi, “tayong lahat ay nangamatay, nalubog sa kasamaan at kahatulan.”6J. A: Wylie, History of Protestantism, aklat 8, kab. 9. “Tayo ay binili . . . ni Kristo . . . ng isang katubusan na hindi lilipas magpakailan man. . . . Ang kanyang paghihirap ay . . . isang walang-hanggang hain, at kailan ma'y mabisang magpagaling; binibigyan nitong kasiyahan ang katarungan ng Diyos magpakailan man alang-alang doon sa nagtitiwala na may matibay at di-natitinag na pananampalataya.” Gayonma'y napakalinaw niyang itinuro na hindi dahil sa biyaya ni Kristo, ang mga tao'y malaya nang makapagpatuloy sa pagkakasala. “Saan man mayroong pananampalataya sa Diyos, ay naroroon ang Diyos; at saan man tumitira ang Diyos, ay nananahan doon ang isang kasiglahan na nag-uudyok at pumipilit sa mga tao na gumawa ng mabuti.”7J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 9.MT 165.2
Hakbang-hakbang ang pagsulong ng Reporma sa Zurich. Dahil sa pangamba ng mga kaaway, ito'y mahigpit nilang nilabanan. Nang taong sinundan, ang isang monghe sa Wittenberg ay bumigkas ng sagot na “Hindi” sa papa at sa emperador, at ang nangyayari ngayon sa Zurich ay waring nagpapakilala ng gayon ding pagsalansang sa mga ipinasusunod ng papa. Sunudsunod na mga pagsalakay ang ginawa kay Zuinglio. Sa pana-panahon, ang mga alagad ng ebanghelyo sa mga distrito ng papa, ay sinunog; datapuwa't hindi pa iyon naging sapat; ang nagtuturo ng erehiya ay nararapat ding patahimikin. Dahil dito ang obispo sa Konstansa ay nagsugo ng tatlong kinatawan sa konsilyo sa Zurich at pinararatangan si Zuinglio na nagtuturo sa bayan na lumabag sa mga batas ng iglesya, at sa gayo'y inilalagay niya sa panganib ang kapayapaan at katiwasayan ng lipunan. Kung wawaling kabuluhan ang kapangyarihan ng iglesya, ang paliwanag niya, ay magbubunga ito ng laganap na kaguluhan. Tumugon si Zuinglio na apat na taon na siyang nagtuturo sa Zurich ng ebanghelyo, at “ang bayang ito ay lalong tahimik at payapa kaysa alin mang ibang bayan sa lahat ng lalawigan ng Suisa.” “Kung gayon,” ang dugtong pa niya, “hindi baga ang Kristiyanismo ay isang pinakamabuting taga-pagingat ng kapanatagan ng lahat?”8J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat 8, kab. 11.MT 166.1
Ang mga sinugo ng obispo ay nagbigay-payo sa mag kagawad ng konsilyo na sila'y manatili sa loob ng iglesya, sapagka't sa labas ang wika nila ay walang kaligtasan. Tumugon si Zuinglio: “Huwag kayong matigatig sa paratang na ito. Ang pinagtitibayan ng iglesya ay iyon ding Bato, iyon ding Kristo, na nagbigay kay Pedro ng kanyang pangalan, sapagka't ipinahayag Niya siya na may pananampalataya. Sa bawa't bansa, ang sinumang mananampalataya ng buong puso sa Panginoong Jesus ay tinatanggap ng Diyos. Ito ang tunay na iglesya, at sa labas nito ay wala ni isa mang maliligtas.”9J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 8, kab. 11. (Limbag sa Londres.) At bunga ng panayam, ay isa sa mga sinugo ng obispo ang tumanggap ng bagong pananampalataya.MT 166.2
Ang konsilyong yaon ay tumangging gumawa ng anuman laban kay Zuinglio, kaya naghanda ang Roma upang gumawa ng panibagong pagsalakay. Nang pahiwatigan ang Repormador ng tungkol sa masamang balak ng kanyang mga kaaway, ay ganito ang kanyang sinabi: “Bayaan ninyo silang pumarito; ang takot ko sa kanila ay gaya ng takot ng malaking bato sa mga along humahampas sa paanan niya.”9J. H. Merle D ’Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth century, aklat 8, kab. 11. (Limbag sa Londres) Ang mga pagsisikap ng mga tauhan ng iglesya ay siyang nakapagpalaganap na lalo ng gawaing pinagpipilitan nilang iwasak. Nagpatuloy ang pagkalat ng katotohanan. Sa Alemanya ang mga nananalig sa katotohanan na nanganglulupaypay dahil sa pagkawala ni Lutero, ay nagpanibagong sigla nang makita nila ang pagsulong ng ebanghelyo sa Suisa.MT 167.1
Sa pagkatatag ng Reporma sa Zurich, ang mga ibinunga nito ay lalong nahayag sa pagkapigil sa bisyo, at sa pagkasulong ng kaayusan at pagkakaisa. “Ang kapayapaan ay nananatili sa aming nayon,” isinulat ni Zuinglio, “walang alitan, walang pagkukunwari, walang inggitan, walang pagtatalo. Saan pa magmumula ang ganitong kaisahan kundi sa Diyos, at sa aming aral na siyang pumupuno sa amin ng mga bunga ng kapayapaan at kabanalan?”10J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat. 8, kab. 15.MT 167.2
Ang mga tagumpay na tinamo ng Reporma ang nakabahala sa mga Romanistang magpasiya ng lalong mahigpit upang ito'y maigupo. Sa pagkakita nilang napakaliit ang ibinunga ng pag-uusig sa nagawa ni Lutero sa Alemanya, ay pinagkaisahan nilang labanan ang gawaing Reporma at gamitin ang sariling sandata rin nito. Makikipagtalo sila kay Zuinglio at siya ang pipili ng pook na paglalabanan at ng mga hukom na hahatol sa maglalabanan, sa ganito'y walang salang kanila ang tagumpay. At minsang naipailalim nila si Zuinglio sa kanilang kapangyarihan, ay pag-iingatan nilang huwag na siyang makawala pa. Kapag napatahimik na nila ang pangulo, ang kilusang pinangunguluhan ay madali nang mawawasak. Gayon pa man ang panukalang ito ay pinakaingat-ingatan nilang huwag maalaman ninuman.MT 168.1
Kanilang itinakda na ang pagtatalo ay ganapin sa Baden; nguni't wala roon si Zuinglio. Ang konsilyo sa Zurich, sa paghihinala sa mga balak ng mga Katoliko Romano, at sa pagkatakot sa mga nagliliyab na bunton ng kahoy sa mga pook na makapapa na inihanda sa mga sumusunod sa ebanghelyo, ay nagbawal sa kanilang pastor na ilantad nito ang kanyang sarili sa kapahamakan. Sa Zurich ay handa siyang makipagtalo sa kaninumang isusugo ng Roma; datapuwa't kung tumungo siya sa Baden, na hindi pa nalalaunan na naging larangan na dinaluyan ng dugo ng mga bayaning Kristiyano alangalang sa katotohanan, ay para na siyang yumaon sa tiyak na kamatayan.MT 168.2
Si Ecolampadio at si Haller ay nahirang na kumatawan sa mga Repormador, samantalang ang bantog na Doktor Eck, na tinangkilik ng mga pantas at mga pari, ay siya namang tagapagtanggol ng Roma.MT 168.3
Bagaman si Zuinglio ay hindi kaharap sa panayam na yaon, nadama rin naman doon ang kanyang impluensya. Ang isang nag-aaral na dumadalo sa konsilyo ay gu- mawa gabi-gabi ng isang ulat ng lahat ng katuwirang kanilang inilahad. Ang mga papel na ito ay inihahatid ng iba pang dalawang mag-aaral, kasama ang mga sulat ni Ecolampadio araw-araw kay Zuinglio sa Zurich. Ang Repormador naman ay tumutugon at ibinibigay ang kanyang mga payo at mungkahi. Ang kanyang mga liham ay sa gabi niya sinusulat, at sa umaga naman ay dinadala ng mga nagsisipag-aral sa Baden.MT 168.4
Sa ganitong paraan nakipaglaban si Zuinglio sa kanyang mga mapaglalang na katunggali. “Lalong malaki ang kanyang nagawa,” ang wika ni Miconio, “sa pamamagitan ng kanyang mga pagbubulay-bulay, ng kanyang pagpupuyat at ng payo na ipinadala niya sa Baden, kaysa magagawa niya kung makikipagtalo siya ng harapan sa gitna ng kanyang mga kaaway.”11J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 11, kab. 13.MT 169.1
Ang mga kinatawan ng papa na masigla sa pag-asang mananagumpay, ay dumating sa Baden, na nararamtan ng kanilang pinakamahal na damit at kumikinang sa mga hiyas. Sagana ang kanilang pagkain, at ang kanilang mga.dulang na kainan ay nahahainan ng pinakamahal na pagkain at pinakapiling mga alak.MT 169.2
Sa kabila nito'y iba naman ang katayuan ng mga Repormador, na hindi nagtatagal sa dulang sa kakauntian ng kanilang pagkain.MT 169.3
Sa paminsan-minsang pagtingin ng may-ari ng tinutuluyang bahay ni Ecolampadio, ay nasumpungan niya na siya'y lagi nang nag-aaral at nananalangin, at sa kanyang malaking paghanga, ay sinabi na ang erehe ay “napakabanal” pala naman.MT 169.4
Sa komperensya “si Eck ay may-kapalaluang pumanhik sa isang pulpito na nararamtan ng mahal na damit, samantalang ang mapagpakumbabang si Ecolampadio na nakasuot ng pangkaraniwang damit, ay napilitang naupo sa harap ng kanyang kaaway sa isang bangkong maliit at masama ang yari.”11J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 11, kab. 13. Ang napakalakas na tinig at lubos na kapanatagan kailan ma'y hindi nawawala kay Eck. Ang kasigasigan niya ay pinagpag-alab ng pag-asa sa salapi at sa karangalan; sapagka't ang nagtatanggol ng pananampalataya ay gagantihin ng mainam na kabayaran. Kapag wala na siyang mabuting matuwid ay gumagamit siya ng mga kutya at mga paghamak.MT 169.5
Si Ecolampadio, na mahinhin at hindi marunong magtiwala sa sarili, ay umurong sa gayong pakikilaban, at ito'y kanyang pinasok sa pamamagitan ng mataimtim na pahayag, “wala akong kinikilalang ibang pamantayan ng paghatol maliban sa salita ng Diyos.”11J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 11, kab. 13. Bagaman siya'y mahinhin at magalang sa pagkilos, ay nagpakilala siyang may kaya at walang gulat.MT 170.1
Samantalang ang mga Romanista, alinsunod sa kanilang kinagawian, ay nanghahawak sa mga ugali ng iglesya, ang Repormador naman ay mahigpit na nanghawak sa Banal na Kasulatan. “Ang ugali” ang wika niya, “ay walang lakas sa ating bayang Suisa, malibang iya'y kaayon ng saligang batas; ngayon, sa mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya, ang Biblia ay siya nating saligang-batas.”11J. H. Merle D'Aubigne, History of the Reformation in the Sixteenth Century, aklat 11, kab. 13.MT 170.2
Ang pagkakaiba ng dalawang nagtatalo ay di-nawalang bisa. Ang payapa at malinaw na pangangatuwiran ng Repormador, na totoong maamo at napakahinahong inihanay ay kumilos sa pag-iisip na nagkaroon ng pagkamuhi sa palalo at maingay na pala-palagay ni Eck.MT 170.3
Ang pagtatalo ay labing-walong araw na nagtagal. Sa wakas ay buong pagtitiwalang inangkin ng pangkating makapapa ang tagumpay. Ang karamihan sa mga kinatawan ay kumampi sa Roma, at ipinahayag ng konsilyo na nadaig ang mga Repormador, at sila, pati ng kanilang pinunong si Zuinglio ay itiniwalag na sa iglesya. Datapuwa't ang mga ibinunga ng panayam na yaon ay nagpakilala na kung aling panig ang nakalalamang.MT 170.4
Ang pagtutunggali ay nauwi sa isang malakas na pag- sulong ng gawain ng Protestante, at hindi nagtagal pagkatapos nito, ang mahahalagang lunsod ng Berna at Basilea ay nagpahayag ng kanilang pagkatig sa Reporma.MT 170.5