Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First

    Si Pedro Ay Iniligtas ng Isang Anghel, 29 Oktubre

    At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kanyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang Kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pag-asa ng bayan ng mga ]udio. Gawa 12:11BN 215.1

    Ikinulong si Pedro sa isang seldang inukit mula sa batong may mga pintuang kinandaduhan at nilagyan ng matibay na baras. . . .BN 215.2

    Ngunit ang mga kandado at mga baras at mga bantay na Romano, na tumitiyak na walang taong makatutulong, ay magbibigay lamang ng kaganapan sa pagtatagumpay ng Diyos sa pagliligtas kay Pedro....BN 215.3

    Ito ang huling gabi bago iminumungkahi ang pagpatay. Ipinadala ang isang makapangyarihang anghel mula sa langit upang iligtas si Pedro. . . . Pumasok siya sa selda, at doon ay nakahiga si Pedro na mapayapang natutulog sa ganap na pagtitiwala.. . .BN 215.4

    Gumising lamang siya at nakita ang kanyang seldang nagliliwanag dahil sa ilaw ng kalangitan at isang anghel na may dakilang kaluwalhatiang nakatayo sa kanyang harapan noong maramdaman niya ang hipo ng kamay ng anghel at marinig ang tinig na nagsasabing, “Magbangon kang madali.” Sinunod niyang hindi na iniisip ang salitang binigkas sa kanya, at sa pagtayo ay itinaas niya ang kanyang mga kamay, namalayan niyang nahulog ang mga tanikala mula sa kanyang mga pulsuhan BN 215.5

    Siya [ang anghel] ay kumilos tungo sa pintuan, na sinusundan ng kadalasang masalitang si Pedro, ngunit napipi ngayon dahil sa pagkamangha. Hinakbangan nila ang bantay, at nakarating sa nakakandadong pintuan, na bumukas nang kusa at agad ding sumara sa kanyang sarili BN 215.6

    Ang pangalawang pinto ... ay narating. Ito ay bumukas ... na walang ingay mula sa mga bakal na bisagra at mga kandado. . . . Sa gayunding paraan dumaan sila sa pangatlong pinto, at nakita ang kanilang sariling nasa kalye. . . . Ang anghel ay patuloy sa pagsalimbay sa unahang napapalibutan ng nakasisilaw na liwanag. . . . Kaya dumaan sila sa isa pang kalye, at pagkatapos nito, dahil tapos na ang misyon ng anghel, bigla siyang nawala.BN 215.7

    Ngayon, katulad noong mga kapanahunan ng mga alagad, ang mga makalangit na tagapagbalita ay dumadaan sa kahabaan at kaluwagan ng lupa. . . . Hindi natin sila nakikita, gayunman sila ay sumasa atin, gumagabay, nagtuturo, sumasanggalang.BN 215.8