Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagdalaw sa Isa’t Isa, 22 Hulyo

    Nattg magkagayo'y nag-usap silang natatakot sa Panginoon. Binigyang pansin sila ng Panginoon at pinakinggan, at ang isang aklat ng alaala ay isinulat sa harap Niya, para sa kanila na natakot sa Panginoon at nagpahalaga sa Kanyang pangalan. Sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, isang natatanging kayamanan sa araw na ako'y kumilos. Kaawaan ko sila na gaya ng isang tao na naaawa sa kanyang anak na naglilingkod sa kanya. Malakias 3:16, 17BN 116.1

    Tayo ay may indibidwal na pananagutan sa Diyos, isang indibidwal na gawaing walang ibang makagagawa para sa atin. Ito ay ang gawing higit na mabuti ang sanlibutan sa pamamagitan ng prinsipyo, personal na paggawa, at halimbawa. Habang kailangan nating linangin ang pakikisama, huwag bayaang ito ay para lamang sa paglilibang, kundi para lamang sa isang layunin. Mayroong mga kaluluwang kailangang iligtas... . Ang ating pakikitungo sa kapwa ay dapat magtaglay ng pagtitimpi at pagkamakalangit na pag-iisip. Ang ating pakikipag-usap ay nararapat na nasa makalangit na bagay.BN 116.2

    Ano ang higit na karapat-dapat na pagtuunan ng pag-iisip kaysa panukala ng pagtubos? Ito ay paksang hindi mauubos. Ang pag-ibig ni ]esus, ang kaligtasang iniaalok sa taong nagkasala sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang pag-ibig, ang kabanalan ng puso, ang mahalaga at nakapagliligtas na katotohanan para sa huling araw, ang biyaya ni Jesu-Cristo—ang mga paksang itong maaaring bumuhay sa kaluluwa at maging sanhi para maramdaman ng mga may dalisay na puso ang mga naramdaman ng mg alagad nang si Jesus ay pumarito at naglakad na kasama sila patungong Emaus. Silang nagtuon ng pagmamahal kay Cristo bilang pinakasentro ay magpapahalaga sa ganitong banal na pagsasama at magtitipon ng banal na kalakasan sa pamamagitan ng ganitong pakikitungo. . . . Kung ang katotohanan ng Diyos ay ginagawang nananatiling prinsipyo sa puso, ito ay magiging tulad ng nabubuhay na bukal. Maaaring may magsikap na pigilin ito, ngunit ito ay bubulwak sa ibang lugar. Iyon ay naroon at hindi mapipigilan. Ang katotohanan sa puso ay isang bukal ng buhay. Pinapanariwa nito ang napapagal, sinasaway ang masamang pag-iisip at pananalita, at pinasasagana ang lahat Ang kanilang kasiyahan.. .ay magiging.. .si Jesus at ang Kanyang pag-ibig.BN 116.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents