Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkaisahin ang Pamilya sa Pamamagitan ng Kahabagan, 15 Hulyo

    Ang magpahayag sa umaga ng Iyong tapat na pagsuyo, at sa gabi ng katapatan Mo. Awit 92:2BN 109.1

    Dadalhin tayo ng relihiyon ni Cristo sa paggawa ng lahat ng kabutihang maaari nating magawa sa mataas at mababa, mayaman at mahirap, mga masaya at mga inaapi. Ngunit mas higit itong hahantong sa pagpapahayag ng kabutihan sa sarili nating mga tahanan. Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng mga gawa ng paggalang at pagmamahal sa ama at ina, asawang lalaki at babae, at mga anak. Tayo ay dapat tumingin kay Jesus, para makamtan ang Kanyang Espiritu, para mabuhay sa liwanag ng Kanyang kabutihan at pag-ibig, at para ihayag ang Kanyang kaluwalhatian sa iba.BN 109.2

    Silang pinagbuklod ng mga lubid ng kalikasan ay siyang may pinakamatibay na pag-aangkin sa isa't isa. Sa kanilang pakikitungo sa isa't isa dapat silang magpakita ng kabutihan at pinakamatimyas na pagmamahal.BN 109.3

    Ang mga maaamong gawi, masayang usapan, at mapagmahal na mga gawain ay siyang magbubuklod sa mga anak sa kanilang mga magulang esa pamamagitan ng mga makinis na pambigkis ng pagmamahal at siyang makagagawa ng malaki para gawing kaakit-akit ang tahanan kaysa pambihirang burloloy na maaaring mabili kapalit ng ginto.BN 109.4

    Ang kabutihan at pagtitiyaga ay gagawing paraiso ang tahanan at aakit sa mga anghel na pumasok sa grupo ng pamilya. Ngunit sila ay lalayo mula sa isang tahanang mayroong mga hindi magagandang mga pananalita, pagkainis, at pag-aaway.BN 109.5

    Ang pinakamahalagang alituntunin para sa samahan sa lipunan at sa pamilya ay matatagpuan sa Biblia. . . . Ang pangangaral ng ating Tagapagligtas sa bundok ay naglalaman ng mga payong hindi matutumbasang kahalagahan para sa matanda at kabataan. Ito ay dapat palaging basahin sa grupo ng pamilya, at ang mga mahahalagang aral nito ay maisakabuhayan sa pang-araw-araw na buhay. Ang ginintuang tagubilin, “Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayundin ang gawin ninyo sa kanila,” . . .ay dapat gawing kautusan sa tahanan. Silang nagpapahalaga sa espiritu ni Cristo ay magpapakita ng paggalang sa tahanan.... Sila ay palaging magsisikap na pasayahin ang lahat ng nakapalibot sa kanila, kinalilimutan ang sarili sa kanilang pagmamalasakit sa kapwa.BN 109.6

    Ang Cristianong paggalang ay siyang ginintuang kawit na nagbubuklod sa pamilya ng mga pambigkis ng pag-ibig, na lalong napapalapit at tumitibay sa bawat araw.BN 109.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents