Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Gantimpala ng Kulpultor

    Kapag tumayo na sa harapan ng Diyos ang mga tinubos, ang mga pinakamamahal na kaluluwa ay sasagot kapag tinawag ang kanilang pangalan. Sila’y naroroon dahil sa matapat at matiyagang pagsisikap na ginawa para sa kapakanan nila, sa mga pagsamo at maalab na paghikayat na manganlong sa matibay na Tanggulan. Kaya yung mga sa mundong ito ay naging kamanggagawa ng Diyos ay makakatanggap ng gantimpala. 1Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 196, 197.MTP 180.1

    Anong pasalamat ng mga kaluluwang sasalubong sa atin sa mga bulwagan ng kalangitan yamang nauunawaan nila ang madamayin at mapagmahal na pagmamalasakit na natanggap nila para sa kanilang kaligtasan! Lahat ng papuri, karangalan at kaluwalhatian ay ibibigay sa Diyos at sa Korderong para sa pagkatubos natin; pero hindi makakabawas sa kaluwalhatian ng Diyos ang magpahayag ng pagpapasalamat sa mga instrumentong Kanyang ginamit sa pagliIigtas ng mga kaluluwang malapit nang mapahamak.MTP 180.2

    Makikita at makikilala ng mga tinubos yung mga taong itinuro nila sa Tagapagligtas na itinaas. Anong saya ng pakikipag-usap nila sa mga kaluluwang ito! “Ako’y isang makasalanan,” ang sasabihin, “walang Diyos at walang pag-asa sa mundo, at pumunta ka sa akin, at itinuon ang aking pansin sa pinakamamahal na Tagapagligtas bilang Siyang tangi kong pag-asa.”MTP 180.3

    Anong kagalakan samantalang kinakatagpo at binabati ng mga tinubos na ito yung mga nagkaroon ng pasanin para sa kapakanan nila! 2Ibid., vol. 6, pp. 310-312.MTP 180.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents