Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gumawa Para sa mga Nangangailangan, 14 Agosto

    Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinangangaral ang magandang balita ng kaharian, at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman. M ateo 9:35BN 139.1

    Punung-puno ng kaabalahan ang buhay ni Cristo. Sa bawat araw ay makikita Siyang pumapasok sa mga tahanang dukha na bagbag ng pangangailangan at kalungkutan. Maririnig Siyang nangungusap ng pag-asa sa mga aba at kapayapaan sa mga nagugulumihanan. Ang mga mahihirap at mga nagdurusa ay tumanggap ng pinakamalaking bahagi ng Kanyang pansin. Minahal Siya ng mga bata. Sila ay naakit ng Kanyang simpatya. Sa pamamagitan ng Kanyang payak at maibiging mga pananalita isinaayos Niya ang mga kahirapang bumabangon sa kalagitnaan nila. Madalas na sila ay Kanyang kinakalong at kinakausap sa paraang nakukuha ang kanilang mga puso. ...BN 139.2

    Mapagpakumbaba, mabiyaya, matimyas, at maawain, humayo Siyang gumagawa ng kabutihan, nagpapakain sa mga nagugutom, itinataas iyong nakalugmok, inaaliw iyong nalulumbay. Walang lumapit sa Kanyang humihingi ng tulong ang umalis na hindi napunan. Wala ni hibla ng pagkamakasarili ang nahabi sa halimbawa na Kanyang iniwan para sundan ng Kanyang mga anak. Isinakabuhayan Niya iyong nais niyang buhay ng lahat ng mananampalataya sa Kanya. Kanyang tinapay at inumin ang tuparin ang kalooban ng Kanyang Ama. Nagbigay Siya ng pananampalataya at pag-asa at buhay sa lahat ng lumapit sa Kanya at humingi ng Kanyang tulong. Saanman Siya nagtungo taglay Niya ang pagpapala.BN 139.3

    Ang magiliw nn damdamin ng ating Tagapagligtas ay bumangon para sa nagkasala at nagdurusang sangkatauhan. Kung kayo ay magiging Kanyang tagasunod, kailangan ninyong linangin ang pagkamahabagin at simpatya para sa kapwa. Ang balo, ang ulila, ang may karamdaman, at ang malapit nang mamatay, ay laging mangangailangan ng tulong. Narito ang pagkakataong ipangaral ang ebanghelyo—ang maitaas si Jesus, na Siyang pag-asa at kaaliwan ng lahat ng tao. Kapag ang naghihirap na katawan ay napaglingkuran, at nakapagpakita ka ng pagmamalasakit sa nahihirapan, ang puso ay mabubuksan at maaari mo nang ibuhos ang makalangit na kagamutan. Kung ikaw ay nakatingin kay Jesus, at tumatanggap mula sa Kanyang kaalaman at kalakasan at biyaya, maaari kang magbigay ng Kanyang kaaliwan sa iba, sapagkat ang Mang-aaliw ay sumasa iyo.BN 139.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents