Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Puso ng Ama Ay Nabaling sa Kanyang mga Anak, 13 Hulyo

    Kanyang ibabaling ang puso ng mga magulang sa kaniiang mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; upang hindi Ako dumating at saktan ang lupain ng isang sumpa. Malakias 4:6BN 107.1

    Kapag umuuwi ang ama mula sa kanyang pang-araw-araw na gawain, hindi niya dapat iuwi sa tahanan ang kanyang mga suliranin. Mararamdaman niyang ang tahanan at ang pamilya ay labis na banal para madungisan ng malungkot na mga kaabalahan. Nang siya ay umalis ng tahanan, hindi niya iniwan ang kanyang Tagapagligtas at ang kanyang relihiyon. Ang dalawang ito ay palagian niyang kasama. Ang matamis na impluwensya ng tahanan, ang pagpapala ng kanyang asawa, at ang pagmamahal ng kanyang mga anak ay nagpapagaan sa kanyang pasanin; at bumabalik siyang may kapayapaan sa kanyang puso at kagalakan, at may nakapagpapalakas loob na mga pananalita para sa kanyang asawa at mga anak na masayang naghihintay para tanggapin siya sa kanyang pagdating.BN 107.2

    Dapat maging mabuting pagbabago para sa kanya ang gumugol ng panahon kasama ang kanyang mga anak. Maaari niyang dalhin sila sa halamanan at ipakita ang mga umuusbong na ubod at ang iba't ibang mga kulay ng mga bulaklak.... Maaari niyang idiin sa kanilang isipan ang katotohanan na kung ang mga puno at mga bulaklak ay labis na pinagmamalasakitan ng Diyos, higit na aarugain Niya iyong mga nilalang sa Kanyang sariling wangis. Maaari niyang maipaunawa sa kanila nang maaga na nais ng Diyos na ang mga bata ay maging kaaya-aya, hindi sa pamamagitan ng panlabas na mga hiyas, kundi sa pamamagitan ng kagandahan ng pag-uugali, at kagayakan ng pagkamabuti at pagmamahal na siyang magpapasagana ng kagalakan at kaligayahan sa kanilang mga puso.BN 107.3

    Kung iyong mga hangal at mapaghanap ng kasiyahan ay pahihintulutan lamang na ang kanilang mga kaisipan ay manahan sa katotohanan, ang puso ay mapupuno ng pagpapahalaga sa kabanalan, at sasambahin nila ang Diyos ng kalikasan.BN 107.4

    Kung iyong palalapitin ang iyong mga anak kay Jesus, hindi ka dapat pumasok sa iyong tahanan na may mga salitang may galit, na nakakunot ang iyong noo. Kung ikaw ay nanggagaling sa trabaho na pagod at napapagal, makiusap sa Diyos para sa Kanyang biyaya, para sa Espiritung nagbibigay ng kapahingahan, para ang iyong puso ay matunaw ng kaamuhan, para ang iyong mga labi ay mapuno ng mga salitang may kabutihan at pang-aaliw. Igapos mo ang iyong mga anak sa iyong puso. Itagubilin sa kanila ang iyong relihiyon sa pamamagitan ng kabutihan nito.BN 107.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents