Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
Sa kauna-unahang kasaysayan ng tao, ay sinimulan ni Satanas ang kanyang mga pagsisikap na dayain ang ating lahi. Napukaw ang pananaghili ni Satanas nang mamasdan niya ang mainam na tahanang inihanda ng Diyos para sa mag-asawang walang kasalanan. Ipinasiya niyang sila'y papagkasalahin, upang, pagka naihiwalay niya sila sa Diyos at nailagay sila sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, ay maging ari niya ang lupa, at dito'y maitatatag niya ang kanyang kaharian, laban sa Kataas-taasan.MT 443.1
Kung inihayag ni Satanas ang kanyang sarili ayon sa kanyang tunay na likas, siya sana'y napaurong nila agad, sapagka't si Adan at si Eba ay binalaan laban sa mapanganib na kaaway na ito; datapuwa't siya'y gumawa sa dilim, na inililihim ang kanyang layunin, upang lalong mabisa niyang maisakatuparan ang kanyang adhika. Sa paggamit niya sa ahas bilang isang kasangkapan, na noo'y isang kinapal na may nakabibighaning anyo, ay nagsalita siya kay Eba: “Tunay bang sinabi ng Diyos, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?”1Genesis 3:1. Kung nagpigil lamang si Eba at hindi pumasok sa pakikipagtalo sa manunukso, naging panatag sana siya; nguni't nangahas siyang nakipagsalitaan sa ahas, at nahuli siya ng kanyang mga silo. Sa ganito ring paraan nadadaig ang marami. Sila'y nag-aalinlangan at nakikipagtalo hinggil sa mga kahingian ng Diyos; at sa halip na sumunod sila sa mga banal na utos, ay tinatanggap nila ang mga pala-palagay ng tao, na pinagkukublihan ng mga lalang ni Satanas.MT 443.2
“At sinabi ng babae sa ahas: Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami; datapuwa t sa bunga ng punong-kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Diyos, Huwag kayong kakain niyon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae: Tunay na hindi kayo mamamatay; sapagka't talastas ng Diyos na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.”2Genesis 3:2-5. Ipinahayag niya na matutulad sila sa Diyos, magkakaroon sila ng lalong malaking kaalaman at mabubuhay ng lalong mataas na kabuhayan. Si Eba ay sumuko sa tukso; at sa pamamagitan niya'y naakay naman si Adan sa pagkakasala. Tinanggap nila ang mga salita ng ahas; na iba ang ibig sabihin ng Diyos kaysa Kanyang sinalita; hindi sila nagtiwala sa Maylalang sa kanila, at inakala nilang binabawalan Niya ang kanilang kalayaan, at sa pamamagitan ng paglaban nila sa Kanyang kautusan ay magtatamo sila ng malaking karunungan at pagkatampok.MT 445.1
Datapuwa't nang magkasala na si Adan, ano nga ang natagpuan niyang kahulugan ng mga salitang, “Sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka?”2Genesis 3:2-5. Natuklasan ba niyang iyo'y nangangahulugan ng gaya ng ibig ni Satanas na kanyang paniwalaan, na ipapasok siya sa lalong mataas na lagay ng kabuhayan? Kung gayon ay malaking kabutihan ang matatamo sa pagsuway, at si Satanas ay napatotohanang mapagpala sa sangkatausan. Datapuwa't hindi natuklasan ni Adan na ito nga ang kahulugan ng banal na hatol. Ipinahayag ng Diyos na bilang parusa sa pagkakasala ng tao ay manunumbalik siya sa alabok na pinagkunan sa kanya: “Ikaw ay alabok, at sa alabok ka uuwi.”3Genesis 3:19. Ang mga salita ni Satanas: “Madidilat nga ang inyong mga mata,”2Genesis 3:2-5. ay nagkatotoo sa ganitong paraan lamang; pagkatapos na makasuway na sa Diyos sina Adan at Eba ay nangadilat ang ka- nilang mga mata upang makita nila ang kanilang kamalian; nalaman nila ang masama, at natikman nila ang mapait na bunga ng pagsuway.MT 445.2
Sa gitna ng Eden ay tumubo ang punong-kahoy ng buhay na ang bunga'y may kapangyarihang magpanatili ng buhay. Kung namalagi lamang masunurin si Adan sa Diyos, ay nagpatuloy sana ang pagtatamasa niya ng malayang paglapit sa punong-kahoy na ito, at nabuhay sana siya magpakailan man. Datapuwa't nang siya'y magkasala ay hindi na siya pinakain ng bunga ng punor.g-kahoy ng buhay, at sumailalim siya ng kamatayan. Ang banal na hatol: “Ikaw ay alabok, at sa alabok ka uuwi,”3Genesis 3:19. ay tumutukoy sa ganap na pagkapawi ng buhay.MT 446.1
Ang kawalang kamatayan na ipinangako sa tao kung siya'y tatalima ay binawi dahil sa pagsuway. Hindi maipamamana ni Adan sa kanyang mga inanak yaong wala sa kanya; at hindi sana nagkaroon ng pag-asa ang nagkasalang sangkatauhan, kung hindi inilagay ng Diyos sa pamamagitan ng paghahandog sa Kanyang Anak, ang pagkawalang kamatayan sa lugar na kanilang maaabot. Bagaman “ang kamatayan ay naranasan ng iahat ng tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala,” gayon ma'y dinala sila ni Kristo “sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng ebanghelyo.”4Roma 5:12; 2 Timoteo 1:10. At sa pamamagitan lamang ni Kristo matatamo ang kawalang kamatayan. Ani Jesus: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang-hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.”5Juan 3:36. Bawa't tao ay mangyayaring magkaroon ng walang katumbas na pagpapalang ito, kung siya'y aalinsunod sa mga kahilingan. Lahat ng “mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira,” ay tatanggap ng “buhay na walang hanggan.”6Roma 2:7.MT 446.2
Ang nangangako lamang ng buhay kay Adan kung si- ya'y susuway ay ang bantog na magdaraya. At ang pahayag ng ahas kay Eba sa Eden—“Tunay na hindi kayo mamamatay”2Genesis 3:2-5.—ay siyang kauna-unahang sermong ipinangaral tungkol sa hindi pagkamatay ng kaluluwa. Nguni't ang pahayag na ito, na nababatay lamang sa sinabi ni Satanas, ay pinaaalingawngaw mula sa mga pulpito ng Sangkakristiyanuhan at tinatanggap ng marami na kasingdali ng pagtanggap dito ng ating mga unang magulang. Ang hatol ng Diyos, “Ang kaluluwang nagkasala, mamamatay,”7Ezekiel 18:20, dating salin sa Tagalog. ay pinakakahuluganan ng, Ang kaluluwang magkasala ay hindi mamamatay, kundi mabubuhay magpakailan man. Nanggigilalas tayo sa nakapagtatakang pagkahaling na umaakit sa mga tao upang maniwala sa mga pangungusap ni Satanas, at di-sumampalataya sa mga salita ng Diyos.MT 446.3
Kung pagkatapos na magkasala ang tao, ay pinahintulutan siyang makakain ng bunga ng punong-kahoy ng buhay, ay mabubuhay siya magpakailan man, at sagayo'y hindi na magkakawakas ang pagkakasala. Datapuwa't binantayan ng kerubing may nagniningas na tabak “ang daang patungo sa kahoy ng buhay.”8Genesis 3:24. at isa man sa sambahayan ni Adan ay hindi pinahintulutang makalampas sa bantay na yaon at makakain ng bungang nagbibigay buhay. Kaya nga't wala kahit isang makasalanang di-mamamatay.MT 447.1
Nguni't pagkatapos na magkasala ang tao, pinagbilinan ni Satanas ang kanyang mga anghel na gumawa ng isang tanging pagsisikap na itanim sa pag-iisip ng mga tao ang paniwalang sila'y hindi mamamatay; at pagka napapaniwala na ang mga tao na tanggapin ang kamaliang ito, aakayin naman sila na maniwala na ang makasalanan ay mabubuhay sa walang-hanggang paghihirap. Ipinakikilala ngayon ng pangulo ng kadiliman, na gumagawa sa pamamagitan ng kanyang mga katulong, na ang Diyos ay mapaghiganting pinuno, at sinasabi pang ibinubulid Niya sa impiyerno ang lahat ng hindi niya kinalulugdan, at laging ipinadadama Niya sa kanila ang Kanyang kagalitan; at samantalang sila'y nagbabata ng di-mabigkas na kahirapan, at namimilipit sa gitna ng mga apoy na hindi mamamatay, at ang Maylalang naman ay may kasiyahang pinapanood sila.MT 447.2
Sa gayo'y dinaramtan ng puno ng kasamaan ng sarili niyang mga likas ang Maylalang at Mapagpala sa sangkatauhan. Ang kalupitan ay kay Satanas. Ang Diyos ay pag-ibig; at ang lahat ng Kanyang nilalang ay dalisay, banal, at kaibig-ibig hanggang sa ang kasalana'y ipasok ng bantog na manghihimagsik. Si Satanas na rin ang siyang kaaway na tumutukso sa tao upang magkasala, at pagkatapos ay ipapahamak niya siya hangga't kanyang magagawa; at pagka natiyak na niya ang pagkapahamak, ay ikinatutuwa niya ang nagawang kasawian. Kung siya'y pahihintulutan, ay paminsanang ilalagay niya sa kanyang silo ang buong lahi. Kung hindi lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, wala ni isa mang anak na lalaki o anak na babae ni Adan ang makatatakas.MT 448.1
Sinisikap ni Satanas na panagumpayan ang mga tao ngayon, gaya ng pananagumpay niya sa una nating mga magulang, sa pamamagitan ng pagpapabuway ng kanilang tiwala sa Maylalang, at sa pag-akay niya sa kanila na pag-alinlanganan ang kaalaman ng Kanyang pamahalaan at ang katarungan ng Kanyang mga utos. Ipinakikilala ni Satanas at ng kanyang mga kinatawan na ang Diyos ay masama pa kaysa kanilang sarili, upang bigyang matuwid ang kanila na ring kapootan at paghihimagsik. Pinagsisikapan ng bantog na magdaraya na ilipat ang nakapanghihilakbot na kalupitan ng kanyang likas sa ating Ama na nasa langit, upang ipakita niya ang kanyang sarili na wari'y totoong inapi sa pagkapagpaalis sa kanya sa langit sapagka't ayaw siyang sumuko sa gayong walang katarungang gobernador. Ipinakikita niya sa san- libutan ang kalayaang maaari nilang tamasahin sa ilalim ng walang paghihigpit niyang pamamahala, na iyo'y inihahambing sa ipinipilit na pang-aalipin ng mga pasiya ni Heoba. Sa gayo'y nananagumpay siya sa pag-akit sa mga kaluluwa na iwan ang pakikipanig nila sa Diyos.MT 448.2
Kamuhi-muhing lubha sa bawa't damdaming may pag-ibig, at may habag, at maging sa atin mang pagkakilala ng katuwiran, ang aral na ang mga patay na makasalanan ay pinahihirapan ng apoy at asupre sa isang impiyernong nag-aalab na walang katapusan; na dahil sa kasalanan ng isang maikling kabuhayan sa lupa ay magbabata sila ng pasakit habang ang Diyos ay nabubuhay. Subali't malaganap na itinuturo ang aral na ito, at napapalaman pa sa maraming doktrina ng Sangkakristiyanuhan. Saan sa mga dahon ng salita ng Diyos masusumpungan ang gayong aral?MT 449.1
Hindi abot kuruin ng isipan ng tao ang kasamaang ginawa ng erehiya ng walang-hanggang pagpapahirap. Ang relihiyon ng Biblia na puspos ng pag-ibig at kabutihan, at nananagana sa kahabagan, ay pinadilim ng pamahiin at dinamtan ng kahilakbutan. Kapag isasaalangalang natin ang masasamang kulay na ipininta ni Satanas tungkol sa likas ng Diyos, ay pagtatakhan baga natin na ang ating mahabaging Manglalalang ay kinatatakutan, kinasisindakan, at kinapopootan? Ang nakapanglulupaypay na mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, na siyang lumaganap sa buong sanlibutan buhat sa mga iniaaral sa pulpito ay siyang dahil ng pagkakaroon ng libu-libo, oo, ng angaw-angaw na walang Diyos at mga walang pananampalataya.MT 449.2
Ang paniniwala sa walang-hanggang pagpapahirap ay isa sa mga maling aral na bumubuo sa alak ng mga karumalan ng Babilonya, na kanyang ipinanglalasing sa lahat ng bansa.9Apocalipsis 14:8; 17:2. Tunay ngang ito'y itinuro ng mga dakila't mabubuting tao; datapuwa't angliwanag tung- kol sa suliraning ito ay hindi dumating sa kanilang gaya ng sa atin. Walang pinanagutan sila kundi yaon lamang liwanag na natamo nila sa kanilang kapanahunan; pinananagutan naman natin ang liwanag na ating natamo sa ating kapanahunan. Kung tinatalikdan natin ang patotoo ng salita ng Diyos, at tinatanggap natin ang mga maling aral, sapagka't itinuro ng ating mga magulang, ay binabagsakan tayo ng hatol na inihatol sa Babilonya; umiinom tayo ng alak ng kanyang mga karumalan.MT 449.3
Ang maraming tumatanggi sa aral na walang-hanggang pagpapahirap ay nangapapataboy naman sa katuwas na kamalian. Nakikita nilang ipinakikilala ng mga Kasulatan na ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan, at hindi nila mapaniwalaan na ibibigay Niya ang Kanyang mga kinapal sa di-mamamatay na apoy ng impiyerno. Datapuwa't sa paniniwala nila na ang kaluluwa ay katutubong walang kamatayan, ay wala silang makitang ibang kauuwian nito kundi ang lahat ng tao ay maliligtas. Marami ang nagpapalagay na ang mga bala ng Biblia ay pinanukala upang takutin lamang ang mga tao upang sila'y magsisunod, hindi upang tuparin ayon sa pagkatitik. Sa ganya'y makapamumuhay ang makasalanan sa makasariling kalayawan, na walang pagsasaalang-alang sa mga hinihingi ng Diyos at gayon ma'y makaaasa na sa wakas ay matatanggap sa kanyang pagsang-ayon. Ang ganyang aral, na nagsasapantaha sa kahabagan ng Diyos, datapuwa't winawalang bahala ang kanyang katuwiran, ay nakalulugod sa pusong laman, at pinatatapang ang masama na magpatuloy sa kanilang kasamaan.MT 450.1
Kung tunay na ang kaluluwa ng lahat ng tao ay tuloy-tuloy sa langit kapagkarakang mamatay, mabuti pa'y nasain na natin ang mamatay kaysa mabuhay. Marami, ang dahil sa paniniwalang ito, ay nakaisip tapusin na ang kanilang buhay. Kung pinananaigan ng kabagabagan, kagulumihanan, at pagkabigo, ay napakadaling bagay man- din ang lagutin ang marupok na sinulid ng buhay, at lumipad sa kaluwalhatian ng daigdig na walang-hanggan.MT 450.2
Ibinigay ng Diyos sa Kanyang salita ang pinasiyahang katunayan na parurusahan Niya ang mga sumasalansang sa Kanyang kautusan. Ang mga dumaraya sa kanilang sarili na nagsasabing ang Diyos ay napakamahabagin na hindi Niya parurusahan ang makasalanan, ay dapat lamang tumingin sa krus ng Kalbaryo. Ang pagkamatay ng walang bahid kasalanang Anak ng Diyos ay nagpapatotoo na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” na bawa't pagsuway sa kautusan ng Diyos ay dapat tumanggap ng karampatang kagantihan. Si Kristo na walang kasalanan ay inaring salarin dahil sa tao. Dinala Niya ang kasalanan ng pagsalansang, at ang pagkukubli ng Ama ng Kanyang mukha, hanggang sa madurog ang Kanyang puso, at pumanaw ang Kanyang hininga. Ang buong pagaalay na ito ay ginawa upang matubos ang mga makasalanan. Wala nang ibang kaparaanan pa upang mapalaya ang tao sa kaparusahan ng kasalanan. At ang bawa't kaluluwang ayaw makibahagi sa katubusang itinaan sa gayong halaga, ay dapat magdala sa kanyang sarili ng kasalanan at kaparusahan ng pagsalansang.MT 451.1
Ang mga simulain ng kagandahang loob, habag, at pagibig, na itinuro at isinakabuhayan ng ating Tagapagligtas, ay isang salin ng kalooban at likas ng Diyos. Ipinahayag ni Kristo na wala Siyang itinuro maliban sa tinanggap Niya sa Kanyang Ama. Ang mga simulain ng pamahalaan ng langit ay ganap na kasang-ayon ng utos ng Tagapagligtas, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway.”10Mateo 5:44. Isinasagawa ng Diyos ang matuwid sa mga masama, sa ikabubuti ng santinakpan at sa ikabubuti noon na ring mga lalagpakan ng Kanyang hatol. Ibig sana Niyang lumigaya sila kung magagawa Niya ng ayon sa mga batas ng Kanyang pamahalaan at ng katuwiran ng Kanyang likas. Pinaliligiran Niya sila ng mga tanda ng Kan- yang pag-ibig, binibigyan Niya sila ng isang pagkakilala sa Kanyang kautusan, at sinusundan Niya sila na idinudulot ang Kanyang habag; nguni't hinahamak nila ang Kanyang pag-ibig, winawalang kabuluhan ang Kanyang kautusan, at tinatanggihan ang Kanyang kahabagan. Samantalang patuloy silang tumatanggap ng mga kaloob, di naman nila pinararangalan ang Nagkakaloob; napopoot sila sa Diyos sapagka't naalaman nilang nasusuklam Siya sa kanilang mga kasalanan. Ang Panginoon ay matagal na nagtitiis sa kanilang kabuktutan; nguni't darating din sa wakas ang kahuli-hulihang oras, na siyang oras ng pagpapasiya sa kanilang kahahantungan. Itatanikala ba Niya kung gayon sa Kanyang piling ang mga manghihimagsik na ito? Pipilitin ba Niya sila upang gawin ang Kanyang kalooban?MT 451.2
Yaong nangagsipili kay Satanas bilang pangulo nila, at napagharian ng kanyang kapangyarihan ay hindi handang tumayo sa harapan ng Diyos. Ang kapalaluan, karayaan, karumihan, kalupitan ay napaukit na sa kanilang mga likas. Makapapasok ba sila sa langit, upang manirahang kasama noong mga tinuya at kinapootan nila sa lupa? Kailan man ay hindi iibigin ng sinungaling ang katotohanan; ang kaamuan ay hindi magbibigay kasiyahan sa mapagmataas at palalo; ang kalinisan ay hindi tatanggapin ng marumi; ang mapagbiyayang pag-ibig ay hindi kanasa-nasa sa mga sakim. Ano ngang kaligayahan ang maidudulot ng langit doon sa mga nagugumon sa kasakiman at sa mga hangaring ukol sa lupa?MT 452.1
Kung yaon lamang mga nangaggugol ng kanilang mga kabuhayan sa paghihimagsik sa Diyos ay biglang mapapalipat sa langit, at masasaksihan nila ang mataas at banal na kalagayan ng kasakdalang laging naghahari doon—na ang bawa't kaluluwa ay puspos ng pag-ibig, ang bawa't mukha'y naluluwalhati sa katuwaan, ang nakaliligayang awit ng pagpuri ay pumapailanglang sa karangalan ng Diyos at sa Kordero, at walang patid na daloy ng liwanag mula sa mukha Niya na nakaupo sa luklukan ang lumaganap sa mga tinubos—maaari kayang yaong ang mga puso'y puno ng poot sa Diyos, sa katotohanan at sa kabanalan, ay makilahok sa kalipunan ng langit at makasasama sa kanilang pag-aawit ng pagpupuri? Matatagalan ba nila ang kaluwalhatian ng Diyos at ng Kordero? Hinding hindi; binigyan sila ng maraming taon na panahon ng biyaya, upang bumuo ng mga likas na ukol sa langit; datapuwa't hindi nila sinanay ang kanilang pag-iisip na umibig sa kalinisan: hindi nila kailan man pinag-aralan ang salita ng langit at ngayo'y huling huli na. Ang kabuhayang mapaghimagsik laban sa Diyos ay siyang sa kanila'y hindi nagpaging dapat sa langit. Ang kadalisayan, kabanalan, at kapayapaan doon ay magiging pahirap sa kanila; ang kaluwalhatian ng Diyos ay magiging isang pumupugnaw na apoy. Iibigin pa nila ang lumayo sa banal na dakong yaon. Mamarapatin pa nila ang pagkapahamak makubli lamang sila sa mukha Niyaong namatay upang tubusin sila. Ang hantungan ng masasama'y itinatakda ng kanila na ring pamimili. Kinusa nila ang paglabas nila sa langit, at sa ganang sa Diyos, ito'y katampatan at kaawaan.MT 452.2
Gaya ng tubig ng bahang gumunaw, ay ipahahayag ng mga apoy ng dakilang araw na yaon ang pasiya ng Diyos, na wala nang mailulunas sa masama. Wala silang nais na pakupkop sa Diyos. Ang kanilang kalooban ay ginamit nila sa paghihimagsik; at kung matapos na ang buhay nila ay huli nang totoo na pabalikin pa ang takbo ng kanilang mga kaisipan, totoong huli nang iwan pa ang pagsuway upang tumalima, at iwan ang pagkapoot upang umibig.MT 453.1
Sa pagpapalawig sa buhay ni Kain na mamamatay-tao, ay binigyan ng Diyos ang sanlibutan ng isang halimbawa kung ano ang magiging bunga kung pababayaan niyang mabuhay ang makasalanan upang magpatuloy sa isang walang taros na kabuhayan. Sa pamamagitan ng turo at halimbawa ni Kain ay marami sa kanyang mga anak ang nadala sa pagkakasala, hanggang sa naging “mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kanilang puso ay pawang masama lamang na parati.” “At sumama ang lupa sa harap ng Diyos at ang lupa ay napuno ng karahasan.”11Genesis 6:5, 11.MT 453.2
Sa habag ng Diyos sa sanlibutan ay nilipol Niya ang masasamang taong nanirahan dito nang kapanahunan ni Noe. Dahil din sa habag ay nilipol Niya ang masasamang taga-Sodoma. Sa pamamagitan ng magdarayang kapangyarihan ni Satanas, ang manggagawa ng kasamaan ay kinakatigan at hinahangaan, at sa ganito'y palagi nilang inaakay ang mga iba sa paghihimagsik. Ganyan ang nangyari nang kaarawan ni Kain at ni Noe, at nang panahon ni Abraham at ni Lot; ganyan din sa ating kapanahunan. Dahil sa habag ng Diyos sa sanlibutan ay lilipulin niya, sa wakas ang mga nagsitanggi sa biyaya.MT 454.1
“Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang-hanggan kay Kristo Jesus na Panginoon natin.”12Roma 6:23. Samantalang buhay ang mamanahin ng mga banal, kamatayan naman ang bahagi ng mga masama. Sinabi ni Moises sa Israel: “Inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan.”13Deuteronomio 30:25. Ang kamatayan na linutukoy sa mga talatang ito ay hindi iyong binigkas kay Adan, sapagka't ang buong sangkatauhan ay nagdadanas ng kabayaran ng kanyang pagsuway. Ito'y ang “ikalawang kamatayan.” na ipinakikilalang katuwas ng buhay na walang-hanggan.MT 454.2
Bilang bunga ng pagkakasala ni Adan ay dinanas ng sangkatauhan ang kamatayan. Ang lahat ay para-parang bumababa sa libingan. At sa pamamagitan ng inilaan ng panukala ng pagliligtas, ang lahat ay ilalabas sa kanilang mga libingan. “Magkakaroon ng pagkabuhay na mag-uli ng mga ganap at gayon din ng mga di-ganap;”14Mga Gawa 24:15. “sapagka't kung papaanong kay Adan ang lahat ay nangamatay gayon din kay Kristo ang lahat ay bubuhayin.”151 Corinto 15:22. Datapuwa't may pagkakaiba ang dalawang uri ng mga taong bubuhayin. “Ang lahat ng nangasa libingan ay mangakakarinig ng Kanyang tinig, at magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na mag-uli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na mag-uli sa paghatol.”16Juan 5:28, 29. Yaong mga “inaring dapat” sa pagkabuhay na mag-uli sa buhay, ay “mapalad at banal.” “Sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang pagkamatay.”17Apocalipsis 20:6. Datapuwa't dapat tanggapin niyaong hindi pa tumatanggap ng kapatawaran, sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya, ang parusa sa kanilang pagsuway—“ang kabayaran ng kasalanan.”12 Magbabata sila ng parusa na ang tagal at sidhi sa isa't isa ay iba-iba, “ayon sa kani-kanyang mga gawa,”18Apocalipsis 20:12-15; 21:8. datapuwa't sa wakas ay matatapos sa ikalawang kamatayan. Yayamang ayon sa katuwiran at kahabagan ng Diyos ay hindi Niya maililigtas ang makasalanang nasa kanya pang kasalanan, ay ipagkakait nga Niya sa kanya ang buhay na iniwala ng kanyang pagsuway, buhay na ukol dito'y hindi siya karapat-dapat. Ganito ang sabi ng isang kinasihang manunulat: “Sandali na lamang, at ang masama ay mawawala na; oo, sisiyasatin mong mainam ang kanyang dako, at siya'y mawawala na.” At ganito naman ang pahayag ng iba: “Wari bagang sila'y hindi nangabuhay.”19Mga Awit 37:10; Obadias 16. Lipos ng kadustaan, lulubog sila sa kawalang pag-asa, at sa walang-hanggang limot.MT 454.3
Sa ganya'y mawawakasan ang kasalanan, sampu ng lahat ng kahirapan at kasiraang kanyang ibinunga. Sinabi ng mang-aawit: “Iyong nilipol ang masama, Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas.”20Mga Awit 9:5, 6. Si Juan, sa Apokalipsis, sa pagtingin niya sa kalagayang walang-hanggan, ay nakarinig ng malaking awitan ng pagpupuri, na di-ginugulo ng kahit isang tunog na di-tugma. Ang bawa't kinapal sa langit at sa lupa ay narinig niyang nagpupuri sa Diyos.21Apocalipsis 5:13. Sa panahong yaon, doo'y walang mga kaluluwang waglit na tutungayaw sa Diyos, samantalang sila'y namimilipit sa walang katapusang paghihirap; walang taong naghihirap sa impiyerno ang magsisidaing na kasabay ng pag-awit ng mga naligtas.MT 455.1
Sa pinagbabatayang maling paniniwala na ang tao ay hindi namamatay ay nakababaw ang aral na ang patay ay nakakamalay—isang aral, na, gaya ng walang katapusang pagpapahirap, ay laban sa mga iniaaral ng mga Kasulatan, laban sa itinitibok ng katuwiran, at laban sa damdamin ng ating pagkatao.MT 456.1
Ano nga ang sinasabi ng Kasulatan hinggil sa mga bagay na ito? Sinasabi ni David na ang tao'y walang malay kung patay. “Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kanyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kanyang pag-iisip.”22Mga Awit 146:4. Gayon din ang patotoo ni Salomon: “Nalalaman ng mga buhay na sila'y mangamamatay; nguni't hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay.” “Maging ang kanilang pag-ibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anumang bahagi pa magpakailan man sa anumang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.” “Walang gawa, ni katha man ni kaalaman man, ni karunungan man, sa sheol [libingan] na iyong pinaparunan.”23Eclesiastes 9:5, 6, 10.MT 456.2
Nang ang buhay ng haring si Hezekias ay palawigin ng labinlimang taon bilang bunga ng kanyang panalangin, ang nagpapasalamat na hari ay nagpuri sa Diyos dahil sa Kanyang malaking kaawaan. Sa awit na ito ay sinasabi niya ang dahilan ng gayon niyang katuwaan: “Hin- di Ka maaaring pupurihin ng sheol [libingan], hindi Ka maaaring ipagdiwang ng kamatayan; silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa lyong katotohanan. Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa Iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito.”24Isaias 38:18, 19. Ang laganap na teolohiya ay nagpapakilala na ang mga patay na banal ay nasa langit, nasok na sa kaluwalhatian, at nagsisipuri sa Diyos magpasa walang-hanggan. Datapuwa't si Hezekias ay walang makitang magandang hinaharap na gaya niyan, sa kamatayan. Nakikiisa sa kanyang mga pangungusap ang patotoo ng mang-aawit: “Sa kamatayan ay walang alaala sa Iyo, sa libingan, sinong mangagpapasalamat sa Iyo?” “Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinumang nabababa sa katahimikan.”25Mga Awit 6:5; 115:17.MT 456.3
Ipinahayag ni Pedro, noong kaarawan ng pentekostes, na ang patiarkang si David, “ay namatay at inilibing at nasa atin ang kanyang libingan hanggang sa araw na ito.” “Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit.”26Mga Gawa 2:29, 34. Ang pananatili ni David sa libingan hanggang sa pagkabuhay na mag-uli, ay nagpapatunay na ang mga banal ay hindi umaakyat sa langit pagkamatay. Sa pamamagitan lamang ng pagka-buhay na mag-uli, at sa bisa ng pagkabuhay na mag-uli ni Kristo makauupo si David sa kanan ng Diyos sa huling panahon.MT 457.1
At sinabi ni Pablo: “Kung hindi muling binubuhay ang mga patay ay hindi rin nga muling binuhay si Kristo; at kung si Kristo'y hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan; kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa. Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Kristo ay pawang nangapahamak.”271 Corinto 15:16-18. Kung sa loob ng apat na libong taon ay umakyat na sa langit ang bawa't banal na namamatay, papaanong masasabi ni Pablo na kung walang pagkabuhay na maguli, “ang mga nangatutulog din naman kay Kristo ay pawang nangapahamak?” Kung gayon nga ay hindi na kailangan ang muling pagkabuhay.MT 457.2
Nang tukuyin ni Tyndale na martir ang kalagayan ng mga patay, ay ganito ang kanyang sinabi: “Hayag kong ipinagtatapat, na ako'y walang kapani-paniwalang sila [ang mga patay] ay nasa puspos na kaluwalhatiang kinalalagyan ni Kristo, o sa kinaroroonan man ng mga hirang na anghel ng Diyos. Ito [ang pag-akyat sa langit ng mga patay] ay hindi bahagi ng aking pananampalataya; sapagka't kung bahagi nga ito, ay wala akong nakikita kundi itong pangangaral ng tungkol sa muling pagkabuhay ng katawan ay isang bagay na walang kabuluhan.”28Wm. Tyndale Paunang Salita sa Bagong Tipan. (1534.) Huling limbag sa British Reformers-Tindal, Firth, Barnes, p. 349. (1830.)MT 458.1
Isang katotohanang hindi maitatatuwa, na ang pagasa sa walang-hanggang kaligayahan sa pagkamatay, ay nag-akay sa malaganap na pagpapabaya sa iniaaral ng Kasulatan tungkol sa muling pagkabuhay. Ang pagkahilig na ito ay napuna ni Dr. Adam Clarke, na nagsabi: “Sa malas ang aral na muling pagkabuhay ay lalo ang kahalagahan sa mga Kristiyano noong una kaysa panahong ito! Paano kaya ito? Ito'y laging ipinakikilala ng mga apostol, at inudyukan nila ang mga sumusunod sa Diyos na maging masikap, maging masunurin, at masaya sa pamamagitan nito. At manaka-naka lamang ito'y mabanggit sa ating kapanahunan ng mga humalili sa kanila. Gayon ang ipinangaral ng mga apostol, at gayon naniwala ang mga unang Kristiyano; gayon ang ipinangangaral natin, at gayon naniwala ang. nangakikinig sa atin. Walang ibang aral sa ebanghelyo na lalong binigyang diin; at wala ring aral sa kasalukuyang kaayusan ng pangangaral na lalong pinababayaan.”29Adam Clarke, Commentary (sa Bagong Tipan), komentaryo heneral sa 1 Corinto 15, tal. 3.MT 458.2
Ito ay nagpatuloy hanggang sa halos ganap na madimlan at makaligtaan ng Sangkakristiyanuhan ang mari- lag na katotohanan ng muling pagkabuhay. Dahil dito'y ang isang bantog na manunulat sa relihiyon nang magpaliwanag tungkol sa mga pangungusap ni Pablo sa l Tesalonika 4:13-18 ay nagsabi ng ganito: “Sa lahat na hinahangad na makapagbibigay aliw, ang aral tungkol sa mapalad na kawalang kamatayan ng mga banal ay siyang sa, ganang atin ay humahalili sa anumang pinag-aalinlanganang aral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon. Sa ating kamatayan ay dumarating na sa atin ang Panginoon. Iyan ang ating dapat hintayin at abangan. Ang mga patay ay nangalipat na sa kaluwalhatian. Hindi na sila naghihintay pa ng tunog ng pakakak upang humarap sa paghuhukom at pagpapala.”MT 458.3
Datapuwa't nang malapit nang iwan ni Jesus ang Kanyang mga alagad, ay hindi Niya sinabi sa kanilang hindi malalauna't sila'y pupunta sa Kanya. “Ako'y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng kalalagyan,” ang wika Niya. “At kung Ako'y makaparoon at kayo ay maipaghanda Ko ng kalalagyan ay muling paririto Ako, at kayo'y tatanggapin Ko sa aking sarili.”30Juan 14:2, 3. At sa ati'y sinasabi naman ni Pablo, “Ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Diyos; at ang nangamatay kay Kristo ay unang mabubuhay na mag-uli; kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawin kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa ganito,y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” At dinugtungan pa niya, “kaya't mangag-aliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.”311 Tesalonika 4:16-18. Kaylaki ng kaibhan ng mga pangungusap na ito na pang-aliw, doon sa mga pangungusap ng ministrong Unibersalista na kasisipi pa lamang! Itong huli ay umaaliw sa nangalulumbay niyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pangako na, anumang laki ng kasalanan ng namatay, kapag pumanaw ang kanyang hininga dito ay tatanggapin siya sa kalipu- nan ng mga anghel. Itinuro ni Pablo sa kanyang mga kapatid ang pagparito ng Panginoon sa panahong hinaharap, na kung magkagayo'y ang mga tanikala ng libingan ay mapapatid, at ang mga “nangamatay kay Kristo” ay babangon sa buhay na walang-hanggan.MT 459.1
Bago makapasok ang sinuman sa mga tahanan ng mga pinagpala, ang kanilang mga kaso ay kinakailangan munang masiyasat, at ang kanilang likas at mga gawa ay dapat dumaan sa pagsusuri ng Diyos. Ang lahat ay huhukuman ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat at gagantihin ayon sa kani-kanilang mga gawa. Ang paghatol na ito ay hindi nangyayari sa oras ng kamatayan. Punahin ninyo ang mga pangungusap ni Pablo: “Siya'y nagtakda ng isang araw, na Kanyang ipaghuhukom sa sanlibutan ayon sa katuwiran, sa pamamagitan ng Lalaking Kanyang itinalaga; na ito'y pinatunayan Niya sa lahat ng mga tao nang Siya'y buhayin Niyang mag-uli sa mga patay.”32Mga Gawa 17:31. Dito'y malinaw na ipinahayag ng apostol na ang isang tiyak na panahon, na yao'y sa haharapin pa, ay itinakda na ipaghuhukom sa sanlibutan.MT 460.1
Ang panahon ding iyan ay tinutukoy ni Judas: “Ang mga anghel na hindi nangag-ingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iningatan niya sa mga tanikalang walang-hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.”33Judas 6, 14, 15. At saka niya inulit ang mga pangungusap ni Enok: “Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kanyang mga laksa-laksang banal, upang isagawa ang paghuhukom sa lahat.”33Judas 6, 14, 15.MT 460.2
Sinasabi ni Juan na nakita niya “ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat. . . at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat.”34Apocalipsis 20:12.MT 460.3
Datapuwa't kung tinatamasa na ng mga patay ang mga pagpapala ng kalangitan, o namimilipit kaya sa mga apoy ng impiyerno, ano pang kailangan ng isang paghuhukom sa panahong hinaharap? Ang mga iniaaral ng salita ng Diyos tungkol sa mahalagang suliraning ito ay hindi malabo ni nagkakalaban man; ang mga ito'y mangyayaring maunawa ng mga pangkaraniwang pag-iisip. Datapuwa't aling dalisay na pag-iisip ang makakakita ng kaalaman o katuwiran sa karaniwang paniniwala? Pagkatapos baga ng pagsusuri sa kabuhayan ng mga matuwid sa araw ng paghuhukom ay tatanggap na sila ng papuring; “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin, . . . pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon,”35Mateo 25:21, 41. kung malaon nang panahon marahil silang naninirahan sa Kanyang haharapan? Tatawagin baga ang mga makasalanan sa pook na pahirapan upang tumanggap ng pasiya ng Hukom ng buong lupa, “Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang-hanggan?”35Mateo 25:21, 41. Oh, matinding pag-uyam! kahiya-hiyang pagpaparatang sa karunungan at katarungan ng Diyos!MT 460.4
Ang kuru-kurong ukol sa kawalang kamatayan ng kaluluwa ay isa roon sa mga maling aral na hiniram ng Roma sa mga pagano, at ipinasok sa relihiyon ng Sangkakristiyanuhan. Iyan ay isinama ni Martin Lutero sa uri ng mga “kahanga-hangang mga katha na bahagi ng maruming bunton ng mga kapasiyahang Romano.”36E. Petavel, The Problem of Immortality, p. 255. (1892.) Sa pagpapaliwanag ng Repormador sa mga pangungusap ni Salomon sa Eclesiastes, na ang mga patay ay walang nalalamang anuman, ay sinabi niya: “Isa pang katibayan na ang patay ay walang . . . pakiramdam, anya'y walang tungkulin, walang siyensiya, walang kaalaman, walang katalinuhan, doon. Kinikilala ni Salomon na ang mga patay ay nangatutulog, at walang nararamdamang anuman. Sapagka't nakahiga doon ang patay, na hindi nagpapahalaga sa mga araw ni taon man; nguni't pagka nangagi- sing na sila, ay aakalain nilang wala pang isang minuto silang nakatulog.”37Martin Luther, Exposition of Solomon's Book Called Ecclesiastes, p. 152. (Londres, 1573.)MT 461.1
Saan man sa Banal na Kasulatan ay walang matatagpuang pahayag na ang mga banal ay nagtutungo na kapagkaraka sa kanilang kagantihan o ang mga makasalanan ay sa kanilang parusang pagkamatay. Ang mga patiarka at ang mga propeta ay hindi nag-iwan ng ganyang pangako. Hindi man lamang nabanggit ni Kristo at ng Kanyang mga apostoi ang tungkol sa bagay na ito. Maliwanag na itinuturo ng Biblia na ang mga patay ay hindi nagtutungo kapagkaraka sa langit. Sila'y ipinakikilalang tulad sa natutulog hanggang sa muling pagkabuhay.381 Tesalonica 4:14; Job 14:10-12. Sa araw na ang panaling pilak ay mapatid o mabasag ang mangkok na ginto,39Eclesiastes 12:6. sa araw ding yaon ay nawawala ang pagisip ng tao.MT 462.1
Ang nangagsisitungo sa libingan ay nangasa katahimikan. Wala na silang naaalaman tungkol sa anumang bagay na ginagawa sa ilalim ng araw.40Job 14:21. Mapalad na pagpapahingalay sa mga banal na nangapapagal! Ang panahon, mahaba o maikli man, ay isang sandali lamang sa kanila. Sila'y natutulog; sila'y gigisingin ng pakakak ng Diyos sa isang maluwalhating buhay na hindi matatapos. “Sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na mag-uli na walang kasiraan. . . . Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay nabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay nabihisan ng walang kamatayan, kung magkagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat: Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.”411 Corinto 15:52-55. Pagka sila'y pinukaw na sa kanilang mahimbing na pagkakatulog magsisimulang gumawa ang kanilang pag-iisip kung saan napatigil. Ang kahuli-hulihan nilang pakiramdam ay ang hapdi ng kamatayan, ang kahuli-hulihan nilang isipan ay ang pagkahulog nila sa ilalim ng kapangyarihan ng libingan. Kapag bumangon na sila sa kanilang libingan, ang kauna-unahan nilang masayang kaisipan ay paaalingawngawin sa sigaw ng tagumpay: “Saan naroon, oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, oh kamatayan, ang iyong tibo.”411 Corinto 15:52-55.MT 462.2