Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nadadamitan ng Kasuotan ng Katuwiran, 25 Setyembre

    At sa kanya'y ipinagkaloob na magsuot ng pinong lino, makintab at malinis; sapagkat ang pinong lino ay ang matutuwid na gawa ng mga banal. Apoealipsis 19:8BN 181.1

    Ang kasuotang pangkasal. . .ay naglalarawan sa dalisay, walang bahid na karakter na tataglayin ng lahat ng mga tunay na tagasunod ni Cristo. Sa iglesia ito ay ibinigay na “magsuot ng pinong lino, makintab at malinis,” “na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay.” Ang makinis na de-ilo, sang-ayon sa Kasulatan, “ay siyang katuwiran ng mga banal.” Ito ang katuwiran ni Cristo, ang Kanyang sariling walang bahid na karakter, na sa pamamagitan ng pananampalataya ay nabigay sa lahat ng tumatanggap sa Kanya bilang kanilang personal na Tagapagligtas....BN 181.2

    Ang kasuotang ito, na tinahi sa panghabi ng kalangitan, ay wala ni isang hibla ng pag-iisip ng tao. Sa Kanyang pagiging tao, bumuo si Cristo ng sakdal na karakter, at ang karakter na ito ay iniaalok Niyang ipagkaloob sa atin... .BN 181.3

    Kapag ating isinuko ang ating mga sarili kay Cristo, ang puso ay nauugnay sa Kanyang puso, ang kalooban ay nasasama sa Kanyang kalooban, ang pag-iisip ay nagiging kaisa ng Kanyang pag-iisip, ang mga alaala ay nadadala sa pagkaalipin sa Kanya. Isinasakabuhayan natin ang Kanyang buhay. Ito ang kahulugan ng nararamtan ng kasuotan ng Kanyang katuwiran. . . .BN 181.4

    Ang katuwiran ay paggawa ng matuwid, at sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ang lahat ay hahatulan. Ang ating karakter ay nahahayag sa pamamagitan ng ating mga ginagawa.BN 181.5

    Ang mga kabataan at mga maliliit na bata ay dapat na maturuan na piliin para sa kanilang mga sarili iyong marangal na kasuotang tinahi sa panghabi ng kalangitan—ang “pinong lino, makintab at malinis,” na isusuot ng lahat ng mga banal sa lupa. Ang kasuotan na ito, ang walang bahid na karakter ni Cristo, ay malayang ibinibigay sa bawat tao. Ngunit ang lahat ng tatanggap nito ay makapagsusuot nito dito.BN 181.6

    Nadamitan ng maluwalhating kasuotan ng katuwiran ni Cristo, sila ay mayroong lugar sa piging ng Hari. May karapatan silang sumama sa maraming taong nahugasan ng dugo.BN 181.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents