Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanta 19 - Mga Aklat na Ibinibigay ang Pabalita

    Ipahayag ang Pabalita ng Ikatlong Anghel.—Ang Panginoon ay tumatawag ng mga manggagawa upang pasukin ang bukiran ng pagkakambas para ang mga aklat na naglalaman ng liwanag ng napapanahong katotohanan ay maipakalat. Dapat malaman ng mga tao sa mundo na natutupad na ang mga tanda ng kapanahunan. Dalhin sa kanila ang mga aklat na magbibigay-liwanag sa kanila....MTP 145.1

    Yung mga matatagal na sa katotohanan ay nangatutulog. Kailangan silang mapabanal ng Espiritu Santo. Ang pabalita ng ikatlong anghel ay dapat ipahayag sa malakas na tinig. Katakut-takot na mga isyu ang kinakaharap natin. Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Ayaw ng Diyos na ating papayagang padilimin ng maliliit na bagay ang liwanag na dapat ibigay sa mundo.MTP 145.2

    Ang babalang mensahe ay dapat dalhin sa lahat ng bahagi ng mundo. Ang ating mga aklat ay dapat ilathala sa iba’t ibang wika. Dala ang mga aklat na ito, ang mga mapagpakumbaba at tapat na mga tao ay dapat humayo bilang mga kulpurtor, na dala ang katotohanan sa maraming maaaring hindi sana naliwanagan. — Manuscript 76, 1901.MTP 145.3

    Isang Malinaw na Misyon. — Sumasakit ang puso ko habang nakikita ko yung mga nagsasabing naghihintay sa Tagapagligtas na inilalagak ang kanilang panahon at mga talento sa pagpapakalat ng mga aklat na wala namang laman tungkol sa mga natatanging katotohanan para sa panahong ito—mga aklat ng kuwento, talambuhay, teoriya at kuro-kuro ng mga tao. Ang mundo ay punung-puno na ng ganyang mga aklat; makukuha ang mga yan kahit saan; pero paanong ang mga tagasunod ni Cristo ay nakikisangkot sa ganyang napaka-karaniwang trabaho, habang may sumisigaw ng panganga-ilangan ng katotohanan ng Diyos saanmang panig?Hindi natin misyon ang ipakalat ang ganyang mga gawa. May ibang libu-libong gagawa niyan na hanggang ngayon ay wala pang sapat na kaalaman sa anumang mas mabuti. Meron tayong malinaw na misyon, at hindi tayo dapat tumalikod dito patungo sa mga usaping hindi naman mahalaga. Ang mga tao at pamamaraan ay hindi dapat gamitin para dalhin sa mga tao ang mga aklat na walang kinalaman sa napapanahong katotohanan.— Manual for Canvassers, p. 51. (1902)MTP 145.4

    Malibang mag-ingat, ang pamilihan ay babahain ng mga aklat na mumurahing uri, at ang mga tao ay mapagkakaitan ng liwanag at katotohanang dapat magkaroon sila upang maihanda ang daanan ng Panginoon.— Letter 43, 1899.MTP 146.1

    Magdala ng mga Aklat na Naghahatid ng Liwanag sa Kaluluwa .— Ang mga nagkakambas ay magdala ng mga aklat na naghahatid ng liwanag at kalakasan sa kaluluwa, at painumin sila sa espiritu ng mga aklat na ito. Ibuhos nila ang kanilang buong kaluluwa sa gawain ng pagpiprisinta ng mga aklat na ito sa mga tao. Kung sila ay puspos ng Espiritu ng Diyos, ang mga anghel ng langit ay magbibigay ng tagumpay sa kanilang trabaho, at sila ay magkakaroon ng malalim at mayamang karanansan.— Letter 75, 1900.MTP 146.2

    Ituro ang mga Katibayan ng Ating Pananampalataya .—Dapat himukin ngayon ang ating mga manggagawa na bigyan ng unang pagpansin ang mga aklat na tumatalakay sa mga katibayan ng ating pananampalataya — mga aklat na nagtuturo ng mga doktrina ng Biblia at maghahanda ng mga tao na makatatagal sa mga panahon ng pagsubok na kinakaharap natin. Pag nadala na ang mga tao saMTP 146.3

    Dapat natin silang himuking ipakalat ang mga aklat na tumatalakay ng mga paksa sa Biblia. kaliwanagan ng katotohanan sa pamamagitan ng idinadalanging gawain sa pagtuturo ng Biblia, at sa magaling na paggamit ng ating mga babasahin, dapat natin si lang turuan na maging mga manggagawa sa salita at doktrina. Dapat natin silang himuking ipakalat ang mga aklat na tumatalakay ng mga paksa sa Biblia— mga aklat na ang mga aral ay maghahanda ng mga taong tatayong nasasandatahan ng katotohanan at nagniningas ang mga ilawan.— Testimonies, vol. 9, p. 61. (1909)MTP 146.4

    Naglalaman ng Napapanahong Katotohanan .— Dapat tulungan ang mga nagkakambas na panghawakan ang gawaing ito, hindi para magkambas ng mga aklat na pang-kuwento, kundi upang dalhin sa mundo ang mga aklat na laman ang katotohanang napakahalaga para sa panahong ito.— Testimonies, vol. 6, p. 315. (1900)MTP 147.1

    Ibigay ang mga Pangsubok na Katotohanan .—Ang mas malalaking aklat... ay naglalaman ng kasalukuyang katotohanan para sa panahong ito— katotohanang dapat ipahayag sa lahat ng bahagi ng mundo. Ang ating mga kulpurtor ay dapat ipakalat ang mga aklat na nagbibigay ng tiyak na tagubilin ukol sa mga pangsubok na mensaheng maghahanda ng mga tao na tumayo sa entablado ng walang hanggang katotohanan at hinahawakang nakataas ang bandilang may nakasulat na, “Ang mga Utos ng Diyos, at ang pananampalataya ni Jesus.”MTP 147.2

    Ako’y tinagubilinan na dapat uling buhayin ang pagkakambas. Ang mas maliliit nating mga aklat kasama ng mga polyeto at mga magasin, ay maaari at dapat na gamiting kaugnay ng ating malalaking mga aklat.— Manuscript 136, 1903.MTP 147.3

    Mga tanong na dapat pag-isipan

    1. Anong mga pang-uri (adjective) ang naglalarawan sa mensaheng nilalaman ng ating mga aklat?
    a. “Ang ____________ mensahe ay dapat dalhin sa lahat ng bahagi ng mundo.”
    b. “Ang ating mga kulpurtor ay dapat ipakalat ang mga aklat na nagbibigay ng tiyak na tagubilin ukol sa mga ____________ na mensaheng maghahanda ng mga tao....”
    MTP 147.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents