Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Tahanan Ay Dapat Maging Isang Kanlungan Para sa mga Kabataan, 17 Hulyo

    Ang sinumang tumatanggap sa isa sa mga ganitong bata sa Aking pangalan, Ako ang tinatanggap at ang sinumang tumatanggap sa Akin ay hindi Ako ang tinatanggap, kundi ang nagsugo sa Akin. Mareos 9:37BN 111.1

    Ang ating mga tahanan ay dapat maging kanlungan para sa mga kabataang natutukso. Marami ang nakatayo sa paghihiwalay ng landas. Ang bawat impluwensya, ang bawat kaisipan ay bumubuo sa pagpiling siyang huhugis sa kanilang tadhana dito at doon sa kabilang buhay.BN 111.2

    Huwag mong ihiwalay ang iyong sarili sa mga ito, kundi lumapit ka sa kanila. Dalhin mo sila sa iyong tahanan. Anyayahan mo sila sa dambana ng iyong pamilya. May gawaing kailangang gawin para sa libu-libo. Ang bawat puno sa halamanan ni Satanas ay napupuno ng nakabibighani ngunit may lasong bunga, at ang sumpa ay naghihintay sa bawat isang pipitas at kakain sa mga ito.BN 111.3

    Inaanyayahan sila ng kasamaan. Ang mga lugar nito ay ginawang makinang at kaakit-akit. Tinatanggap nila ang bawat dumadating. Nakapalibot sa atin ang mga kabataang walang tahanan at maraming ang mga tahanan ay walang kapangyarihang tumulong at makapag- angat, at ang kabataan ay natatangay sa kasamaan. Sila ay nahuhulog patungo sa kanilang kapahamakan sa loob mismo ng anino ng ating mga sariling pintuan.BN 111.4

    Ang mga kabataang ito ay nangangailangan ng isang kamay na nakaunat sa kanila na may pagdamay. Ang mga mabubuting salita at maliliit na paglingap ay hahawi sa ulap ng tuksong nagtitipon sa kanilang kaluluwa. Ang tunay na paghahayag ng pagmamalasakit na mula sa langit ay may kapangyarihang buksan ang mga pintuan ng pusong nangangailangan ng samyo ng mga salitang gaya ng kay Cristo at ng payak at maingat na hipo ng espiritu ng pag-ibig ni Cristo. Kung tayo ay magpapakita ng paglingap sa kabataan, aanyayahan sila sa ating mga tahanan, at palilibutan sila ng nakalulugod at nakatutulong na mga impluwensya, marami ang masayang ibabaling ang kanilang mga hakbang tungo sa paitaaas na landas.BN 111.5

    Tandaan ninyong ang kasiyahan ay hindi matatagpuan sa pagkukulong sa loob ng inyong mga sarili, na natutuwa sa pagbubuhos ng lahat ninyong pagtingin sa isa't isa. Kunin ninyo ang bawat pagkakataong magkaroon ng bahagi sa pagpapasaya doon sa mga nakapalibot sa inyo. . . . Ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan lamang sa hindi makasariling paglilingkod.BN 111.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents