Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Aking Bantay na Anghel, 25 Oktubre

    Sapagkat Siya'y magbibilin sa Kanyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Awit 91:11BN 211.1

    Ang isang bantay na anghel ay natalaga sa bawat tagasunod ni Cristo. Iniingatan ng mga makalangit na bantay na ito ang mga matuwid mula sa kapangyarihan ng kasamaan. Ito ay nakikilala ni Satanas mismo nang sinabi niyang, “Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Diyos? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kanyang sambahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik sa bawat dako?” Ang ahensyang ginagamit ng Diyos upang ingatan ang Kanyang bayan ay nahayag sa mga salita ng mang-aawit, “Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa Kanya.”BN 211.2

    Nakita ko ang matimyas na pagmamahal na taglay ng Diyos para sa Kanyang bayan, at napakadakila nito. Nakita ko ang mga anghel na nasa ibabaw ng mga banal na nakaunat ang kanilang mga pakpak sa palibot nila. May nagbabantay na anghel sa bawat isang banal. Kapag lumuha ang mga banal sa kawalang pag-asa, o kaya ay nasa panganib, ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay mabilis na lilipad pataas upang dalhin ang balita, at titigil sa pag-awit ang mga anghel sa lunsod.... Dadalhin nila ang balita pataas, at luluha ang lahat ng mga anghel sa lunsod, at pagkatapos ay magsasabing may malakas na tinig na, “Amen.” Ngunit kapag tumingin ang mga banal sa gantimpalang nasa kanilang harapan, at lumuwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagpuri sa Kanya, kung magkagayon ay dadalhin ng mga anghel ang mabuting balita sa lunsod, at hahaplos ang mga anghel sa lunsod sa kanilang mga ginintuang alpa at aawit na may malakas na tinig na, “Alleluia!” at ang mga makalangit na balantok ay kakalansing kasama ng kanilang mga magagandang awit.BN 211.3

    Itinalaga ang Kanyang mga anghel upang magbantay sa atin, at kapag inilagay natin ang ating mga sarili sa kanilang pagbabantay, kung magkagayon sa bawat panahon ng panganib sila ay mapapasa ating kanan. Kapag tayo ay nasa panganib ng pagbibigay ng maling impluwensyang hindi natin nalalaman, ang mga anghel ay mapapasa ating tabi na inuudyukan tayo sa higit na mabuting landas, na pinipili para sa atin, at iniimpluwensyahan ang ating mga pagkilos. Kung magkagayon magiging tahimik at hindi namamalayan ang ating impluwensya, ngunit ito ay may malakas na kapangyarihan sa pagdadala ng iba kay Cristo at sa makalangit na daigdig.BN 211.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents