Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
Pagka binawi na ng tinig ng Diyos ang pagkabihag ng Kanyang bayan, ay magkakaroon ng kakila-kilabot na pagkagising ang mga nawalan ng lahat ng bagay sa malaking pakikipaglaban sa kabuhayan. Noong may panahon pang sila'y makapagsisisi ay binulag sila ng mga daya ni Satanas at inari nilang matuwid ang ginagawa nilang pagkakasala. Ipinagmalaki ng mayayaman ang kanilang kataasan sa mga lalong kulang palad; nguni't tinamo nila ang mga kayamanan sa pamamagitan ng paglabag nila sa kautusan ng Diyos. Hindi nila pinakain ang nangagugutom at hindi pinaramtan ang mga walang damit; hindi rin sila nakitungong matuwid at umibig sa kahabagan. Sinikap nilang itampok ang kanilang sarili, at kunin ang paggalang ng kanilang mga kapuwa. Ngayo'y hinubad sa kanila ang lahat ng sa kanila'y nagpadakila, at iniwan silang salat at walang sanggalang. Tiningnan nilang may malaking takot ang pagkasira ng mga diyus-diyusang minahal nila ng higit kaysa Lumalang sa kanila. Ipinagbili nila ang kanilang mga kaluluwa sa mga kayamanan at katuwaan sa lupa, at hindi nila hinanap ang maging mayaman sa Diyos. Ang naging bunga'y, ang pagkabigo ng kanilang mga kabuhayan, ang kanilang kaligayahan ay pumait, at ang kanilang mga kayamanan ay nangasira. Ang naimpok nila sa buong panahon ng kanilang buhay ay nangaparam sa isang sandali. Tinangisan ng mayayaman ang pagkasira ng kanilang malalaking bahay, at ang pananambulat ng kanilang ginto at pilak. Datapuwa't ang kanilang pananaghoy ay pinatahimik ng pangamba na pati sila ay mamamatay na kasama ng kanilang mga dinidiyos.MT 575.1
Sinisisi ng mga masasama ang kanila na ring sarili, hindi sapagka't kinaligtaan nila ang Diyos at ang kanilang kapuwa, kundi sapagka't ang Diyos ang nagtagumpay. Napipighati sila dahil sa naging bunga; nguni't hindi nila pinagsisisihan ang kanilang kasamaan. Kung magagawa lamang nila'y susubukin nilang gawin ang lahat ng bagay upang sila ang makapanagumpay.MT 577.1
Makikita ng sanlibutan ang mga taong kanilang kinutya at inuyam, na di-sinasagid ng salot, bagyo, at lindol, at nais sana nilang lipulin. Siya na pumupugnaw na apoy sa mga mananalansang ng Kanyan,g kautusan, ay isang mapanatag na kulandong sa Kanyang bayan.MT 577.2
Nababatid ngayon ng ministrong tumanggi sa katotohanan sa pagnanasang magkamit ng papuri ng mga tao, ang likas at impluensya ng kanyang mga aral. Maliwanag na ang mata noong marunong sa lahat ay sumusunod sa kanya sa pagtayo niya sa pulpito, sa paglakad niya sa rnga lansangan, at sa pakikisalamuha niya sa mga tao sa iba't ibang anyo ng buhay. Ang bawa't damdamin ng kaluluwa, ang bawa't hanay na nasulat, ang bawa't pangungusap na binigkas, ang bawa't kilos na nakaakay sa mga tao na magtiwala sa isang kublihang kasinungalingan, ay nakapaghasik ng binhi; at ngayon sa aba't waglit na mga kaluluwang nangasa palibot niya ay nakikita niya ang aanihin.MT 577.3
Ang wika ng Panginoon: “Kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng Aking bayan, na sinasabi: Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.” “Sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid na hindi Ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kanyang masamang lakad, at maligtas na buhay.”1Jeremias 8:11; Ezekiel 13:22.MT 577.4
“Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at na- ngagpapangalat sa mga tupa sa Aking pastulan! . . . Narito dadalawin Ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawain.” “Kayo'y magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating . . . at ang mga pastor ay walang daang tatakasan o tatananan man ang pinakamainam sa kawan.”2Jeremias 23:1, 2; 25:34, 35.MT 577.5
Makikita ng mga ministro at ng mga tao na hindi matuwid ang kanilang pakikiugnay sa Diyos; makikita nila na nangaghimagsik sila sa May-gawa ng lahat ng matuwid at banal na kautusan. Ang pagtatabi nila sa mga banal na utos ay nagbangon ng libu-libong supling na kasamaan, pagkakasalungatan, poot, katampalasanan, hanggang sa ang lupa ay maging isang malaking larangan ng labanan, at isang lupang tigmak ng kasamaan. Ito ang tanawing nahahayag ngayon sa mga nagsitanggi sa katotohanan at pinili pang mahalin ang kamalian.MT 578.1
Walang pangungusap ang makapaglalarawan ng pananabik na dinaramdam ng mga masuwayin at di-tapat sa iwinala nila magpakailan man—ang buhay na walanghanggan. Nakikita ng mga taong sinamba ng sanlibutan, dahil sa kanilang mga talento at mabuting pananalita, ang mga bagay na ito sa kanilang tunay na kalagayan. Nababatid nila ang kanilang iwinala dahil sa pagsuway, at nangalugmok sila sa paanan nila na ang pagtatapat ay kanilang hinamak at inuyam, at kanilang inamin na ang mga tapat na ito'y iniibig ng Diyos.MT 578.2
“Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa; Siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay Kanyang ibibigay sila sa tabak.”3Jeremias 25:31. Anim na libong taon nang nagpapatuloy ang tunggalian; ang Anak ng Diyos at ang Kanyang mga sugong tagalangit ay nakikipaglaban sa diyablo, upang babalaan, liwanagan, at iligtas ang anak ng mga tao. Ngayo'y nakapagpasiya na ang lahat; ang masasama ay lubos na nakipanig kay Satanas sa kanyang pagbaka sa Diyos. Dumating na ang panahon upang ibunyi ng Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang kautusan na niyurakan ng mga tao. Ngayon ang pakikipaglaban ay hindi kay Satanas lamang kundi pati sa mga tao. “Ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa;” “tungkol sa masasama ay Kanyang ibibigay sila sa tabak.”3Jeremias 25:31.MT 578.3
Ang tanda ng pagkaligtas ay mababakas doon sa “mga tumatangis at sumisigaw dahil sa lahat ng mga karumaldumal na ginagawa sa lupain.”4Ezekiel 9:1-6. Lalabas ngayon ang anghel ng kamatayan, na sa pangitain ni Ezekiel ay kinakatawanan ng mga lalaking may dalang sandatang pamatay, na pinagsabihang: “Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata, at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinumang lalaki na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuaryo.”4Ezekiel 9:1-6. Ang sabi ng propeta: “Kanilang pinasimulan sa mga matandang lalaki na nangasa harap ng bahay.”4Ezekiel 9:1-6. Ang gawang paglipol ay pasisimulan sa gitna niyaong nangagpapanggap na mga tagapagbantay ng mga tao sa mga bagay na ukol sa espiritu. Ang mga bulaang bantay ay siyang kaunaunahang ipapahamak. Walang kahahabagan ni kaliligtaan man. Ang mga lalaki, babae, dalaga, at maliliit na bata ay mangalilipol na magkakasama.MT 579.1
“Ang Panginoon ay lumalabas mula sa Kanyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kanyang dugo, at hindi na tatakpan ang kanyang nangapatay.”5Isaias 26:21. “At ito ang «alot na ipananalot ng Panginoon sa lahat ng bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matunu- naw sa kanilang bibig. At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kanyang kapuwa at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kanyang kapuwa.”6Zacharias 14:12, 13. Sa walang taros na paglalabanan ng kanilang sariling bagsik ng damdamin at ng kakila-kilabot na pagbubuhos ng walang halong kagalitan ng Diyos, ay mangatitimbuwang ang mga naninirahan sa lupa—ang mga saserdote, ang mga pinuno, at ang mga tao, mayayaman at mga dukha, matataas at mabababa. “At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man.”7Jeremias 25:33.MT 579.2
Sa pagparito ni Kristo ay mangalilipol ang mga makasalanan sa balat ng buong lupa—mapupugnaw sa espiritu ng Kanyang bibig, at mangapapahamak sa kaningningan ng Kanyang kaluwalhatian. Ipagsasama ni Kristo ang Kanyang bayan sa lunsod ng Diyos, at ang lupa ay mawawalan ng tao. “Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ng tao ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.” “Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman.” “Sapagka't kanilang sinalansang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang-hanggang tipan kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin: kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog.”8Isaias 24:1, 3, 5, 6.MT 580.1
Ang buong lupa ay katulad ng isang mapanglaw na ilang. Ang kagibaan ng mga bayan at mga nayon na iginuho ng lindol, ang nangabunot na punong kahoy, ang putol na mga bato na inihagis ng dagat o nangatungkab na rin sa lupa, ay nagkalat sa ibabaw nito, samantalang ang malalaking yungib ay nagpapakilala naman ng pagka- tuklab ng mga bundok sa kanilang mga pinagtitibayan.MT 580.2
Natutupad na ngayon ang pangyayaring inilarawan sa huling gawain sa kaarawan ng pagtubos. Pagka natapos na sa santuaryo ang pangangasiwa sa kabanal-banalang dako, at naalis na sa santuaryo ang mga kasalanan ng Israel sa pamamagitan ng dugo ng handog na patungkol sa kasalanan, kung magkagayo'y dadalhing buhay sa harap ng Panginoon ang kambing na pawawalan; at sa paningin ng buong kapulungan ay ipahahayag ng punong saserdote sa ulo niyaon “ang lahat ng mga kasamaan ng anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalansang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing.”9Levitico 16:21. Sa gayon din namang paraan, kapag natapos na sa santuaryo sa langit ang gawain ng pagtubos, kung magkagayon sa harapan ng Diyos at ng mga anghel sa langit, at ng hukbo ng mga natubos, ay ipapatong kay Satanas ang lahat ng kasalanan ng mga tao ng Diyos; ipahahayag na siya ang may sala ng lahat ng kasalanang ipinapagkasala niya sa kanila. At kung paano na ang kambing na pinawawalan ay dinadala sa malayong lupaing hindi tinatahanan, gayon din si Satanas ay ikukulong sa mapanglaw na lupa, isang di-tinatahanan at malungkot na ilang.MT 581.1
Ang pagtatapon kay Satanas, at ang magulong kalagayan at kagibaang kauuwian ng lupa ay pawang ipinagpapauna ng tagapagpahayag at sinabi niya na ang kalagayang ito ay mamamalagi sa loob ng isang libong taon. Pagkatapos na maiharap ng hula ang mga panoorin ng ikalawang pagparito ng Panginoon at ang pagkapahamak ng mga makasalanan, ay nagpatuloy pa ng pagsasabi: “Nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kanyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang diyablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, at siya'y ibinulid sa kalali- man, at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag nang mangdaya pa sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon; pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.”10Apocalipsis 20:1-3.MT 581.2
Na ang pangungusap na “kalaliman” ay tumutukoy sa lupa sa kalagayang magulo at dumilim, ay ipinaliliwanag ng mga ibang Kasulatan. Hinggil sa kalagayan ng lupa “sa pasimula,” ay sinasabi ng Banal na Kasulatan na ito'y “walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman.”11Genesis 1:2. Itinuturo ng hula na ang lupa ay mababalik, bagaman marahil di-lubos, sa ganitong kalagayan. Sa pagtingin ni propeta Jeremias sa dumarating na dakilang kaarawan ng Diyos, ay ganito ang ipinahayag niya: “Aking minasdan ang lupa, at narito, sira at walang laman, at ang langit ay walang liwanag. Aking minasdan ang mga bundok, at narito, nagsisiyanig at ang lahat na burol ay nagsisiindayog. Ako'y nagmasid at narito, walang tao, at lahat ng ibon sa himpapawid ay nangakatakas. Ako'y nagmasid at narito, ang mainam na parang ay ilang, at lahat ng bayan niyaon ay nangasira.”12Jeremias 4:23-26.MT 582.1
Ito ang magiging tahanan ni Satanas na kasama ng kanyang mga anghel sa loob ng isang libong taon. Sapagka't makukulong siya sa lupa, hindi siya makaaakyat sa mga ibang sanlibutan, upang tuksuhin o gambalain iyong mga hindi nagkasala kailan man. Sa ganitong paraan siya natatalian: wala nang natitira pa na mapaggagamitan niya ng kanyang kapangyarihan. Lubos na pinutol ang kanyang gawang pagdaraya at pagpapahamak na sa maraming kapanahunan ay siyang tangi niyang kinalulugdang gawin.MT 582.2
Nang tunghayan ni propeta Isaias ang panahon ng pagkabagsak ni Satanas, ay sinabi niya: “Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! pa- anong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili: Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Diyos . . . . Ako'y magiging gaya ng kataastaasan. Gayon ma'y mabababa ka sa sheol, [kamatayan], sa mga kadulu-duluhang bahagi ng hukay. Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi: Ito baga ang lalaki na nagpanginig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian: na ginawang gaya ng ilang ang sanlibutan, at gumiba ng mga bayan nito: na hindi nagpakawala ng kanyang mga bilanggo upang magsiuwi?”13Isaias 14:12-17.MT 582.3
Sa loob ng anim na libong taon ay “pinapanginig ang lupa”14Isaias 14:18-20. ng gawang paghihimagsik ni Satanas. “Kanyang ginawang gaya ng ilang ang sanlibutan, at gumiba ng mga bayan nito.”14Isaias 14:18-20. At hindi niya binuksan ang bahay ng kanyang mga bilanggo. Sa loob ng anim na libong taon ay tumanggap ang kanyang bahay bilangguan ng mga tao ng Diyos, at papananatilihin sana niyang mga bihag sila magpakailan man, datapuwa't nilagot ni Kristo ang kanyang mga panali at pinalaya ang kanyang mga bihag.MT 583.1
Ang masasama rin naman ay di na maaabot ng kapangyarihan ni Satanas; at nag-iisang kasama ng kanyang mga anghel ay maiiwan siya upang madama ang sumpang ibinunga ng kasalanan. “Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kanyang sariling bahay [sa libingan]. Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklam-suklam na sanga . . . . Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan.”14Isaias 14:18-20.MT 583.2
Sa loob ng isang libong taon ay maglalagalag si Satanas sa mapanglaw na lupa, upang makita ang mga nagawa ng paghihimagsik niya sa kautusan ng Diyos. Sa buong panahong ito ay malaking hirap ang kanyang babathin. Sapul nang siya'y mahulog, ang kanyang kabuhayang walang tigil sa paggawa ay di na nagkaroon pa ng pagbubulaybulay; datapuwa't siya ngayo'y inalisan na ng kapangyarihan, at iniwan upang nilay-nilayin ang kanyang ginawa mula noong siya'y maghimagsik sa pamahalaan ng langit, at upang hintaying may panginginig ang kanyang kakila-kilabot na hinaharap, panahon ng pagdurusa niya dahil sa lahat ng kasamaang kanyang ginawa, at pagpaparusa sa kanya dahil sa mga kasalanang ipinagawa niya sa mga tao.MT 583.3
Sa loob ng isang libong taon, sa pagitan ng una at ikalawang pagkabuhay na mag-uli, ay gagawin ang paghuhukom sa mga makasalanan. Ang paghuhukom na ito ay itinuturo ni apostol Pablo na isang pangyayaring sumusunod sa ikalawang pagparito ng Panginoon. “Huwag muna kayong magsihatol ng anuman hanggang sa dumating ang Panginoon, na Siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso.”151 Corinto 4:5. Sinasabi ni Daniel na nang dumating ang Matanda sa mga araw “ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal ng Kataas-taasan.”16Daniel 7:22. Sa panahong ito ay maghahari ang mga matuwid na tulad sa mga hari at mga saserdote ng Diyos. Sa Apokalipsis ay sinasabi ni Juan: “Nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, at sila'y pinagkalooban ng paghatol.” “Sila'y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Kristo, at mangaghaharing kasama Niya sa loob ng isang libong taon.”17Apocalipsis 20:4, 6. Sa panahong ito, alinsunod sa ipinagpauna ni Pablo, “ang mga banal ay magsisihukom sa sanlibutan.”181 Corinto 6:2, 3. Kasama ni Kristo ay huhukuman nila ang mga makasalanan, na ipinaparis ang kanilang mga ginawa sa aklat ng kautusan, ayon sa mga gawang ginawa sa katawan. Kung magkagayon ay ibibigay sa mga makasalanan ang parusang nararapat nilang kamtin, ayon sa kanilang mga gawa; at ito'y itatala sa tapat ng kanilang mga pangalan sa aklat ng kamatayan.MT 584.1
Si Satanas din at ang masasama niyang mga anghel ay huhukuman ni Kristo at ng Kanyang bayan. Sinabi ni Pablo: “Hindi baga ninyo naaalaman na ating huhukuman ang mga anghel?”181 Corinto 6:2, 3. At ipinahahayag ni Judas na “ang mga anghel na hindi nangag-ingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iningatan niya sa mga tanikalang walang-hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.”19Judas 6.MT 585.1
Sa katapusan ng isang libong taon ay mangyayari ang ikalawang pagkabuhay na mag-uli. Saka pa lamang mabubuhay ang mga makasalanan, at magsisiharap sa Diyos upang igawad sa kanila ang “hatol na nasusulat.” Kaya nga't pagkatapos na mailarawan ng tagapagpahayag ang pagkabuhay na mag-uli ng mga banal, ay ganito ang sinabi: “Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon.”20Apocalipsis 20:5. At hinggil sa mga masasama ay sinabi ni Isaias: “Sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.”21Isaias 24:22.MT 585.2