Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mabuting Pagtanggap, 9 Hulyo

    Maging mapagpatuloi/ kai/o sa isa't isa nang walang bulung- bulungan. Kung paanong ang bawat isa ay tumanggap ng kaloob, ipaglingkod ito sa isa't isa bilang mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos. 1 Pedro 4:9, 10BN 103.1

    Kapag namatay ang espiritu ng mabuting pagtanggap, ang puso ay nagiging masasakitin dahil sa pagkamakasarili. Ang pagiging “mapagpatuloy sa panauhin” ay kabilang sa mga tandang ibinigay ng banal na Espiritu sa isang magtataglay ng responsibilidad sa iglesia. At sa buong iglesia ay ibinibigay ang tagubilin: “Maging mapagpatuloy kayo sa isa't isa na walang bulung- bulungan. ...” 1 Pedro 4:9.BN 103.2

    Ang mga tagubiling ito ay nakakaligtaan. Maging doon sa mga umaangking kay Cristo, ang tunay na mabuting pagtanggap ay napakadalang maisagawa. Sa ating mga kasamahan, ang pagkakataon ng pagpapakita ng mabuting pagtanggap ay hindi pinapahalagahan ng sapat bilang isang pribilehiyo at biyaya. Napakakakaunti ng pakikipagkapwa, ng pag-iisip na bigyang puwang ang dalawa o tatlo sa hapag na walang pagkakapahiya o pagpapakita. Ang iba ay nagsasabing “labis itong nakaaabala.” Hindi ito mangyayari kung sasabihin mong: “Hindi kami nakagawa ng tanging paghahanda, ngunit malugod ka pa ring tinatanggap sa kung anong mayroon kami.” Ang pagtanggap ay higit na pahahalagahan ng hindi inaasahang dalaw kaysa pinakamasusing paghahanda. . . .BN 103.3

    Nag-iingat si Cristo ng tala ng bawat gastusin sa pagtanggap sa bisita na ginawa sa Kanyang ngalan. Ibinibigay Niya ang lahat ng kailangan para sa Kanyang gawain. lyong mga tumatanggap sa kanilang mga kapatiran sa kanilang mga tahanan sa ngalan ni Cristo, na ginagawa ang pinakamabuti upang ang pagdalaw ay maging kapakipakinabang sa kanilang mga bisita at gayundin sa kanila, ay naitatala sa kalangitan na karapat-dapat sa mga natatanging biyaya.BN 103.4

    Sa iyong pagbubukas ng iyong pintuan sa mga nangangailangan at nagdurusang nilalang ni Cristo, tumatanggap ka ng mga hindi nakikitang mga anghel. Inaanyayahan mo ang pagsama ng mga makalangit na nilalang. Nagdadala sila ng banal na impluwensya ng kaligayahan at kapayapaan. Dumarating silang taglay ang papuri sa kanilang mga labi, at ang tumutugong awit ay naririnig sa langit. Ang bawat gawain ng pagkahabag ay nagiging musika doon.BN 103.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents