Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pangkat IV - Kapisan Ng Banal

    ipinadala ng langit
    ni remwil s. tornalejo
    MTP 122.1

    Isang napakaganda at matagumpay na araw yon para kay Henry V. Enrilo ng Southern Mindanao Mission. Nai-deliver niya ang lahat ng dala niyang aklat noong araw na yon sa bayan ng Culumbio, Sultan Kudarat.MTP 122.2

    Para makaabot sa naitakda niyang oras ng koleksiyon, umupa siya ng motorsiklo nang hapong iyon para marating ang isang malayong baryo. Bago umalis, nanalangin si la ng drayber upang hiIingin ang proteksiyon ng Diyos.MTP 122.3

    Sa kanilang paglalakbay, may napansin silang tatlong kalalakihang mukhang mababagsik na nakasakay sa motor at sumusunod sa kanila. Sandali pa’t inunahan si la ng mga lalaki at sumenyas kay Henry at sa kanyang drayber na huminto.MTP 122.4

    “Sino kayo? Saan kayo pupunta? Anong ginagawa ninyo rito?” tanong ng tatlong lalaki kay Henry.MTP 122.5

    “Ako po’y kinatawan ng Home Health Education Service. Papunta po ako sa kasunod na baryo upang maningil ng mga bayad sa mga aklat na idiniliber ko doon,” malumanay na sagot ni Henry na itinatago ang kanyang takot. Tahimik siyang nanalangin na iligtas sila sa kapahamakan. Ang tatlong lalaki ay nag-usap usap sa salitang hindi niya naiintindihan. Pagkatapos ng iIan pang magagaspang na tanong, pinahintulutan na siyang umalis pati ang kanyang drayber. Habang tumatakbo ang motorsiklo, pabulong na siya’y nanalangin: “Salamat po, Panginoon ko sa pagligtas Ninyo sa amin.”MTP 122.6

    Ligtas silang nakarating sa kanilang paroroonan. Natapos ni Henry ang kanyang paniningil at nagdudumaling sumakay sa motorsiklong naghihintay para ihatid siya pabalik sa bayan. Isa sa kanyang mga suki ang nakiusap na makisakay sa kanila. Dahil ayaw niyang biguin ang kanyang suki, pumayag siya sa kahilingan nito. Madilim na nang sila’y umalis pabalik sa bayan. Ang drayber ay nag-aalangang dumaan pabalik sa kanilang dinaanan kanina, pero parang hindi iyon napansin ni Henry. lyon lang pati talaga ang daang pabalik.MTP 123.1

    Sa mismong lugar kung saan sila’y pinahinto kanina ay lumabas mula sa talahiban ang tatlong lalaking may mga hawak na baril at sila’y pinara. Noong una ay ayaw sanang huminto ang drayber. Sinubukan niyang pabilisan, pero pinigilan siya ni Henry.MTP 123.2

    “Holdap ito! Holdap ito!” sabi ng pinuno ng tatlo. “Amin na lahat ng pera ninyo. Kung hindi papatayin namin kayo,” banta ng mga lalaki. Nang malapit na ang tatlong lalaki, tinanggal ng kanyang suki ang suot niyang helmet. Napaatras ang mga holdaper.MTP 123.3

    NatigiIan sila at hindi makapagsalita. Nabigla si Henry sa reaksiyon ng mga lalaki. Pagkatapos ay nagsalita ang suki niya at pinagsabihan ang mga bandido. Nanlisik ang mga mata niya sa galit. Hindi maintindihan ni Henry ang kanilang usapan, pero alam niyang pinagagalitang maigi ng kustomer niya ang tatlo. Kaya’t sila ay umalis pabalik sa talahiban.MTP 123.4

    Pagdating sa bayan, bumaba na ang suki niya at siniguradong walang gagalaw sa kanila sa baryong iyon. Bilang ganti, nagpasalamat si Henry sa kanya sa pagligtas sa buhay niya.MTP 123.5

    Pag-alis ng suki niya, ang sabi ng drayber, “Sir, nakutuban ko na pong may masamang balak ang tatlong lalaking iyon. Wala lang po akong lakas ng loob na sabihin sa inyo.”MTP 123.6

    “Paano mo nalaman?”MTP 123.7

    “Naiintindihan ko po ang salita nila. Nagkasundo silang patuluyin tayo sa pupuntahan natin pero pagbalik, haharangin nila tayo at kukunin ang pera mo.”MTP 123.8

    “Pero bakit parang takot na takot sila sa suki ko?”MTP 123.9

    “Yan ang di ko alam. Basta ang naintindihan ko, pinagalitan ng kasama natin yung tatlo. Sinabihan silang huwag kang gagalawain dahil mabuti kang tao.”MTP 123.10

    “Ang alam ko’y ipinadala siya sa atin ng Panginoon para protektahan tayo,” sabi ni Henry habang iniaabot ang pamasahe sa drayber. Pinasalamatan niya ang drayber sa serbisyo niya at sila’y naghiwalay.MTP 124.1

    Nang mag-isa na, ang akala niya’y isa na namang panaginip ang nangyari. Pero iyon ay talagang totoo. Kasama niya ang Diyos at lagi Siyang malapit upang iligtas siya sa kasamaan. lyon ay higit pa sa nagkataon lang, suwerte, o pinalad na nakisakay sa kanila ang kanyang suki noong gabing yon. Talagang siya’y ipinadala ng langit.MTP 124.2

    Nalaman din ni Henry nang bandang huli na ang kanyang suki ay kumander pala ng isang grupo ng Muslim sa dakong iyon.MTP 124.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents