Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang mga Anghel Ay Sumasama sa Akin sa Pangangaral, 27 Oktubre

    Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan? Hebreo 1:14BN 213.1

    Ang nakagagalak na mensahe ng Hebreo 1:14 ay para sa lahat. Nakamamanghang pagpapalakas ng loob ang buong kabanata para sa bawat kaluluwang sinusubok at tinutukso. “Ngunit kanino sa mga anghel sinabi Niya kailanman, ‘Lumuklok ka sa Aking kanan, hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin Kong tungtungan ng iyong mga paa? Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?” Bumababa ang mga mensaheng ito sa ating kapanahunan, sa kanilang magiging tagapagmana ng kaligtasan. Totoong dumarating ang mga anghel sa ating sanlibutan. At hindi rin sila laging hindi nakikita. Nilalambungan nila minsan ang kanilang malaanghel na hitsura, at nagpapakitang parang mga tao, nakikipag-usap sila at nagbibigay liwanag sa mga tao....BN 213.2

    Habang nasa libis ng pagpapasya ang ilan, nakikiisa ang mga anghel sa mga tunay at buong-pusong mga lingkod ni Cristo upang tulungan ang mga nangangailangang mga kaluluwang ito.BN 213.3

    Kung kinuha ng mga anghel ang lugar ng tao sa pamamahala sa ebanghelyo wala sanang buong mga rehiyong maiiwan sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Ang gawain ay magiging katulad ng pagkakalarawan sa anghel na lumilipad sa gitna ng kalangitan na ipinapahayag ang walang hanggang ebanghelyo sa kanilang mga nananahan sa lupa. Ngunit hindi gumagawa ang Panginoon kung wala ang pakikipagtulungan ng tao. Kung maisasatinig lamang ang matinding pagmamalasakit ng mga anghel para sa tao, maririnig ang tinig na iyon ng bawat tao, anong mga pagsusumamo ang maririnig sa mga salitang nag-aalab sa pagnanasang maipahiwatig sa iba ang ninanasang maipahiwatig sa kanila ng langit.BN 213.4

    Naipakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maging kabahagi kasama Niya sa gawain ng kaligtasan. Ang Iahat ng tumanggap ng makalangit na inspirasyon ay ginagawang katiwala ng ebanghelyo. “Sapagkat tayo'y mga kamanggagawa ng Diyos,” na tinawagang ipangatawan Siya bilang mga sugo ng pag-ibig. Kailangang makipagtulungan tayo sa gawain ng mga kinatawan ng kalangitan.. . .BN 213.5

    Sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anel, nagpapadala ang Diyos ng liwanag sa Kanyang bayan, at sa pamamagitan ng Kanyang bayan maibibigay ang liwanag sa sanlibutan.BN 213.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents