Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
ANG MALAKING TUNGGALIAN - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 3—Ang iglesya sa roma

    Si apostol Pablo, sa ikalawa niyang sulat sa mga taga-Tesalonica, ay nagpahayag na ang kaarawan ni Kristo ay hindi darating, “maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, na sumasalansang, at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Diyos o sinasamba; anupa't siya'y nauupo sa templo ng Diyos na siya'y nagtatanyag sa kanyang sarili na tulad sa Diyos.” At pinagpaunahan pa ng apostol ang kanyang mga kapatid na “ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na.”12 Tesalonica 2:3, 4 , 7. Noon pa mang maagang kapanahunan niya ay nakita na niyang pumasok sa iglesya ang mga kamalian na maghahanda ng daan sa paglago ng kapapahan.MT 39.1

    Unti-unti sa pasimula at dahandahan at tahimik, at pagkatapos, nang lumakas na at makapaghari na sa isipan ng mga tao, lantaran nang ipinagpatuloy ng “hiwaga ng kasamaan” ang kanyang maraya at mapamusong na gawa. Ang mga kaugalian ng mga pagano ay nakapasok sa loob ng iglesya Kristiyana na halos di-namamalayan. Ang diwa ng may pasubaling pakikipagkasundo at pagsang-ayon ay ilang panahon ding napigil ng mahigpit na pag-uusig na tiniis ng iglesya nang kapanahunan ng paganismo. Datapuwa't nang huminto na ang paguusig, at pumasok ang Kristiyanismo sa loob ng mga korte at mga palasyo ng mga hari, ay binayaan na niya ang mapagpakumbabang kasimplihan ni Kristo at ng mga alagad, upang palitan ng karangalan at kapalaluan ng mga saserdote at mga punong pagano; at sa mga utos at bi- lin ng Diyos ay ipinalit niya ang pala-palagay at sali't saling sabi ng mga tao. Ang pagkahikayat ni Konstantino sa pangalan lamang, noong unang bahagi ng ikaapat na dantaon, ay naging dahilan ng malaking katuwaan; at ang sanlibutan na nababalat-kayuan ng anyo ng kabanalan ay pumasok sa iglesya. Ang paganismo, bagaman waring nalupig sa palagay ay siya ring nagtagumpay. Ang diwa nito ay naghari sa iglesya. Ang aral nito, seremonya, at pamahiin ay nalakip sa pananampalataya at pagsamba ng mga nagsasabing sumasamba kay Kristo.MT 39.2

    Ang may pasubaling kasunduang ito ng paganismo at Kristiyanismo ay nauwi sa pagbabangon ng “taong makasalanan” na ipinagpaunang sinabi ng hula na sasalansang at magmamataas laban sa Diyos.MT 41.1

    Minsa'y sinikap ni Satanas na may pasubaling makipagsundo kay Kristo. Doon sa ilang ay nilapitan niya ang Anak ng Diyos upang tuksuhin, at pagkatapos na maipakita ang lahat ng kaharian sa sanlibutan at ang kaluwalhatian ng mga yaon, ay nangako na ibibigay niya ang lahat ng iyon sa Kanyang mga kamay kung kikilala lamang Siya sa kapangyarihan ng prinsipe ng kadiliman. Sinaway ni Kristo ang pangahas na manunukso at pinilit siyang umalis. Datapuwa't si Satanas ay nananagumpay kapagka inihaharap niya sa mga tao ang tukso ring yaon. Ang iglesya, upang magtamo ng kayamanan at karangalang ukol sa sanlibutan, ay narahuyong humanap ng lingap at tangkilik sa mga dakilang tao ng lupa.MT 41.2

    Alam na alam ni Satanas na ang Banal na Kasulatan ay siyang sa mga tao'y maaaring magpakilala sa kanyang mga pandaya, upang mapaglabanan nila ang kanyang kapangyarihan. Sa pamamagitan ng Salita ay napaglabanan ng Tagapagligtas ng sanlibutan ang mga pagsalakay ng kaaway. Sa bawa't salakay ay iniharap ni Kristo ang kalasag ng walang-hanggang katotohanan, na sinabi: “Nasusulat.” Sa bawa't mungkahi ng kaaway ay inilaban Niya ang karunungan at kapangyarihan ng Salita. Upang mapanatili ni Satanas ang pigil niya sa mga tao at maitatag ang kapangyarihan ng tao, ay kailangan niyang panatilihin silang walang nalalaman tungkol sa Kasulatan. Itatanghal ng Biblia ang Diyos, at ilalagay ang mga tao sa kanilang talagang dapat kalagyan; kaya nga ang banal na katotohanan nito'y kailangang itago at pigilin. Ang pangangatuwirang ito ay ginamit ng Iglesya Romana. Sa loob ng daan-daang taon ay ipinagbawal ang pagkakalat ng Biblia. Ang mga tao'y binawalang bumasa, o magkaroon kaya nito sa kanilang mga tahanan, at ang mga aral nito'y ipinaliwanag ng mga pari at mga prelado na walang simulain upang patunayan ang kanilang ipinamamarali sa mga tao. Sa ganya'y ang papa ay kinilala halos ng buong sanlibutan na kahalili ng Diyos sa lupa, na pinagkalooban ng kapangyarihan sa iglesya at sa pamahalaan ng bansa.MT 41.3

    Nang maalis na ang tagapagpakilala ng kamalian ay gumawa na si Satanas ng alinsunod sa kanyang kalooban. Ang pahayag ng hula tungkol sa kapapahan ay “kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan.”2Daniel 7:25. Ito'y hindi maliwag gawin. Upang ang mga paganorg nagsipanampalataya ay mabigyan ng ibang sinasamba na kahalili ng mga diyus-diyusan, at sa gayo'y umunlad ang kanilang bahagyang pagtanggap sa Kristiyanismo, ang pagsamba sa mga larawan at mga relikya ay unti-unting ipinasok sa pagsambang Kristiyano. Ang kapasiyahang napagtibay sa isang pangkalahatang sanggunian ang sa wakas ay siyang nagtatag ng kaayusang ito na pag amba sa mga diyus-diyusan.MT 42.1

    Ang diwa ng pagsang-ayon sa paganismo ay siyang nagbukas ng daan sa patuloy na pagtanggi sa kapangyarihan ng Langit. Si Satanas, na gumagawa sa pamamagitan ng mga walang kabanalang pangulo ng iglesya, ay nanghimasok din naman sa ikaapat na utos, at sinikap alisin ang dating Sabado,3Paliwanag: Ang pangungusap na “araw na kapahingahan” sa ikaapat n autos ng Dekalogo (Exodo 20:8-11) at sa iba pang bahagi ng mga Banal na Kasulatan ay “araw ng Sabado” sa talatang Hebreo. Iyan ay isang bagay na pinatutunayan ng kasaysayan na ang mga tao ng Diyos ay nagsipangilin ng Sabado, na ikapitong araw ng sanlinggo, noong mga kapanahunan ng Biblia. Dahil dito'y tinatawag pa rin natin ngayong Sabado sa mga wika natin ditto sa Pilipinas ang ikapitong araw ng sanlinggo. Ang ngalang ito ng araw ng sanlinggo. ANg ngalang ito ng araw ay kinuha natin sa wikang Kastila. Ito ang anyong Kastila ng salitang Shabbath ng wikang Hebreo. ang araw na Sabado na pina- kabanal ng Diyos,4Genesis 2:2, 3. at sa lugar nito y itinanghal ang kapistahang ipinangingilin ng mga pagano bilang “kagalanggalang na kaarawan ng araw.”5Paliwanag: Noong Marso 7, P. K. 321, ay ipinahayag nni Konstantino, na emperador ng Roma, ang unang hatas ukol sa pangingilin ng Linggo na nauulat sa kasaysayan. Ganito ang sinasabi: “Si Konstantino, na Emperador Agosto, kay Elpidio: Sa kagalang-galang na kaarawan ng Araw ang mga mahistrado at ang mga taong nananahanan sa mga lunsod ay magsipagpahinga sana, at ipinid ang lahat ng mga pagawaan. Gayunman, ang mgataong nagsisigawa sa kabukiran ay maaaring magpatuloy sa kanilang mga Gawain; sapagka't madalas na nangyayari na ang ibang araw ay hindi mabuti para sa paghahasik ng binhi o para sa pagtatanim ng ubas; baka sa pagpapabaya sa tamang panahng ukol sa gawaing ito, ay mawala ang kasaganaang kaloob ng langit.” — Philip Schaff, History of the Christian Church, tomo 3, kab. 7, pang. 75, par. 5 (unang pahiwatig). Sa pasimula ang pagbabagong ito ay hindi hayagang ginawa. Noong mga unang dantaon ang tunay na Sabado ay ipinangilin ng lahat ng Kristiyano. Masisikap sila sa pagpaparangal sa Diyos, at sa kanilang paniniwala na ang Kanyang kautusan ay hindi mababago, mahigpit nilang iningatan ang kabanalan ng mga utos nito. Datapuwa't taglay ang malaking pagdaraya ay sinikap ni Satanas sa pamamagitan ng kanyang mga ahente na maisakatuparan ang kanyang layunin. At upang ang pansin ng mga tao ay maiukol sa unang araw ng Linggo, ay ginawa itong isang kapistahan sa karangalan ng pagkabuhay na mag-uli ni Kristo. Nagdaos ng mga pulong ukol sa relihiyon sa araw na iyan, gayon ma'y ipinalagay ito na isang araw lamang ng pagaaliw, at ang Sabado'y ipinangingilin at iniingatang banal pa rin.MT 42.2

    Upang mahanda ang daan para sa gawaing pinanukala ni Satanas na ganapin, ay inakay niya ang mga Hudyo bago ipinanganak si Kristo, na buntunan ang Sabado ng mahihigpit na utos upang maging isang mabigat na pasanin ang pangingilin nito. Sa pagsasamantala niya sa hindi tunay na liwanag na kanyang ipinakilala ay pinawalan niyang kabuluhan at hinamak ang Sabado sa pagsasabing ito'y sa mga Hudyo lamang. Samantalang ipinagpapatuloy ng mga Kristiyanong ang Linggo'y ipagdiwang na isang napakasayang kapistahan, ay inakay sila ni Satanas upang kamuhian nila ang relihiyon ng mga Hudyo, upang ang Sabado'y gawing isang araw ng pag-aayuno, araw ng kalungkutan, at kapanglawan.MT 43.1

    Sa unang bahagi ng ikaapat na dantaon, ang emperador Konstantino ay nagpalabas ng isang utos na nagtatadhanang ang Linggo ay maging isang kapistahang bayan sa buong Imperyo ng Roma.5Paliwanag: Noong Marso 7, P. K. 321, ay ipinahayag nni Konstantino, na emperador ng Roma, ang unang hatas ukol sa pangingilin ng Linggo na nauulat sa kasaysayan. Ganito ang sinasabi: “Si Konstantino, na Emperador Agosto, kay Elpidio: Sa kagalang-galang na kaarawan ng Araw ang mga mahistrado at ang mga taong nananahanan sa mga lunsod ay magsipagpahinga sana, at ipinid ang lahat ng mga pagawaan. Gayunman, ang mgataong nagsisigawa sa kabukiran ay maaaring magpatuloy sa kanilang mga Gawain; sapagka't madalas na nangyayari na ang ibang araw ay hindi mabuti para sa paghahasik ng binhi o para sa pagtatanim ng ubas; baka sa pagpapabaya sa tamang panahng ukol sa gawaing ito, ay mawala ang kasaganaang kaloob ng langit.” — Philip Schaff, History of the Christian Church, tomo 3, kab. 7, pang. 75, par. 5 (unang pahiwatig). Ang kaarawan ng araw ay iginalang ng kanyang mga paganong nasasakupan at pinarangalan ng mga Kristiyano. Naging pamamalakad ng emperador na papaglakipin ang mga nagkakalabang mga interes ng paganismo at Kristiyanismo. Napilit siya sa paggawa nito ng mga obispo ng iglesya na dahil sa kanilang paghahangad at kauhawan sa kapangyarihan ay nangagakalang kung isang araw lamang ang ipangingilin ng mga Kristiyano at mga pagano ito'y makatutulong upang sa paano ma'y tanggapin ng mga pagano ang pananampalatayang Kristiyano at sa gayo'y lalaki ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng iglesya. Datapuwa't bagaman untiunting naakay ang mga Kristiyanong may takot sa Diyos na kilalanin na ang Linggo ay mayroong kaunting kabanalan, ay pinanghawakan pa rin nila ang tunay na Sabado na siyang banal ng Panginoon, at ito'y kanilang ipinangilin sa pagsunod sa ikaapat na utos.MT 44.1

    Hindi pa natatapos ng puno ng magdaraya ang kanyang gawain. Ipinasiya niyang tipunin ang Sangkakristiyanuhan sa ilalim ng kanyang bandila, at gamitin ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan, yaong palalong pontipisi na nagbansag na kinatawan ni Kristo. Sa pamamagitan ng mga paganong hindi lubos ang pagkakristiyano, ng mga mapag-imbot na pari, at ng mga kasapi sa iglesyang makasanlibutan, ay naisagawa ni Satanas ang kanyang adhika. Malalaking sanggunian ang idinaos sa pana-panahon, na doo'y tinipon ang mga mararangal na puno ng iglesya mula sa lahat na bahagi ng sanlibutan. Sa halos lahat ng sanggunian ang Sabadong 6Tingnam ang Paliwanag sa p. 43. itinatag ng Diyos ay ibinababa ng kaunti samantalang ang Linggo ay siya namang ibinubunyi. Sa ganya'y ang kapistahan ng mga pagano sa wakas ay dinakilang tulad sa itinatag ng Diyos, samantalang ang Sabadong itinuturo ng Biblia ay ipinahayag na isang tanda ng relihiyong Hudyo at ang mga nangingilin nito'y ipinahahayag na mga sinumpa.MT 44.2

    Ang bantog na tumalikod ay nagtagumpay sa pagtatanghal ng kanyang sarili “laban sa lahat na tinatawag na Diyos, o sinasamba.”72 Tesalonica 2:4. Pinangahasan niyang baguhin yaong utos sa banal na kautusan na siya lamang nagtuturo na walang pagkakamali sa buong sangkatauhan sa tunay at buhay na Diyos. Ipinakikilala sa ikaapat na utos na ang Diyos ang lumalang ng langit at ng lupa, at sa gayo'y natatangi sa mga ibang hindi tunay na diyos. Ito'y isang alaala ng paglalang, kaya't ito'y pinakabanal upang ipagpahinga ng mga tao. Iya'y pinanukala upang maingatang lagi sa isipan ng mga tao na ang Diyos ay bukal ng buhay at dapat igalang at sambahin. Pinagsisikapan ni Satanas na ilayo ang mga tao sa pakikikampi sa Diyos at pagsunod sa Kanyang kautusan, kaya naman iniubos niya ang kanyang mga paggawa laban sa utos na nagsasabing ang Diyos ang Manglalalang.MT 45.1

    Nang ikaanim na dantaon ang kapapahan ay natayo nang matibay. Ang kanyang luklukan ng kapangyarihan ay nalagay sa lunsod ng imperyo, at ang obispo ng Roma ay ipinahayag na pangulo ng buong iglesya. Ang paganismo ay hinalinhan ng kapapahan. Ibinigay ng dragon sa hayop ang kaniyang “kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan at dakilang kapamahalaan.”8Apocalipsis 13:2. At nagpasimula na ang 1260 taon ng pag-uusig ng kapapahan na ipinagpauna sa hula ni Daniel at sa Apokalipsis.9Daniel 7:25; Apocalipsis 13:5-7. Ang mga Kristiyano'y napilitang mamili na isuko ang kanilang malinis na pananampalataya at tanggapin ang mga aral at pagsambang itinuturo ng papa, o mamatay sa loob ng bilangguan, o sa pamamagitan ng iba't ibang pahirap, o sa tabak kaya ng berdugo. Natupad ang sinabi ni Jesus na: “Kayo'y ibibigay ng kahi't mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa Aking pangalan.”10Lucas 21:16, 17.MT 45.2

    Ang pag-uusig ay dumagsa sa mga tapat, pag-uusig na lalong mabangis kaysa lahat ng nangyari nang pag-uusig, at ang sanlibutan ay naging malaking larangan ng digma. May daan-daang taong ang iglesya ni Kristo ay nakasumpong ng kanlungan sa pag-iisa at pagkakatago. Ganito ang sinabi ng propeta: “Tumakas ang babae sa ilang, na roon siya'y ipinaghanda ng Diyos ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at animnapung araw.”11Apocalipsis 12:6.MT 46.1

    Ang pag-akyat ng iglesya Romana sa kapangyarihan ay siyang tanda ng pagpapasimula ng Madilim na Kapanahunan. Sa paglaki ng kaniyang kapangyarihan ay kumapal naman ang kadiliman. Ang pananampalataya ay inalis kay Kristo na siyang tunay na saligan, at inilipat sa papa ng Roma. Sa halip na magtiwala ang mga tao sa Anak ng Diyos sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan at sa walang-hanggang kaligtasan, sila'y umasa sa papa at sa mga pari at sa mga prelado na pinagkalooban niya ng kapangyarihan. Itinuro sa kanila na ang papa ang siya nilang tagapamagitan dito sa lupa, at wala sinumang makalalapit sa Diyos kundi sa pamamagitan niya; at siya ang lumalagay sa lugar ng Diyos sa kanila, kaya't kailangang siya'y mahigpit na sundin. Ang paglihis sa kanyang kahingian ay sapat nang dahilan ng pinakamabagsik na kaparusahan sa katawan at kaluluwa ng mga nagkasala. Sa ganyang kaparaana'y ang isipan ng mga tao'y nangaaalis sa Diyos at nangalagay sa nagkakamali, at nagkakasalang tao.MT 46.2

    Ang mga araw na yaon ay araw na mapanganib sa iglesya ni Kristo. Tunay na iilan ang tapat na tagapagdala ng watawat. Bagaman ang katotohanan ay hindi naiwang walang saksi, maminsan-minsan ay wari manding ang kamalian at pamahiin ay siyang sa wakas ay ganap na mangingibabaw at ang tunay na relihiyon ay mapapawi na sa buong lupa. Nakaligtaan ang ebanghelyo, datapuwa't ang mga anyo ng relihiyon ay dumami, at ang mga tao'y nangabuntunan ng mahihigpit na utos.MT 47.1

    Itinuro sa kanila hindi lamang ang tumingin sila sa papa na pinaka-tagapamagitan nila, kundi magtiwala sa sarili nilang mga gawa na siyang tutubos sa kasalanan. Ang mahahabang paglalakbay, ang pagpipinetensya, ang pagsamba sa mga relikya, pagpapatayo ng mga simbahan, relikaryo, at dambana, pagbabayad ng malaking halaga sa iglesya—ang mga ito at marami pang ibang katulad nito, ay ipinag-utos upang mapahibag ang kagalitan ng Diyos o makamtan ang Kanyang awa; na tila bagang ang Diyos ay katulad ng mga tao, na mapagagalit sa maliliit na bagay, at mapalulubag ng mga kaloob o ng mga pagpipinetensya!MT 47.2

    Waring patuloy rin ang pagkapal ng kadiliman. Lumaganap ang pagsamba sa mga larawan. Sinindihan ang mga kandila sa harapan ng mga larawan at dinalanginan ang mga ito. Samantalang ang mga pari at mga obispo ay mga maibigin sa kalayawan, mga mahahalay, at mga masasama, walang sukat maasahan kundi malubog sa kamangmangan at bisyo ang mga taong tumitingin sa kanila upang patnubayan.MT 47.3

    Isa pang hakbang ng pagpapanggap ang ginawa ng kapapahan, nang, noong ika-11 dantaon ay ipahayag ni Papa Gregorio VII ang kasakdalan ng Iglesya Romana. Ang isa sa mga sinabi niya ay yaong nagpapahayag na ang iglesya ay di kailan man nagkamali, ni hindi rin kailan man magkakamali, ayon sa mga Kasulatan. Datapuwa't ang mga sinabi niyang ito'y walang mga katibayan ng Kasulatan.MT 47.4

    Ang isang maliwanag na halimbawa ng malupit na likas ng nagbabansag na ito na wala siyang pagkakamali ay nahayag sa ginawa sa emperador ng Alemanya na si Enrique IV. Sa pangahas na pagwawalang bahala ng emperador na ito sa kapangyarihan ng papa, ipinahayag naman ng papa na siya'y eskomulgado at dapat maalis sa kanyang luklukan. Sa pagkatakot ni Enrique na baka siya'y takasan at pagbantaan ng kanyang mga prinsipe na inudyukan ng utusan ng papa na maghimagsik laban sa kanya, nadama niyang kailangang siya'y makipamayapa sa Roma. Kasama ang kanyang asawa at isang tapat na alipin ay tinawid niya ang kabundukan ng Alpes nang nagkakalahati na ang panahon ng tagginaw, upang mangayupapa sa harapan ng papa. Nang sumapit siya sa isang kastilyo na pinanggalingan ni Gregorio ay inihatid siyang nag-iisa sa patyo sa labas, at doon, sa gitna ng lamig. walang takip ang ulo, at walang sapin ang paa, at sa kaaba-abang pananamit, ay inantabayanan niya ang kapahintulutan ng papa na makalapit sa kanyang harapan. Hindi siya pinatawad ng papa hanggang hindi natapos ang tatlong araw na paga-ayuno at pagpapahayag ng kanyang kasalanan. Napatawad man nga siya'y kinailangan pa ring antayin niya ang kapahintulutan ng papa bago siya gumanap ng kanyang kapangyarihang pagkahari. At si Gregorio, na nagmataas dahil sa kanyang tagumpay, ay namarali na tungkulin niya ang magbaba ng kapalaluan ng mga hari.MT 48.1

    Anong laki ang pagkakaiba ng labis na kapalaluan ng mapagmataas na pontipising ito at ang kaamuan at kapakumbabaan ni Kristo, na napakikilalang tumatawag sa pinto ng puso upang makapasok, upang magdala ng kapatawaran at kapayapaan, na siya ring nagturo sa Kanyang mga alagad na: “Sinumang mag-ibig na maging una sa inyo, ay magiging alipin ninyo.”12Mateo 20:27.MT 48.2

    Ang mga sumusunod na dantaon ay sumaksi sa isang patuloy na paglago ng kamalian sa mga aral na itinuturo ng Roma. Noon mang bago napatayo ang kapapahan, ang mga turo ng mga pilosopong pagano ay tumanggap na ng pagpansin at nagkaroon ng impluensya sa loob ng iglesya. Marami sa nagbabansag na mga nahikayat ang nanghahawak pa rin sa mga iniaaral ng kanilang pilosopiyang pagano, at hindi lamang ipinagpapatuloy nila ang pagaaral nito kundi ipinapayo pa nila ito sa mga iba na isang paraan ng paglaganap ng kanilang impluensya sa mga pagano. Sa ganya'y naipasok sa pananampalatayang Kristiyano ang malubhang kamalian. Ang lalong kilala sa mga kamaliang ito ay ang paniniwala sa katutubong pagkawalang kamatayan ng tao, at ang paniniwalang ang patay ay nakakamalay pa. Ang aral na ito ay naglagay ng patibayan na pinagtayuan ng Roma ng aral na pagdalangin sa mga santo at pagsamba kay Birheng Maria. Mula rito'y bumangon din naman ang erehiyang paniniwala sa walang-hanggang pagpapahirap sa mga di-nagsisi, na noon pa mang unang kapanahunan ay napalahok na sa paniniwalang makapapa.MT 49.1

    Nang magkagayo'y napahanda ang daan sa pagpasok ng isa pang paniniwala na likha ng paganismo, na pinamagatan ng Roma na purgatoryo, at ito'y ginamit upang takutin ang mga mangmang at mapamahiing karamihan. Sa pamamagitan ng erehiyang ito ay pinatutunayan na mayroong isang pook ng parusahan, na roo'y magdaranas ang mga kaluluwang hindi nagkamit ng walang-hanggang pagkapahamak. ng parusa dahil sa kanilang mga kasalanan, at kapag nalinis na sila sa lahat ng karumihan ay saka tatanggapin sa langit.MT 49.2

    Kinailangan pa rin ang ibang katha upang makinabang ang Roma sa pagkatakot at bisyo ng kanyang mga kabig. Ito ang aral tungkol sa indulhensya. Ang lubos na kapatawaran ng mga pagkakasala, nang nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap at kapatawraran sa lahat ng hirap at kaparusahang ipapataw, ay ipinangako sa lahat ng magpapatala sa mga pakikidigma ng papa upang mapalaki ang kanyang kaharian, upang parusahan ang kanyang mga kaaway, o kaya'y lipulin yaong mga nangahas tumanggi sa kanyang kataasang ukol sa espiritu. Itinuro din naman sa mga tao na sa pagbibigay nila ng salapi sa iglesya ay maililigtas nila ang kanilang sarili sa kasalanan, at mapalalaya ang mga kaluluwa ng kanilang nangamatay na kaibigan na pinahihirapan sa liyab ng purgatoryo.MT 49.3

    Ang banal na hapunan na itinatag ng Panginoon na ipinakilala ng Banal na Kasulatan ay hinalinhan ng maka-diyus-diyusang paghahain ng misa. Nagkunwa ang mga pari na ang simpling tinapay at alak ay nagagawa nilang tunay na “katawan at dugo ni Kristo.”13Cardnal N. P. Wiseman, Lectures on the Principal Doctrines and Practices of the Catholic Church, No. 8, “The Real Presence,” sek. 3, par. 26. (Londres, 1836.) Hayagang inaangkin nila ang kapangyarihan ng paglalang sa Diyos, na Maylalang ng lahat ng bagay.MT 50.1

    Ang kapapahan ay naging mapaghari-harian sa buong sanlibutan. Ang mga hari at mga emperador ay yumukod sa mga pasiya ng pontipising Romano. Ang kapalaran ng mga tao, sa panahong ito at sa walang-hanggan man, wari mandi'y nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan. Sa loob ng daan-daang taon, ang mga aral ng Roma ay mahigpit na niyakap sa lahat ng dako, ang kanyang mga ritos ay magalang na ginanap, ang kanyang mga kapistahan ay ipinangilin ng lahat. Ang kanyang mga pari ay iginalang at tinangkilik ng mga saganang kaloob. Kai-kailan man ang Iglesya Romana ay hindi umabot sa lalong malaking karangalan, kadakilaan, o kapangyarihan, kundi nang panahong yaon.MT 50.2

    Datapuwa't “ang katanghaliang tapat ng kapapahan ay siyang hatinggabi ng sanlibutan.”14J. A. Wylie, History of Protestantism, aklat I, kah.4. Ang mga Banal na Kasulatan ay halos hindi naaalaman, hindi lamang ng mga tao, kundi pati ng mga pari. Nang maalis na ang kautusan ng Diyos na siyang patakaran ng katuwiran, ay malabis na nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan, at nagbisyo na sila ng walang tuos. Sa loob ng maraming panahon, ang Europa ay walang ikinasulong sa kaalaman, sa sining, o sa kabihasnan. Dinapuan ng paralisis arg moral at ang pag-iisip ng Sangkakristiyanuhan.MT 50.3

    Ang kalagayan ng sanlibutan sa ilalim ng kapangyarihang Romano ay nagpakilala sa isang kakilakilabot at katangi-tanging katuparan ng mga pangungusap ng propetang si Oseas: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakwil ng kaalaman, Akin namang itatakwil ka . . . yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Diyos, Akin namang kalilimutan ang iyong mga anak.” “Walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Diyos sa lupain. Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo.”15Oseas 4:6, 1, 2. Ito ang mga bunga ng pagtatapon sa salita ng Diyos.MT 51.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents