Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Baluti ng Katotohanan, 3 Nobyembre

    Na may sakbat na baluti ng katuwiran. Efeso 6:14BN 220.1

    Nasuotan ng kalasag ng katuwiran ni Cristo, papasok ang iglesia sa kanyang huling pakikipagtunggali. “Maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat,” hahayo siya sa buong sanlibutan, nagtatagumpay at upang magtagumpay.BN 220.2

    Tanging ang kagayakang ibinigay mismo ni Cristo ang maghahanda sa atin para maging karapat-dapat na humarap sa presensya ng Diyos. Ang kagayakang ito, ang kasuotan ng Kanyang sariling katuwiran, ay isusuot ni Cristo sa bawat nagsisisi at nananampalatayang kaluluwa. “Ipinapayo Ko sa iyo,” sinasabi Niya, “na ikaw ay bumili sa Akin . . . ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiya-hiyang kahubaran.”BN 220.3

    “Ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahan.” Ang lahat ng ating magagawa ay nababahiran ng kasalanan. Ngunit ang Anak ng Diyos ay “nahayag upang mag-alis ng mga kasalanan; at sa Kanya'y walang kasalanan.” Ang kasalanan ay nakikilalang “pagsalangsang sa kautusan.” Ngunit naging masunurin si Cristo sa bawat hinihingi ng kautusan. . . . Noong nasa lupa sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “gaya ng Aking pagtupad sa mga utos ng Aking Ama.” Sa pamamagitan ng lubos na pagsunod Niya ginawa Niyang posible para sa bawat taong sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Kapag ating isinusuko ang ating mga sarili kay Cristo . . . isinasakabuhayan natin ang Kanyang buhay.BN 220.4

    Ito ang kahulugan ng madamitan ng kasuotan ng Kanyang katuwiran. Pagkatapos nito, habang tumitingin sa atin ang Panginoon, nakikita Niya, hindi ang kasuotang dahon ng igos, hindi ang kahubaran at pagkasira ng kasalanan, kundi ang Kanyang sariling kasuotan ng katuwiran, na siyang ganap na pagsunod sa kautusan ni Jehovah.BN 220.5

    Nagbigay ang Diyos sa bawat isa ng alok na makatutulong sa bawat damdamin at espirituwal na kalakasan para sa panahon ng pagsubok na darating sa ating lahat. Ako'y nabigyan ng mensahe. Damitan ninyo ang inyong sarili ng buong baluti ng katuwiran ni Cristo.... At sa pagkagawa ng lahat ng iyong makakaya, nagkakaroon ka ng kasiguruhan ng tagumpay. Nabigay sa bawat kaluluwa ang mabiyayang pagkakataong manindigan sa Batong si Cristo.BN 220.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents