Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Si Cristo na Nasa Akin, Pag-asa ng Kaluwalhatian, 24 Oktubre

    Na sa kanila'y minagaling ng Diyos na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito na nasa gitna ng mga Hentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian. Colosas 1:27BN 210.1

    Si Cristo na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian.” Ang kaalaman ng hiwagang ito ay nagbibigay ng susi sa iba pang mga hiwaga. Binubuksan nito sa kaluluwa ang mga kayamanan ng sansinukob, ang mga pagkakataon para sa walang hanggang paglago.BN 210.2

    At natatamo ang paglagong ito sa palaging paghahayag sa atin ng karakter ng Diyos—ang kaluwalhatian at hiwaga ng Kasulatan. Kung posibleng makamit natin ang lubusang pagkaunawa sa Diyos at sa Kanyang Salita, wala na para sa ating nalalabi pang pagtuklas sa katotohanan, wala nang higit pang kaalaman, wala nang higit pang paglago. Hindi na magiging pinakamataas ang Diyos at matitigil ang tao sa pagsulong. Salamat sa Diyos at hindi ganito. Dahil walang hanggan ang Diyos, at nasa Kanya ang lahat ng kayamanan ng kaalaman, maaari tayong palaging nananaliksik, natututo, ngunit hindi pa rin mauubos ang kayamanan ng Kanyang karunungan, ng Kanyang kabutihan, o ng Kanyang kapangyarihan.BN 210.3

    Hayaan mong ang nagsisikap para sa kaligtasan ng Diyos ay magtaglay ng gayunding kalakasan at kasigasigang tataglayin niya sa paghahanap ng kayamanang makasanlibutan, at makakamit ang kanilang layunin....BN 210.4

    Lahat ng nakikibahagi sa Kanyang kaligtasan dito, na umaasang makibahagi sa mga kaluwalhatian ng kahariang darating, ay kaiiangang magtipon kay Cristo. Ang bawat isa ay kailangang makadamang siya ay may kapanagutan para sa sarili niyang kalagayan. . . . Kung ang mga ito ay magpapanatili sa kanilang paglalakbay Cristiano, si Jesus ay magiging pag-asa ng kaluwalhatiang nasa kanila, at matutuwa silang magpahayag ng Kanyang kaluwalhatian upang maginhawahan sila. Ang kapakanan ng kanilang Panginoon ay magiging malapit at mahalaga sa kanila.... Dapat na magpatuloy ang bawat Cristiano mula sa kalakasan tungo sa kalakasan at gamitin ang lahat niyang kapangyarihan para sa Diyos.BN 210.5

    Ang buhay ng tunay na mananampalataya ay nagpapahayag ng Tagapagligtas na nananahan sa kanila. . . . Ang kanyang buong buhay ay isang patunay ng kapangyarihan ng biyaya ni Cristo.BN 210.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents