Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gumawa ng Mabuti sa Araw ng Sabbath, 15 Agosto

    Knya't matuwid na gumaioa ng mabuti sa araw ng Sabbath. Mateo 12:12BN 140.1

    Sang-ayon sa ikaapat na utos, ang Sabbath ay nakatalaga sa kapahingahan at pagsamba. Ang lahat ng makamundong gawain ay ihihinto, ngunit ang mga gawain ng kaawaan at paggawa ng kabutihan ay sang-ayon sa layunin ng Diyos. Hindi dapat sila nalilimitahan sa panahon o sa lugar. Ang pagbibigay kaalwanan sa nagdurusa, ang pagbibigay kaaliwan sa nalulumbay, ay gawain ng pag-ibig, at nakapagbibigay karangalan sa banal na araw ng Diyos.BN 140.2

    Ang mga pangangailangan ng buhay ay kailangang magampanan, ang may sakit ay kailangang maalagaan, ang mga pangangailangan ng mahihirap ay dapat maibigay. Hindi Niya pawawalang-sala iyong nagwawalang-bahala sa pagtulong sa mga nagdurusa sa araw ng Sabbath. Ang banal na araw ng kapahingahan ay ginawa para sa tao, at ang mga gawa ng kahabagan ay sang-ayon sa Kanyang layunin. Hindi nagnanasa ang Diyos na ang Kanyang mga nilalang ay magdusa isa mang oras ng sakit na maaaring magamot sa araw ng Sabbath o anumang araw.. . .BN 140.3

    Ang Sabbath ay hindi itinakdang panahon ng walang saysay na kawalang ginagawa. Ipinagbabawal ng kautusan ang gawaing sekular sa araw ng kapahingahan ng Panginoon. Ang paggawang tumatanggap ng kabuhayan ay dapat tumigil. Walang gawain para sa makasanlibutang kasayahan o pakinabang ang katanggap-tanggap sa araw na iyon. Kung paanong tumigil ang Diyos sa Kanyang paggawa ng paglalang, at namahinga sa araw ng Sabbath at binasbasan ito, gayundin dapat iwan ng tao ang kanyang pang-araw-araw na gawain at italaga ang mga banal na oras sa malusog na kapahingahan, sa pagsamba, at sa mga banal na gawain. Ang gawain ni Cristo sa pagpapagaling sa mga may karamdaman ay sang-ayon sa kautusan. Pinarangalan nito ang Sabbath.BN 140.4

    Ang pagsisikap upang tugunan ang pagdurusa ay kinilala ng ating Tagapagligtas na gawain ng kahabagan at hindi paglabag sa Sabbath.BN 140.5

    Ang mga pangangailangan ng sangkatauhan ay hindi dapat kaligtaan. Ang Tagapagligtas, sa pamamagitan ng Kanyang halimbawa, ay ipinakita sa ating matuwid na pagaanin ang paghihirap sa araw ng Sabbath.BN 140.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents