Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinababanal ng Panginoon ang mga Nangingilin ng Sabbath, 12 Setyembre

    Bukod dito'y ibinigay Ko rin naman sa kanila ang Aking mga Sabbath, bilang isang tanda sa pagitan Ko at sa kanila, upang kanilang malaman na Ako ang Panginoon na nagpapabanal sa kanila. Ezekiel 20:12BN 168.1

    Ang araw ng Panginoon na binanggit ni Juan ay ang Sabbath, ang araw kung kailan namahinga si Jehovah pagkatapos ng dakilang gawain ng paglalang, at Kanyang binasbasan at pinabanal dahil namahinga Siya sa araw na iyon. Ang Sabbath ay iningatang banal ni Juan sa Patmos gaya lang noong nasa kalagitnaan siya ng mga tao, na nangangaral sa araw na iyon. Sa gitna ng mga tuyong batuhang nakapalibot sa kanya, naalala ni Juan ang mabatong Horeb, at kung paano, noong ipinahayag ng Diyos ang Kanyang kautusan sa mga taong naroon, sinabi Niyang, ” Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin ”BN 168.2

    Nangusap ang Anak ng Diyos kay Moises mula sa tuktok ng bundok. Ginawang santuwaryo ng Diyos ang mga kabatuhan. Ang mga walang hanggang kabundukan ang naging Kanyang templo. Ang Banal na Mambabatas ay bumaba sa mabatong kabundukan upang ipahayag ang Kanyang kautusan sa pandinig ng lahat ng tao upang maikintal sa kanila ang tungkol sa maringal at nakatatakot na pagpapakita ng Kanyang kapangyarihan at luwalhati, at matakot na lumabag sa Kanyang mga utos. . . . Ang kautusan ni Jehovah ay hindi mababago, at ang mga tapyas ng batong pinagsulatan Niya ng kautusan ay matigas na batong sumisimbolo sa hindi nagbabago Niyang mga alituntunin. Ang mabatong Horeb ay naging banal na lugar sa lahat ng nagmamahal at gumagalang sa kautusan ng Diyos.BN 168.3

    Habang pinagdidili-dili ni Juan ang mga tanawin sa Horeb, ang Espiritu Niyang nagpabanal sa ika-7 araw ay dumating sa kanya. Pinagnilay-nilayan niya ang kasalanan ni Adan sa paglabag sa banal na kautusan, at ang mga nakapangangambang mga bunga ng paglabag na iyon. Ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang Anak upang matubos ang nagkasalang lahi ay tila labis na dakila upang maihayag ng wika. Sang-ayon sa pagkakahayag niya sa kanyang sulat, tinatawagan niya ang iglesia at ang sanlibutan na masdan ito.BN 168.4

    Ang lahat ng nagpapahalaga sa Sabbath bilang tanda sa pagitan nila at ng Diyos. . .ay pangangatawanan ang mga prinsipyo ng Kanyang pamahalaan. Dadalhin nila sa pang-araw-araw na karanasan ang mga kautusan ng Kanyang kaharian. Sa bawat araw, panalangin nilang ang pagpapakabanal ng Sabbath ay manahan sa kanila.BN 168.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents