Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang mga Anghel sa Aking Pang-araw-araw na Buhay, 26 Oktubre

    Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa Kanya, at ipinagsasanggalang sila. Awit 34:7BN 212.1

    Sa araw na ito ... ang mga makalangit na tagapagbalita ay dumadaan sa kahabaan at kaluwagan ng kalupaan, na nagsisikap na aliwin ang mga naluiumbay, upang ingatan ang mga nagsisisi, upang makuha ang mga puso ng mga tao para kay Cristo. Hindi natin sila nakikita, gayunman sila ay sumasa atin, gumagabay, nagtuturo, sumasanggalang BN 212.2

    Gumagawa ang mga anghel ng liwanag na ito ng makalangit na impluwensya sa palibot ng kaluluwa, inaangat tayo patungo sa hindi nakikita at sa walang hanggan. Hindi natin nakikita ang kanilang mga anyo sa pamamagitan ng ating likas na paningin; sa pamamagitan lamang ng espirituwal na pangtanaw maaaninag natin ang mga makalangit na bagay. Tanging ang espirituwal na pandinig ang makaririnig sa kagandahan ng mga makalangit na tinig. . . .BN 212.3

    Muli 't muli nakipag-usap ang mga anghel sa mga tao nang gaya sa pakikipag-usap sa isang kaibigan, at pinangunahan sila sa mga ligtas na lugar. Muli 't muli ang mga nagpapasiglang mga pananalita ng mga anghel ay nagpanibagong sigla sa mga nalulumbay na mga espiritu ng mga tapat, at dinadala ang kanilang mga kaisipan sa mga bagay na higit na mataas kaysa mga bagay sa lupa, dinala silang matunghayan sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga mapuputing kasuotan, ang mga putong, mga palma ng tagumpay, na tatanggapin ng mga mananagumpay kapag pumalibot sila sa dakilang puting luklukan.BN 212.4

    Ga wain ng mga anghel ang lumapit sa mga sinusubukan, naghihirap, tinutukso. Gumagawa silang walang kapaguran para sa mga natubos ng kamatayan ni Cristo.BN 212.5

    Palaging naroon ang mga anghel kung saan sila pinakakailangan. Kasama nila Siyang nakipagpunyagi sa mga pinakamahihirap na pakikipaglaban, kasama nila na kailangang makipaglaban sa Iikas na pagkiling, na ang mga kapaligiran ay pinakanakapagpapahina.BN 212.6

    Itinalaga ang mga makalangit na nilalang upang isagawa ang kanilang ministeryo—upang gumabay, magbantay, at pumigil sa mga magiging tagapagmana ng kaligtasan— Ang mga tapat na tanod ay nagbabantay upang pangunahan ang mga kaluluwa sa matuwid na mga landas.BN 212.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents