Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pangkat V - Ang Ating Mga Babasahing Punong-Puno Ng Katotohanan

    ang Bible Story ay nakakahikayat ng mga kaluluwa
    ni claro r. vicente
    MTP 142.1

    Mamamatay na siya. Nakita ng mga doktor ang kinatatakutang kanser sa kanyang obaryo. Ang pagkabigla ay nakakamanhid at ang buong kalungkutan ay napakatindi. Napakasarap ng buhay para mawala sa bahaging ito ng buhay, lalo na’t sa paniniwala ng isang tao ay wala nang pag-asa sa kabila ng kamatayan. Totoo nga na siya’y Kristiyano. Lagi siyang dumadalo sa misa at tapat sa kanyang pagdarasal ng rosaryo, pero parang may kulang sa kanyang buhay na hindi niya maipaliwanag. Ngayon ang kamatayan ay nasa pintuan na at siya’y hindi pa handa.MTP 142.2

    Pagkatapos, si Salvacion na isang kulpurtor (LE) at ang kamaganak ng kanyang asawa ay dumating at nanirahan sa kanila. Si Salvacion ay hindi lamang masayahing Kristiyano; kakaiba rin ang pagsamba niya sa Diyos, naisip niya. Noong una, siya’y naiilang sa umaga’t gabing debosyonal at pag-aawitan. Kung puwede nga lang sana ay sa iba na lang niya patirahin si Salvacion.MTP 142.3

    Nang umuwi siya galing sa Maynila na may lubhang karamdaman, nagsimula siyang paglingkuran ni Salvacion na parang isang anghel. Ang mga panalangin ni Salvacion para sa kanya ay nagkaroon ng bagong kahulugan! Sa ikalawang paguwi niya galing sa pagpapagamot, siya’y inalok ni Salvacion ng Bible Story.MTP 143.1

    Noong araw na idiniliber ang mga aklat ay may malakas na bagyo sa Maynila. Papaalis na ang bus ng makarating si Salvacion sa terminal. Pero nag-aalangan siyang sumakay na para bang may pumipigil sa kanya. Dahil naIiIito, sumakay na lang siya sa sumunod na biyahe. Nalaman niya ang dahilan pagdaan nila sa sumunod na probinsiya. May nakabanggang sasakyan ang naunang bus at dalawa ang namatay. Kinilabutan si Salvacion dahil ang isang namatay ay nakaupo sa uupuan sana niya.MTP 143.2

    Ang Bible Story ay binasang lahat ng babaing malapit nang mamatay. Ang mas nagustuhan niya ay ang volume 8 na nagsasabi tungkol sa ikalawang pagparito ni Jesus. Dito siya nakasumpong ng pag-asa na kamangha-manghang umangkop sa kanyang pangangailangan. Nang mamamatay na, pinatawag niya si Salvacion sa tabi ng kanyang kama, sa pagkakataong ito ay para masaksihan ang kaligayahan niya. Sinabi niya sa kanya na handa na siyang mamatay sapagkat tinanggap na niya si Cristo sa kanyang puso na may pag-asa na makikita Siya sa umaga ng muling pagkabuhay. Sa kaisa-isa niyang anak at ilang apo, ipinamana niya ang Bible Story. “Basahin ninyo ang mga iyan kung gusto ninyo ng masayang buhay,” ang mahina niyang sabi. Ang mga salitang iyon ay nababakas sa kanyang mapayapang mukha hanggang sa huli niyang hininga.MTP 143.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents