Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Pag-ibig at Katapatan ni Juan, 10 Setyembre

    At ating nalaman at sinampalatayanan ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. 1 ]uan 4:16BN 166.1

    Ang mapagtiwalang pag-ibig at hindi makasariling pagtatalagang nakita sa buhay at karakter ni Juan ay naghahayag ng mga aral na may hindi malirip na kahalagahan sa Cristianong iglesia. Maaaring ipakilala siya ng ilang likas na nagtataglay ng pag-ibig na ito na hiwalay sa banal na biyaya; ngunit taliwas dito, ang taglay ba likas ni Juan ay mga mabigat na kasiraan ng karakter. Siya ay mapagmataas at ambisyoso at mabilis na magalit sa pinakamaliit na pagkakasaling at hinanakit. . . .BN 166.2

    Nais ni Juan na maging katulad ni Jesus, at sa ilalim ng nakapagpapanibagong impluwensya ng pag-ibig ni Cristo, siya ay naging maamo at mapagpakumbabang puso. Ang sarili ay natago kay Jesus. Siya ay naugnay na napakalapit sa Buhay na Puno ng Ubas, at kung magkagayon ay naging kasalo sa banal na likas. Ganito ang laging magiging bunga ng pagkikipag-ugnayan kay Cristo. Ito ang tunay na pagpapakabanal.BN 166.3

    Maaaring may mga hayagang kasiraan sa karakter, ngunit kapag siya ay naging tunay na alagad ni Jesus, ang kapangyarihan ng banal na biyaya ay ginagawa siyang bagong nilalang. Binabago at pinapabanal siya ng pag- ibig ni Cristo. Ngunit kapag inaangkin ng mga tao ang pagiging Cristiano, at hindi sila ginagawang mas mabuting mga lalaki at babae ng kanilang relihiyon sa lahat ng mga ugnayan ng buhay—mga buhay na kinatawan ng pag-iisip at karakter ni Cristo—hindi sila sa Kanya.BN 166.4

    Tinamasa ni Juan ang biyaya ng tunay na pagpapakabanal. Ngunit tandaang hindi inaangkin ng alagad ang kawalang kasalanan. Siya ay umaasam sa kasakdalan sa pamamagitan ng paglakad sa liwanag ng mukha ng Diyos. Pinapatotohanan niyang ang taong nag-aangking nakakakilala sa Diyos, ngunit lumalabag sa banal na kautusan, ay pinapasinungalingan ang kanyang pag-angkin. . . . Samantalang ating iniibig ang mga kaluluwang tinubos ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, at nagsisikap para sa kanilang kaligtasan, hindi tayo dapat nakikipagkompromiso sa kasalanan. Hindi tayo dapatmakiisa sa mga mapanghimagsik, at tawagin itong pagmamahal. Hinihingi ng Diyos na ang Kanyang bayan sa kapanahunang ito ay tumayo, kagaya ni Juan noong kapanahunan niya, na hindi natitinag para sa katotohanan, na nakikilaban sa mga kamaliang nakakasira ng kaluluwa.BN 166.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents