Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Katotohanan Ay Nakapagbabago, 18 Setyembre

    O Panginoon, sinong sa lyong tolda ay manunuluyan? Sinong sa lyong banal na burol ay maninirahan? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at mula sa kanyang puso ay nagsasalita ng katotohanan. Awit 15:1, 2BN 174.1

    Kailangan nating maipahayag ang mga prinsipyo ng katotohanan, at pahintulutan ang mga itong kumilos sa mga puso ng mga tao. Gaanuman kadalas nating pitasin ang mga dahon mula sa puno, hindi pa rin ito magiging dahilan para ito ay mamatay. Sa susunod na tagsibol, ang mga dahon ay muling tutubong kasing kapal ng dati. Ngunit hampasin mo ng palakol ang kanyang ugat, at hindi lamang kusang mahuhulog ang kanyang mga dahon, kundi ang puno mismo ay mamamatay. Silang tumatanggap sa katotohanan na may pagpapahalaga rito ay mamamatay sa sanlibutan, at magiging maamo at mapagpakumbaba sa puso gaya ng kanilang banal na Panginoon.BN 174.2

    Kapag ang puso ay naging tama, ang pananamit, ang pananalita, ang buhay ay magiging kasang-ayon sa Salita ng Diyos. Tayong lahat ay nangangailangang ibaba ang ating mga sarili sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos. Nawa ay tulungan Niya tayong itanim nang matibay ang ating mga paa sa mga simulain ng walang hanggang katotohanan.BN 174.3

    Ang impluwensya ng katotohanang nakapagpapabago ay nagpapabanal sa kaluluwa. Minamahal niya ang mga kautusan ng Diyos. Ang kanyang takot at panghuhusga ay nawawala na. Ang pag-ibig ni Cristo, na naihayag sa Kanyang dakilang sakripisyo upang mailigtas ang tao, ay nagpabagsak sa bawat salabid. Ang pag-ibig ng Diyos ay umaagos papasok sa kaluluwa, at ang pasasalamat ay tumutubo sa puso at dinadala ito sa pagsisisi. Napakapayak ng temang ito na anupa't maging mga bata ay makauunawa rito. Ang mga matatalino at may pinag-aralan ay naaakit dito, habang nakikita nila ang kalaliman ng karunungan, pag-ibig, at kapangyarihan na hindi nila kailanman malilirip. Nais nating ipahayag ang mahalagang katotohanan sa mga taong nakagapos sa pagkakasala. Hayaang ang lahat ay makitang si Cristo ay namatay dahil sa kanilang pagsalangsang at nagnanasa Siyang iligtas sila.BN 174.4

    Alalahanin nating may pangangailangan para sa mga pinabanal na mga panulat at mga pinabanal na mga bibig. Kung ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa paraang ikinalulugod ng Diyos, mararanasan natin ang malalim na pagkilos ng Kanyang Espiritu. Marami ang magagawa para sa kanilang hindi pa nakaririnig ng katotohanan.BN 174.5

    Tayo ay dapat na mapuno ng malalim, at nananatiling pandama ng kahalagahan, kabanalan, at kapangyarihan ng katotohanan.BN 174.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents