Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Buhay ng Pagpipigil ni Daniel, 7 Setyembre

    Ngunit ipinasiya ni Daniel na hindi niya dudungisan ang sarili sa pamamagitan ng bahagi ng pagkaing mulasa hari o ng alak man sa kanyang iniinom. Kaya't kanyang hiniling sa pinuno ng mga eunuko na pahintulutan siyang huwag dungisan ang kanyang sarili. Daniel 1:8BN 163.1

    Ang buhay ni Daniel ay isang inspiradong ilustrasyon kung ano ang binubuo ng isang pinabanal na karakter. Ito ay naghahayag ng aral para sa lahat, at lalo na sa mga kabataan. Ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng Diyos ay nakabubuti sa kalusugan ng katawan at pag-iisip. Upang maabot ang pinakamataas na pamantayan ng pagkakamit na moral at intelektwal, kailangang hanapin ang karunungan at kalakasan mula sa Diyos at magkaroon ng mahigpit na pagpipigil sa lahat ng mga nakasanayan sa buhay. Sa karanasan ni Daniel at ng kanyang mga kasamahan, mayroon tayong halimbawa ng tagumpay ng prinsipyo laban sa panunuksong bigyang hilig ang panlasa. Tmuturo nito sa atin na sa pamamagitan ng mga prinsipyong nelihiyoso ang mga kabataang lalaki ay maaaring magtagumpay sa mga pita ng laman, at manatiling tapat sa mga alituntunin ng Diyos, bagaman kinakailangan ang malaking sakripisyo.BN 163.2

    Si Daniel ay isang matapat na lingkod ng Kataastaasan. Ang kanyang mahabang buhay ay puno ng mga mararangal na gawa ng paglilingkod sa kanyang Panginoon. Ang kadalisayan ng kanyang karakter at hindi mababaling katapatan ay natutumbasan lamang ng kanyang pagpapakumbaba sa puso at ng kanyang pagsisisi sa harapan ng Diyos. Inuulit namin, Ang buhay ni Daniel ay isang inspiradong ilustrasyon ng tunay na pagpapakabanal.BN 163.3

    Saanman sila naroon, silang mga tunay na pinabanal ay magtataas sa pamantayang moral sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga wastong nakasanayang pisikal at, gaya ni Daniel, paglalahad sa iba ng halimbawa ng pagpipigil at pagtanggi sa sarili. . ..BN 163.4

    Gaanong pag-iingat nga ang dapat na ipakita ng mga Cristiano sa pagbabantay sa kanilang mga nakasanayan upang kanilang maingatan ang buong kalakasan ng bawat kakayanan upang madala sa paglilingkod kay Cristo.BN 163.5

    _______________

    Siyang nagpapahalaga sa liwanag na ibinigay sa kanila ng Diyos tungkol sa repormang pangkalusugan ay may mahalagang gawain sa pagpapakabanal sa pamamagitan ng katotohanan at paghahanda para sa buhay na walang hanggan.BN 163.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents