Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First

    Hayaang Sumama ang mga Bisita sa Pagsamba ng Pamilya, 18 Hulyo

    Ngunit kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos, upang inyong ipahayag ang mga makapangyarihang gaioa Niya na tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa Kanyang kagila-gilalas na liwanag. 1 Pedro 2:9BN 112.1

    Ang ama ang siyang pari ng sambahayan, na iniaalay sa dambana ng pamilya ang hain sa umaga at sa dapithapon. Ngunit ang asawang babae at ang mga anak ay dapat makiisa sa pananalangin at sa awit ng papuri. Sa umaga bago siya umalis upang magtungo sa kanyang gawain para sa araw na iyon, hayaang tipunin ng ama ang kanyang mga anak, at yumuko sa harapan ng Diyos upang italaga sila sa pangangalaga ng Ama sa langit. Kapag nakalipas na ang mga kaabalahan para sa araw na iyon, hayaang magkaisa ang pamilya sa paghahandog ng panalangin ng pagpapasalamat at sa pag-angat ng awit ng papuri sa pagkilala sa banal na pag-iingat sa buong araw. . . . Huwag kang mabibigong tipunin ang iyong pamilya sa palibot ng dambana ng Diyos.BN 112.2

    Sa ating pagsisikap para mabigyan ng kaaliwan at kasiyahan ang ating mga bisita, huwag nating kaligtaan ang ating mga pananagutan sa Diyos. Hindi dapat makalimutan ang oras ng panalangin para sa anumang bagay. Huwag kayong mag-usap at libangin ang inyong mga sarili hanggang sa ang lahat ay masyado nang mapagod na anupa't hindi na ninyo kagigiliwan ang panahon ng debosyon. Ang pagsasagawa ng ganito ay paghahandog sa Diyos ng alay na pilay. Sa unang bahagi ng gabi, kung kailan maaari tayong manalanging hindi nagmamadali at may pag-unawa, kailangan nating ihayag ang ating mga pagsusumamo at itaas ang ating mga tinig sa masaya at mapagpasalamat na papuri.BN 112.3

    Hayaang makita ng lahat na dumadalaw sa mga Cristiano na ang oras ng panalangin ang pinakamahalaga, pinakabanal, at pinakamasayang oras sa buong araw. Ang mga panahon ng debosyong ito ay nagbibigay ng nakabubuti at nakapag-aangat na impluwensya sa lahat ng sumasali sa kanila. Sila ay nagdadala ng kapayapaan at kapahingahan sa mapagpasalamat na espiritu.BN 112.4

    Ang isang ilawan, gaanuman kaliit, kapag pinapanatiling nagniningas, ay maaaring maging daan para mapagningas ang iba pang mga ilawan. . . . Ang mga magagandang pagkakataon ay nasa atin sa pamamagitan ng matapat na paggamit ng mga pagkakataong nasa ating mga tahanan. Kung ating bubuksan ang ating mga puso at mga tahanan sa mga banal na prinsipyo ng buhay, tayo ay magiging daluyan ng mga agos ng nagbibigay-buhay na kapangyarihan. Mula sa ating mga tahanan ay dadaloy ang mga agos ng pagpapagaling, buhay at kagandahan at kasaganahan kung saan ngayon ay mayroon lamang kahungkagan at kamatayan.BN 112.5