Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- PUNONG SALITA
- PAGPAPAKILALA
- NILALAMAN
- Kabanata 1—Ang wakas ng isang bansa
- Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
- Kabanata 3—Ang iglesya sa roma
- Kabanata 4—Ang iglesya sa mga kabundukan
- Kabanata 5—Isang liwanag sa kadiliman
- Kabanata 6—Dalawang tanyag na martir
- Kabanata 7—Pagsilang ng isang bayani
- Kabanata 8—Ang paglitis sa katotohanan
- Kabanata 9—Sa gitnang europa
- Kabanata 10—Naligalig ang suisa
- Kabanata 11—Pagtatanggol sa pananampalataya
- Kabanata 12—Ang panawagan sa mga pranses
- Kabanata 13—Sa olanda at sa eskandinabya
- Kabanata 14—Sa mga pulo ng britanya
- Kabanata 15—Paggising sa bansa
- Kabanata 16—Pagsisikap ukol sa kalayaan
- Kabanata 17—Nakapagtatakang mga tanda
- Kabanata 18—Isang malaganap na pagkagising
- Kabanata 19——Isang dakilang amerikano
- Kabanata 20—Tinanggihan ang babala
- Kabanata 21—Ipinaliwanag ang hiwaga
- Kabanata 22—Ang krus at ang anino nito
- Kabanata 23—ANG TEMPLO NG SANTINAKPAN
- Kabanata 24—Ang dakilang tuntunin ng buhay
- Kabanata 25— Isang kilusang pangsanlibutan
- Kabanata 26—“Ang panahon ng kanyang paghatol”
- Kabanata 27—Ang pinagmulan ng masama
- Kabanata 28—Tao laban sa diyablo
- Kabanata 29—Mabuti at masamang espiritu
- Kabanata 30—Nakasisilong mga erehiya
- Kabanata 31—Ang hiwaga ng kaluluwa
- Kabanata 32—Makakausap ba natin ang patay?
- Kabanata 33—Tumitingin sa roma ang sanlibutan
- Kabanata 34—Ang darating na labanan
- Kabanata 35—Ang sanggalang laban sa pagdaraya
- Kabanata 36—Ang babala sa sanlibutan
- Kabanata 37—Ang panahon ng kabagabagan
- Kabanata 38—Magtatagumpay ang katotohanan
- Kabanata 39—Ang paghihirap ng lupa
- Kabanata 40—Ang wakas ng tunggalian
Search Results
- Results
- Related
- Featured
- Weighted Relevancy
- Content Sequence
- Relevancy
- Earliest First
- Latest First
- Exact Match First, Root Words Second
- Exact word match
- Root word match
- EGW Collections
- All collections
- Lifetime Works (1845-1917)
- Compilations (1918-present)
- Adventist Pioneer Library
- My Bible
- Dictionary
- Reference
- Short
- Long
- Paragraph
No results.
EGW Extras
Directory
Kabanata 2—Pinag-usig ng paganismo
Mula sa Bundok ng Olibo ay namalas ng Tagapagligtas ang bagyong malapit bumugso sa iglesyang itinatag ng mga apostol; at sa lagusang pagtingin Niya sa panahong hinaharap, ay nakita ng Kanyang paningin ang mabagsik at mapangwasak na mga unos na bubugso sa Kanyang mga alagad sa dumarating na mga panahon ng kadiliman at pag-uusig Sa ilang maikling pangungusap na may kalagim-lagim na kahulugan, ay sinabi Niya ang gagawin sa iglesya ng Diyos ng mga pangulo ng sanlibutang ito.1Mateo 24:9, 21, 22. Ang mga alagad ni Kristo ay dapat magsilakad sa landas ding iyon ng paghamak, paninisi, at kahirapan, na siyang tinunton ng kanilang Panginoon. Ang kapootang pumutok laban sa Manunubos ng sanlibutan, ay ihahayag laban sa lahat ng magsisisampalataya sa Kanyang pangalan.MT 29.1
Pinatunayan ng kasaysayan ng unang iglesya ang pagkatupad ng pangungusap ng Tagapagligtas. Ang mga kapangyarihan sa lupa at sa impiyerno ay naglakip at sa kanilang pakikibaka sa mga susunod kay Kristo'y kanilang nilabanan si Kristo. Nakita kapagkaraka ng Paganismo na kung magwawagi ang ebanghelyo ay malilipol ang kanyang mga templo at mga dambana kaya't tinawag niya ang kanyang mga hukbo upang iwasak ang Kristiyanismo. Ang mga apoy ng pag-uusig ay pinapag-alab. Ang mga Kristiyano'y sinamsaman ng mga ariarian at pinalayas sa kanilang mga tahanan. Sila'y nagtiis ng “malaking pakikilaban ng mga pagbabata.”2Hebreo 10:32. “Nangagkaroon” sila ng mga “pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bu- kod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman.”3Hebreo 11:36. Pinagtibay ng marami ang kanilang patotoo sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo. Mga taong mararangal at mga alipin, mayayaman at mga dukha, marurunong at mga mangmang, ay pawang pinagpapatay na walang awa.MT 29.2
Ang mga pag-uusig na ito, na nagpasimula noong panahon ng emperador Neron noong patayin si Pablo, ay nagpatuloy sa loob ng daan-daang taon na kung minsan ay matindi at kung minsan ay mahina. Ang mga Kristiyano'y pinaratangang nakagawa ng napakabibigat na krimen at ipinahayag na sila ang dahil ng malalaking kasakunaan—gutom, salot, at lindol. At nang sila'y kapootan at paghinalaan ng inadla, humanda naman ang mga tagapagsumbong upang ipagkanulo ang mga walang sala upang magtamo lamang sila ng salapi. Sila'y hinatulan bilang mga naghihimagsik sa kaharian, mga kaaway ng relihiyon, at mga salot sa lipunan. Marami ang inihagis sa maninilang hayop o sinunog na buhay sa mga ampitiyatro. Ang mga iba ay ipinako sa krus; ang iba pa ay dinamtan ng mga balat ng maiilap na hayop at inihagis sa isang kulong na lugar upang pagwaraywarayin ng mga aso. Ang parusa sa kanila ay madalas na ginawang pinaka malaking aliwan sa pagpipista ng bayan. Nagkakatipon ang karamihan upang manood na may katuwaan, at ang mga daing ng mga nalalagutan ng hininga ay tinutugon nila ng tawanan at palakpakan.MT 31.1
Saan man nagtago ang mga nanampalataya kay Kristo ay pinaghahanap nilang tulad sa paghanap sa mabangis na hayop. Napilitan silang humanap ng kanilang mapagtataguan sa mga ilang na pook. “Sila'y . . . nangapighati, tinampalasan (na sa mga yaon ay hindi karapat-dapat ang sanlibutan), na nangaliligaw sa ilang, at sa mga kabundukan, at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.”4Hebreo 11:37, 38. Ang mga katakumba*Sementeryo sa ilalim ng lupa. ay napanganlungan ng libu-libo. Sa ilalim ng mga burol na nasa labas ng lunsod ng Roma ay humukay sila ng mahahabang daan na naglalagos sa lupa at bato; ang madilim at pasanga-sangang daanang ito ay nakalabas ng malayo sa kuta ng lunsod. Sa mga guwang na ito sa ilalim ng lupa ay inilibing ng mga sumusunod kay Kristo ang kanilang mga patay; at dito rin naman sila nakasusumpong ng tahanan kapag sila ay pinaghihinalaan at dinarakip.MT 31.2
Sa gitna ng pinakamabangis na pag-uusig ay iningatang walang dungis ng mga saksing ito ni Jesus ang kanilang pananampalataya. Bagaman salat sa ginhawa, kubli sa liwanag ng araw, at tumitira sa madilim nguni't palakaibigang sinapupunan ng lupa, hindi sila dumaing ng anuman. Sa mga salita ng pananampalataya, pagtitiis, at pag-asa, ay nagpapayuhan sila sa isa't isa na magtiis ng kasalatan at kahirapan. Ang pagkawala ng lahat nilang pagaari sa lupa ay hindi makapilit sa kanila na iwaksi ang kanilang pananalig kay Kristo. Gaya ng mga alipin ng Diyos noong unang kapanahunan, marami sa kanila ang “nangamatay sa hampas na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na mag-uli.”5Hebreo 11:35. Bumaba sa kanila ang isang tinig na mula sa luklukan ng Diyos na anya'y “Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.”6Apocalipsis 2:10.MT 32.1
Walang narating ang mga pagsisikap ni Satanas na gibain ang iglesya ni Kristo sa pamamagitan ng dahas. Ang malaking labanan na kinamatayan ng mga alagad ni Jesus ay hindi natapos nang mahapay sa pagganap ng tungkulin ang mga tapat na nagsipagdala ng watawat. Nagwagi sila sa pamamagitan ng pagkatalo. Pinagpapatay ang mga manggagawa ng Diyos datapuwa't patuluyang sumulong ang Kanyang gawain. Ang ebanghelyo ay nagpatuloy ng paglaganap at ang bilang ng kabig Niya ay lumago.MT 32.2
Libu-libo ang ibinilanggo at pinatay; datapuwa't tumindig naman ang mga iba upang sa kanila'y humalili. At yaong mga pinatay dahil sa kanilang pananampalataya ay nangapanatag kay Kristo at mga ibinibilang Niyang mga nagtatagumpay. Nakipagbaka sila ng mabuting pakikipagbaka, at sila'y tatanggap ng putong ng kaluwalhatian sa ikalawang pagdating ni Kristo. Ang mga hirap na binata ng mga Kristiyano ay siyang naglapit sa kanila sa isa't isa at sa kanilang Manunubos. Ang kanilang buhay na halimbawa at ang patotoo nila sa oras ng kanilang kamatayan ay naging isang palaging saksi sa katotohanan; at sa dakong babahagya ang pag-asa na ito'y mangyayari, ay iniwan si Satanas ng kanyang mga kampon at nagsilipat sa ilalim ng watawat ni Kristo.MT 33.1
Sa gayo'y pinanukala ni Satanas na lalong matagumpay na bakahin ang pamahalaan ng Diyos, sa pagtitirik ng kanyang watawat sa iglesya Kristiyana. Kung madaraya lamang ang mga sumusunod kay Kristo, at maaakay na sumuway sa Diyos, ang kanilang lakas, katatagan, at katibayan ay magagapi, at sila'y madaling malulupigan.MT 33.2
Nang magkagayo'y pinagsikapan naman ng mahigpit na kaaway na makuha sa pamamagitan ng lalang yaong hindi niya nakuha sa pamamagitan ng lakas. Huminto ang pag-uusig, at sa halip nito'y napalit ang mapanganib na panghalina ng kasaganaan at karangalan sa sanlibutan. Ang mga sumasamba sa diyus-diyusan ay nangaakay na tumanggap ng isang bahagi ng pananampalatayang Kristiyano, bagaman ang ibang mahahalagang katotohanan ay tinanggihan nila. Nagbansag silang nanganiniwala na si Jesus ay Anak ng Diyos, at nanganiniwala rin sa Kanyang pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli; datapuwa't wala silang pagkilala sa kanilang pagkamakasalanan at hindi nila naramdamang kailangan pa ang pagsisisi at ang isang bagong puso. Sa pagtanggap nila ng ilang bahagi ng paniniwalang Kristiyano, ay iminungkahi nila na ang mga ito'y tumanggap din ng ilang bahagi ng ka- nilang paniniwala upang silang lahat ay magkaisa sa pananampalataya kay Kristo.MT 33.3
Ngayon ang iglesya'y napasa katakut-takot na kapanganiban. Ang bilangguan, ang pagpapahirap, ang apoy, at ang tabak, ay nagiging mga pagpapala kung ihahambing sa kapanganibang ito. Ang ilan sa mga Kristiyano ay tumayong matibay, na nagpahayag na hindi sila makasasang-ayon sa anumang kasunduang may-pasubali. Ang iba naman ay payag na sumang-ayon o kaya'y baguhin ang ilang bahagi ng kanilang pananampalataya, at makilakip doon sa mga tumanggap sa isang bahagi ng Kristiyanismo, na kanilang ipinilit na maaaring ito ang maging daan ng kanilang lubos na pagkahikayat. Ang panahong yaon ay panahon ng matinding kadalamhatian ng mga tapat na alagad ni Kristo. Sa ilalim ng balatkayong pagpapanggap Kristiyano ay ipinapasok ni Satanas ang kanyang sarili sa iglesya upang dungisan ang pananampalataya nito at ilayo ang kanilang pag-iisip sa salita ng katotohanan.MT 34.1
Sa wakas ay marami sa mga Kristiyano ang umayon na babaan ang kanilang pamantayan, at ginawa ang pagkakaisa ng Kristiyanismo at ng Paganismo. Bagaman ang mga sumasamba sa diyus-diyusan ay nagpapanggap na hikayat na nakilakip na sa iglesya, hindi pa rin nila binibitiwan ang kanilang pagsamba sa diyus-diyusan, pinalitan nila ang dating mga larawang sinasamba nila ng mga larawan ni Jesus, at ni Maria at ng mga banal. Ang maruming lebadurang ito ng pagsamba sa diyusdiyusan, na ipinasok sa iglesya, ay nagpatuloy sa kanyang masamang gawain. Ang mga maling aral, mga ritong pamahiin, at ang mga seremonyang ukol sa diyusdiyusan ay inilakip sa kanyang pananampalataya at pagsamba. Nang ang mga sumusunod kay Kristo ay inakisama sa mga sumasamba sa diyus-diyusan, ang relihiyong Kristiyano ay narumhan, at nawala sa iglesya ang kanyang kalinisan at kapangyarihan, Gayon ma'y mayroong ilang hindi nailigaw ng mga karayaang ito. Iningatan pa rin nila ang kanilang katapatan sa May-gawa ng katotohanan, at sa tunay na Diyos lamang sila sumamba.MT 34.2
Kinailangan ang mahigpit na pakikilaban niyaong mga ibig magtapat upang makatayo silang matatag laban sa mga pagdaraya at mga karumaldumal na gawaing natatago sa mga damit saserdoteng ipinasok sa iglesya. Ang Biblia ay hindi tinanggap na pamantayan ng pananampalataya. Ang aral ukol sa kalayaan ng relihiyon ay ipinalagay nilang salungat sa paniwala at ang mga tumatangkilik nito ay kinapopootan at itinitiwalag sa iglesya.MT 35.1
Pagkatapos ng matagal at mahigpit na pakikilaban, ang ilang matapatin ay nagpasiyang tumiwalag sa iglesyang tumalikod, kung ang iglesyang ito'y hindi hihiwalay sa kasinungalingan at pagsamba sa diyus-diyusan. Nakita nilang lubhang kailangan ang paghiwalay kung susundin din lamang nila ang salita ng Diyos. Hindi nila mapayagang mamalagi ang mga kamaliang magpapahamak sa kanilang mga kaluluwa at maglagay ng isang halimbawa na magpapahamak sa pananampalataya ng kanilang mga anak at mga inapo. Upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa, nahahanda silang sumang-ayon sa anumang bagay na tungo sa pagtatapat sa Diyos; datapuwa't ipinalagay nila na kapayapaan man ay napakamahal na lubha kung ang kapalit ay ang ikapapalungi ng simulain.MT 35.2
Ang mga unang Kristiyano ay tunay na isang tanging bayan. Ang kanilang walang kapintasang pagkilos at dinagmamaliw na pananampalataya ay isang pagsuwat na parating lumiligalig sa kapayapaan ng makasalanan. Bagaman sila'y iilan, maralita, walang katungkulan, ni titulo ng karangalan, kinatakutan sila ng mga manggagawa ng kasamaan, saan man mabalita ang kanilang mga likas at mga aral. Dahil dito sila'y kinapootan ng masasama, gaya ni Abel na kinapootan ng walang takot sa Diyos na si Kain. Yaon ding naging dahil ng pagpatay ni Kain kay Abel ang dinahilan noong mga ayaw papigil sa Banal na Espiritu sa kanilang pagpuksa sa bayan ng Diyos. Iyan din ang sanhi kung kaya itinakwil at ipinako sa krus ng mga Hudyo ang Tagapagligtas—sapagka't ang kalinisan at kabanalan ng Kanyang likas ay isang palaging pagsuwat sa kanilang kasakiman at kasamaan. Mula noong kaarawan ni Kristo hanggang sa panahong ito, ang Kanyang mga tapat na alagad ay siyang umuuntag ng poot at pagsalansang niyaong mga umiibig at sumusunod sa landas ng kasalanan.MT 35.3
Ang ebanghelyo ay isang balita ng kapayapaan. Ang Kristiyanismo ay isang kaayusan, na kung tatanggapin at susundin, ay maglalaganap ng kapayapaan, pagkakaisa, at ligaya, sa buong sangkalupaan. Ang relihiyon ni Kristo ay siyang bibigkis sa lahat ng tatanggap sa mga aral nito sa isang mahigpit na pagkakapatiran. Ang pakay ni Jesus ay ang ipakipagkasundo ang mga tao sa Diyos, at ang tao sa kanyang kapuwa. Datapuwa't ang pinakamalaking bahagi ng sanlibutan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, na pinakamapait na kaaway ni Kristo. Ang ebanghelyo ay nagpapakilala sa mga tao ng mga simulain ng buhay na kaibang-kaiba sa kanilang mga ugali at pagnanasa, dahil dito, sila'y naghimagsik laban sa ebanghelyo. Kinapootan nila ang kalinisang naghahayag at humahatol sa kanilang mga kasalanan, at pinag-uusig at nililipol ang mga taong nagpapakilala sa kanila ng matuwid at kabanalang inaangkin nito. Sa isipang ito—sapagka't ang dakilang katotohanang dinadala nito ay nagiging dahilan n,g galit at pagtutunggali—ang ebanghelyo ay tinatawag na tabak.MT 36.1
Ang mahiwagang kalooban ng Diyos na nagpapahintulot sa mga banal na magdanas ng pag-uusig sa kamay ng masasama, ay isang dahil ng malaking kagulumihanan ng mahihina sa pananampalataya. Handa nga ang ilan na iwaksi ang kanilang pagtitiwala sa Diyos, sapagka't pinahintulutan Niyang managana ang kasama-samaang tao sa- mantalang ang pinakamabuti ay pinag uusig at pinahihirapan ng kanilang malupit na kapangyarihan. Paano kaya, ang tanong, mapababayaan ang gayong kalikuan at pagpapahirap, ng Isang matuwid at mahabagin, at isa ring may kapangyarihang walang hanggan? Ito'y isang suliraning wala tayong kinalaman. Binigyan tayo ng Diyos ng sapat na katibayan ng Kanyang pag-ibig, at hindi natin dapat pag-alinlanganan ang Kanyang kabutihan dahil sa hindi natin maunawa ang mga paggawa ng Kanyang kalooban. Sinabi ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad, sa pagkakita Niya sa mga pag-aalinlangang sisiil sa kanilang kaluluwa sa mga araw ng pagsubok at kadiliman: “Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y Aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang panginoon. Kung Ako'y kanilang pinag-usig, kayo man ay kanilang pag-uusigin din.”7Juan 15:20. Si Jesus ay naghirap dahil sa atin higit sa kahirapang ipinaranas sa Kanyang mga alagad ng mga tao ng kasamaan. Yaong mga tinawagan upang magtiis ng pahirap at kamatayan, ay sumusunod lamang sa mga hakbang ng minamahal na Anak ng Diyos.MT 36.2
“Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako.”82 Pedro 3:9. Hindi Niya nililimot o pinababayaan man ang Kaniyang mga anak; datapuwa't pinahihintulutan Niyang maipakilala ng mga masama ang kanilang tunay na likas, upang ang sinumang nagnanasang makakilala ng Kanyang kalooban ay huwag madaya tungkol sa kanila. Muli pa, ang mga matuwid ay inilagay sa hurno ng kapighatian, upang sila'y madalisay, nang ang kanilang halimbawa o kabuhayan ay magpakilala sa mga iba ng katotohanan ng pananampalataya at kabanalan; at upang ang kanilang matuwid at walang-pagbabagong pamumuhay ay humatol sa mga suwail at ayaw manampalataya.MT 37.1
Pinahihintulutan ng Diyos na sumulong ang kabuhayan ng masasama, at ipakilala ang kanilang pakikilaban sa Kanya, upang kung mapuno na nila ang takalan ng ka- nilang kasamaan ay makita naman nila ang katarungan at kaawaan ng Diyos sa lubusang paglipol sa kanila. Ang kaarawan ng Kanyang paghihiganti ay nagdudumali; na sa araw na yao'y ang lahat na sumalansang sa Kanyang kautusan at nagpahirap sa Kanyang bayan ay magkakaroon ng katampatang ganti sa kanilang mga gawa; na ang bawa't gawa ng kalampalasanan at kalikuan sa mga tapat na anak ng Diyos ay mangapaparusahang tulad sa kung ginawa nila kay Kristo na rin.MT 37.2