Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mabuting Pananalita, 11 Hulyo

    Binigyan ako ng Panginoong Diyos ng dila ng mga naturuan, upang aking malaman kung paanong aalalayan ng mga salita ang nanlulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising Niya ang aking pandinig upang makinig na gaya ng mga naturuan. Isaias 50:4BN 105.1

    Kapag si Cristo ay nananahan sa atin, tayo ay magiging mga Cristiano sa loob ng tahanan at gayundin sa labas. Ang Cristiano ay magkakaroon ng mga mabuting pananalita para sa kanyang mga kaanak at mga kasamahan. Siya ay magiging mabait, magalang, maibigin, mahabagin at kanyang tinuturuan ang kanyang sarili para sa isang tirahan kasama ang pamilya sa kalangitan. Kung siya ay kaanib ng maharlikang pamilya, magiging kinatawan siya ng kahariang kanyang tinutungo. Magsasalita siyang may kaamuhan sa kanyang mga anak dahil maiisip niyang sila rin ay mga tagapagmana ng Diyos, mga kaanib ng bulwagan sa kalangitan. Sa kalagitnaan ng mga anak ng Diyos ay walang nananahang mabagsik na espiritu.BN 105.2

    Ipinagmamalaki ng ilan ang kanilang sarili sa pagiging tahas sa pagsasalita, walang pelo-pelo, at magaspang, at tinatawag nila itong pagiging prangka; subalit ito ay hindi nakikilala sa ganitong paraan, ito ay sukdulang uri ng pagkamakasarili.BN 105.3

    Si Cristo ay laging mahinahon at kapita-pitagan, at silang gumagawa kasama Niya ay gagamit ng langis ng biyaya sa kanilang gawain. Ang kanilang mga salita at pagkilos ay makapagpapatahimik.BN 105.4

    Kinakailangang maturuan natin ang kaluluwang maging maawain, maamo, magiliw, puno ng pagpapatawad, at pagkahabag. Habang ating isinasantabi ang lahat ng pagmamataas, lahat ng hangal na pagsasalitaan, pagbibiro, at pagpapatawa, hindi naman tayo dapat maging malamig, matigas ang puso, at mapagsarili. Ang Espiritu ng Panginoon ay nararapat na manahan sa iyo at ikaw ay magiging gaya ng mabangong bulaklak sa hardin ng Diyos. Palagi ka dapat mangusap ng tungkol sa liwanag, kay Jesus, ang Araw ng Katuwiran, hanggang ikaw ay mabago mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, mula sa karakter tungo sa karakter, at tumutuloy sa kalakasan hanggang sa kalakasan, na higit na inilalarawan ang pinakamahal na wangis ni Jesus.BN 105.5

    Si Cristo ay palaging nakahandang magbigay ng Kanyang mga kayamanan, at dapat nating tipunin ang mga hiyas na nagmumula sa Kanya, para, kapag tayo ay nagsalita, ang mga hiyas na ito ay mahuhulog mula sa ating mga labi.BN 105.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents