Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Maalalahanin sa Kapwa 8 Hulyo

    Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip. 1 Pedro 3:8BN 102.1

    Ang dakilang alagad na si Pablo ay matibay kung saan nakataya ang tungkulin at prinsipyo. May katapangan niyang ipinangaral si Cristo; ngunit kailanman ay hindi siya naging mabagsik at walang-galang. Mayroon siyang magiliw na puso, at palaging mabait at maalalahanin sa kapwa. Ang paggalang ay tatak ng kanyang karakter, at ito ay nagbigay sa kanya ng daan sa higit na nakatataas na antas ng lipunan BN 102.2

    Siya ay masigasig para sa katotohanan, matapang sa pagpapahayag kay Cristo; subalit ang mabuting asal na biyaya ng tunay na paggalang ay hayag sa lahat ng kanyang pagkilos....BN 102.3

    Naengganyo kay Pablo ang mga maiinit na mga damdamin saanman siya nagtungo. Ang kanyang kaluluwa ay naugnay sa mga kaluluwa ng kanyang mga kapatid. Nang mawalay siya sa kanila, na tinitiyak sa kanilang hindi na nila masisilayan ang kanyang mukha, sila ay napuno ng kalungkutan, at nagsumamo sa kanyang manatili pa sa kanilang piling na anupa't binigkas niyang, “Anong ginagawa ninyo, nag- iiyakan kayo at dinudurog ang aking puso?” Ang kanyang mahabaging puso ay nadudurog habang kanyang namamasdan at nararamdaman ang kanilang pagdadalamhati sa huling paghihiwalay na ito. Minahal nila siya, at iniisip na hindi nila kayang isuko siya. Sinong Cristiano ang hindi hahanga sa karakter ni Pablo? Kasing tibay ng bato kapag tumatayo sa pagtatanggol sa katotohanan, ngunit matimyas at maamo kapag napapalibutan ng kanyang mga kaibigan....BN 102.4

    Ang mga mananampalatayang pinakakagaya ni Cristo ay iyong pinakamabuti, maawain, at magalang; ang kanilang mga paninindigan ay matibay at ang kanilang karakter ay malakas; Walang anumang makapagpapaliko sa kanila mula sa kanilang pananampalataya o maaaring umakit sa kanilang humiwalay sa kanilang tungkulin.BN 102.5

    Ang isang Cristiano ay maglilinang ng isang maamo at tahimik na espiritu. Siya ay magiging mapayapa, may konsiderasyon sa kapwa at masayahin na anupa't hindi siya gagawing magagalitin ng karamdaman o magagambala ng masamang panahon o kalagayan. . . . Ang mga anak ng Diyos ay hindi nakalilimot na gumawa ng mabuti. . . . Ang mabubuting gawa ay kusang-loob sa kanila dahil binago ng Diyos ang kanilang mga likas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.BN 102.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents